Share

Chapter 1

"Kailan mo balak gawin ang pinapagawa kong task sayo, Antheia!?" Inis na sigaw ni Tito, mahina pang nag-echo ang boses niya sa loob ng office dahil sa lakas

"Bakit pa kasi ako? Pwedeng iba nalang." Nagmamaktol kong saad

Ang task kasi na binibigay nito sa akin ay bantayan ko ang galaw ng isang teacher sa isang school. Sound weird, right?

"Ikaw lang naman ang mapagkakatiwalaan ko dito." May nilapag siya na isang brown envelope sa harap ko bago sumandal

"Ano naman ang gagawin ko dito?" Tanong ko bago kunin at bukas ang envelope 

"Kakainin Antheia, kakainin!" Nanunuya na saad nito, napa-iling nalang ako bago basahan isa isa ang mga nasa loob ng envelope 

Francisco Sinco Balagtas: 46 years old, living in Hillstone Valley, currently teaching in Special Science and Technology Engineering School. His family died together with his sons and daughters…

"Anong mali dito? Isang teacher lang naman na—" 

"Siya ang pumatay kalahati sa mga tauhan natin dahil inakala nito na sila ang pumatay at dumukot sa mga mag-ina niya." Putol nito sa sasabihin ko

"I've never heard that before." Nang ilipat ko ang page ng papel na hawak ko ay duon ko na nabasa lahat ng mga private infos niya 

"Ano naman ang role ko?" Tanong ko dito 

Nag-isip pa siya ng kaunti bago ngumiti ng malapad. He's grinning like an idiot. Parang gusto kong umatras sa ipapagawa nito. 

"Lumipat ka ng school at duon mo ipagpatuloy ang pag-aaral mo." Wika nito na kina-inis ko. 

Halos ayaw ko na ngang pumasok mag-aral tapos— arghh! Naiinis ako, pwede namang teacher nalang duon o kaya ay janitor, maglilinis lang ganon. 

"Tinatamad ako, Tito." Nakangiting wika ko ngunit tinignan lamang ako nito ng masama

Akmang aalis ako ng bigla itong sumigaw dahilan para umupo ulit ako. Sa inis ko ay humalukipkip ako at sumandal. Saglit pa itong may hinalungkat sa mini cabinet at nilabas ang isang plastic 

"Here, isuot mo 'yan kapag papasok ka sa school bukas, in short 'yan ang uniform mo." Anito

"Bukas agad? Uniform?" Gulong tanong ko

"You'll start tomorrow, problems with that?" He asked 

"Nothing." Tugon ko 

Agad kong binuksan ang plastic. Napa-ngiwi pa ako ng makita kung gaano ka-elegante ang damit. I don't prefer elegant dresses. 

"Ang pangit, hindi bagay sakin 'to." 

This freaking checkered green above the knee skirt pairs with white long sleeve shirt with a necktie and the school logo on it. Of course, the black blazers.

"May problema ba?" Takang tanon ni Tito

"I don't want the style. It's so cheesy." Napa-kurap ako sa hangin

"Gawin mo nalang kasi, Antheia." Wika ni Kuya na kakapasok lang dito sa loob ng office

"What brings you here?" Tito asked 

"Someone's outside," Inis na umalis si Tito at lumabas para tignan kung sino 'yon

Agad akong tumayo at kinuha ang mga files at uniform na binigay sakin kanina ni Tito. My brother looked at me confusedly

"What?" 

"New task?" Tanong nito habang naka-turo sa hawak ko na file

"Yes, sige una na ako, kuya." Paalam ko bago lumabas

Buti nalang at may kwarto ako sa loob ng office ko dito sa Agent's Building ni tito. This building is so popular lalo na sa mga agents. Let's not talk about this building, stressed ako kung paano ko sisimulan ang mission ko bukas. 

By the way, I'm Antheia Zehra Kelaya Montenegro. Zehra Montenegro is my cover name. Both of my parents are died. Ang ikinamatay ni mommy ay sakit sa puso, si daddy naman ay binaril. I have little sister but sadly she's also gone. Si kuya na lang ang natitira kong pamilya

"Antheia?" Sigaw mula sa labas

"Yes!?" 

"Nothing." 

Inis akong tumayo mula sa pagkakahiga ko at lumabas sa office ko. And there's Tito who's grinning at me

"What!?" Inis kong tanong

Hindi ko rin maintindihan minsan si Tito, minsan ay seryoso at minsan naman at tinotopak. Well, he's old kaya ganyan siya. He doesn't have family, tumandang binata 'yan. 

"Malayo ang school na lilipatan mo." Wika nito

"Malayo!?" Inis na wika ko

Ayaw ko ng malayo dahil minsan ay hindi ako nakaka-uwi t'wing may emergency, and of course dumagdag pa sa gastusin ang mga pamasahe ko

"Yup, don't worry papahiraman kita ng kotse para hindi ka na nahihirapan sa pagsakay." Anito bago ibigay sa akin ang susi ng isang Mercedes-Benz na kotse nito

"Nice, salamat tito." Pasasalamat ko bago pumasok sa office ko

"Wait!" Pigil ko

He looked at me confusedly. "Oh?" 

"Saan ba ako lilipat ng school?" 

"Sa Batangas." Anito bago umalis

Now what? Kailangan ko pang mag-impake ng mga dadalhin ko para bukas. Since enrolled na ako ay hindi na mahirap pumasok duon, thanks to Tito. Kinuha ko rin ang subject na oras ni Mr. Balagtas para madali ko siyang mabantayan. 

It's already 12am in the morning ng matapos ako sa page-empake. I looked at my two luggage and one big handbag. Agad akong napangiwi kung paano ko 'to ilalabas bukas. 

KINABUKASAN ay sobrang aga kong nagising, 4am ay gising na ako dahil mamayang 8am ay papasok na ako. One hour din ang byahe mula dito hanggang duon 

"Here's the place, Antheia." Wika ni Tito bago ibigay sa akin ang cellphone na may map

"And also, this other one for emergencies." Anito bago ibigay ang isang cellphone saakin

Nice, so I have three cellphones. Paano ko naman magagamit lahat? Pwede namang isa lang kasi. 

"May binili akong condominium para sayo, Antheia. Galingan mo." Saad nito, tumango nalang ako

Buti nalang at pina-una ko ng ipalagay sa kotse ko yung nga maleta ko para hindi ako mahirapan mag-bitbit. 

"Hey! Sister!" Tawag sa akin ni kuya

"Oh?" 

"Here," may binigay ito sa akin na necklace na may clock na pendant. "Galing kay mom 'to, ngayon ko lang binigay sayo." 

I smiled at him. "Salamat kuya." 

Niyakap pa niya ako bago pakawalan. Buti na lang talaga at nag-aral ako sa isang driving school para hindi ako nahihirapan sa pagd-drive

"Ingat ka, Antheia." Wika nito Tito, I waved my hands at them 

"Opo, Tito. Kuya!" Paalam ko bago paandarin ang kotse ko

Sila narin ang bahala sa mga babayaran ko like school fees, allowance, daily needs etc. Para hindi na raw ako mahirapan. 

I will be introducing myself as Zehra Montenegro, madali kasi akong makilala kapag ginamit ko ang buo kong pangalan. It's for my own safety narin. 

"Ito na ba 'yon?" I asked myself 

I look outside, it's a school building with a sign saying ''Special Science and Technology Engineering School. I think ito na 'yon, mukha rin siyang private school. So classy! 

Since 6am pa naman ay pumunta na muna ako sa condo ko, ten blocks away from my school. Sobrang lapit lang, pwedeng malakad. 

Habang nag-aayos para sa school ay biglang tumunog ang cellphone ko. Someone's calling, and it's Tito

"[Hey! I'm here at the condo.]" I started 

"[Okay then, just monitor his actions.]" Anito, humigop pa ako sa kape ko bago mag-salita

"[Anong oras ang time ko sa kanya?]" 

"[I don't know, basta kinuha ko lang ay ang oras nito.]" Sagot ni Tito

We didn't talk that much dahil mala-late na ako sa school. Since tinatamad akong maglakad ay ginamit ko na ang kotse na pinahiram sa akin

"Okay, let's get started." I murmured before going out inside my car

Habang papasok sa school ay bigla nalang akong hinarang ng mga guards. What the hell? 

