Share

Chapter 3

"Kinilig ka naman?" Tanong ni Yunah habang kumakain kami ng lunch dito sa cafeteria

"Kiligin saan?" Takang tanong ko. She looked at me with disbelief.

"Sa sinabi ni Shawn."

"Duh! Ano namang nakakakilig duon?" Inis na tanong ko

Habang kumakain kami ay biglang may umupo sa tabi namin ni Yunah. It's not girl, it's boy. 

"Hi, mister. Nagkamali po ba kayo ng table?" Yunah asked. 

Taka pang tumingin 'yong lalaki kay Yunah bago ituro ang sarili. Yunah nodded at the boy. 

"Hindi ako nagkamali. Wala na kasing vacant." Anito 

"Gusto mo join ka sa amin?" Suggest pa nito

"Pwede ba?" 

Yunah nodded. "Okay lang, 'diba Zehra?" 

Both of them looked at me. Ngumiti ako ng tipid bago tumango. Bakit naman kailangan pa ako? 

"Sure." 

"So, what's your name?" Yunah started 

"Neio Sebastian Quinn." 

"Ganda ng name." She commented. "I'm Nayah Yunah Satsuma." 

Neio' s gaze turned on me. 

"Zehra Montenegro." I shortly said

I let them talk, silang dalawa lang ang nag-uusap. Minsan lang ako nagsasalita kapag tinatanong nila ako. 

"Ibang section ka 'no?" Tanong ni Yunah

"Oo. Una na ako, ha. May project pa kami na kailangang ayusin." Paalam nito, sakto naman at tumunog na ang bell

Habang papunta na kami sa building namin ay napansin ko si Mr. Balagtas na papasok sa isang hallway. Akala ko ba ay siya ang teacher namin ngayong afternoon class? 

"Yunah, mauna kana muna, ha. Cr lang ako." Paalam ko, tumango naman ito bilang sagot

Agad akong pumasok sa hallway kung saan din lang dumaan si Mr. Balagtas. Napansin ko na pumasok siya sa isang stock room. Balak ko sana siyang sundan duon ng may humarang sa daanan ko

"Time na, ha? Sa'n ka naman pupunta?" Tanong ni Shawn 

Ba't ba palagi itong kontrabida sa mission ko? Bwesit! Inis kong siyang kinurapan bago iwasan. Papasok na sana ako sa stock room ng bigla itong bumukas at niluwa nito si Mr. Balagtas na may dala-dalang envelope. Taka pa siyang nakatingin sa amin

"Shawn? Zehra? Tima na, ba't nandito pa kayo?" Tanong nito

"Sinusun—" 

"Napadaan lang po kami ni Shawn dito." Putol ko sa sasabihin ni Shawn. 

"Sige na, hawakan niyo ito at tara na sa classroom." Anito bago maunang maglakad

Inis kong tinapunan ng tingin si Shawn bago sumunod kay Mr. Balagtas. Napurnada nanaman ang plano ko dahil sa kanya. 

KINAHAPUNAN ay sabay kami ni Yunah na umuwi, palabas na sana kami ng gate ng biglang may tumawag sa pangalan namin. 

"Narinig mo 'yon?" Tanong sa akin ni Yunah

I shrugged. "Oo, baka—" 

"Yunah, Zehra. Kanina ko pa kayo tinatawag." Biglang sabat ni Neio

"Sorry, kaala namin kung sino." 

"Nah, it's okay. Sabay na tayo umuwi." Saad nito, tumango nalang kami ni Yunah since boring naman kapag kaming dalawa lang. 

Nag-aya pa si Yunah na kumain muna sa isang coffee shop dahil nagugutom na raw ito. Balak ko na sanang umuwi pero ayaw kong matawag na kj. 

"Order mo, Zehra?" Tanong ni Neio

"Cappuccino and garlic bread lang." Sagot ko

I looked at Yunah who's looking at me with disgusting written in her face. Agad kong tinaasan ito ng kilay. 

"What!?" 

"You eat garlic bread?" Takang tanong niya 

I nodded. "Oo, bakit?" 

"Nothing. Ayaw ko lang ng lasa no'n." Anito bago uminom ng tubig

Napa-iling ako ng bahagya bago kunin ang cellphone ko na kanina pa nagvi-vibrate. It's tito, he's calling me

"Sagutin ko lang 'to." Paalam ko kay Yunah

Lumabas na muna ako ng shop para makausap si Tito. 

"[Hello, Tito?]" Bati ko

"[Antheia, nahanap na namin kung saan nanunuluyan si Mr. Balagtas. Follow him and don't be caught.]" Wika nito mula sa kabilang linya

"[Yes, send me the map.]" Sagot ko bago patayin ang tawag

Nang maisend na nila ang map ay agad akong pumasok sa loob at kunin ang bag ko. Agad na nagtaka sina Yunah at Neio sa ikinilos ko

"Sa'n ka pupunta? 'Yong order mo, oh." Anito

"Sa Inyo na, babayaran ko nalang bukas yung bayad." 

Agas akong lumabas at pumunta sa parking lot para kunin ang kotse ko. I checked the map and hindi kalayuan ang bahay nito mula sa school. 

Ang nakaka-inis nga lang ay may guard pa sa subdivision nila kaya hindi ako basta basta makakapasok. 

"Miss, sino po ang sadya niyo rito?" Tanong nito

"Si Mr. Francisco Sinco Balagtas." 

"Wait lang Ma'am, tatanungin ko lang kung—" 

"No need, alam niya na bibisita ako." Putol ko sa sinasabi niya

Buti nalang at naniwala ito kaya pinapasok na niya ako. I immediately traced his house. Sakto lang ang laki niya at kaya duon ang isang pamilya. 

I parked my car far from his house para hindi mahalata. Sakto naman at dumating ang kotse nito. I called Tito Kristoffer. 

"[Now what? Nandito ako ngayon sa labas ng bahay niya at sinusundan siya ng tingin.]" 

"[Tignan mo lang ang galaw niya, Zehra. Malay may mga gwardiya siya d'yan o kaya naman at tauhan.]" Anito

Napa-ngiwi ako sa taba ng utak niya. Gwardiya? Tauhan? Eh, halos limang tao lang ang kaya ng bahay nito sa laki

"[Wala siyang guard or tauhan, Tito. Maliit lang ang bahay niya at sakto lang ang laki nito para sa limang katao.]" I explained 

I heard him cussed. "[Malay mo may underground siya tapos nanduon lahat ng tauhan niya.]"

"[Where did that thing came from?]" I scoffed 

"[Shut up! Gawin mo nalang ang utos ko.]" Anito bago patayin ang tawag

Ngayon ko lang napansin na nasa terrace siya ng kwarto niya at may hawak na picture frame. Hindi man malinaw ang ginagawa nito pero nasisigurado ko na umiiyak ito dahil sa pagpunas ng mga luha na tumutulo sa pisngi nito. 

"Is he innocent? Siya ba talaga ang pumatay sa mga tauhan namin?" I murmured. 

KINABUKASAN ay maaga akong pumasok sa school para duon ko ipagpatuloy ang tulog ko. 2 am na ata ako naka-uwi at nakatulog dahil sa pagmamasid ko kay Mr. Balagtas. 

"Zehra!" 

Mabilis akong umupo ng maayos at humarap kay Mr. Balagtas na nasa harap. I looked at him confusedly when he start chuckling. Kasunod no'n ay ang tawanan ng mga classmates ko pati narin si Shawn 

"Here." Natatawang ani ni Yunah bago ibigay ang salamin

My anger suddenly raised up when I see my face full of drawing. May drawing pa na balbas at mga iba pa sa mukha ko. I looked at Shawn who's holding a pentel pen. 

