Share

Temporary Amnesia

MATAPOS i-check ng doctor ang kondisyon ko ay pinakiusapan ko itong huwag ipaalam kay Iñigo ang totoo kong kalagayan. Ikinuwento ko rin sa doctor ang totoo kong dahilan kung bakit kailangan kong magpanggap na may amnesia kaya't agad naman itong pumayag. Ngayon ay nasa labas na ng silid ang doctor at masinsinan na silang nag-uusap ni Iñigo

Makalipas ang ilang minuto ay muling bumukas ang pinto ng ward.

"My dear Samantha! OMG! Mabuti naman at nagising ka na!" bulalas ni Nocole. Akmang tatakbo ito papalapit saakin ngunit mabilis soyang napigilan ni Iñigo.

"Just stay here." Ani Iñigo sa seryoso at maawtoridad na tinig.

"Ano ba? Kukumustahin ko lang 'yong kaibigan ko!" Pagprotesta nito habang pilit pa rin siyang hinahawakan ni Iñigo sa braso.

"Sandali! Makinig ka nga muna." Ani Iñigo na puno na ng iritasyon sa tinig.

"Bakit ba kasi ayaw mo akong palapitin? Eh gising na ang kaibigan ko oh!"giit pa ni Nicole.

"Nicz, gising na nga si Sam, ngunit nakakalungkot ang sitwasyon niya ngayon.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status