"Id po ma'am?" Tanong nito, pero wala pa akong id

"Wala po akong id kuya, transferee palang po ako." Wika ko, nagkatinginan pa ang dalawa bago may kinuhang logbook ang kasama nito

"Anong pangalan niyo ma'am?" Tanong ng isa na may hawak na log book

"Zehra Montenegro." Ani ko, may hinanap pa ang guard sa log book bago senyasan ang kasama nito na papasukin ako

Napa-iling nalang ako ng bahagya bago pumunta sa registration office. 

"Ms. Montenegro, here's your id." Anito bago ibigay

"Salamat po." 

"You're Section A, Ms. Montenegro." She concluded 

Now, kailangan ko ng mahanap ang section ko bago pa mag-time. Buti nalang at may nakita akong isang janitor di kalayuan. 

"Ah, manong saan po ba yung section A?" Tanong ko

"Anong section A ba, ineng? Maraming section A dito, eh." Anito na ipinagtaka ko

Agad ko na tinignan ang transferee form ko para makita. Ba't ba kasi andaming section dito? 

"Ito manong, Building Biology and Earth section A?" Basa ko sa nakasulat

"Dumiretso ka lang ng lakad bago kumanan. Kapag may nakita ka ng green at while na building ay 'yon na ang hinahanap mo." Agad akong nagpasalamat at umalis na

Akala ko ay malapit na pero hindi pa pala. Kaya lakad at takbo ang ginawa ko para makarating duon sa building. Habang tumatakbo ay bigla nalang may sumagi saakin dahilan para mahulog ko ang mga papel ko

"Ano ba! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo!?" Inis na sigaw ko bago lumuhod para kunin ang mga nahulog na papel ko

"So ako pa ang may kasalanan? Kasalanan ko bang bulag ka kaya hindi mo ako nakita." Nanunuyong wika nito

Balak ko pa sana siyang singhalan ng maalala ko kung ano ang pakay ko dito. Inis ko siyang bingga sa balikat bago lumakad paalis

"Ugh, bwesit." I whimpered 

Nag-ring na ang bell, indicates that time na. At heto pa rin ako mukhang tanga na naghahanap kung saan ang section A. Paakyat na ako sa isang floor ng makasalubong ko si Mr. Balagtas, ang teacher na kailangan kong bantayan

"Mr. Balagtas, I'm sorry for being late-" 

"I bet you're the transferee student, right?" He asked 

I nodded. "Opo." 

"Good, sabay kana sakin. You look you're lost." He smiled 

He look so innocent, may katandaan na ito at mukha pang mabait. He reminds me of my father. 

"Zehra Montenegro?" Tanong nito, agad naman akong tumango

"Great, tara na pasok na tayo." 

The time when he stepped on the classroom the noises and murmur stopped. Agad na tumahimik lahat ng students at umupo ng maayos. Tumingin ito sa akin bago senyasan na pumasok 

"We have a new transferee today. Kindly introduce yourself, hija." He said while smiling 

I sighed. "I'm Zehra Montenegro, I'm not an approachable person so please bear with my attitude. Please be good to me." 

Pakilala ko, ibinigay ko muna ang hawak ko na mga papel bago naghihintay ng sasabihin nito. Nang ilibot ko ang tingin ko ay dumapo 'yon sa lalaking nabangga ko kanina

" Ms. Montenegro kindly sat beside Mr. Zichyo." 

It's obvious na sa tabi ng lalaking nabangga ko kanina since 'yon lang naman ang vacant seat. Uupo na sana ako sa tabi nito ng biglang may humatak sa upuan dahilan para maupo ako sa sahig. Murmurs suddenly clamored

"Ms. Montenegro? What's happened?" Tanong ni Mr. Balagtas

I shook my head immediately. "Okay lang sir, nagkamali lang ng upo." 

Agad akong napalingon sa katabi ko na naka-ngisi saakin. Bwesit! Mamaya talaga siya saakin. At mas malala pa, akala niya hindi ko siya uurungan

<3

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status