Share

KABANATA 10

Imbis na lumayo ay mas diniin ni Levi ang mga labi sa dalaga. Ang balak niya ay itago lamang ang itsura nito ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya ito hinalikan. Sa pagpikit ng mga mata niya ay naging pamilyar ang mga labi nito matapos gumuhit ang isang pangyayari sa hotel. Alam niyang ngayon niya pa lang nahalikan ang dalaga kaya't imposibleng ito ang babae sa hotel. Isa pa, hindi ito agresibo, hindi kagaya ng babaeng sa hotel.

Mas lalo niya rin itong hinapit matapos maramdaman ang pagtulak nito. Mas mabuti na ang ganitong paraan kaysa mahila ng mga investor niya ang dalaga. Kanina pa niya ito sinusundan ng tingin at alam niyang kanina pa rin ito minamatyag ni Mr. White at Mr. Wilson.

"Mr. Alcantara," dinig niyang tawag sa kanya ni Mr. Wilson.

Napapikit siya nang mariin at pinakawalan ang mga labi nito. Ngunit agad niya ring sinubsob nang marahan ang mukha nito sa kanyang dibdib upang hindi makilala. Mahigpit niya itong niyakap at sinuguradong hindi malalaglag ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Melai Balinas
next up plz
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
traydor talaga ang madel na yan sa kanya nagmana si crystal
goodnovel comment avatar
Jc Mengote
it's good for reading and awesome
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status