Home / Romance / Into Your Arms Tonight / Chapter 4- Isang Beses Ngayon, Dalawa Bukas at Tatlo sa Susunod?

Share

Chapter 4- Isang Beses Ngayon, Dalawa Bukas at Tatlo sa Susunod?

last update Last Updated: 2021-12-01 13:02:26

NANG mahimasmasan si Cassandra ay nagtaka na lamang siya nang hindi na niya makita ang binata sa loob ng silid na iyon. Nagpalinga-linga siya sa paligid subalit kahit anino nito ay hindi na niya maaninag pa.

Kinabahan ang dalaga sa isiping na-scam siya nito at ang tseke sa kaniyang kamay ay animo bomba na anumang sandali ay sasabog kapag nalaman niya ang totoo na maaaring ito ay peke lamang. 

“P*kingina, nasaan na ang lalaking ‘yon?” nag-aalalang tanong niya sa sarili habang ang kaba sa d****b ay hindi mapalis. Ayaw niyang isiping ang kasiyahang naramdaman kanina ay biro lamang pala ng tadhana sa kaniya.

Nang mahimasmasan nang kaunti si Cassandra ay napabuga siya ng hangin upang palisin ang kabang nadarama sa panloloko ng lalaking kliyente. Bagaman at tila nga ay naloko siya nito subalit hindi siya maaaring magreklamo dahil una pa lang ay bayad na siya sa kaniyang manager na si Tita Rose at ang tseke na ibinigay sa kaniya nito ay tip lamang—kung totoo?

“Ang tanga mo talaga, Cass. Paano kang naniwala na bibigyan ka ng isang milyon ng isang taong katawan mo lang ang gusto sa ‘yo? Isa ka lang hibang na maniniwalang makatatakas ka sa problemang kinasasadlakan mo!” sita ng kabilang isip niya habang sapo-sapo ang sariling noo. 

Nasa ganoong tagpo si Cassandra nang makarinig siya ng mga katok sa pintuan sa labas ng hotel room. Mabilis naman siyang napatayo upang pagbuksan ang tao sa labas subalit bigla rin siyang napahinto nang mabistahan ang sariling h**o’t h***d at tanging kumot lamang ang nakatapis.

“S-sandali lang!” tugon niya sa kumakatok sa labas dahil hindi ito tumitigil. 

Nagpalinga-linga siya sa paligid at hinanap ang sariling kasuotan na natagpuan naman niya sa loob ng shower room. Dahil sa basta na lamang itong itinapon doon ng binata kanina kung kaya basang-basa ang itsura niya nang suotin niya ang mga damit niya. Subalit mas maigi na iyon kaysa magmukha siyang hindi disente sa harapan nang kumakatok na iyon.

Maraming senaryo ang pumapasok sa kaniyang isipan kung sino man ang tao sa labas; maaaring mga pulis ito at ang lalaking nakapiling kanina ay masamang loob at ang tseke sa kaniyang kamay ang ebidensya sa krimeng ginawa nito, o kaya ay ang manager ito ng hotel at magrereklamo dahil hindi binayaran ng binata ang in-order nitong pagkain kanina at maging ang inokupa nilang silid. 

Dahil sa mga isipin ay nanginig ang dalaga sa takot at dali-daling isiniksik sa loob ng maliit na pitaka ang tseke upang hindi iyon makita ng mga pulis, kung sakali mang mga pulis nga iyon. Pagkatapos ay muli siyang napahinga nang malalim upang hamigin ang sarili at pagbuksan ang nasa pintuan.

Pagbukas niya ng pinto ay bumungad kay Cassandra ang nakangiting room boy na nag-assist sa kanila kanina. Napahinga siya nang maluwag dahil hindi mga pulis iyon datapwa’t natulala siya saglit dahil inihanda na niya ang sarili sa worst na mangyayari sa kaniya ngayon. Ilang minuto siya sa ganoong tagpo nang tumikhim ito upang kuhanin ang kaniyang atensyon.

“Good morning, ma’am, may nag-request po sa amin na ibigay sa inyo ito,” anito at iniabot sa kaniya ang isang dress na kulay rosas. Tinitigan pa siya ng room boy mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay matamis na ngumiti nang mabistahan ang itsura niyang basang-basa. “Sakto pala, ma’am, ang dress na ‘to para hindi kayo lamigin,” habol pa nito sa palakaibigan na tono. 

Ang room boy ay mukhang intern lamang sa hotel na iyon at halatang bata pa. Nahihinuha niyang hindi sila nagkakalayo ng edad. Bagama’t hindi katangkaran dahil magkasingtangkad lamang sila, at ang height niya ay 5’3 lamang ay kabibilibang nakapasok ito sa naturang hotel. Maganda rin ang disposisyon nito sa kaniya kaya gumaan ang loob niya sa kaharap na binata.

“Thank you,” impit na tugon niya rito at ginawaran din ito ng ngiti bago inabot ang damit.

Nang abutin niya ito ay nasalat niya ang mamahaling fabric na ginamit sa damit na iyon. Maging ang brand ay mula pa sa sikat na fashion designer. Tahimik pa siyang napahugot ng hininga nang makita ang presyo ng damit na may tag pa.

“S-sure ka bang sa akin ito?” paninigurado niya.

Mabilis namang tumango ang kaharap. “Yes, ma’am! Ako pa ang namili ng dress na ‘yan para sa ‘yo. Alam kong bagay sa ‘yo ‘yan, ma’am,” masigasig na tugon naman nitong pinagsalikop pa ang dalawang mga palad na animo may napakabuti nitong nagawa.

Napapangiti na lamang ang dalaga sa kaharap dahil sa cute nitong gawi, “O-okay,” tugon niya, “Sino pala ang nag-order ng dress na ito for me?”

“Iyan ang hindi ko alam, ma’am, may tumawag lang sa ‘min kanina at nag-request. He’s one of our VIP kaya hindi ko po maaaring i-disclose sa inyo ang kaniyang information, I’m sorry, ma’am!” tugon pa nito at yumuko sa kaniya bilang paghingi ng paumanhin. 

“O-okay, you don’t need to be sorry,” awkward naman niyang sagot dito at muling nagpasalamat sa room boy bago ito pinagsarhan ng pintuan upang makapagbihis na. 

“Galing kaya ito sa customer ko?” tanong ng dalaga sa sarili nang mag-isa na lamang siya sa silid. “Hays! Sana nga totoo ka para ang tseke totoo rin,” habol pa niyang kausap sa hawak na damit bago hinubad ang sariling kasuotan upang makapagpalit na.

Namangha pa si Cassandra nang mabistahan ang sarili sa harapan ng salamin. Tila nag-ibang tao siya sa itsura na animo model sa isang magazine sa suot niya. 

“Hays! Hindi ko akalaing mag-iiba ang itsura mo base sa suot mo lang,” pipi niyang wika habang napapailing na pinagmamasdan ang sarili.

Nagpasya na si Cassandra na lisanin ang lugar na iyon. Ipagpapabukas na lamang niya ang problema sa tseke ng kliyente. Bagaman at nasisigurado ng dalaga na ito ay peke ay hindi maatim ng puso niyang itapon iyon. Ngayon lamang kasi siya nakahawak ng ganoon kalaking halaga kahit pa hindi iyon totoo. Susubukan din niyang ipagpalit ito sa bangko, kung sakaling tumalbog man ay gagawin na lamang niya iyong souvenir sa isang gabing pinagsaluhan nila ng lalaking kliyente.

Nang makarating ang dalaga sa kanilang barong-barong sa squatter area ng Commonwealth Quezon City ay halos alas-singko y media na ng madaling araw, kaiba sa madalas niyang uwi na alas-dos lamang. Nag-aalala siyang mahuli ng ina ngunit wala siyang maapuhap na maaari niyang ipagkaila rito, bukod pang hindi siya sanay magsinungaling sa ina.

“Hays! Bahala na, sana tulog pa si Inay,” bulong niya sa sarili bago dinukot ang susi ng pintuan sa bag na nakasukbit sa kaniyang balikat.

Nang pagbukas ng pintuan ay natagpuan ni Cassandra na nakaupo sa maliit nilang sofa ang ina. Tila malalim ang iniisip at halatang kanina pa siya hinihintay.

“Inay? Ano’ng ginagawa mo diyan? Ang aga mo namang bumangon... hindi ka ba natulog?” sunud-sunod na tanong ng dalaga at agad nilapitan ang ina.

Sinalat niya ang mukha nitong malamig dahil sa simoy ng pang-umagang hangin. 

“Hinihintay kitang umuwi, bakit ngayon ka lang, anak?” tugon naman nitong paos ang boses dahil magdamag na nakalantad sa malamig na paligid.

“Hindi mahalaga kung bakit ngayon lang ako, ang inaalala ko ang kalagayan mo, inay. Paano na lang kung lumala ang sakit mo? Ang gamot mo kaunti na lang, kapag lumala pa iyang sakit mo baka kapag puwede ka nang operahan ay hindi na 100% na maging successful ang operasyon sa ‘yo. Please, inay, alagaan mo naman ang sarili mo kapag wala ako dito sa bahay,” sunud-sunod niyang pangaral sa ina na maluha-luha pa. 

“Oo, anak, patawarin mo ang iyong inay, hindi na magiging matigas ang aking ulo,” tugon naman nito at pinunasan ang pumatak na luha sa kaniyang mga mata.

Sunud-sunod naman siyang tumango bago niyakap nang mahigpit ang ina. Bagama’t hindi niya binalak na umiyak sa harapan nito ay tila isang drum ang luha sa kaniyang mga mata at tuloy-tuloy na bumuhos. Siguro ay marahil na rin sa kinikimkim niyang sakit sa mga problemang kinakaharap at sa namagitan sa kanila ng lalaking kliyente kanina at ang paglalaho nitong parang bula ang dahilan ng mga luha niya ngayon. Ibinuhos niyang lahat ng iyon sa kaniyang ina at tahimik naman itong tinanggap ng matanda.

Nang humupa ang nararamdaman ni Cassandra ay ginanyak siya ng ina na magkape sila. Pinagtimpla siya nito ng instant 3 in 1 na kape. Bagama’t walang pandesal o tinapay na kasama iyon ay kuntento na siya roon.

“Ngayon ay maaari mo na bang sabihin sa akin kung bakit ngayon ka lang, Cassandra?” kapagdakan ay tanong ng ina na muntikan pa siyang masamid. 

“Hays! Inay naman, eh!” reklamo niyang nakalabas ang dila dahil napaso iyon. Pagkatapos ay namumula ang pisngi niyang inilayo ang tingin sa ina.

“Bakit ano ba’ng aking ginawa? Nagtatanong lang naman ako,” tugon naman ng inang seryoso ang mukha. “May ginawa ka bang hindi maganda kaya ganyan ka kumilos? Saka ngayon ko lang nakita iyang suot mong bestida.”

Napako siya sa kinauupuan sa sinabi ng ina. Ngayon ay naniniwala na siya sa kasabihang ‘You shouldn’t ignored a mother’s instinct’.

Bagaman at alam ng ina na nagtatrabaho siya sa club at sinabi niya ritong magsasayaw lang siya roon; walang table o take out. Iyon ang kabilin-bilinan ng ina bago niya ito mapapayag na magtrabaho siya roon. Alam ng dalaga na kapag inilantad niya sa ina na nagpa-take out siya ngayon ay siguradong tututol itong bumalik siya sa club. At hindi niya mapapayagan iyon dahil iyon lamang ang pinagkukuhanan niya ng salapi upang maipagamot ang ina. 

“I-Inay, napagod po ako sa magdamag na pagsasayaw, magpapahinga na po muna ako. Mag-usap na lang tayo ulit mamaya,” paalam niya rito. Hindi na niya hinintay ang sagot ng ina at nagmamadali na siyang umakyat sa maliit na silid nilang mag-ina upang matulog na. 

Makalipas ang ilang sandali ay dahan-dahang binuksan ng ina ni Cassandra na si Dolores ang pinto ng silid ng anak. Nakadapa si Cassandra sa maliit nilang papag habang mahimbing ang tulog. Marahang hinaplos ni Dolores ang buhok ng dalaga at sinipat ang maliliit na pantal sa kaniyang leeg. 

Naghihirap ang kalooban ni Dolores sa isiping may katalik ang anak nang nagdaang gabi. Kung sariling nobyo lamang iyon ng anak ay hindi mag-aalala ng ganito ang matanda. Subalit alam nito na hindi kasintahan iyon ng anak. Iyon ang nagpapasakit sa kalooban ni Dolores.

Hindi matanggap ng matanda na ibinebenta ng anak ang sariling katawan upang matustusan lamang ang gamutan nito sa sakit na stage 2 breast cancer. Bagama’t nakararamdam ng matinding kirot at panghihina si Dolores sa pagitan ng d****b ay hindi nito iyon ipinakikita sa anak upang hindi gumawa ng ikasasama sa sarili ang dalaga. Subalit hindi akalain ng matanda na sa pangalawang gabi pa lamang ni Cassandra sa pagtatrabaho sa club na iyon ay naibenta na agad ng anak ang pagkababae.

Napaluha si Dolores habang hinahaplos ang buhok ni Cassandra. “Kung masisira lang ang buhay mo, mas nanaisin ko pang kainin ng aking sakit kaysa makita kang naghihirap, anak ko,” mahinang bulong ni Dolores sa sarili bago nagpasya nang lumabas ng silid.

Kinaumagahan ay preskong nagmulat ng mga mata si Cassandra. Bagama’t masasakit pa rin ang kaniyang buong katawan at maging ang kaniyang pagkababae dahil sa nagdaang gabi ay masaya siyang pumanaog upang salubungin ang ina sa kusina habang naghahanda ng kanilang tanghalian.

Mahigpit niyang niyakap ang ina sa likuran at pinupog ito ng mga h***k sa pisngi. “Good morning, Inay!”

Subalit hindi siya sinagot ng ina at seryoso lamang ito sa ginagawang pagpiprito ng galunggong na kanilang ulam sa tanghaling iyon.

Nagtataka man ang dalaga ay hindi na niya muna pinansin ang ginawi ng ina dahil kanina pa kumakalam ang kaniyang sikmura. Sa halip ay tinulungan niya ang ina sa paghahanda sa kanilang maliit na lamesa at nagsandok na ng mainit na kanin.

Nang kumakain na silang mag-ina ay doon pa lamang nagsalita si Dolores, “Tumigil ka na sa pagtatrabaho sa club, Cassandra,” determinadong utos nito na hindi siya binalingan ng tingin at patuloy lamang sa pagkain.

Napahinto naman siya sa pagsubo at tinitigan ang ina. “Bakit, inay? Maganda ang sweldo ko sa club, kaunti na lang makakaipon na ako pangpa-opera ko sa ‘yo,” katuwiran naman niya.

“Hindi ko na kailangang magpa-opera. Kung mamamatay ako, eh, ‘di mamatay,” anito pa.

“Ano ba ‘yan, inay?!” naibagsak niya ang kutsara at tinidor na hawak sa plato. “Ano na naman iyang naiisip mo? Bakit ayaw mo na namang magpagamot?”

“Hindi ko gustong gumaling habang sinisira mo ang iyong pagkatao, Cassandra. Sa tingin mo ba ay magiging masaya ako sa aking buhay habang nakikita kong binababoy ka ng kung sinu-sinong lalaki?”

Napako siya sa kinauupuan sa siniwalat ng ina. Matagal siyang hindi nakasagot at iniwas dito ang mga tingin.

“I-isang beses lang iyon, Inay,” nanghihinang tugon niya rito.

“Isang beses ngayon, pangalawang beses bukas at pangatlong beses sa susunod? Kapag ipinagpatuloy mo ‘yan, hindi ka na makakaahon pa, anak, kaya itigil mo na habang maaga pa,” determinadong wika ng ina.

“I-I can’t—” 

Mangangatuwiran pa sana siya subalit pinutol iyon ng ina. “Kapag ipinagpatuloy mo ‘yan, sinisigurado ko sa ‘yong dadatnan mo ako ritong patay na, Cassandra!”

Ngayon ay hindi na niya alam kung ano ang dapat gawin. Alam ng dalaga kung gaano katigas ang ulo ng ina at kaya nitong gawin ang ibinabanta sa kaniya. 

Mariin siyang napapikit at lumitaw sa kaniyang balintataw ang tseke na binigay sa kaniya ng lalaking kliyente kagabi. Mukhang kinakailangan niyang magbaka-sakali sa tseke na iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 201

    —One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 200

    Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 199

    “What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 198

    “Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 197

    “Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy

  • Into Your Arms Tonight    Chapter 196

    “What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status