Beranda / Romance / Isang CEO Pala Ang Forever Ko / Pagkalito at Panghihinayang

Share

Pagkalito at Panghihinayang

Penulis: eZymSeXy_05
last update Terakhir Diperbarui: 2022-05-19 18:16:12

NAKAUWI na ako sa bahay ngunit, tila wala pa rin ako sa sariling katinuan.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Iñigo. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang mapagtanto kong hindi pa pala ako bumababa sa kotse niya.

"Uhm...so-sorry."Hinging paumanhin ko. Kapagkuwa'y dali-dali akong bumaba ng sasakyan. "Nawala sa isip ko na-"

''It's okay. Alam ko naman'g hindi ka pa masyadong nakaka-get over sa mga nalaman mo kanina."

"Sa-salamat ulit sir. Kung hindi dahil sa'yo ay paniguradong hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya sa kung ano nga ba ang totoong dahilan ng-" Muli ay hindi niya na naman ako pinatapos sa aking sasabihin.

" Sige na. Pumasok ka na sa loob. Magpahinga ka na para hindi ka nagkakaganyan. Tawagan mo na lang ako bukas huh, incase na hindi ka pa ready na pumasok sa office. Don't worry, maiintindihan naman kita." Aniya na sinundan pa ng sunud-sunod na pagkaway at ang kaninang ngiti niya sa labi ay hindi pa rin nabubura hanggang ngayon. Kaya't kahit paano ay napilitan rin akong ngumiti.

"Ano ka ba? Nakakahiya naman sa'yo kung hindi ako papasok. Hindi na nga ako nahirapan mag-apply eh tapos may day off na kaagad ako." Natatawang reklamo ko sa kanya, ngunit sa halip na sumagot pa ay tinanguan na lang ako nito at nagpatuloy na nga sa pagmamaneho.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ko inihakbang ang aking mga paa papasok sa loob ng bahay.

Naabutan kong nagkakape si Nicole kaya naman walang imik na umupo rin ako sa katapat niyang silya at walang pasabi na nakihigop rin ako ng kape niya.

"Hayan ka na naman! Ang tamad mo talaga magtimpla!" reklamo nito.

"Sus, kaunti lang eh! Ba't ang damot mo yata ngayon?" Natatawang tanong ko sa kanya.

Inirapan lang ako nito at pagkatapos ay hinablot ang mug at nilagok ng lahat ang laman no'n.

"Hoy, nababaliw ka na naman Nicole!"pabirong singhal ko pa rito.

"Ipagtitimpla na lang kita ng bago." Aniya na tinalikuran na ako.

Lihim na lang akong napangiti. Madalas kasi na ito ang taga timpla ng kape ko lalo na sa umaga kaya naman sobrang thankful ko talaga kay God dahil binigyan niya ako ng kaibigan na katulad ni Nicole.

Bigla akong nalungkot nang maalala ko si Lesley. Sa totoo lang ay nanghihinayang ako sa friendship na meron kami. Pero wala naman akong magagawa gayon'g siya naman ang kusang sumira ng aming relasyon sa isa't-isa.

"Oh, heto na ang kape mo madam secretary!" Anang kaibigan ko nang tuluyan ng makabalik sa mesa. "Hoy! Teka nga...ba't ganyan ang hitsura ng pagmumukha mo? Aba'y daig mo pa ang nautangan ng isang milyon ah!" sita nito saakin.

Binalewala ko muna ang tanong niya ."Nicole, salamat sa walang sawang pagtitimpla sa'kin ng kape ah!" Pilit ang ngiti na binalingan ko siya.

"Tsk...palagi naman eh!" Napakamot pa ito sa kanyang ulo.

"Uhm...friendship, may gusto sana akong sabihin sa'yo eh. Pero, huwag ka sana'ng mabibigla ah." Marahan'g sambit ko.

"Huh? Ano ba 'yon?"

"Tu-tungkol kay Lesley."

"Bakit, anong meron kay Lesley at mukha kang hindi matae diyan!''usisa nito.

Dahan-dahan ko naman'g ikinuwento sa kanya ang lahat ng nalaman ko kanina mula kay Iñigo. Kaya't hindi maiwasan'g manggalaiti na naman ito sa galit.

"At naniwala ka naman agad kay Iñigo?" gulat niyang tanong.

"Oo, sa tingin ko kasi hindi naman siya magsisinungaling saakin lalo pa't best friend niya si Jordan."

"Sabagay may punto ka naman. Hmm...naku...friendship over na talaga tayo kay Lesley! Bruhang 'yon, sasabunutan ko talaga 'yon kapag nakita ko pa ang anino niya dito sa bahay!" gigil na wika ni Nicole.

"Hayaan na lang natin siya. Baka may mabigat na rason Lesley kaya niya nagawa 'yon." Wala sa sariling naibulalas ko.

"Baliw ka ba? Hayaan talaga? Sam, sinira niya ang buhay mo tapos ganyan lang ang reaksiyon mo?"

"Nicz, huwag muna tayong magalit sa kanya. Let's give her a chance na magpaliwanag. Naguguluhan rin kasi ako eh. Malay mo, may mali akong nagawa sa kanya or may matinding problema lang siya na dinadala kaya-"

"Sam, wake up! Ayon sa kuwento ni Iñigo, malinaw na pinagtaksilan ka ni Jordan at Lesley!"

"Calm down Nicz! Oo, aminado ako na nasaktan ako sa pag-iwan sa'kin ni Jordan. At mas lalo rin akong nasaktan sa nalaman ko kay Iñigo, but it doesn't mean na kakamuhian ko na sila without giving their a chance to explain everything to me!"

"What? Oh my gosh! I can't believe that you're a martyr!" bulalas niya pa.

"Hindi sa pagiging martyr. Minahal rin namin ni Jordan ang isa't-isa at alam kong may mga pagkukulang rin ako sa kanya. Kaya siguro nagawa niyang-"

"Enough Sam! Huwag mong isisi sa sarili mo ang lahat!"

"Hay naku, ayaw kong magkasamaan pa tayo ng loob. Bahala ka na muna diyan!!" tanging nasabi ko. Kapagkuwa'y dumiretso na ako sa aking silid.

KINAKABAHAN ako habang naglalakad papasok sa kompanya ni Iñigo. Idagdag pa na hanggang ngayon ay medyo lutang pa rin ako sa kakaisip ng ginawa ni Lesley.

Pakiramdam ko ay ang tanga-tanga ko. Ni-minsan ay hindi ko man lang nagawang magduda kay Lesley.

"Ay! Ano ba 'yan?" Napatili ako matapos kong maapakan ang maliit na bato, dahilan upang muntik na akong ma-out balance. Mabuti na lang at may mga bisig na kaagad rin'g sumaklolo saakin.

"Kung saan-saan ka kasi nakatingin habang naglalakad."Anang baritonong tinig na nagmula sa aking likuran. Kahit hindi ko ito lingunin, batid kong si Iñigo ang nagmamay-ari no'n. Kaya naman bigla akong umayos ng tayo at nakayuko akong humarap sa kanya, dulot ng labis na pagkapahiya.

"Sorry sir." Mahinang saad ko.

"Sorry?" pag-ulit niya saaking sinabi.

"Ah...I me-mean, sorry ka-kasi..."

"Huwag ka ng magpaliwanag. Halika na, sabay na lang tayong pumasok."

"Ah si-sige sir." Napipilitang pag sang-ayon ko.

"Uhm...Sam, this is your table." Aniya at kaagad naman akong tumango.

''By the way, Ingrid...this is Samantha. My new secretary." Dagdag pa ni Iñigo matapos balingan ang magandang babae na naroon sa gilid.

"Oh, hi!" Nakangiting bati saakin ng babae. ''Nice to meet you!" dagdag pa nito.

Nakipagkamay rin ako sa kanya at nakangiting nakiusyuso rin ako sa kung anong posisyon niya sa kompanya.

"Ingrid, ikaw na muna ang bahala kay Sam, huh! Sabihin mo sa kanya ang mga dapat at kailangan niyang gawin para naman makapagsimula ka na rin sa bago mong posisyon." Habilin ni Iñigo dito.

Kaagad naman itong ngumiti at tumango.

"Uhm...Miss Ingrid-"

"Anong Miss? Call me Ma'am Ingrid!" Aniya na inirapan pa ako.

"Tsk...napakaplastik naman pala nito!" Wala sa sariling naibulalas ko.

"May sinasabi ka ba?" patuloy na pagtataray niya saakin.

