KANINA pang pinagmamasdan ni Cassandra ang tapat ng Bangko Sentral kung saan nakapangalan ang tseke na hawak niya. Hindi niya mapagdesisyunan kung tutuloy ba sa binabalak o uuwi na lamang at tanggapin ang pasya ng ina—maghanap ng panibagong trabaho upang makaipon muli. Subalit mahabang panahon ang bubunuin niya upang makahanap ng disenteng trabaho, ilang araw na training at kung paano na lamang kung hindi pa siya makapasa? Maaaring ang maging bagsak niya ay sa club muli na hindi niya nasisigurado kung makahahanap pa siya ng matinong club kagaya ng Club Mari.
Marahas siyang umiling sa mga naiisip at malalim na huminga upang alisin ang agam-agam. Bagama’t makikita sa kaniyang mukha ang pag-aalala na maaari siyang makasuhan kung saka-sakaling tumalbog ang tseke. Bukod pang hindi niya kilala ang lalaking naging kliyente kung kaya wala siyang maaaring maiturong salarin. Ngunit ito na lamang ang huling life line niya upang masolusyunan ang problema dahil sigurado siyang hindi na siya pababalikin ng ina sa club mamayang gabi.
“Hays! Bahala na si Batman,” bulong niya sa sarili at pinalakas ang loob bago pumasok na sa bangko.
Nang makapasok ay agad niyang nilapitan ang isang lalaking bank clerk doon na walang customer na kausap. “S-sir, puwede bang mag-withdraw ng tseke dito?” bungad niya rito.
Tiningnan naman siya nito mula ulo hanggang paa. Sinusuri kung pakikitaan ng mabuti base sa kasuotan at estado sa buhay. Napansin niyang umarko nang bahagya ang kilay nito bago sumungaw ang matamis na ngiti.
Tinugon din naman niya ito ng ngiti rin at yumuko nang bahagya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya. Kahit nakakaramdam siya nang kaunting disgusto sa pagkakatitig nito ay binalewala na lamang niya iyon. Mabuti na nga rin na ang suot niya ng mga sandaling iyon ay ang ibinigay sa kaniyang dress ng room boy ng Diam Hotel kaya malakas ang loob niyang papasa sa standard ng aroganteng clerk.
“Yes, ma’am,” tugon nito habang hindi inaalis ang ngiti sa labi.
Agad naman niyang iniabot dito ang tseke na hawak nang sumagot ito sa tanong niya. Nanginginig pa ang mga kamay niya.
Nang abutin nito iyon ay tila huminto sandali ang pagtibok ng kaniyang puso dahil sa kabang nadarama. Sa pakiwari nga ni Cassandra ay hindi siya huminga ng mga oras na iyon at nakatitig lamang sa anumang sasabihin ng clerk sa kaniya.
Mga ilang sandali pa sa tapat ng computer ang bank clerk nang muli siya nitong harapin at malapad na ngumiti sa kaniya.
“I confirmed your transaction, ma’am. You want to withdraw this now?” tanong nito.
Natulala naman siya bago nakasagot dito, “Yes? Yes!”
Tumango naman ito at muling tumipa sa harapan ng computer. “You want to deposit the money to your bank account or you want it in cash, ma’am?”
“T-to my bank account, please,” tugon niya at wala sa loob na iniabot dito ang sariling ATM card.
Napapalatak naman ang bank clerk na tila na-turn off sa ginawi niya. “Ha! A maid with a good designer dress? She have a good employer,” piping wika ng clerk na inakalang nautusan lamang ang dalagang mag-withdraw ng amo.
Pagkatapos ay inabutan siya nito ng papel para isulat ang information niya roon, bank account number at ang amount ng ide-deposit niya sa kaniyang ATM.
Sinunod lahat ni Cassandra ang ipinagagawa ng bank clerk na wala sa sarili. Ang tanging nasa isip lamang niya ng mga sandaling iyon ay isa na siyang milyonarya!
