"ANONG ginagawa mo rito, Marcus?" mahina kong sambit sa kaniya ng bigla na lang siyang lumitaw sa loob ng bahay nang saktong umalis sila Trina at Vernon doon. Bakas sa mukha ko ang pangamba na baka may makakita sa kaniya roon. Kasalukuyan akong nakatayo noon sa bintana ng silid ko habang nag-iisip sa maraming bagay na gumugulo sa isip ko. Nagsisimula nang kumalat ang dilim sa paligid.
"I just can't help myself to see you, Syrie," direktang sambit niya na bakas ang senseridad sa mukha niya.
Saglit akong napatingin sa gwapo niyang mukha pero agad din akong kumurap. May kakaiba sa tingin niya sa akin na hindi ko mawari kung ano iyon. "Nahihibang ka na ba, Marcus? Hindi ka nila pwedeng makita rito," giit ko sa kaniya.
"Sino bang nagsabing makikita ako rito, Syrie? I know what I'm doing, so no worries na baka makita tayo rito," mahina ang boses na balik niya.
Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita kong expression sa mukha niya. May pananabik doon. "Pero—"
Bawal po 'to sa bataaaa patnubay ng magulang ang kailangan HAHAHA
HINDI KO maalis sa isip ko ang nangyari nang nagdaang gabi sa pagitan namin ni Marcus. Ngayon ko lang lubos na naisip kung ano ang nagawa namin, kung ano'ng nagawa ko. Napapasinghap na lang ako dahil doon. Pinagsisihan ko man ang pagpayag ko sa nangyari, wala na akong magagawa dahil kusa kong isinuko ang sarili ko sa kaniya at hindi niya ako pinilit. Pero sa kabila ng pagsisisi ko, aamimin kong napaligaya ako ng sandaling iyon, ligayang noon ko lang naramdaman at napagtanto. "Lately, napapansin ko na laging malalim ang iniisip mo." Naramdaman ko si Trina na tumabi sa akin sa tapat ng bintana sa sala habang nakatingin ako sa paligid. Kasalukuyang maaliwalas ang umaga at ang sarap damhin ng hanging dumadampi sa katawan ko. Nilingon ko si Trina. "Have you ever heard about the mate of a wolf?" tanong ko sa kaniya dahil sa bagay na iyon na bumabagabag sa akin. Kumunot ang noo ni Trina at nag-isip. "I don't really kno about that, Syrie. Ang alam ko lang na ma
TAMA BA ang naging desisyon ko? Hindi ko alam ang kahahantungan ng nagawa kong desisyon pero iyon ang ibinubulong sa akin na puso ko na gawin ko—ang tanggapin si Marcus at ang pag-ibig niya sa akin. Hindi ko na pwedeng itanggi ang kakaibang nararamdaman ko para sa kaniya dahil sa tuwing mas lumalapit siya sa akin, pakiramdam ko'y hindi ko na iyon mapipigilan pa.Inabot na kami ng gabi sa batis na iyon habang yakap ako ni Marcus sa likod at nakamasid sa liwanag ng buwan at bituin. Sa bawat pagdampi ng balat niya sa akin, hatid niyo'y pakiramdam na safe ako sa kaniya. "I don't know if I'm doing the right thing, Marcus. Tama ba 'tong ginagawa natin?" kapagkuwa'y tanong ko. Sa kabila ng pagtanggap ko sa kaniya, nandoon pa rin sa isip ko ang mga tanong na iyon.Marahang gumalaw si Marcus, humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at iniharap ako sa kaniya. Tumambad sa akin ang seryoso niyang mukha. "Hindi ko alam kung ano ang tama para sa iyo, Syrie pero para sa akin wal
GUSTUHIN ko mang pumunta sa village para makita roon si Marcus, maging si Yena at Rossa, hindi ko magawa sapagkat alam kong mayroong spy doon si Volter para kilalanin kung sino ang mga lobong mayroong ukit sa kanilang kanang balikat. Maari nilang malaman na pumupunta ako sa village at siguradong makakarating agad iyon kay Volter at pagsisimulan iyon ng pagdududa.Pabagsak akong umupo sa sofa. Mas magiging kumplikado na ngayon ang sitwasyong dahil sa desisyon ginawa ko at kailangan kong maging mas maingat dahil magiging malaki ang epekto niyon sa akin at sa mga bampira."Oh, Syrie wala kang lakad ngayon?"Nag-angat ako ng tingin kay Vernon na kakapasok lang sa bahay mula sa 'di ko alam na pinanggalingan niya. Simula nang mapunta ako sa village, hindi ko na rin alam kung ano'ng pinagkakaabalahan ng mga kasama ko sa bahay."Saan ka galing, Vernon?" balik kong tanong sa kaniya. Hindi ko naman kailangang sagutin ang tanong niyang iyon."Sa mansyon, kina
SERYOSO LANG akong nakatingin sa lumalagaslas na batis na iyon habang umiihip ang malakas na hangin. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Volter sa akin. Pero kahit ganoon, nakakaramdam pa rin ako ng lungkot at panghihinayang dahil sa matagal din naming pinagsamahan na mauuwi lang sa pagdududa namin sa isa't isa. Ang laki na ng nagbago sa pagitan namin ni Volter simula nang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa amin. Simula ng makaramdam siya ng selos sa akin."You're thinking so deep, baby."Bahagya akong nagulat at napakurap nang maramdaman ko ang pagyakap ni Marcus mula sa likod ko, isiniksik pa niya ang kaniyang mukha sa leeg ko na nagdala ng kiliti sa akin.Bumuntong-hininga ako at hinayaan siya roon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maramdaman ang pangambang baka makita kami roon ng sino man at malaman ang namamagitan sa amin. Ang alam ko lang kasi safe ako kapag kasama ko si Marcus."Hindi ko lang maiwasang isipin ang mga bagay na nagbago sa buha
"CURIOUS lang ako, Syrie bakit biglang nagkaroon ka ng interes sa kung sino ka?"Bahagya akong nagulat sa tanong na iyon ni Trina habang tahimik akong nakupo sa sofa at kaharap siya. Tiningnan ko muna siya ng seryoso bago ako sumagot. "Hindi ko rin alam, Trina I suddenly feel there's something missing in me. Pakiramdam ko kulang ang sarili ko kung hindi ko malalaman kung ano ang pagkato ko," litanya ko.Tiningnan ako ni Trina na animo'y sinusuri ang reaction ng mukha ko. Kapagkuwa'y kumurap din siya. "Ok. Naiintindihan ko, Syrie at hindi kita masisisi kung ganiyan ang nararamdaman mo. Natural naman sigurong maramdaman mo ang paghahanap sa pagkatao mong hindi mo nakilala," pagsang-ayon naman ni Trina. "Pero hindi iyan magiging mabuti sakaling malaman ni Volter ang paghahanap mo sa pagkatao mo," aniya pa na bumakas sa mukha ang pagkadismaya. "Marahil isipin niyang trinatraydor mo siya.""Alam ko na ang posibilidad na
HANGGANG ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Trina sa akin. Ni hindi pumasok sa isip ko ang bagay na iyon o kahit ang paghinalaan si Marcus, na baka isa siya sa mga lobong may ukit ng buwan sa kanang braso. Oo, hindi agad ako nagtiwala sa kaniya noon pero hindi ko naisip na baka isa siya sa hinahanap ko. Paano nga kung totoo iyon? Paano kung may ukit na buwan si Marcus sa kaniyang kanang braso? Paano ko haharapin ang pwedeng mangyari gayong nahulog na ako sa kaniya?Bumuntong-hininga ako habang yakap ko ang aking sarili na nakatayo sa tapat ng bintana sa sala kung saan nakatingin ang mga mata ko sa malaking punong iyon sa tapat ko. Madilim na ang paligid at bahagyang malamig ang simoy ng hangin sa gabi. Ako lang muli mag-isa sa bahay dahil nasa gubat ang magkapatid habang nasa mansyon si Persuz.Kanina pang gumagana ang isip ko sa bagay na sinabi ni Trina at natatakot akong malaman kung alin doon ang totoo at hindi. Ni hindi ko alam kung kaya kong tangg
KINAUMAGAHAN hindi pa rin napapawi ang ngiti sa mga labi ko dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Marcus nang nagdaang gabi. Punong-puno ng ligaya ang puso ko dahil doon at ayaw kong bitawan iyon. Gustong kong lasapin lang iyon dahil may katotohanang hindi ko alam kung hanggang kailan ko lang iyon mararamdaman. Kay Marcus ko lang talaga iyon naramdaman dahil marahil siya lang ang may kakayahang magbigay niyon sa akin."Oh! Mukhang ang saya ng mukha mo, Syrie, ah?" salubong sa akin ni Vernon nang makalabas ako mula sa silid ko.Ngumiti ako sa kaniya. "I'm just feel the happiness today, Vernon," balik ko sa kaniya.Dumeretso ako sala at umupo sa sofa roon. Sumunod naman si Vernon sa akin doon. "Nasaan nga pala si Trina?" tanong ko pa nang mapansin kong wala roon ito at si Vernon lang ang nandoon."Si Trina? I don't know where she is, basta umalis na lang siya kanina," sagot niya habang magkasalikop ang mga palad at
NGAYONG ALAM na ni Trina at Vernon ang ginagawa ko at ang tungkol kay Marcus, hindi na ako nahirapang magtago sa kanila. Tanging kay Persuz na lang ako nag-iingat dahil alam ko kung nakanino ang katapatan niya at wala iyon sa akin. Hindi ko na rin kailangang magpaliwanag kung aalis ako at sagutin ang tanong nila sa tuwing babalik ako. "Gusto ko mang pumunta sa village pero hindi maaari, Marcus. Kailangang kong mag-ingat sa bawat galaw ko," sambit ko sa kaniya habang nasa gilid kami ng batis. Gusto niya kasing pumunta kami sa village dahil may mga bagay daw siyang sasabihin sa akin pero hindi pwede dahil may mga alagad doon si Volter na maaaring makakita sa akin at sabihin iyon kay Volter. "Bakit hindi maaari, Syrie?" nagtatakang tanong niya sa akin. Seryoso ko siyang tiningnan. "Marcus, hindi mo alam kung sino ang tunay na kakampi o kalaban kahit pa ito'y kauri at kasama mo," makahulugan kong paalala sa kaniya na lalong nagpakunot sa noo niya. "Ano'ng