"Ah, wala. Actually, natutuwa ako sa'yo kasi ang bait mo." Sarkastikong sambit ko.

Buong maghapon akong inis na inis sa kanya. Ngunit wala naman akong magawa kundi ang sumunod na lamang sa mga sinasabi niya.

"Sam!"Ani Ingrid.

"Yes ma'am?"

"Sorry to say this huh! Pero pansin ko kasi na kakaiba 'yang mga titig mo kay Sir Iñigo. Kaya ngayon pa lang ay binabalaan na kita." Gigil niyang sambit.

"Huh? W-what do you mean ma'am?"

"Iñigo and I are secretly dating kaya dumistansiya ka sa kanya, okay?" dagdag pa niya na siyang ikinainis ko.

"Paano akong didistansiya eh, sekretarya niya ako?"Pambabara ko sa sinabi niya.

"Tsk...inaasar mo ba ako, Sam?" nagulat ako sa biglaang pagtaas ng kanyang boses kaya naman bahagya akong napaatras.

"Hey, what's going on here?" Biglang bumukas nag pinto at iniluwa no'n si Sir Iñigo.

Hindi agad ako nakasagot. Sa halip ay nakayuko lang ako at tahimik na hinintay ang sasabihin sa kanya ni Iñigo.

"Oh...wala! We're just talking di'ba Sam?" Ani Ingrid na pasimple pa akong kinalabit sa tagiliran.

Hindi ko siya sinagot. Nanatiling nakayuko lamang ako.

"Sam, maaari bang iwanan mo muna kami ni Ingrid?" Ani Sir Iñigo na kaagad ko naman'g sinunod.

Nagmamdali akong lumabas at nang masulyapan ko ang oras ay dumiretso na ako sa ibaba. Doon ay prente akong naupo sa bench na malapit sa parking lot.

Nakangiting nilanghap ko ang sariwang hangin na nagmumula sa mga puno na naroon sa paligid. At pagkatapos ay inabala ko ang aking sarili sa pagkuha ng picture sa magandang view na nakapaligid sa'kin. Hanggang sa naisipan kong tanggalin ang aking salamin at ako'y nag-selfie na rin. Ngunit laking gulat ko sa huling larawan na na-capture ko. Naroon si Iñigo at ang ganda ng pagkakangiti nito.

Dahan-dahan akong lumingon at hindi nga ako nagkamali. Nakatayo ito sa aking likuran habang nakapamulsa at nakangiti.

"Uhm...si-sir, nandiyan ka pala." Muli kong isinuot ang aking salamin at itinago ko na rin ang aking cellphone.

"Halika na, sumabay ka na sa'kin pauwi. "

"Ah...huwag na po. Magta-taxi na lang ako." Pagtanggi ko.

"Sure ka? Mahirap pa naman ditong sumakay kapag gan'tong oras. Baka matagalan ka pa sa pag uwi." Giit pa niya.

"Okay lang sir. Sanay naman po akong maghintay ng matagal eh."

"Okay. Ikaw ang bahala." Aniya na tinalikuran na ako. Ngunit, tila mapang-asar ang panahon. Bigla na lang dumilim at animo'y babagsak ang malakas na ulan.

"Buwisit naman talaga oh! Kung kailan naman ako magko-commute eh saka naman uulan!" Wala sa sariling naibulalas ko.

Tumayo na ako at nagmamadaling lumabas para makapag-abang na ng taxi.

Maya-maya pa ay tatlo na rin ang pinara ko ngunit wala ni-isa sa mga ito ang huminto. Gusto ko tuloy magsisi. Dapat sana ay ginamit ko na lang ang kotse ko kanina.

"Sakay na!" Laking gulat ko nang bigla ay huminto sa tapat ko ang kotse ni Sir Iñigo.

Nagdalawang isip tuloy ako kung sasakay ba o hindi.

"Bilis na! Uulan na oh!" Nakangiwing tiningala ko pa ang kalangitan. Kaya naman napipilitan'g sumakay na lang ako.

"Naku sir, kung hindi lang talaga uulan ay magtitiyaga na lang sana akong maghintay do'n ng taxi." Nakangusong sambit ko nang tuluyan na akong makasakay.

"Huh? Bakit naman? Hindi ka ba komportable sa'kin? Ma-may nagawa or nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?"

"Wala naman sir. Ang inaalala ko kasi si Ma'am Ingrid eh.. Baka kasi awayin niya ako. At saka, bakit nga ba hindi na lang siya ang ihatid mo?" lakas loob kong usisa.

"Huh?Bakit ko naman siya ihahatid?" Kunot noong tanong nito sa'kin.

''Eh kasi po, binalaan niya ako na dumistansiya daw ako sa'yo kasi nga nagdi-date na raw kayo at nagseselos siya kapag lumalapit ako sa'yo." Tuloy-tuloy na pahayag ko.

Nagulat ako nang bigla itong pumalatak ng tawa.

"Mukha bang may relasyon kami?" giit pa niya.

"W-what do you mean sir?"naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Sinisante ko na siya. Dahil may ginawa siyang kalokohan sa kompanya."

"Po? Eh, sabi niya kasi-"

"Don't mind her." Aniya.

Bahagya akong nagulat. Gusto ko pa sana'ng magtanong muli kaya lang natakot na rin ako na baka isipin ng boss ko na isa akong tsismosa.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
missXmaam
assume pa Ingrid. HAHAHAHHA
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   FINALE

    BUONG akala ko ay makakalabas agad ako kinabukasan. Subalit laking gulat ko nang magsulputan sa hospital sina Nicole at Mr. President."Hoy, frenny! Ano ang nangyari sa'yo? Diyis ko, pinag-alala mo ako ng husto!" Anang kaibigan ko na halos hindi na ako makahinga dahil sa higpit ng pagkakayakap nito saakin."Okay na ako. Huwag ka ng masyadong OA diyan! Salamat sa pagdalaw. Actually, kahapon pa dapat ako laabas kaso ayaw naman ni Iñigo.""Hmm...mabuti na rin 'yon para naman mabantayan at maalagaan ka niya rito lahit isang gabi lang Kumusta si baby?""Okay din siya. Eh ikaw, medyo halata na 'yang tiyan mo ah.""Yup, at nagpa-ultrasound na din kami ni Dylan. Mag-gender reveal kami sa sunday. Kailangan nandoon ka ah.""Oo naman! Hindi pwedeng mawala ako do'n." nakangiting pahayag ko.Maya-maya pa ay ang presidente naman ang sunod na lumapit saakin. Si Iñigonay nasa labas. Aasiksuhin niya daw muna ang mga hospital bills ko.Naawa na rin ako sa kanya. Wala siyang maayos na tulog kaga

  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Hospital

    PAGDILAT ko ng aking mga mata ay nasa hospital na ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala akong makita at makausap na tao. Kaya kahit nanghihina pa ako ay nagpumilit akong bumangon. Subalit bago pa man ako tuluyan'g makabangon ay biglang bumukas ang pintp ng ward.Namilog ang aking mga mata nang mapagsino ko ang pumasok. It was Jordan. Hindi agad ako nakapagsalita. Sa halip ay muli akong nahiga."How are you, Sam?" nag-aalala'ng tanong niya saakin."Why are you here, Jordan?" sa halip na sumagot ay tinanong ko rin siya."Vacation." maikli niyang tugon."Ikaw ba ang nagdala saakin sa hospital?""Yeah.""Huh? Paano nangyari 'yon? Bakit hindi si Iñigo ang nagdala sa'kin?""That was supposed to be my question to you, Sam." mariin niyang sambit.Napabuntonghininga muna ako bago ko siya nagawang sagutin. "He's busy.""Busy?" balik tanong niya at pagkatapos ay pagak na natawa. "In this kind of situation ay busy siya? Sam, paano kung tuluyan nga kayong mapahamak ng bata na na

  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Pakikipag-Ayos

    KINABUKASAN ay tinotoo nga ni Iñigo ang galit niy saakin.Maaga daw itong umalis sabi ni Ellie. Dadaan daw ito sa school niya para kausapin mismo ang kanyang teacher. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at hindi ko maiwasan'g kausapin ang aking sarili. "Napagod na ba si Iñigo sa ugali ko?"Naihilamos ko na lamang ang aking mga palad at muli akong bumalik sa tabi ni Ellie."Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay na ako tita mommy. Pwede na nga po akong pumasok sa school eh." nakangiti niyang sagot saakin."Masaya ako na okay ka na. Pero, kailangan muna natin na kausapin nag dad mo kung papayag na ba siyang pumasok ka sa school.""Okay po.""Iwanan na muna kita ah. Puntahan ko lang si Sammuel.""Sige po tita mommy."Nang makalabas ako ng silid ay bigla akong nakaramdam ng bahagyang pagkahilo. Kaya naman dahan-dahan akong nangapa ng pwede kong makapitan at gayo'n na lamang ang pagkagulat ko nang mismong ang balikat ng presidente ang nahawakan ko."Hey, are you okay, Sam?" Aniya na puno ng pag-

  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Acting Like A Child

    LINGGO ngayon kaya't sinadya kong gumising ng maaga. Araw ng pamamalengke ni Aling Flor kaya naman, sasamahan ko na lang siya nang sa gayo'n ay hindi ko makita ang pagmumukha ni Iñigo." Nay!" tawag ko sa matanda nang hindi gad ito nakita sa kusina."Oh, bakit? May problema ba?" aniya na galing pala sa silid niya."Punta ka na ba ng palengke 'nay?""Oo.""Tara na po, sasamahan na kita.""Huh? Eh, wala ba kayong lakad ngayon ni Iñigo?""Wala po." determinadong sagot ko."Who told you that?"Gulat kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Si Iñigo 'yon. Nakasuot pa ng pantulog at halatang kakagising lang."Uhm, ako. Narinig mo naman di'ba?" pamimilosopo ko rito."Naku, mukhang iba na naman ang ihip ng hangin dito. Mabuti pa siguro ay mag-isa na lang akong magtungo sa palengke." Anang matanda."Sasama ako 'nay!" patuloy na pagpupumilit ko."Just stay here, Sam." maawtoridad na pahayag ni Iñigo.Nakasimangot na tinalikuran ko si Iñigo. Pumunta ako sa sala at walang imik na naupo

  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Good News

    NANG makalabas na ng silid si Iñigo ay dahan-dahan rin akong lumabas at maingat akong lumipat sa silid ni Ellie.Nakabenda pa rin ang kanan nitong paa. Kaya naman naroon lang ito sa kanyang kama. Nakaupo at doon na rin mismo kumakain."Tita mommy!" sigaw niya na agad ko rin'g sinenyasan na tumahimik.Nilapitan ko ito at umupo ako sa tabi niya. "How are you, baby?""I'm not okay tita mommy." malungkot niyang tugon. "Gusto ko ng alisin 'tong benda ng paa ko."Ba't ikaw lang mag-isa ang kumakain. Bakit hindi ka man lang inalalayan ng dad mong kumain?"Nakagat pa nito ang pang-ibabang labi bago sinagot ang katanungan ko."As I told you before, tita mommy...my dad is so damn strict. He won't tolerate you to -""Nasobrahan naman siya ng pagka-strict. Dapat man lang sama sinubuan ka niya o kaya naman inalalayan kang lumabas patungo sa hapag kainan.""That's impossible! Sabihin pa no'n sa'yo...you're not a disable person. So you better do it with your own.""Ang harsh naman ng da

  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Truth or Lies

    PAGDATING sa hospital ay nakita ko agad si Iñigo. Patakbong nilapitan ko ito at mahigpit kong niyakap."How's Ellie?" nag-aalalang tanong ko sa kanya."She's okay now. Sorry hindi na ako akapagpaalam sa'yo kanina.""It's okay. Ang mahalaga okay na si Ellie. Uhm, hindi pa ba siya pwedeng dalawin?""Makakalabas na siya ngayon. Hintayin na lang natin 'yong doctor." Aniya ngayon ay nakangiti na."Mabuti naman. Halika, maupo na muna tayo." Hinawakan ko siya sa braso at hinila ko papunta sa may waiting area. Nagpatianod naman ito at maya-maya lang ay bigla na naman'g naging malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha."Hey, what's wrong?""Wala. May naisip lang ako." aniya na sinundan ng isang malalim na buntonghininga."Hmm, ano 'yon? Magkuwento ka. Makikinig ako.""Uhm, actually...tungkol 'to sa'yo eh. Naisip agad kita kanina habang dinadala si Ellie sa emergency room.""Huh? But why?" gulat kong tanong sa kanya."Sam, alam ko na ngayong kung ano ang pakiramdam na makitang nakahi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status