Share

Kabanata 39

Her Necklace

Tharia, La Verde, 1431

Mismong pagbaba pa lang namin sa karatela ay dinagsa kaagad kami ng mga taong gutom at mga may sakit. Noong una ay nag-aalangan pa ako kung tutulong ba ako dahil umaalingasaw ang amoy ng mga sugat nila sanhi ng lumaganap na epedemya sa lugar. Ngunit mas nanaig ang awa sa akin, lumapit ako sa batang halos nasa anim na taon lamang na nakasandal sa malaking bato malapit kung saan namin itinigil ang karatela. Namamalat na ang kanyang mga labi at halos mapuno na ng sugat ang mga katawan. Gustuhin man niyang magsalita ay hindi na niya magawa, siguro'y marahil sa mga kulay puting nasa kanyang bunganga.

Inayos ko ang pagkakasandal niya sa batuhan bago maingat na pinainom ng tubig pagkatapos ay maharang nilinis ang kanyang katawan at nilagyan ng halamang gamot ang kanyang mga sugat. Nang matapos ang panggagamot ko sa kanya ay maingat din niyang hinaplos ang aking mukha.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status