Walang sabi sabi na lumabas ako ng classroom at pumunta sa pinakamalapit na cr para linisin ang mukha ko

"Shit!" I groaned when I see some cuts in my face. Dala narin siguro ng madiin na pagkuskos ko sa balat ko

Si Yunah ay nasa likod ko. Nag-aalala dahil sa mga sugat ko sa mukha. I don't care kahit dumugo pa ang mga iyan, ang kailangan ko lang na matanggal ay ang mga drawing sa mukha ko

"Zehra, tama na 'yan. Nagsisimula ng dumugo ang mga sugat mo." Anito pero hindi ko pinakinggan

"Nah, it's fine. Sanay na ako sa mga gan'yan." 

Napa-ngiwi pa ako ng makita ko sa salamin ang mukha ko na may mga tulo ng kaunting dugo mula sa mga sugat ko. Namumula rin ang buo kong mukha. Buti nalang at natanggal na lahat ng drawing 

"Okay, let's go." Aya ko

Nang pumasok kami sa classroom ay walang sabi sabi na umupo ako sa upuan ko. Mr. Balagtas stopped discussing and stared at my face

"Okay lang ba 'yang mukha mo, Zehra?" Tanong nito

I nodded. "Okay lang po." 

Napansin ko ang pagtitig sa akin ni Shawn pero hindi ko na ito pinansin. Inis na inis ako sa kanya at halos gusto ko na siyang ilublob sa bowl. 

"Nangyari sa mukha mo?" Tanong ni Nieo na kadadating lang

"H'wag mo ng tanungin, Neio. Baka masaksak ka lang ng tinidor na hawak niya." Sabi ni Yunah kay Neio

Agad kong kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa ko ng magring ito. As usual, si Tito Kristoffer ang tumatawag. Nagpaalam na muna ako kila Yunah para sagutin ang tawag. 

"[Hello, Tito?]"

"[Sa sabado, pumunta ka sa bahay nila Mr. Balagtas. Sabihin mo na magpapaturo ka ng lesson niya—]" 

"[No!]" Giit ko

"[I don't want to do that.]" I concluded 

"[Antheia, para matapos na ang mission mo. Hindi parin ako matahimik hanggang ngayon kung sino talaga ang pumatay sa mga tauhan natin!]" 

I sighed."[Let's see]" I answered before turning off the call. 

Agad akong bumalik sa mesa namin at ipinagpatuloy na kumain. Half of my brain saying that Mr. Balagtas is innocent and victim blaming. Also half of my head saying that Mr. Balagtas killed our goons and he's just pretending to be innocent. 

"Zehra!" Tawag ni Neio sa pangalan ko

"What?" 

"Bell na, oras ng pumasok." Anito bago umalis

Ngayon ko lang napansin na paalis na lahat ng students sa loob ng canteen at ako nalang ang natitirang naka-upo. 

PAPASOK na ako ng condo ko ng biglang makasabay ko si Shawn na may dalang paper bags. 

"What the…" 

"Oh, Zehra. Nice to see you again. Dito ka nakatira?" He asked. Is that sarcasm? 

Hindi ko ito pinansin at dumiretso nalang ako elevator. Sasarado na sana ang pinto ng biglang may pumigil dahilan para bumukas ulit ito. 

"Ba't ba nandito ka?!" Tanong ko kay Shawn na nasa tabi ko

"Visiting a friend of course." Anito 

My brows raised up when I heard the way he speak. Ba't parang bumait ata ang pananalita niya? Is that a miracle? 

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay agad akong lumabas. Nakakapagtaka nga lang dahil sumunod din si Shawn saakin. I irritatedly faced him

"Sinusundan mo ba ako?!" 

"What?" 

"I said sinusundan mo ba ako!?" 

"Hey woman! Bibisitahin ko ang kaibigan ko at nagkataon lang na magka-floor kayo." Anito bago dumiretso ng lakad

I rolled my eyes before opening my door. Papasok na sana ako sa loob ng biglang nagsalita si Shawn na ikinatigil ko.

"By the way, I'm sorry sa nagawa ko kanina." Anito bago nagsimulang lumakad 

<3

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status