SAMANTALA, marahang hinihilot ni Ian ang sintido dahil sa hangover na nararamdaman. Ilang gabi siyang walang tigil sa pag-inom ng alak. Hindi na rin mabilang ang dumaang mga babae sa kaniya nitong nagdaang buwan. Maging ang trabaho sa kumpanya ay napapabayaan na niya.
Ilang linggo na siyang ginugulo ng babaeng nakilala sa Club Mari. Hindi niya mawari kung bakit hindi niya ito maalis sa isipan? Laking pagtataka niya dahil ngayon lamang iyon nangyari sa kaniya.
Sinubukan niyang kalimutan ang dalaga at maghanap ng iba. Inakala niya noong una na dahil lamang iyon sa frusration at disappointment dito kung kaya hindi niya maalis sa isipan ang dalaga. O marahil ay dahil sa first time siyang may nakatalik na birhen at inakala niyang inosente ito?
“Ha! You really done it, Ian,” kastigo niya sa sarili.
Noon ay iniiwas niya ang sarili na gumamit ng babaeng wala pang karanasan dahil hindi maatim ng kaniyang konsensya na alisin dito ang kainosentehan. Subalit nang makilala niya ang dalaga nang gabing iyon ay hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit hindi siya nakapagpigil?
Ngayon ay sinubukan niyang maghanap ng dalagang kamukha nito upang maunawaan kung bakit ito gumugulo sa kaniyang isipan? Dahil maaaring guilt lamang ang nararamdaman niyang iyon. Subalit sa tuwing kasiping niya ang ibang babae ay palaging mukha pa rin ni Cassandra ang kaniyang nakikita na hanggang sa nawawalan na siya ng gana sa kaulayaw.
“What’s wrong with you?” muling kausap niya sa sarili at nasapo ang sariling ulo na sumasakit.
Tumingala siya sa kisame upang pagluwagin ang mga naiisip.
Nasa sariling opisina siya ng mga araw na iyon at tambak ang mga papeles na dapat niyang pirmahan sa kaniyang harapan ngunit ni isa roon ay wala pa siyang natatapos. Ilang linggo na rin siya sa ganoong gawi na maging ang sariling ama ay napapansin na siya.
“Hijo, may problema ka ba? Napapansin kong ilang araw ka ng balisa at wala sa sarili,” anang ama na si Don Manuel isang araw nang umuwi siya rito sa hacienda nila sa Batangas.
Bagama’t ang Ramson Electric Company, ang kanilang kumpanya ay nasa Makati at may condo siya roon upang malapit siya sa kaniyang trabaho ay tuwing linggo pa rin siyang umuuwi sa kanilang mansyon sa Batangas upang mag-report sa ama ng mga nangyayari sa kumpanya.
Gayunman, kahit hawak niya ang pamamahala sa buong negosyo nila ay ang ama pa rin ang may boses sa kanila.
“I’m okay, dad. Pagod lang ako sa tambak na trabaho at may mga investor pa rin tayong walang tiwala sa pamamahala ko,” tugon na kaila naman niya rito. Hindi na nito kailangan pang malaman ang babaeng mas gumugulo sa isipan niya ngayon.
“Iyan nga ang sinasabi ko sa iyong pakasalan mo na ang anak ni Kumpadre Ismael. Kapag nag-combine ang Ramos at Alarcon’s Company, wala ng mangangahas na kontrahin ka. You will be the most successful young man in our industry,” kumbinsi pa nito.
“Tsk! Here we go again,” pipi niyang wika at tinalikuran ang ama. “I don’t need to be the most successfull, dad. Ang nais ko lang ay ma-maintain natin ang net gross ng company sales, walang ma-terminate na employee at madagdagan ang ating charity funds para sa mga bata,” kontra naman niya sa ama.
Napailing na lang si Don Manuel sa sinabi niya. “That’s why I’m so proud of you, hijo. I want to see the world of how kind and gentle you are, I want you to be the happiest man. At matatagpuan mo lamang iyon sa piling ni Stephanie.”
Napabuga siya ng hangin sa pagiging smooth talker ng ama. Kung hindi nga lamang niya alam ang tunay na balak nito ay siguradong madadala siya rito.
“Anong kinalaman ng babaeng ‘yon sa pagiging kind and gentle ko? Can’t you see how cunning she is?”
“Ano’ng masama sa pagiging matalino at madiskarte? Why don’t you like her again, kagaya noong mga bata pa kayo? She’s still beautiful and a good daughter, hijo.”
“Yeah, for you,” muling bulong niya na nagdire-diretso na sa paglabas sa kanilang mansyon.
Ayaw na niyang makinig pa sa anumang sasabihin ng ama. He’s already fed-up of him for being a cupid. Hindi niya maunawaan ito kung bakit nakapako lang ang atensyon sa kaniya at kay Stephanie? Hindi rin naman happily inlove ang ama sa kaniyang ina upang may mapaghugutan ito ng motivation sa ginagawa. Sa makatuwid nga ay matagal nang divorce ang kaniyang magulang noong siya ay bata pa lamang. Bagama’t hindi na nag-asawa ang kaniyang ama ay may sarili naman nang pamilya ang kaniyang ina abroad.
Napabuntong-hininga na lamang si Don Manuel sa tigas ng ulo ng anak. “Kung hindi mo pakakasalan si Stephanie, tandaan mong hindi ko tuluyang ipamamana sa iyo ang Ramson!” determinadong habol na banta nito sa kaniya.
Napatiim-bagang na lang si Ian at hindi na sinagot ang ama. Sinubukan naman niyang ipaalam dito ang napapansin niya sa mag-amang Ismael at Stephanie subalit tila nagayuma na ng ipinapakitang kabutihan ng mga ito si Don Manuel na maging ang sariling anak ay hindi na nito kaya pang paniwalaan.
Sa kabilang banda pa ay paano niya ibabaling sa iba ang atensyon kung may ibang babaeng umookupa sa kaniyang isipan na lalo lang nagpapagulo sa kaniya ngayon?
Muling bumalik sa kasalukuyan si Ian at muling hinilot ang sumasakit na sindito. Gusto na talaga niyang mawala sa isipan ang dalaga upang matahimik na siya. Nang nagdaang gabi ay bumalik siya sa Club Mari kung saan niya nakilala si Cassandra. Ngunit hindi na niya matagpuan ang dalaga roon.
“Hi, do you remember me?” Lumapit siya sa manager ng club na nag-suggest sa kaniya noon kay Cassandra. Inabot din niya rito ang sariling calling card.
“Ah, yes, sir. Ngayon ka na lang ulit napadpad sa club namin, sir?” nakangiting tugon naman nito.
“Yeah,” maiksing tugon naman niya rito dahil ayaw na niyang ipaalam na iniwasan niya ang club na iyon upang makalimutan lamang ang babae. Ngunit walang silbi ang ginawa niya dahil habang tinitikis niya ang sarili ay lalo naman niyang gustong makita ito.
Napabuga siya ng hangin bago tinukoy ang pakay roon, “Can I talk to the one I took before? I’m not sure of her name but the one dancing in the middle of the dance floor at that time.”
“Yes, yes, sir, natatandaan ko po. Si Cassandra ang tinutukoy mo, sir,” saad naman nitong tumango-tango pa.
“Ah, yeah, then can I talk to her, please?”
“Sorry, sir, pero nag-resign na siya dito sa ‘min. Bigyan na lang kita ng bago na kasing-ganda rin ni Cass, sir.”
“Ah, no, nevermind,” agad naman niyang sagot dito sabay talikod na rito. Hindi na niya hinintay ang sinabi pa nito.
Hindi niya naisip na maaaring mag-resign na nga pala ito dahil sa laki ng perang ibinigay niya rito thru cheque. Dahil sa natuklasan ay agad niyang tinawagan ang kaniyang accounting team kung may record sila ng tseke na ibinigay niya noon kay Cassandra.
“Yes, sir, we recieved a bank call to inform us about the cheque,” imporma sa kaniya ni Mr. Almario mula sa telepono, ang senior accountant niya.
Tumango naman siya. “Send me the information to the one who withdraw the cheque.” Utos niya rito bago pinutol ang tawag.
Makalipas nga lamang ang ilang sandali ay nai-deliver na sa kaniya ang mga papeles na naglalaman ng personal information ng dalaga.
“Cassandra Alvarez, 22-year-old Business Management student, live in Bagong Silangan, Quezon City...” basa niya sa info nito.
“Hi, babe,” untag sa kaniya ni Stephanie na nagpabalik sa kaniyang alaala sa kasalukuyan. Dire-diretso itong pumasok sa kaniyang opisina at lumapit sa tabi niya.
“What are you doing?” tanong pa nitong sinulyapan siya saglit bago hinarap ang nakatambak niyang papeles sa lamesa. “Oh, my, you’re having a hard time, ha,” bulalas pa nito. “Want me to help you?”
“That’s none of your business,” malamig naman niyang sagot dito.
Hindi naman siya pinansin ng dalaga na dinampot ang mga nakakalat niyang mga papel at tila inaayos. Napansin din niyang iniisa-isa nitong binubuklat iyon na pinagdudahan niya ang tunay nitong pakay.
“What are you doing?” Marahas niyang hinablot dito ang investor contract na dapat niyang i-review.
Nagkibit-balikat naman si Stephanie at pinag-krus ang dalawang braso. “Don’t you see? I’m helping you as your fiancee.”
“Bullshit!” mura naman niya at tinalikuran ito.
Pagkatapos ay inayos niya ang mga papeles at itinabi ang mahahalaga roon upang hindi makita ng babae.
Natatawa naman habang pinagmamasdan siya ni Stephanie na animo aligaga na itinatago ang laman ng executive table niya.
“Such an innocent man,” anang isip ni Stephanie habang tumatawa nang mahina na tila ba aliw na aliw sa kaniya.
Nag-igting naman ang ugat niya sa sintido sa pinapakita ng dalaga na sa pakiwari niya ay iniinsulto siya nito.
Dahil sa kawalan ng pasensya ay malakas niyang nasuntok ang ibabaw ng lamesa na may laman ng mga papeles. Sumabog ang ibang mga papel, lumipad at nahulog sa sahig.
“Get out!” sigaw niya rito at itinuro pa ng daliri ang pintuan.
Nagulat naman sa ginawi niya si Stephanie habang napapailing. “You’re not a kid anymore, Ian. Why are you doing this? Noong mga bata pa tayo, I understand that you’re still growing up kaya nagbabago ang ugali mo. But you’re already 28 years old now, bakit hindi ka pa rin nagbabago? Nami-miss ko na ang Ian na mahal na mahal ako. Hindi ba tayo maaaring bumalik sa dati?” malungkot na wika nito at may sumungaw na luha sa mga mata ng dalaga.
Nakagat nito ang pang-ibabang labi upang pigilan ang luha. Pagkatapos ay agad tumalikod sa kaniya upang hindi niya makita iyon. Tila ayaw ng dalaga na makita niya na mahina ito.
Tila naman natigilan sandali si Ian sa nakikita sa dalaga. Napakuyom siya ng kamao. Pagkatapos ay humakbang siya palapit sa dalaga. Naramdaman naman ni Stephanie ang paglapit niya at lihim itong napangisi. Subalit nilampasan lamang niya ito at nagtuloy-tuloy sa pintuan ng opisina.
Binuksan niya ang pinto bago muling hinarap ang dalaga. “Out,” malamig na utos niya rito at itinuro ang pintuan.
Hindi naman makapaniwala si Stephanie na lalong humagulgol ng iyak sa malamig na ipinapakita ni Ian. “Wala na ba talaga akong halaga sa ‘yo? You promised me that I’m going to be your wife. I trusted you, babe, why are you hurting me now?”
Nag-iigting sa galit na tinitigan ni Ian ang dalaga. Mariin niyang nakuyom ang kamao. Nakapako lamang siya sa kinatatayuan at walang mababakas na kahit na kaunting awa sa kaniyang mukha.
Nagbalik sa kaniyang alaala noong siya ay labing-anim na taong gulang pa lamang. Twelve years na ang nakalilipas nang minsang marinig niya sa terrace ng mansyon habang nag-uusap si Ismael at Stephanie. Noong panahon na iyon ay totoong na-inlove siya sa dalaga. Ito nga ang kaniyang first love at inakala niyang mahal din siya nito.
Maging ang ama ni Stephanie na si Ismael ay proud at boto sa kanila kaya naman pinangarap niyang sila ang magkakatuluyan ng dalaga pagdating ng panahon na maaari na silang magpakasal na dalawa.
Sapagkat bata pa at padalos-dalos sa pagdedesisyon ay balak na sana niyang mag-propose nang araw na iyon kay Stephanie kung kaya lihim siyang nagpunta sa tahanan nito upang sorpresahin ang dalaga at hingin ang kamay nito sa ama. Gayundin, dahil madalas naman siyang bumisita roon kung kaya hindi siya nahirapang pakiusapan ang mga kasambahay roon na huwag sasabihin sa dalaga na naroon siya.
Subalit hindi akalain ni Ian na siya ang masosorpresa ng mga ito dahil sa mga narinig.
“You need to find it no matter what, even to marry his good-for-nothing son. You got it, Stephanie?” narinig niyang utos ng ama ng dalaga.
Nanlaki ang kaniyang mga mata sa sinabi ng matanda. Kahit walang pangalan itong binanggit ay nasisigurado niyang siya ang tinutukoy ng mga ito.
“Yes, dad. That’s not hard, he’s already head over heels in love with me. What an idiot,” tugon naman ng dalaga at tumawa nang malakas.
“Ssshh... baka may makarinig sa ‘yo at malaman pa ni kumpadre ang plano natin.”
“What? That idiot father and son duo? I can play them with my acting skill, dad,” proud na tugon ni Stephanie sa pagitan ng pagtawa.
“You’re right, hija,” nakangisi rin namang sang-ayon ni Ismael.
Tila siya napako sa kinatatayuan nang mga sandaling iyon. At simula nga noon ay lumayo na ang loob niya sa mag-ama at palagi niyang binabantayan ang bawat kilos ng mga ito.
—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal
“What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi
“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
“Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy
“What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan