Share

Chapter 5

ELLE'S POV

Maaga akong nagising at nagluluto ako ngayon ng umagahan namin.Napagalaman ko kay Paul na favorite ni Aiden yung carbonara kaya gumawa ako.Favorite ko rin 'to kaya alam kong gawin.Actually eto nga lang ata yung matino kong nailuluto eh.

Nagluluto na ko ng sauce ngayon dahil natapos ko na yung pasta.Alas singko pa lang ng umaga ngayon at alive na alive yung diwa ko sa pagluluto.Naka pagdesisyon na rin kasi ako na pumayag sa gustong mangyari ni Paul.Naawa rin kasi ako kay Aiden at bilang mabait at magandang tigre ay gagawin ko ang lahat nang pagpapanggap para lang sumaya s'ya.

Totoo yung mga kinikilos ko kay Aiden pero syempre yung as her real Mother talaga, parang malabong magampanan ko talaga yun.Eh, bala na. "Aga mo namang magising." Saad ng nasa likod ko kaya nagulat ako.Napatingin ako sa kan'ya at kasalukuyan s'yang nagpupunas ng basa n'yang buhok.Ehem...gwapo n'ya.

"A-Anong oras pasok mo?" Tanong ko at ibinaling ang sarili sa niluluto ko.Ba't ba ko nauutal sino ba yang kausap mo, 'di naman artista yan para mautal ka.

"8 am." Tipid n'yang sagot bago agawin sa'kin yung spatula.Binigay n'ya sa'kin yung towel na pinang punas n'ya sa ulo n'ya kapalit nung sandok na hawak ko.

"Angas mo talaga ah." Sarkastiko kong saad na ikinangisi n'ya naman.Naiinis ako sa ngisi n'ya promise.Totoo naman na sobrang gwapo n'ya paring ngumisi pero nabubwisit talaga ako bakit ba.

"I'm Paul Ahn, maangas talaga ako." Saad n'ya habang hinahalo yung sauce.Nilagay n'ya na rin yung mushroom na hiniwa ko kankna at yung iba pang ingredients.

"Napasok na ba si Aiden sa school?" Tanong ko habang tinitignan yung ginagawa n'ya.Inferness magaling nga s'ya mag luto.S'ya yung nagluto ng dinner namin kagabi at aaminin ko masarap s'ya.Ha?I mean yung pagkain na niluto n'ya.Yes.Oo.

"Yeah, he's a kindergarten student.Next year ay Grade 1 na s'ya" Saad n'ya bago i-angat yung kamay n'ya at bigla biglang binuksan yung kabinet.Napayuko naman ako at dali dali s'yang hinampas.

"Why?" Natatawa n'yang tanong sabay kuha ng kung ano mang kinuha n'ya dun sa cabinet na binuksan n'ya.Napayuko naman ulit ako ng isara n'ya yun kaya nakatanggap nanaman s'ya ng masamang tingin muna sa'kin.

"Feeling mo masyado, 'di ka naman madadali nan." Saad n'ya bago binukas sara yung cabinet.Hinampas ko ulit s'ya at kita ko naman s'yang natawa.Napatigil ako sa pagtingin sa kan'ya ng masama kasi ngayon ko lang narealize na natawa s'ya.

"Ang saya mo naman masyado sa'kin." Ngisi kong saad sa kan'ya na ikinatigil n'ya sa pagtawa.Sarap neto pagtripan pero h'wag na lang baka bumalik sa'kin yung trip ko.

"Shut up, gisingin mo na si Aiden.May pasok pa s'ya.." Saad n'ya bago patayin yung kalan.Talo ka pala eh.

『••✎••』

Nandito na 'ko sa kwarto ni Aiden at kasalukuyang pinagtitripan yung buhok n'ya.Kakagising n'ya lang at pinupuyudan ko s'ya ng apple style na hair.Cute cute n'ya.After ko s'yang puyudan ay ngumiti s'ya sa'kin.Kinikilig ako ang cute ng baby ko.

"Cute mo, baby!" Saad ko bago i-kiss yung pisnge n'ya.Nanggigigil ako sa pisnge n'ya ang sarap pisilin grrr.

"Where's Daddy po pala?" Tanong n'ya sa'kin kaya napagplanuhan ko ng lumabas kami ng kwarto. "Nasa baba si Daddy." Sagot ko sa kan'ya ng nakangiti.Cute talaga neto.

"Good morning, Daddy!" Sinalubong ni Aiden ng yakap ang Daddy n'ya nang makapunta kami rito sa kusina.Inayos n'ya na rin pala yung lamesa nung ginigising ko si Aiden, that's nice.Maaasahan 'to promise.

"Good morning, honey!" Nakangiting bati ni Paul sa anak n'ya at kinarga 'to.'Di ko narealize na nakangiti na pala ako habang pinapanood sila.Ang cute kasi nila ih...I mean ang cute ni Aiden.Si Aiden lang.

"Who did this?Mommy?" Tanong ni Paul kay Aiden habang pinagmamasdan yung buhok ni Aiden.Syempre sino pa ba?Ang maganda, sexy, mabait, matapang na si Elle lang naman ang gumawa nan.

"Yes po!It looks cute po 'diba?" Tanong ni Aiden na ikinatango naman ni Paul. "Mommy!" Tawag sa'kin ni Aiden.Oo, self proclaimed na ko na Mommy n'ya.

"Can you do this apple hair to Daddy?" Tanong ni Aiden habang tinuturo yung buhok ng Daddy n'ya.Tuyo na 'yon, hindi gaya ng kanina na basa pa. "No, Aiden.Let's eat first." Tanggi ng Ama n'ya na ikina-nguso ng bata.

"Sure!Gawin natin kay Daddy 'yan." Saad ko na ikinangiti ni Aiden.Apak neto eh, ayaw pagbigyan yung bata kala ko ba make him the happiest kid in the world?Sabunutan kita eh.

"Yehey!You're the best, Mommy!" Nakangiting saad ni Aiden bago mag thumbs up sa'kin.

Bumaba si Aiden sa pagkakakarga ni Paul.Pinaupo ni Aiden yung Daddy n'ya at may iniabot sa'king pampuyod.Boy Scout ba 'tong batang 'to?

"Since Daddy is too tall, pinaupo ko na lang po s'ya para 'di ka po mahirapan." Saad ni Aiden na ikinangiti ko sa kan'ya.

"Buti pa ang baby ko inaalala si Mommy, YUNG ISA KASI JAN WALANG KUSA." Pagpaparinig ko kay Paul sabay ngiti sa kan'ya ng sarkastiko.Inirapan n'ya naman ako pero ngumiti rin agad nung nakita n'yang nakatingin sa kan'ya si Aiden.Now, I know kung sino ang magpapahindi sayo.

Lumapit at kay Paul at pinuyudan s'ya nung kagaya kay Aiden.Tinignan ko s'ya at ipinalingon sa'kin para makita ko.Napatingin s'ya sa mata ko at ganun rin naman ako. "Panget mo." I mouthed at him at nagulat ako bigla n'yang hapitin yung bewan ko at inilapit sa kan'ya.

"Mas panget ka.H'wag kang papatalo." Bulong n'ya sa'kin sabay peke na ngumiti kasi alam n'ya na nakatingin sa'min si Aiden. "You look cute together po, hihi" Kinikilig na saad ni Aiden sabay singit sa gitna namin. "Let's eat na po, later na lang po kayo mag landian" Saad ni Aiden sabay hila sa'kin paupo.

Nanlaki yung mata ko dahil sa sinabi n'ya.Pano n'ya nalaman yung word na landian??? Tinignan ko si Paul at pinandilatan ng mata.Inirapan n'ya lang ako kaya inirapan ko rin s'ya.Kung ano-ano tinuturo mo sa anak mo!Grrr.

『••✎••』

Mag 7:30am na ng umaga kaya naka ready na yung Mag-ama.Nakaayos na rin ako kasi ihahatid namin si Aiden sa school n'ya.Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa sasakyan ni Paul.Wala kaming kapit-bahay o ano basta ang masasabi ko lang ay mesdyo malayo kami sa mga ma-taong lugar.Ewan ko rin kung bakit dito naisipan ni Paul ipatayo bahay nila pero not bad na rin.

"After ng work ni Daddy let's go po sa Mall!" Aya ni Aiden na ikinaubo naman bigla ni Paul.Nasa passenger seat ako habang si Aiden naman ay naka seatbelt sa backseat.

"Sure, Baby." Ako na lang yung sumagot kasi parang walang balak 'tong isa.Feel ko nga gagabihin s'ya ng uwi kasi 'di n'ya sinagot si Aiden.

Nakarating na kami sa school ni Aiden at inihatid namin s'ya sa gate ng school.Since kindergarten lang sila ay may nag eescort sa mga students papasok ng mga classrooms nila.Hanggang gate lang rin mga visitors and parents para safe yung mga bata sa loob.

After makapasok ni Aiden ay agad kaming bumalik sa sasakyan.Dumako yung tingin ko sa kan'ya ng mapansin kong nakatingin lang s'ya sa'kin at parang may gusto s'yang sabihin.

"Ba't?"

"Batman." Sagot n'ya kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.Wala na talaga s'yang sinabi na matino promise.

"Have you made up your mind?" Tanong n'ya bigla sabay paandar ng sasakyan.Nakatingin parin ako sa kan'ya at hindi ko alam kung sasagutin ko ba s'ya o ano dahil binara n'ya ko kanina.

"Oo." Maikli kong sagot bago tumingin sa kalsada na tinatahak namin. "Mmm..I see." Saad n'ya at ewan pero bakit bahid sa boses n'ya yung kaba.O nagdedelusyon lang ako?

"Pumapayag na 'ko." Sagot ko na ikinatingin n'ya sa'kin bago tumingin ulit sa daanan. "Well, sino bang hindi papayag kung gan'to kagwapo makakasama mo sa bahay ng ilang buwan." Mahangin n'yang saad kaya hinampas ko s'ya.

"Nagbago na pala isip ko." Biro kong saad na ikinasama n'ya ng tingin sa'kin. "Ibabangga ko 'tong sasakyan tamo." Panakot n'ya kaya nakatanggap nanaman s'ya ng solid na hampas mula sa'kin.

"Gagong 'to, mandadamay pa sa katangahan n'ya" Saad ko sabay irap sa kan'ya.

"Do you want to come with me?" Tanong n'ya na ikinataka 'ko. "San?" Tanong 'ko sa kan'ya.Nagkaroon ng katahimikan dito sa loob ng sasakyan.Kingina naman neto paimportante eh.

"Ano?Ang bagal neto eh, feeling importante eh." Reklamo ko sa kan'ya.

"Syempre, importante kaya mga gwapo sa mundo." Mahangin n'ya nanamang saad.I mean oo gwapo ka pero h'wag namang masyadong self proclaimed nakakayamot eh.

"Ulol, nu ka Gold?"

"Yes, but the rarest one." Mahangin n'ya muling saad.Gusto ko na talaga tampalin bibig n'ya, puro kahanginan lumalabas.

"Ano, gumusto mo bang sumama sa'kin?" Tanong n'ya ulit na ikinairap ko.

"Sa'n nga kasi." Irita kong tanong.Ba't feel ko enjoy na enjoy n'ya yung pambubwisit sa'kin?

"At my work place." Sagot n'ya.Work place?Luh munsira.Edi mag mumukha nanaman akong mayabang nan?

"Nah, okay na 'ko sa bahay.Umuwi ka na lang ng maaga." Saad ko sabay tingin sa kan'ya.Nagsisi akong tumingin kasi nakita ko s'yang nakangisi.Nabwisit nanaman ako.

" 'Di pa nga 'ko naalis miss mo na agad ako?Don't be like that, baka ma-fall ka." Mahangin nanaman n'yang saad.'Di lang pala mahangin 'to, malandi rin pala.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status