Share

Chapter 7

Dalawang linggo na ang nakakaraan simula ng tumira ako sa bahay na 'to.Mas naging close sa'kin si Aiden at mas nalaman ko kung ano ang mga gusto n'ya at ayaw n'ya.

Habang yung Daddy n'ya naman, uhmm.Pano ko ba i-lalarawan?Kung dati ay mas malamig pa s'ya sa yelo ngayon ay mas malamig naman s'ya kesa sa North Pole.

Madalas kaming magtalo pero mas madalas kaming 'di mag pansinan at mag kita.Sobrang busy n'ya sa trabaho n'ya at halos madaling araw na s'yang nakakauwi tapos mag tatrabaho kinabukasan ng umaga.Kaya kulang na lang mag stay na lang s'ya dun sa work place n'ya para 'di na s'ya mahirapan kakapabalik balik.

"Mommy." Malungkot na tawag sa'kin ni Aiden.Umupo s'ya sa lap ko habang naka nguso.

"Nasa work parin po ba si Daddy?I really miss him." Dahil nga busy masyado Tatay n'ya eh halos 'di narin sila mag kita.Halata namang miss na miss n'ya na Daddy n'ya.

"Medyo busy kasi si Daddy mo, Baby.Don't worry pag 'di na s'ya busy makakasama mo na ulit s'ya, okay?" Saad ko sa kan'ya ng naka ngiti.Sobrang curious ako sa trabaho ni Paul.Ba't s'ya ginagabi at bakit sobrang busy n'ya.CEO kaya s'ya?'Di malabo dahil sa bahay, kotse, at maging ang pormahan n'ya.

"I know naman po na he's busy being an actor pero I really miss him na po talaga." Saad ni Aiden na ikina bingi ko ng panandalian.

Ha?Anong sabi n'ya?Actor?Sino?

"A-Actor?" Paniniguradong tanong 'ko.There's no way na mag sinungaling 'tong batang 'to diba.

" 'Di mo po alam?" Tanong n'ya sabay alis sa lap ko.Nagtaka ako sa ginagawa n'ya dahil bigla n'yang binuksan yung Tv at ipinunta sa n*****x.May sinerch s'ya pero di ko maintindihan kasi naka korean character.

Ha?Korean Character?Naka hanggul?Teka...so korean sila?No wonder naman na korean sila kasi halata naman pero ewan ang tanga ko na ata masyado kasi na shook pa 'ko.

"Main lead po si Daddy dito." Saad n'ya kaya napatingin ako sa pinindot n'ya.Nakita ko yung pic at nandun nga ang mukha ng Daddy n'ya.Main lead?Gago edi sikat pala ang mokong?

"They uploaded 2 new episodes, they're still filming parin po eh." Saad n'ya kaya napahawak agad ako sa cp ko at ipinadpad agad sa g****e.Sinerch ko ang name ni Paul at nagulat ako sa tumambad sa'kin.

Paul Ahn, is a Canadian actor and singer based in South Korea. He gained recognition for his main roles in the Korean dramas blah blah blah....

Yan yung nabasa ko at nakita ko rin yung mga pictures n'ya.Inferness gwapo nya nga talaga.Pero aaminin ko mas gwapo s'ya sa personal...lalo na pag close up.

Pero ba't parang 'di naman s'ya cold tignan sa mga pictures n'ya.Maging dito sa mga thumbnail ng mga interviews n'ya.O sa'kin lang s'ya ganto?Haha sakit ko pre ah.

"Mommy, I'm sleepy." Saad ni Aiden kaya napatingin agad ako sa kan'ya.Pinatay ko na yung cp ko at ibinagsak sa sofa.

"Okay, let's sleep na." Saad ko sabay hawak sa kamay n'ya.Umakyat na kami sa taas at pumasok sa kwarto n'ya.Pinatulog ko na rin s'ya at ng makatulog s'ya ay 'di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa mukha n'ya.

How come na may anak na s'ya?Pa'no n'ya ko nagawang ipasok sa pamamahay n'ya without knowing about me?Tapos pinakilala n'ya pa ko sa anak n'ya na ako ang Nanay neto?

What's on his mind?Pa'no 'di nag blow sa internet yung about sa'min?I mean mukha naman s'yang sobrang sikat.Well sa bagay, bukod sa mga tao sa school ni Aiden ay yung family ko lang naman ang nakakaalam.

Shit oo nga pala, 'di pa nga pala alam nila Mama yung about kay Aiden.So ano naman?Three months ka lang naman dito at nag papanggap ka lang naman.

Naisipan ko ng lumabas ng kwarto ni Aiden after kong masigurado na safe s'ya sa kwarto at mahimbing s'yang natutulog.Pumunta ako rito sa sala upang mag isip ng kung ano-ano.

" 'Di parin ako makapaniwala na actor yung kumag na yun." Bulong ko.Napatingin ako bigla sa tv na nakabukas pa pala at mukhang kanina pa nag pa-play yung kdrama.

