Share

Kabanata 38

Please, help me

Buong mag hapon akong tinuruan ni Margareth tungkol sa witchcraft ngunit ni isa ay wala akong natutunang orasyon. Siguro marahil hindi pa nag si-sink in sa akin ang sinabi niyang may dugo akong mangkukulam.

Hindi na basta haka-haka iyon, sapagkat siguradong- sigurado siyang mangkukulam talaga ako dahil sa hiwa na nasa kanang hintuturo ko. Maliit lamang iyon at hindi nga mahahalata ngunit nang may binanggit siyang latin na mga salita ay saglit itong lumiwanag at lumitaw sa aking ala-ala ang isang babaeng nakatalikod. Saglit lamang iyon, pakiramdam ko nga ay isang kurap lamang ngunit ramdam ko ang matinding koneksyon niya sa akin.

Ang paliwanag ni Margareth ay maaaring may koneksyon ang babaeng iyon sa tunay kong pagkatao. Ngunit noong sinubukan namin ulit ay hindi na iyon gumana. Tumigil na rin si Margareth dahil dumugo na ang kanyang ilong. Ang sabi niya'y may hangganan ang kanyang kaalaman sa mahika lalo na't
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status