Share

Chapter 2

Nang mag start na ang discussion ay obviously Science ang first subject, it was all about laboratory. Ang task ko ay bantayan ang bawat galaw ni Mr. Balagtas, hindi makinig at mag-aral. 

"Ms. Montenegro, are you with us?" Bumalik ako sa ulirat ng biglang may tumawag sa pangalan ko

"Y-Yes sir." Sagot ko bago umupo ng maayos

"So, like I said for a while. Which part of the Microscope where there are 3 or 4 objective lenses on microscope, which consist of 4x, 10x, 40x and 100x powers-" 

"Objective Lenses, sir." Putol ko sa sinasabi ni Mr. Balagtas. Agad itong napangisi at tumingin sa gawi ng katabi ko

"Pa'no ba 'yan Mr. Zichyo, mukhang may papalit na ata sa pwesto mo?" Nang-aasar na tanong nito

Agad akong napatingin sa gawi ng katabi ko na nakatitig sa akin. He smirked at me before looking at Mr. Balagtas 

"We'll see." 

Buti nalang talaga at gumana rin kahit papaano ang utak ko. Muntik na ako kanina! 

Ang sumunod na teacher namin ay tinuro about Earth. Gaya nga ng pangalan ng school na 'to ay puro Science ang pag-aralan namin. Boring 

"This Chalcogen was discovered by Joseph Priestly of Britain and Carl Wilhelm Scheele of Sweden?" Tanong ni Ma'am 

I immediately raised my hand,I looked at Shawn who was also raising his hand. Ako ang nauna. 

"Sabay na kayo." Saad ni ma'am 

"Oxygen!" I answered 

"Tellurium!" Shawn answered 

"Sinong sumagot ng oxygen?" Tanong ni ma'am, I raised my hand 

"Okay, Ms. Montenegro one point." She said before questioning again 

I look at Shawn who's sharply looking at me. Loser! Actually, kanina pa kami nagpapagalingan. I'm just trying his IQ level 

"Madaya." He whispered, sakto lang para marinig ko

"Wala kasing alam." I whispered back

"This Alkali Metal was discovered in 1807 by Sir Humphrey Davy of Britain." 

Sabay ulit kaming nag-taas ni Shawn ng kamay. 

"What is the answer?" Tanong ni Ma'am 

"Potassium." I answered 

"K." He answered 

Taka namin siyang tinignan. Anong K? K as in Okay? Ganon? Bobo? 

"What K?" Tanong ni Ma'am 

"Potassium's symbol." He shortly answered before smirking 

"Edi wow." Inis kong saad

Hindi dapat counted 'yon. Di naman sinabi na symbol ang ibigay, elements name naman! Unfair 

Habang nagre-recess ako ay biglang may umupo sa tabi ko. Hindi yung Shawn, ibang tao, at babae siya

"Hi, I'm Nayah Yunah Satsuma. Half Japanese, half Pilipina. And you are?" She asked 

"I'm Zehra Montenegro. Half Filipino, half maganda." I answered, she chuckled 

"Ang funny mo." 

"You know what, ang talino mo." Manghang saad nito

"Matalino saan? Stock knowledge ko lang 'yon." Wika ko bago kumagat sa burger ko

She has a white fair skin, she also have chinita eyes. Her pointed nose, her pinkish lips. Isang tingin mo lang talaga ay pansin mo na, na half blooded siya. 

"Magkaklase pala tayo?." I asked 

"Yup! Hindi mo lang ako napansin kanina." Sagot nito bago uminom sa juice niya 

She's nice and jolly. She look so approachable, nakakapagtaka nga lang ay wala siyang kaibigan dito dahil wala akong nakita na kasama nito. 

"So, how should I call you? Zehra? Ehra? Zeh?" Sunod sunod na tanong nito. Goodness, she's talkative!

"Just Zehra, ikaw? Nayah? Or Yunah?" Tanong ko

She clicked. "Yunah, I like my second name." 

Agad na napako ang tingin ko kay Mr. Balagtas na papasok sa canteen, lahat ata ng madadaanan niya na students ay babati sa kanya. 

"Kilala mo si Mr. Balagtas?" Tanong ko kay Yunah na kumakain

"Yes, siya ang pinaka-sikat at magaling na teacher dito. He's also nice at everybody." She explained 

Francisco Sinco Balagtas. His name is so innocent. Agad ko siyang sinundan ng tingin, kumakain ito kasama ng ilang mga co-teacher niya

"Hey! Zehra, 'yong pagkain mo lumalamig na." Wika ni Yunah na nasa harap ko

Agad ko ng tinapos ang kinakain ko bago pumasok para sa afternoon class namin. Nakakainis lang dahil about science lahat ng pag-aaralan namin. Wala man lang Mapeh or Math. 

"Sige, duon na ako sa upuan ko." Paalam ni Yunah

Akala ko kung duon siya sa pinaka-dulo, hindi! Sa likod ko lang. I look at Shawn who's playing with his phone 

"What!?" Iritang tanong nito ng napansin na nakatitig ako sa kanya

I rolled my eyes at him. "Nothing." 

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating ang teacher namin sa Biology. As usual, I find it boring. 

"You! Zehra. What is the layer inside a planetary body bounded below by a core and above by a crust?" She asked 

What the hell? Sa dinami dami ng students dito sa loob ng classroom ako pa? 

"I don't know, maybe Mantle?" 

"Are you sure about that?" She asked once again

"Oum, Mantle." I answered before smiling 

"Correct, makinig ka ng mabuti." 

I immediately rolled my eyes when she turned back at me. So terror. I don't prefer that kind of teacher

"Zehra!" Saway ng teacher namin

"What?" 

"What do you want when you grow up!?" Tanong nito

Kanina science lang tapos napunta na dito? Well, if ako ang tatanungin mo? Certainly not a Teacher! 

"Agent." I answered, of course sinagot ko lang 'yan dahil wala akong maisip. 

"Agent? Is that even existing?" She asked sarcastically 

"It's up to you, madam." 

I know she's fuming mad, but I don't care. Hindi siya ang pinuntahan ko dito. And besides, I'm an agent too. 

"Baliw ka talaga." Natatawang saad ni Yunah mula sa likod ako pagka-labas ni Ma'am 

"Bakit? May mali ba sa agent?" Tanong ko

She shook her head. "Hindi naman pero... naniniwala ka duon?" 

I raised my brows. "Bakit naman hindi?" Isa rin naman akong agent, huh

"Tanga tanga lang daw naniniwala sa mga agents." Sabat ni Shawn mula sa tabi ko

"So, tanga ako ganon!?" Inis na tanong ko

"I didn't say that. Ikaw lang." Ngising saad nito bago ulit utuon ang atensyon sa binabasa na libro

"Maduling ka sana." I whispered 

Our class went smoothly. Habang nag-aayos ako sa locker ko ay bigla may tumabi saakin para buksan ang locker niya. It's Shawn, of course. Sa pananamit, kilos at amoy palang niya alam kong siya na-

Ba't nga ba alam mo? Ha? Zehra? 

"Parang tanga, amputcha!" Wika ng kung sino sa tabi ko

"Ano nanaman!?" Inis kong tanong kay Shawn 

He smirked. "Ang gwapo ko talaga." 

I irritatedly rolled my eyes. "Mahangin ka sana sa kahanginan mo." 

Inis akong pumunta sa parking lot para kunin ang kotse ko. Since tinatamad akong magluto ng makakain ko para mamaya ay bibili nalang ako. 

"So, this is my new life, huh?" I murmured before turning on my car's engine 

Since may nadaanan akong fast food chain sa tabi ng condo ko ay nagtake-out nalang ako duon. After that ay pagod akong nahiga sa kama ko. Napa-igtad pa ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko 

"[Hello?]" Wika ko

"[Any updates, Antheia?]" It's Tito Kristoffer 

"[Nothing, napaka-tanda na ni Mr. Balagtas. Ano naman mapapala ko duon?]" Tanong ko bago ilagay sa plato ang pagkain na binili ko

"[Life insurance.]" Rinig kong saad ni Kuya

"[Gago.]" Tawang sagot ko

"[Hey, Antheia! Kamusta?]" Tanong nito

Napa-ngiwi pa ako sa boses nito."[Okay pa naman, humihinga.]"

We didn't talk that much, kinamusta lang nila ako dito. We also talk about Mr. Balagtas

KINABUKASAN ay naiinis akong bumangon dahil sa alarm clock ko. What the... late na ako, bwesit! Ba't ba kasi nasanay akong gumising ng tanghali?! 

Nagmamadaling akong naligo at nagsuklay. 'Di na ako nag-aksayang kumain dahil malalate na ako. 

"Sorry sir I'm late." Wika ko pagpasok ng classroom 

Halos lahat silang lahat at tumingin sa gawi ko. Pati si Mr. Balagtas.  

"It's okay Ms. Montenegro, naiintindihan ko. Alam kong pagod ka." Anito, ha? Anong pagod? 

"Anong pagod? Na-late lang ako ng gising-" 

"Mr. Zichyo told me na napagod kayo sa ginawa niyo kagabi?" Anito

I look at Shawn who's smirking at me. Anong ginawa? We didn't even see each other last night. What the hell? 

"Kindly go to your seat, Zehra." Wika ni Sir

Inis akong pumunta sa pwesto ko katabi si Shawn. Inis ko pang binagsak ang bag ko sa upuan ko. 

"Minsan kasi 'wag magpapa-late sa klase para hindi mapag-laruan." He whispered, I irritatedly rolled my eyes at him

"Talaga ba, Shawn? Pakyu!" I murmured 

It's already afternoon class. And guess what? Teacher namin ngayon ang pinaka-hate ko. I hate her because she's too terrifying. 

"Ms. Montenegro! Are you listening?!" Inis na tanong nito. I'm listening, I'm just not paying attention! 

"Yes, ma'am." I answered 

"Answer this." Saad nito bago ipakita ang nasa board 

I rolled my eyes before standing up. It's a simple question, others find it very hard. Pagkatapos kong sumagot ay umupo na ako, but I feel something in my seat. Parang may mainit na kung ano sa may palda ko

"Okay, Class Dismissed." Wika ng last teacher namin bago umalis

Tatayo na sana ako ng napansin ko na sumama ang upuan ko. Nang pilitin kong tanggalin ang palda ko sa upuan ay masisira ang palda ko

"Oh? Zehra? Anong nangyari?" Tanong ni Yunah

"May naglagay ng super glue sa upuan ko dahilan para dumikit ang palda ko." Saad ko

Dahil may kalakasan ako ay pinilit kong tanggalin ang pagkaka-glue sa palda ko, 'yon nga lang ay natanggal ang kalahati nito dahilan para makita ang cycling na suot ko

"Oh, shoot!" Gulat na saad ni Yunah

Agad niyang tinanggal ang suot na jacket bago ilagay sa bewang ko. Buti nalang at natakpan ang likod ng palda ko dahilan para matakpan din ang panloob ko na suot

"Salamat." 

"Don't mention it. Kahit bukas mo na lang ibalik saakin." Anito

Sabay na kaming umuwi. Pagkarating ko sa condo ay inis akong nagpapa-padyak sa inis. I hate him! I freaking hate Shawn! Alam kong siya ang gumawa no'n

"Arghh! I hate him!" Sigaw ko

Buti nalang at may extra pa akong uniform para bukas. Agad akong nagpalit ng mas maayos na damit, since tinatamad akong mag-pajama ay nagsuot nalang ako ng oversized t-shirt at cycling 

"Bwesit!" Inis na sigaw ko paglabas ko ng cr

Habang kumakain ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Pangalan ni Kuya agad ang bumungad saakin. At ano naman ang kailangan nito saakin? 

"[Kuya, what is it?]" Tanong ko

"[How's your life there? Mahirap ba?]" Tanong nito, balak ko mang sabihin ng nangyayari sa akin but I choose to be silent 

"[Okay lang naman, Kuya.]" Ani ko

"[If you have problems magsabi ka lang. Okay?]" He said

I chuckled a little."[Oo naman, Kuya.]" 

KINABUKASAN ay mas maaga na akong nagising. Agad akong naligo at kumain bago pumunta sa school. Habang nag-aayos ng gamit ko ay biglang may nag-sarado ng pinto ng locker ko dahilan para tumama ang pinto nito sa ulo ko

"Shit!" I groaned 

Agad akong napahawak sa ulo ko baka may dumugo 'yon o ano. 

"Are you okay?" Tanong ni Shawn

"Sa lagay ko na 'to, mukha ba akong okay?!" I sarcastically said

"I'm sorry, malay ko bang nasa daanan ka?" I look at him irritatedly

"So ako pa ang may kasalanan?!" Inis na tanong ko

"Kinda." 

"Ano ang mas nauna, Itlog o Manok?" Tanong ng teacher namin

What the... science class tapos ganyan ang tanong? Where did that question came from? 

"Manok!" I answered 

"Itlog!" Sagot ng katabi ko

I look at him annoyingly. Ba't ba palagi 'tong sumasabat? The hell! 

"It's manok! Saan ba galing ang itlog!?" Inis na sigaw ko

"It's an egg! Where did the chicken come from!?" He answered back

"It's manok! Paano makakabuo ng itlog kung walang manok?" Inis na sabat ko

He grinned at me before answering. "Kung gusto mo, gumawa tayo ng itlog."

Taka akong tumingin sa kanya. Ano pang pinagsasabi nitong hayop na 'to? 

"Pero ngayon, human version naman." He added 

Nang mag-sink in saakin ang sinabi nito ay agad akong nag-iwas ng tingin at itinuon ang atensyon sa board. 

"Bwesit." I whispered 

<3

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status