Sakto talaga sa kissing scene ah nakakahiya naman po.Grabe ka na talaga tadhana.Nanakit ka ba o ano?

"BA'T AKO MASASAKTAN??" Tanong ko sa sarili ko.Oo mukha na kong ewan dahil kinakausap ko yung sarili ko.Pinatay ko na yung tv dahil ang tagal matapos nung sweet scene nila. Sino ba director neto ang korni ng kissing scene na ginawa nila not suitable for young audiences...kimmy.

'Di pa ba tapos shooting nila?Grabe naman mag aalas onse na pala.Late ko na rin pala napatulog si Aiden.Sara ko na ba pintuan?Inaantok na rin kasi ako eh.

Tumingin ako sa cp ko at tinignan kung may message s'ya na uuwi ba s'ya o ano pero wala.Kahit kamustahin nga lang si Aiden wala eh.Tsk.Tumayo na ko at naglakad papunta sa pintuan.

"Tsk.Alam kk naman busy s'ya, pero sana man lang mag inform s'ya sa'kin.Malay ko ba kung patay na pala s'ya---PUTANGINA MO!!" Muntik na kong atakihin sa puso dahil sa bumungad sa'kin.Pipihitin ko na kasi dapat yung doorknob eh biglang may nag bukas ng pintuan kaya nagulat ako ng sobra.

"Should I take that as a greetings?" Saad n'ya bago pumasok at i lock yung pintuan.Hinubad n'ya yung sapatos n'ya at inilagay sa lalagyan.

"Ngayon ka na lang ba ulit nakakita ng gwapo?" Nakatingin lang ako sa kan'ya ngayon at pinagmamasdan s'ya.Nag iba tuloy tingin ko sa kan'ya.Ba't kasi nalaman ko pa na actor s'ya.

"K-Kumain ka na ba?" Buka ng bibig ko na ikinataka naman ng utak ko.Gago anong sinasabi mo.Close ba kayo nan?Nabubuang ka na ba??

"Why?Are you going to cook for me?" Tanong n'ya sabay lakad papasok sa loob.Ewan ko ba pero automatic na gumalaw yung paa ko pasunod sa kan'ya.

"Hell nah!M-Mag luto ka mag isa." Saad ko at binilisan yung lakad.Ba't ba ganto ako umasta ngayon.

"How's Aiden?" Tanong n'ya na ikinatigil ko sa pag lalakad.Halata sa boses n'ya yung pagod at lungkot nung binanggit n'ya yung name ng Baby n'ya.

"Okay naman.Miss ka na raw n'ya." Saad ko na ikinatango n'ya.Pumunta s'ya sa kusina at ewan pero nakasunod parin ako sa kan'ya.Binuksan n'ya yung ref at kumuha ng tubig.

"How about you?" Dagdag n'ya na ikina hinto ng utak ko sa pag andar.

"Ha?"

"How have you been?" Ulit n'yang tanong bago uminom ng tubig.Himala ang bait n'ya ata ngayon.Ano kaya nangyaring maganda.

"O-Okay lang?Medyo boring lalo na pag may pasok si Aiden." Sagot ko.S'ya?Kamusta s'ya?Parang ngayon na lang ulit kami ng usap ng gantong kahaba.

Paguuwi kasi s'ya it's either tulog na 'ko.Wala s'ya sa mood na makipag usap.Rereplayan n'ya ko ng 'okay' o kaya 'di n'ya ko papansinin.Nakakapanibago lang.

"That's good to hear." Saad n'ya bago ibalik yung tubig sa ref.Mag lalakad na s'ya paalis ng kusina kaya nag isip agad ako ng pwedeng itanong sa kan'ya para humaba pa yung interaction namin.

"Ikaw?Kamusta ka?" Tanong ko na nagpatigil sa kan'ya sa pag alis dito sa kusina.I know na hindi kasi ilang araw na s'yang puyat at sure ako na medyo hindi s'ya nakakakain ng tama dahil sa schedules n'ya.

"I'm doin fine." Sagot n'ya bago hilutin yung balikat n'ya.Masakit siguro katawan n'ya kakatrabaho.2 weeks na rin s'yang walang pahinga.Kahit artista ka 'di talaga maiiwasan yung ma stress yung utak at katawan mo eh.

"Masakit ba katawan mo?" Tanong ko na ikinatingin n'ya naman sa'kin. "Marunong akong mag hilot..."

Bumalot ang katahimikan sa pagitan namin ng sabihin yun ng bunganga ko.May mali ba kong nasabi?

"Uhmm...W-Wala don't mind it.Share ko lan--"

"Massage me." Saad n'ya bago ituloy ang pag lalakad.Gago baka ma miss interpret n'ya.Pakshet ano gagawin ko.

"Aren't you coming with me?" Tanong n'ya ng makarating s'ya sa sala.Umupo s'ya sa sofa at parang iniintay ako na pumunta roon.

Ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo, Elle.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status