Hindi na namalayan ni Cassandra kung ilang minuto pa ang itinagal ng paghihintay niya. Ang natatandaan na lamang niya ay ang ibigay sa kaniya ng bank clerk ang bank book niya na naglalaman ng isang milyon at sampung libong piso. Nawalan ng another ten thousand ang savings niya dahil sa tax ng bangko. Subalit napakalaking halaga pa rin ang hawak niya ngayong salapi na sa hinagap ay hindi niya aakalaing mahahawakan niya.
Nang makalabas siya sa naturang bangko ay tila roon pa lamang rumehistro kay Cassandra ang lahat ng nangyari sa kaniya, mga agam-agam at kaba ng dahilan sa tseke na inakala niyang peke. Ngayon ay nasisigurado na niyang hindi siya niloko ng lalaking kliyente.
“Thank you, God! Thank you, sir!” mahinang panalangin niya habang hindi mapigilan ang mapaluha. Mahigpit pa niyang pinagsalikop ang mga palad at mahinang nanalangin.
Kahit na pinagtitinginan siya ng mga taong dumaraan doon ay hindi niya iyon alintana. Ang tanging nasa isipan lamang ng dalaga ng mga oras na iyon ay nakaraos na siya sa kaniyang mga problema.
Nang makarating siya sa kanilang tahanan ay agad niyang nilapitan ang ina. Humagulgol siya kay Dolores na laking pinagtakahan naman ng matanda.
“Inay, Inay... mayaman... mayaman na tayo,” aniya sa pagitan ng mga luha.
“Ano ba’ng pinagsasasabi mong bata ka?” nakakunot namang sagot ng ina bago siya hinaplos-haplos nito sa likuran.
“Inay, sabi ko mayaman na tayo!” masayang bulalas niya sa ina at mahigpit niyang hinawaka ang dalawang kamay nito. Napapatalon pa siya sa sobrang kasiyahang kaniyang nadarama.
Nakakunot naman ang noo ni Dolores sa sinasabi. Hanggang sa ipakita niya rito ang bank book na hawak. Nakita pa niyang nanlaki ang mga mata ni Dolores sa laman ng bank book niya.
“T-totoo ba ‘to, Cassandra?” anang inang hindi makapaniwala.
“Sabi ko nga sa ‘yo, Inay, mayaman na tayo, maipapa-opera na kita.” Sunud-sunod na tango niya rito.
“At makakapag-aral ka na, anak, at hindi ka na magtatrabaho sa club,” dugtong naman ni Dolores na agad niyang tinanguan.
Nang makahuma sa pagkagulat si Dolores ay doon pa lamang nito naisip ang pinakamahalagang bagay. “Saan galing ang perang ito, anak?” seryosong tanong nito sa kaniya.
Nawala agad ang ngiti niya sa tanong ng ina at nagdadalawang-isip kung ipagtatapat ba rito ang totoo? Subalit hindi niya magawang maglihim sa ina, maliban pang wala siyang mahagilap na maaaring ipagkaila rito kung saan nanggaling ang malaking halaga na iyon.
“G-galing iyan sa... customer ko, Inay,” mahinang tugon niya at yumuko upang hindi salubungin ang mga titig ng ina.
“Bakit ka bibigyan ng malaking halaga ng customer mo? May ugnayan pa rin ba kayo?” nagdududa nitong tanong.
Agad naman siyang napatingin sa ina at mabilis na umiling. “Wala na, Inay, hindi ko na nga nakita iyon noong lumabas ako ng hotel. Ibinigay lang niya sa akin iyang tseke kasi... gusto raw niya tayong tulungan na maipagamot ka. K-kaya, Inay, huwag kang susuko, lalabanan natin ang sakit mo, okay?” paliwanag niya sa ina at dinagdagan ang huling sinabi. Bagama’t hindi iyon sinabi ng kliyente niya ay nabanggit naman nitong gusto siya nitong tulungan.
Si Dolores ay napapatango na lamang sa anak subalit may agam-agam pa rin at hindi tuluyang pinaniniwalaan si Cassandra. Sino ba naman kasi ang matinong tao ang basta-basta na lamang magbibigay ng malaking halaga na walang hinihinging kapalit?
“Huwag ka nang mag-alala, Inay. Saka aalis na rin ako sa club at maipagpapatuloy ko na ang pag-aaral ko. Kapag nagpa-opera tayo, malaki pa rin ang matitirang pera sa atin. Hanggang sa makapagtrabaho ako ay sasapat ang savings ko sa pang-araw-araw nating gastusin at mga gamutan mo,” pagpapaliwanag pa niya rito.
“Sige, anak, kung ano ang pasya mo,” ang tanging tugon na lamang ng kaniyang ina.
Kinagabihan ng araw na iyon ay nagtungo si Cassandra sa Club Mari upang mag-resign. Nalungkot naman ang dalawa niyang kaibigan sa biglaang pag-alis niya.
“Uy, girl, iiwan mo na kami agad, ngayon pang love ka na namin ni Leny,” nakabusangot na wika ni Aria na kumapit sa braso niya.
“Aigoo, mami-miss ka namin, Cass. Huwag mo kaming kalilimutan, ah,” ani naman ni Leny.
Hindi na sila nakapag-usap pa nang matagal dahil sila na ang susunod na magsasayaw sa dance floor.
Hindi rin naman siya nahirapang kausapin ang kaniyang manager na si Tita Rose at agad siyang pinayagan nitong mag-resign. Hinabilinan pa siya nitong anumang sandali ay bukas ang pinto ng club para sa kaniya.
Bagaman at sandali lamang siya sa club na iyon ay naging masayang karanasan ang natamasa niya sa lugar na iyon, kaiba sa nalalaman ng mga taong marumi at masama ang pumasok sa ganoong trabaho.
Makalipas ang isang linggong pabalik-balik nina Cassandra at ng kaniyang ina sa ospital para sa check up at schedule ng matanda sa gaganapin nitong operasyon, ngayon ay naghihintay na lamang sila sa kanilang hospital ward at nananalangin na maging matagumpay ang operasyon ni Dolores.
“Mrs. Alvarez?” untag ng nurse sa kanila.
“Yes?” agad naman niyang sagot dito para sa ina.
“Oras na po, pakilipat na lang po dito ang pasyente,” anito at itinuro ang stretcher kung saan dadalhin ang ina sa operating room.
Nang maihiga ang ina sa stretcher ay sinamahan pa niya ito hanggang sa makarating sila sa operating room. Hindi niya binibitiwan ang kamay ni Dolores. Kinakabahan siyang hindi maging matagumpay ang operasyon. Subalit pinakahihintay-hintay rin naman niya ang operasyong iyon upang tuluyan nang gumaling ang ina.
“Ayos lang ako, anak, huwag ka nang mag-alala sa akin,” anang ina na pinapalubag ang loob niya.
Tila nagkabikig ang kaniyang lalamunan at tanging tango lamang ang naitugon niya sa ina hanggang sa makapasok na ito sa operating room.
Nasa waiting area lamang siya ng mga sandaling iyon habang magkasalikop ang mga kamay at taimtim na nagdarasal. Hindi na nga niya namalayan kung ilang oras siya sa ganoong tagpo. Kumilos lamang siya noong may magbukas ng pinto ng operating room at iluwa niyon ang doktor. Agad niya itong nilapitan.
“Doc., kumusta po ang operasyon sa inay ko?” agad niyang tanong dito.
Agad namang tumango ang lalaking doktor na nahihinuha niyang nasa mid-40’s na ang edad. Nang mag-alis ito ng facemask at ngumiti sa kaniya ay doon pa lamang siya napanatag.
