LOGINBuong akala ni Samantha ay malalagay na sa tahimik ang kanyang buhay sa oras na ikasal na siya sa lalaking pinakamamahal niya. Subalit hindi niya inaasahan'g sa araw ng kanyang kasal ay ipapahiya at iiwan lang pala siya ng kanyang nobyo sa mismong harap ng altar. Hindi naging madali para sa kanya ang pangyayaring iyon. Ngunit kailangan niya pa rin'g magpatuloy sa buhay. Mabuti na lamang at naisipan niyang mag-apply bilang sekretarya sa kompanyang pag-aari ng isang guwapo ngunit broken hearted at single dad na CEO. Kaagad siyang natanggap at sa bawat araw na lumilipas ay may mga sikreto siyang nadiskubre mula sa CEO, patungkol sa relasyon nila ng dati niyang nobyo. Subalit hindi naging hadlang iyon sa kanilang dalawa. Sa katunayan ay naging magkaibigan pa nga sila ngunit hindi niya inaasahan'g darating sa puntong higit pa pala sa isang kaibigan ang mararamdaman nila sa bawat isa. Nakahanda na kaya siyang maging step mom sa spoilded brat daughter ng CEO? Paano kung bumalik pang muli ang dati niyang nobyo? Tatanggapin niya pa kaya ito o mananatili na lamang itong parte ng nakaraan?
View MoreBUONG akala ko ay makakalabas agad ako kinabukasan. Subalit laking gulat ko nang magsulputan sa hospital sina Nicole at Mr. President."Hoy, frenny! Ano ang nangyari sa'yo? Diyis ko, pinag-alala mo ako ng husto!" Anang kaibigan ko na halos hindi na ako makahinga dahil sa higpit ng pagkakayakap nito saakin."Okay na ako. Huwag ka ng masyadong OA diyan! Salamat sa pagdalaw. Actually, kahapon pa dapat ako laabas kaso ayaw naman ni Iñigo.""Hmm...mabuti na rin 'yon para naman mabantayan at maalagaan ka niya rito lahit isang gabi lang Kumusta si baby?""Okay din siya. Eh ikaw, medyo halata na 'yang tiyan mo ah.""Yup, at nagpa-ultrasound na din kami ni Dylan. Mag-gender reveal kami sa sunday. Kailangan nandoon ka ah.""Oo naman! Hindi pwedeng mawala ako do'n." nakangiting pahayag ko.Maya-maya pa ay ang presidente naman ang sunod na lumapit saakin. Si Iñigonay nasa labas. Aasiksuhin niya daw muna ang mga hospital bills ko.Naawa na rin ako sa kanya. Wala siyang maayos na tulog kaga
PAGDILAT ko ng aking mga mata ay nasa hospital na ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala akong makita at makausap na tao. Kaya kahit nanghihina pa ako ay nagpumilit akong bumangon. Subalit bago pa man ako tuluyan'g makabangon ay biglang bumukas ang pintp ng ward.Namilog ang aking mga mata nang mapagsino ko ang pumasok. It was Jordan. Hindi agad ako nakapagsalita. Sa halip ay muli akong nahiga."How are you, Sam?" nag-aalala'ng tanong niya saakin."Why are you here, Jordan?" sa halip na sumagot ay tinanong ko rin siya."Vacation." maikli niyang tugon."Ikaw ba ang nagdala saakin sa hospital?""Yeah.""Huh? Paano nangyari 'yon? Bakit hindi si Iñigo ang nagdala sa'kin?""That was supposed to be my question to you, Sam." mariin niyang sambit.Napabuntonghininga muna ako bago ko siya nagawang sagutin. "He's busy.""Busy?" balik tanong niya at pagkatapos ay pagak na natawa. "In this kind of situation ay busy siya? Sam, paano kung tuluyan nga kayong mapahamak ng bata na na
KINABUKASAN ay tinotoo nga ni Iñigo ang galit niy saakin.Maaga daw itong umalis sabi ni Ellie. Dadaan daw ito sa school niya para kausapin mismo ang kanyang teacher. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at hindi ko maiwasan'g kausapin ang aking sarili. "Napagod na ba si Iñigo sa ugali ko?"Naihilamos ko na lamang ang aking mga palad at muli akong bumalik sa tabi ni Ellie."Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay na ako tita mommy. Pwede na nga po akong pumasok sa school eh." nakangiti niyang sagot saakin."Masaya ako na okay ka na. Pero, kailangan muna natin na kausapin nag dad mo kung papayag na ba siyang pumasok ka sa school.""Okay po.""Iwanan na muna kita ah. Puntahan ko lang si Sammuel.""Sige po tita mommy."Nang makalabas ako ng silid ay bigla akong nakaramdam ng bahagyang pagkahilo. Kaya naman dahan-dahan akong nangapa ng pwede kong makapitan at gayo'n na lamang ang pagkagulat ko nang mismong ang balikat ng presidente ang nahawakan ko."Hey, are you okay, Sam?" Aniya na puno ng pag-
LINGGO ngayon kaya't sinadya kong gumising ng maaga. Araw ng pamamalengke ni Aling Flor kaya naman, sasamahan ko na lang siya nang sa gayo'n ay hindi ko makita ang pagmumukha ni Iñigo." Nay!" tawag ko sa matanda nang hindi gad ito nakita sa kusina."Oh, bakit? May problema ba?" aniya na galing pala sa silid niya."Punta ka na ba ng palengke 'nay?""Oo.""Tara na po, sasamahan na kita.""Huh? Eh, wala ba kayong lakad ngayon ni Iñigo?""Wala po." determinadong sagot ko."Who told you that?"Gulat kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Si Iñigo 'yon. Nakasuot pa ng pantulog at halatang kakagising lang."Uhm, ako. Narinig mo naman di'ba?" pamimilosopo ko rito."Naku, mukhang iba na naman ang ihip ng hangin dito. Mabuti pa siguro ay mag-isa na lang akong magtungo sa palengke." Anang matanda."Sasama ako 'nay!" patuloy na pagpupumilit ko."Just stay here, Sam." maawtoridad na pahayag ni Iñigo.Nakasimangot na tinalikuran ko si Iñigo. Pumunta ako sa sala at walang imik na naupo


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews