Hindi alam ni Beatrix noong araw na iyon kung saan tutungo. Hanggang ngayon kasi ay kinakabahan pa siya sa halos muntikan na pagkakita ng lalaki sa kanya noon sa hotel. Kung hindi siya tumakbo ay baka pa naabutan siya nito matapos magising.
Ngayon ay dalawa na ang problema niya. Alam niyang mayaman din ang lalaking iyon at pinapanalangin niyang hindi siya nakilala nito kun'di ay itatakwil siya ng kanyang Daddy sa pakikipagtalik sa iba gayong kasal pa siya kay Miggy. Sising-sisi siya na nagawa niya iyon. Wala na rin siyang pinagka-iba kay Miggy dahil sa nangyari. Nagkasala na rin siya at iyon ang kinakatakot niya.
Dalawang araw din siyang namalagi sa ibang hotel, nagdadalawang isip kung uuwi ba sa ancestral house nila o sa bahay nilang mag-asawa. Kung uuwi siya sa mansyon ay magagalit ang Daddy niya, pero kung uuwi siya sa bahay nilang mag-asawa ay baka nandoon pa rin ang pinsan niyang si Crystal.
Nagtagis ang mga ngipin niya. Hindi talaga niya lubos maisip na magagawa iyon ni Crystal sa kanya. Para niya na itong kapatid at tagapagtanggol pa sa Daddy niya pero ahas pala ito. Lumilingkis sa asawa niya kapag wala siya.
Huminga siya nang malalim bago marahang hinubad ang damit niya at lumusong sa bathtub. Nanginginig ang kalamnan niya sa galit at halos muling maiyak matapos magpagtantong para na rin siyang si Crystal at nagawang makipagtalik sa ibang lalaki.
Pumikit siya nang mariin upang iwaksi ang naisip ngunit tila nananadya ang utak niya at sariwa niyang naaalala kung paano siya romansahin ng lalaki at kung paano siya umindayog sa tiyan nito. Bumigat ang paghinga niya na tila naririnig ang sarili niyang umuungol sa bawat galaw at haplos nito. Naipagdikit niya ang mga hita sa sensasyong naramdaman. Hanggang ngayon ay ang lakas ng epekto ng lalaking iyon at iyon ang kinaiinis niya!
Para siyang naging alipin sa init na naramdaman mula rito na hindi kayang pantayan ni Miggy. Ni hindi sumagi ang katawan ni Miggy sa isip niya at ang lalaki sa hotel ang nanatili sa kanyang isipan.
Napamulat siya at naikuyom ang mga kamao matapos may matanto. Baka kaya nagawang mangaliwa ni Miggy ay dahil hindi nga sila compatible sa kama. Kung siya nga ay nasiyahan sa isang estranghero, maaaring ganoon din si Miggy kay Crystal. Pero hindi! Mali pa rin ang lahat at gusto niyang itama kung may tsansa pa.
Napakurap siya matapos marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone kung kaya't dali-dali niyang kinuha ang roba at bumalik sa tapat ng kama. Nanginig ang kamay niya matapos makitang ang Ate Isabella niya ang tumatawag at alam niyang nag-aalala na ito.
"Bea! My gosh! Nasaan ka ba? Bakit hindi ka pa rin pumapasok sa kumpanya? Galit na si Daddy at binigay na lahat ng meeting sa mga investors kay Crystal," litanya nito.
Sa lahat ng sinabi nito ay pangalan lang ni Crystal ang nanatili sa tenga niya.
"Bunso, ayokong itakwil ka nila Daddy kaya please lang, pumasok ka na sa kumpanya—"
"Nasa hotel ako, Ate," mahinang bigkas niya.
"Ano?! Paanong—" hindi nito naituloy ang sasabihin matapos kumawala ang mahinang hikbi sa kanyang mga labi.
Wala naman siyang balak na magsumbong pero hindi niya mapigilan ang umiyak ngayon narinig ang boses ng Ate niya. Kakampi niya ito pero natatakot siyang magsabi.
Dinig niyang huminga ito nang malalim mula sa kabilang linya, "Umuwi ka na, Bea. Hindi ko na gusto ang nangyayari," matatag nitong bilin bago namatay ang linya.
Wala siyang nagawa kun'di bumagsak sa kama at humikbi. Mas lalo pa siyang napaiyak matapos makita sa salamin ang kissed mark sa leeg niya na maaaring gawa ng estranghero. Mas lalo siyang nanlumo at pilit iyong tinakpan ng make-up bago nag-check out sa hotel at nagtungo sa bahay nilang mag-asawa. Umaasa siyang maaari pang isalba ang pagsasama nila at kalimutan na lang ang bawat kasalanan nila.
Pagdating naman doon ay bumabalik amg galit niya sa kanyang asawa at pinsan. Kung hindi lang siya nagkasala at nakipagtalik ay hindi niya babalaking ayusin ito.
Sa gate pa lang ay tanaw na niya si Crystal na suot na naman ang roba niya at hindi siya tanga para hindi isiping kababangon lang nito mula sa kama. Kinastigo niya ang sariling galit at pilit kalmadong pumasok sa loob. Hindi siya pwedeng mawalan ng karapatan sa bahay niya. Kanya iyon at hindi niya papayagang mapunta lang sa pinsan at asawa niya.
Agad na pumasok si Crystal at noong muling lumabas ay nakalingkis na sa asawa niya. Ahas talaga. Baka hindi lang asawa niya ang inahas nito kun'di maging mga magulang niya.
"Good thing that you are here, Bea," panimula ni Miggy na nakapagpataas ng kanyang kilay.
Nawala na ang kagustuhan niyang makipag-ayos at nasusuklam na lamang.
Nilahad niya ang palad at tamad itong tiningnan, "Pakibalik ng susi, Miggy. I believe you don't belong here anymore."
Dinig niyang suminghap si Crystal at kita niyang nanlisik ang mga mata ni Miggy. Alam naman niyang wala na itong ibang mauuwian bukod sa bahay nila. Depende na lang kung kupkupin ni Crystal pero tiyak siyang hindi papayag ang Tiya Madel niya dahil ayaw nito sa eskandalo.
"Susi, Miggy, susi," pag-uulit niya ngunit imbis na susi ay papeles ang nilapag nito sa palad niya.
"Pakibasa muna iyan bago mo kunin ang susi," nangingising anito.
Nawala ang katarayan niya at nangunot ang noo. Ngunit halos pagbagsakan siya ng langit at lupa matapos mabasang annulment papers iyon at tanging pirma na lamang niya ang kulang.
"Sign it, Beatrix, then leave. Wala ka ng asawang uuwian dito dahil pag-aari ko na," ani Crystal na nagpakulo ng dugo niya.
Mahigpit niyang hinawakan ang papeles at gusto na lamang na punitin ang mga iyon sa sobrang sakit ng loob niya.
"Annulment papers? Really, Miggy?" sarkastikong bigkas niya.
Wala talaga itong konsensya kahit siya pa ang nagpakain at nagbihis dito. Tinuring niya pang hari ang g*go!
"Yes. Pirma mo na lang ang kulang, Bea. Sign it," nakangising bigkas nito.
Ngunit nawala ang atensyon niya roon matapos makarinig ng ilang sigaw.
"Archie! Man, calm down! Biro lang iyon!" sigaw ng isang lalaki.
Natigilan siya dahil tila pamilyar ang boses at mas lalo na ang tinawag nitong pangalan. Pagbaling niya sa likod ay kita niya ang lalaking may matipunong bulto na papasakay sa isang itim na Mercedes-Benz. Tingin niya ay naramdaman nito ang titig niya kahit malayo pa kung kaya't napabaling ito sa kanya.
"Archie?" mahina niyang bulong sa sarili matapos matanaw ang lalaki.
"This will be a baby girl, I can sense it," mahinang bulong ni Bea kay Levi habang haplos ang umbok nitong tiyan.Napangisi siya at dinantay rin ang palad sa baby bump nito, "It's a baby boy for me, My love."Kita niyang umirap ito at inis na inalis ang palad niya sa tiyan nito, "Abusado ka naman kung lalaki ito."Tinalikuran siya nito ng higa kaya't mahina siyang humalakhak. Sumiksik siya sa likod nito at niyakap ito sa bewang."We will know the gender of the baby later. Wanna bet if it is a boy or a girl?" hamon niya kay Bea.Ramdam niyang sumimangot ito kaya't sinilip niya. Hindi talaga siya magsasawang titigan ito kahit ano pa man ang reaksyon ng mukha nito. Mas hinapit niya ito at pinatakan ng h*lik sa balikat."Ayoko. Doon ka na nga, tutulungan ko silang mag-ayos sa garden." Umakma itong babangon ngunit agad siyang gumapang sa itaas nito. Sapat lang upang hindi maipit ang baby bump nito. Namilog pa ang mga mata nito kaya't mabilis niyang kinurot sa pisngi."Levi, naman! Hindi a
Marahan siyang humiwalay mula sa malalim nilang paghah*likan. Hinihintay niyang maging agresibo si Levi ngunit napakasuyo ng h*lik nito."Is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.Mabini ang titig na binigay nito. Humigpit din ang yakap sa bewang niya para hindi sila mahulog sa swivel chair."Akala ko ba ako ang dessert?" Napalabi siya noong ngumisi ito."Na-huh, I'm thinking..."Nangunot ang noo niya roon, "A-no namang iniisip mo?"Baka mamaya ay iniisip na nitong hiwalayan siya kahit kakakasal pa lang nila kagabi! Hindi siya papayag no!"Do you still want to talk to Miggy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Tinitigan niya pa ito nang matagal, naninigurado kung nananaginip ba siya o hindi.Mabigat itong bumuntong hininga, "I want to settle everything. I want us to live a peaceful life with no hatred, no enemies, no doubts, and no extreme jealousy."Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin."I do
Kaya pala nakalimutan nito ang pangakong lunch date nila! Paanong hindi siya magagalit? Idagdag pa na kanina pa nito kausap si Crystal?"Ma'am Bea, sandali lang naman." Dinig niyang pagsunod sa kanya ni Minerva."Kumalma ka, Ma'am Bea," pagmamakaawa pa nito.Tumigil ito noong tumigil siya sa tapat ng pinto. Sinulyapan niya ito at nakitang naka-peace sign pa."Sana kasi sinabihan mo ko agad," hindi niya mapigilang bigkas."Sorry po, ang busy mo po kasi kanina, Ma'am."Hindi siya sumagot. Tinapat niya ang tainga sa pinto para marinig kung ano'ng ginagawa nila sa loob. Gusto niya sanang sugurin pero kinakabahan siya."Ma'am, pinsan niyo naman iyan—""Shut it, Minerva. Kahit sarili mong pamilya pwede kang traydurin."Nanahimik ito kaya't pinokus niya ang pakikinig. Namilog ang mga mata niya matapos makarinig ng kaluskos. Napalayo siya sa pinto at agad na pinihit ang door knob. Binundol pa siya ng kaba noong makitang nakadukwang si Cyrstal sa mesa paharap kay Levi. Lumipad ang tingin niya
Agad na pinatay ni Bea ang tawag kahit na may sasabihin pa si Minerva. Nanginginig ang kamay niyang binalik ang cellphone sa dashboard."What's wrong, hm?" si Levi na pinisil ang kabilang kamay niyang hawak nito. Sinulyapan pa siya nito bago binalik ang tingin sa daan.Umiwas siya ng tingin, "P-wede bang mag-date na lang tayo ngayon?""Huh? I thought you don't want to?" nagtatakang tanong nito.Kinagat niya ang ibabang labi. Ayaw niya lang naman na magkita si Levi at Crystal. Pipigilan niyang mangyari na maagaw ang asawa niya hangga't kaya niya."I have a meeting this morning," paliwanag nito, "Maybe we can have a lunch date later, my love. How's that?"Napatango siya. Wala naman siyang choice. Nagpadaan na lang siya sa drive thru para bumili ng breakfast. Sinadya niyang tagalan na pumili para lang magtagal sila. Nagdadasal siya na wala na sana si Crystal sa opisina."Mauubos mo lahat ito?" natatawang puna nito sa mga inorder niya noong nasa kumpanya na sila.Napalabi siya at sinulyap
"Shhh," natatawang paalala sa kanya ni Levi matapos niyang hindi mapigilan ang pag-ungol nang malakas.Inirapan niya ito bago kumapit sa mga balikat nito upang paghandaan ang muling paggalaw nito."As if they will hear me. Ang ingay nila sa labas," mabigat niyang bulong, pinipigilan ang sariling muling sumigaw.Dinig niyang mahina muli itong tumawa sa reaksyon niya kaya't mahina niyang hinampas ang balikat nito. Kanina pa siya nito inaasar gayong nasa kwarto naman sila. Iniwan nila ang swimming pool kanina ng walang paalam. Mukhang hindi naman din sila hahanapin lalo pa't maingay na sila sa baba at nagkakasiyahan."Oh, Levi!" Napaliyad siya napapikit matapos bumilis ang galaw nito.Umakyat ang mga kamay niya sa batok at ulo nito noong siniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg niya."You're so noisy, My love," bulong nito bago h*likan ang leeg niya.Imbis na sumagot ay kinawit niya ang isang binti sa bewang nito. Sinalubong ang galaw nito."Kiss me then, so I will stop m-oaning, ahh"
"I'm ready..."Na-excite siya bigla at hindi na makapaghintay. Dumiin ang hawak niya sa braso ni Levi. Dinig niya pang mahina itong tumawa sa reaksyon niya."Cute," bigkas nito.Napalabi siya at magsasalita pa sana ngunit inalis na nito ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. Namilog ang mga mata niya at napatakip sa bibig matapos makitang nakaayos ang buong paligid ng swimming pool. Puno ng lobo na iba't ibang kulay at bulaklak. Pati ang tubig ng swimming pool ay puno ng petals ng red roses."Welcome back, Bea! And Congratulations!" sigaw ng mga naroon.Nakagat niya ang labi at napapaypay sa mga mata sa takot na baka maiyak siya."Oh my," mahinang bigkas niya at hindi talaga mapigilan ang maiyak.Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Naramdaman niya pa ang pagyakap ni Levi sa likod niya pero siya ay nakatingin pa rin sa harap niya. Lahat yata ng katulong ng mansyon at guwardiya ay naroon. Naroon din si Blaze at Minerva, maging si Ava. Pati rin ang Lolo Alex, ang kambal, at si Austin na
"Seriously, Alcantara? Dis-oras ng gabi manggigising ka para ikasal kita?" inaantok na tanong ni Attorney Carancho kay Levi.Siya na ang nahiya rito. Hindi naman niya alam na ganito ang balak ni Levi. Ngayon nga ay nasa bahay pa sila ni Attorney Carancho."It's not yet the middle of the night, Carancho. This can't wait," tipid lang na sagot ni Levi.Napangiwi siya habang ang Attorney ay binigyan ito ng masamang tingin. Pero agad itong tumikhim at umayos ng upo sa sofa noong pumasok ang asawa nitong si Savannah na may bitbit na tray ng kape."Have some coffee first while discussing the wedding." Ngumiti ito nang maluwang bago nilapag sa mesa ang mga tasa."You should sleep, Baby," dinig niyang bulong ni Attorney Carancho sa asawa."Huh? Later. I will volunteer as their witness," magiliw na sambit nito.Napangiti siya noong ngumiti ito sa kanya. Iyon nga lang ay nangiwi siya matapos makitang hindi pabor doon si Attorney Carancho."His friends are coming over. They are both men," mapait
Mabilis na kinawit ni Bea ang mga kamay sa balikat ni Levi. Mas diniin nito ang sarili sa kanya na halos ikasinghap niya kung hindi lang siya nito hinah*likan. Dinig niya pa ang pagsara ng pinto ng sasakyan na malamang ay paa nito ang ginamit para isara iyon."Ahh..." mahina siyang dumaing noong kagatin nito ang ibabang labi niya.Napaliyad siya matapos maglakbay ang h*lik nito sa kanyang panga patungo sa punong tainga niya."Have you already remembered what we did here inside the car before?" madiin nitong bulong.Doon siya napasinghap. Nabitiwan niya ang balikat nito matapos maalala na mainit na pagsasalo sa loob ng sasakyan ang sinasabi nito."Move," nanghihina niyang utos dito.Mabigat siyang huminga noong hawakan nito ang bewang niya pababa sa hita niya."What kind of move? Move aside or move... inside?"Napaawang ang mga labi niya noong bumaba ang kamay nito at balak na paghiwalayin ang mga hita niya. Nailagay niya ang kamay sa d*bdib nito at walang lakas niya itong tinulak."No
"What? No thanks, uuwi ako—""Shh. Levi probably tasted another girl while you were not here. It's your time to taste another gorgeous Greek guy, dear. Come on, just one night."Humagikhik muli ito. Muntik na siyang mapasigaw noong itulak siya nito papunta sa lalaking kausap nito kanina. Namilog ang mga mata niya matapos maramdaman ang kamay nito sa bewang niya."You smell so good," bulong nito.Nanindig ang balahibo niya roon. Hindi naman ito mukhang manyak pero wala siyang balak na patulan ito. Maling desisyon pa lang sumama kay Miss Rosales."Sh*t! Don't smell me—""Come on, Dear. Loosen up! You should be celebrating that you're still alive!" yakag pa nito.Sinamaan niya ito ng tingin noong tinulak tulak sila nito patungo sa dance floor. Kung hindi siya hawak ng lalaki ay malamang na tumumba na siya. Mas lalo siyang nainis noong mapunta sila sa gitna at masiksik sa ibang sumasayaw."Sh*t I need to go home!" sigaw niya.Nagulat siya noong bigla na lang siya nitong hilahin sa kabilan