“The operation was successful and the patient is doing well, Ms. Alvarez,” anito bago nagpaalam sa kaniyang magpapahinga muna.
Doon lamang napansin ni Cassandra na walong oras ang hinintay niya sa operasyon ng ina. Muli siyang napaupo at napabuga ng hangin habang nakatingala sa kisame ng ospital. Tila nabunutan siya ng tinik ng mga sandaling iyon.
Hindi nga naglaon ay nakalabas na ng operating room ang ina at dinala na sa silid nito. Nakasunod lamang siya rito dahil wala pang malay ang ina. At makalipas nga lamang ang dalawang linggo ay nakauwi na sila sa kanilang maliit na barong-barong na may ngiti sa mga labi. Labis ang kasiyahan ni Cassandra sa bagong yugto ng kaniyang buhay kasama ang ina, at wala na siyang mahihiling pa ng mga sandaling iyon.
Makalipas pa ang isang buwan ay naghahanda na si Cassandra sa pag-e-enroll sa 2nd semester sa 4th year ng kaniyang kursong Business Administration major in Management.
Gayunpaman, hindi maunawaan ni Cassandra ang nararamdaman niya. Nang makalipas ang isang buwan niya sa kolehiyo ay palagi na lamang siyang nakakaramdam ng pagkahilo. Noong una ay inakala niyang dahil lamang sa labis na pag-aaral iyon. Upang makahabol sa mga subject na naiwan niya nang mahinto ay itinuon ni Cassandra ang buong sarili sa pag-aaral at tanging ilang oras lamang ang itinutulog sa gabi.
Subalit tila lumalala ang nararamdaman niya na sa tuwing umaga pagkagising niya ay hindi maaaring hindi siya maduwal. Maging sa pagkain ay hindi rin tinatanggap ng sikmura niya na labis niyang ipinanghihina.
Napansin naman iyon ng ina at tinanong siya, “Cassandra, buntis ka ba?”
Tila bombang sumabog sa harapan niya ang tanong na iyon ng ina. Maging ang kaniyang mukha ay tila nawalan ng dugo sa putla.
Nanginginig ang boses niya, “H-hindi ko po alam.”
Natatakot man sa magiging resulta ay bumili pa rin ng pregnancy kit si Cassandra upang malaman kung siya nga ay nagdadalang-tao. Bagaman at ipinapanalangin niyang sana ay hindi siya buntis subalit hindi iyon pinahintulutan ng tadhana nang makita niyang positive ang resulta ng kaniyang test. Hindi niya matanggap iyon kaya muli siyang nagpa-check up sa doktor subalit isang malaking POSITIVE ang natanggap niya rito na nagpaguho sa mundo niya. Ang ilang buwang ginhawang ipinalasap sa kaniya ay muli na namang kinuha upang subukin siya.
“No, I can’t... Lord, why me? Hindi pa ba sapat ang ipinaranas Mo sa akin?” tanong niya sa Poong Maykapal ngunit wala siyang makuhang sagot kahit ilang minuto na siyang nakatingala sa kalangitan.
Pagkatapos ay malalim siyang bumuntong-hininga upang pagluwagin ang nadarama. “Alam ko pong may plano Ka para sa akin. Alam kong hindi Mo ako bibigyan ng pagsubok na hindi ko malalampasan. I’m sorry, My Lord, for questioning you. Yes! I can do it!” aniya pang pinalalakas ang loob.
“Ah!” bulalas niya nang may maisip bigla, “Hahanapin ko ang customer ko at itatanong ko sa kaniya kung anong magiging plano namin sa baby sa tiyan ko. Yeah! Since pareho kaming gumawa nito, dapat lang na tulungan niya ako, di ba, baby?” saad pa niyang hinaplos ang flat pa niyang tiyan.
—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal
“What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi
“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
“Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy
“What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan