Share

CHAPTER 2

RAVEN'S POV

"Okay na ba 'to Ash?" Pagkasuot ko palang ng red dress na ito hindi na ako mapakali, although sanay naman na ako sa mga revealing clothes dahil sa ilang taon kong paninirahan sa ibang bansa, hindi ko parin mapigilang mailang lalo na sa mga taong nagtitinginan.

Napalingon naman sa akin si Ash na nakaupo sa couch at nagbabasa ng magazine. Napatayo ito habang mabagal na pumapalakpak at nakaawang ang bibig.

" What a nice body you've got there, Rave. Anong sekreto mo?" parang manghang-mangha ito sa nakikita at talagang inikutan pa ako. Inirapan ko naman ito at lumapit sa sales lady para mabayaran na ang suot ko.

" Pero walang halong biro bes, ang ganda-ganda mo talaga. Sure akong marami na namang mahuhumaling sa iyo sa bar."

yo'n nga ang nangyari, dahil pagbaba palang namin ni Ash sa kotse, agad nang napalingon ang mga taong papasok palang sa entrance ng bar. Hindi ko naman sila binigyan nang pansin at sumabay na lang kay Ash sa paglalakad.

7:00 pm palang ng gabi pero madami na agad tao sa loob ng bar, makikita mo ang nakakasilaw na pagpapalit-palit ng ilaw at ang mga taong tinamaan na ng alak sa dance floor.

Naghanap lang kami ni Ash ng couch na available at nagtawag ng waiter at nag-order ng whiskey. Nilibot ko pa ang tingin ko na parang first time ko lang makapunta dito, which is true dahil ang last na punta ko sa bar ay no'ng na sa ibang bansa pa ako, at hindi ko inaasahan ang kaibahan nito sa Pilipinas. Doon kasi may private room para sa mga nag-me-make out, pero dito kahit saan ka lang abutan doon mo nalang gagawin ang kababalaghan.

Napangiwi ako sa babaeng halos hubad na at nakakandong sa isang lalaking mukhang may edad na. Napatingin pa sa akin ang matandang lalaki at ngumisi, kinikilabutan naman akong umiwas nang tingin dito at bumaling kay Ash na pumapapak ng pulutang unang inihatid ng waiter.

Napatingin naman sa akin ito ng mapansin ang reaksyon ko.

" Problema mo?" Nginitian ko naman ito at pasimpleng lumingon sa tinitignan ko kanina, napansin naman ni Ashley 'yon kaya bumuntong hininga siya at pinagpagan ang kamay. Tumayo si Ashley at huli na para mapigilan ko ito dahil agad na siyang nakalapit do'n sa naglalampungang matanda at dalaga.

May sinasabi ito sa matanda na hindi abot ng pandinig ko, pero kita ko ang pag-galaw ng bibig nito at ang pagbabago nang mukha ng matanda.

Malaki ang ngiting bumalik si Ashley sa pwesto namin at sakto rin ang pagdating ng inorder naming whiskey. Nakataas kilay ko namang pinagmasdan si Ashley habang inaabot ng waiter sa'kin yo'ng order ko.

"Don't look at me like that bes, wala akong ginagawang masama." saad nito ng hindi na makatiis. Napangisi naman ako, so...napansin niya? hindi naman pala manhid 'tong kaibigan ko.

"Anong sinabi mo do'n sa matanda at gano'n nalang ang naging reaksyon no'n?" Natawa naman ito nang maalala ang sinasabi ko.

"ah... I just threatened him, na kung may binabalak s'yang masama sa'yo wag niya ng ituloy, kasi sisiguraduhin kong mawawalan siya ng kinabukasan at hindi na papapasukin dito." nagtaka naman ako sa tinuran nito.

"Hindi papapasukin? bakit ikaw ba may-ari nitong bar?" Natatawa kong sambit dito, pero tinignan lang ako nito ng seryoso.

"Oo, isa ako sa may-ari nito." Napaawang ang bibig ko sa rebelasyon ni Ashley.

"So...hindi mo kailangan mag-alala kung may biglang manghihila sa'yo dito dahil kargado kita. Pwera na lang kung ikaw na mismo ang sumama" Tumawa pa ito ng malakas bago nilagok ang hawak nitong whiskey. Kahit ako napalagok din sa hawak kong inumin dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ni Ashley o mas lalong kakabahan.

30 minutes na rin siguro kaming umiinom at ramdam ko na ang pagkahilo.

"Are you still a virgin ma'friend?" saad ni Ashley na halatado na ang pagkalasing. Natatawa ko naman itong sinagot, siguro dala na rin ng kalasingan kaya pinatulan ko 'to.

"What do you think of me? kahit med'yo nagtagal kami ni Jonathan, hindi ko naisipang ibigay sa kanya ang pagkababae ko."

"totoo? kahit no'ng nasa ibang bansa ka pa wala talaga?" naiiling naman akong sumagot dito at tinungga ang whiskey.

" Hindi sumagi sa isip ko 'yan bes, trabaho at pag-aaral lang ang inaatupag ko. At minsan lang din ako mapadpad sa bar pag-gusto ko lang maglabas ng stress." sagot ko dito.

"Then let's have fun! I'll make sure that you will have a fantastic night." agad naman akong Hinila ni Ashley papuntang dance floor. Napangiti nalang ako, I love this kind of feeling, yo'ng tipong lalayo ka muna sa mga bagay na nakakapag-stress sa'yo.

Pagkarating sa dance floor agad kaming pinalibutan ng kung sino-sino at isinayaw. Hindi ko na rin maaninag si Ashley dahil sa paghila sa kanya ng iba. Wala akong magawa dahil nahila na rin ako ng isang lalaking mukha namang desente.

"Hi, Im Kairo. You look beautiful tonight love." Napangiti naman ako sa tinuran nito at hindi na lamang pinansin ang pagtawag sa akin ng 'love'.

Agad kong ikinawit ang braso sa leeg ni Kairo at ito naman ay kumapit sa beywang ko. Dahil sa medyo maharot ang music at sa espiritu ng alak sa'kin, ay maharot din akong sumayaw, iginiling ko ang balakang at idinikit sa kanya ang aking dibdib, hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin at unti-unting bumaba ang kamay ko papunta sa dibdib nito. Hindi ko na rin nabigyan nang pansin ang kamay Kairo na bumababa sa pang-upo ko.

Hindi na ako nakapalag nang may biglang malakas na humatak sa akin palayo kay Kairo. Nang aninagin ko ito, hindi ko siya masyadong mamukhaan dahil sa pagkahilo at halo-halong kulay ng ilaw.

Sinubukan ko pang mag-pumiglas pero humigpit lang ang hawak nito sa beywang ko. Lumapit kami kay Ashley na may kasayaw rin na lalaki.

" I'll take her." sabi nito sa malamig na boses. Saglit na napatulala si Ashley at sandalian akong pinagmasdan bago tumango sa sinasabi nito.

Agad na nagsisitabi ang mga tao sa pagdaan namin palabas ng bar. May naririnig pa akong hiyaw ng isang lalaki sa hindi malamang dahilan.

Pagkalabas ng bar agad ako nitong ipinasok sa sasakyan niya at kinabitan ng seatbelt, ang lalaking estranghero naman ay lumipat sa driver seat at pinaandar ang sasakyan.

Ilang minuto rin akong natahimik dahil sa pangyayari bago nagreklamo.

"Who are you? Where are we going? What do you need?" sunod sunod na tanong ko dito habang inaalog ang braso niya.

" Shut up! Can't you see that I'am driving?" sabi nito at iniwiksi ang kamay ko. Hindi na ako sumagot at sumandal na lamang sa bintana at pumikit.

" What's your address?" hindi ko naman ito inimikan at nanatiling nakapikit. Hindi ko magawang maibuka ang bibig at baka bigla na lang ako masuka.

"Hey!" Binuksan ko ng kaunti ang mata ko at tinignan siya.

"Just drop me at a nearby hotel. I can handle myself." hindi na muli itong sumagot at nag-focus nalang sa pag-da-drive.

Ilang minutong byahe nang magising ako sa pag-aalalay niya palabas ng sasakyan. Pinagmasdan ko ang paligid at nakita ang isang puting mansyon at may brown na gate.

Pinagbuksan kami ng isang matandang hindi ko rin maaninag ang mukha at aalalay sana sa akin kung hindi lang siya pinigilan nitong lalaki.

"Jusmiyo! sino itong babaeng inuwi mo Duke?" nahihindik na saad ng ginang. Duke? ito ba 'yong pangalan ng lalaki?.

"She's my wife manang, don't worry."

" M-may asawa kana? kailan pa?" kaya nga! kailan pa ako nagkaasawa? sa pagkakaalam ko ex-boyfriend meron, pero asawa wala. Nauntog ba 'yong ulo ko at wala akong matandaan?

"What the f*ck-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng agad ako nitong binuhat papuntang kwarto sa taas.

Agad ako nitong inilapag sa malambot na kama. Saglit itong nawala at pagbalik, nakapamalit na ito ng damit. Binalak ko pa ang bumangon pero muntik na akong matumba, buti nalang at naalalayan ako nito.

" Be careful..." Inayos nito ang pagkakahiga sa'kin, kaya amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga. At hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at ikinawit ko ang braso ko sa leeg niya at hinalikan siya.

Nagulat naman ito sa ginawa ko, pero agad din namang tumugon. Humilay siya sandali at bumaba ang halik sa pisngi at panga ko. I moan at his kisses.

"I'm sorry...for my son, I'll take full responsibility." Bulong nito, kahit hindi na malinaw sa'kin ang mga pangyayari.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status