Share

Chapter 211

Penulis: SKYGOODNOVEL
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-06 22:36:55

Chapter 211

Hindi nagtagal, narinig ko ang sabay-sabay na yabag ng mabibigat na hakbang.

Organisado. Disiplinado. Nakakatakot.

Paglingon ko sa main hall ay dumating ang mga tauhan ni Zeph.

Naka-itim. Kumpleto ang armas. Walang ingay kundi ang tunog ng metal at sapatos sa marmol na sahig. At sa gitna nila— si Zeph.

Seryoso. Walang emosyon. Parang estatwang inukit sa galit at kontrol. Walang yakap. Walang tanong. Isang tingin lang sa paligid—at alam kong binabasa niya ang buong nangyari.

“Status,” malamig niyang utos.

“Perimeter secured,” sagot ko. “Tatlong wave ang umatake. Neutralized lahat. Walang nakalusot sa secret room.”

Tumango siya nang bahagya. Isang iglap lang—pero ramdam ko ang bigat noon.

“Nasaan si Julie?” tanong niya. Hindi tumaas ang boses, pero nanginginig ang hangin sa bawat pantig.

“Safe. Comatose pa rin… pero may movement kanina,” sagot ko. “Nararamdaman na niya ang paligid.”

Isang segundo. Dalawa. At sa unang pagkakataon mula nang dumating siy
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Irish Culminas
more update please.kinakabahan ako author.sana mamatay na lahat ang mga kalaban ng mga villaceran at cruz
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 217

    Chapter 217 Julie POV Tahimik ang paligid, pero ang loob ko ay magulo. Parang may kulang—hindi, parang marami—pero hindi ko alam kung ano. May babaeng hawak ang kamay ko. Umiiyak siya, pilit ngumngiti, pero ramdam ko ang bigat sa dibdib niya. “Anak…” mahina niyang tawag. “Ako ang mommy mo.” Mommy. Sinabi niya iyon na parang sapat na dapat para maalala ko siya. Pero wala. Blangko. Tumingin ako sa paligid, isang kwarto na halatang mamahalin, maraming tao, lahat may mga matang puno ng pag-aalala. Lahat sila ay tila may koneksyon sa akin, pero ako… parang bisita lang sa sarili kong buhay. At doon ko siya nakita. Isang lalaki ang nakatayo sa bandang paanan ng kama. Matangkad, matikas, malamig ang tindig—pero ang mga mata niya… hindi tugma sa itsura niya. May sakit. May takot. May pangungulila. “Julie,” mahinang sabi niya, parang natatakot na marinig ko ang pangalan ko. “Ako si Zeph. Asawa mo.” Napakunot ang noo ko. Asawa? Sinubukan kong hanapin sa loob ko ang kahit anong

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 216

    Chapter 216 “Bahala na,” mariin kong sabi, mabigat pero buo ang loob. “Gagawa na lang ako ng kanta. Para kay Julie… walang hindi ko magagawa para sa kanya. Lahat ay gagawin ko.” Tahimik ang paligid sa loob ng silid na parang kahit ang hangin ay huminto para pakinggan ang sinabi ko. Hindi ito pananakot. Hindi ito utos. Isa itong panata. “Wow… exciting!” biglang sigaw ni Aldrich, kumikinang ang mga mata na parang batang nakakita ng paborito niyang laruan. “Isipin mo ‘yon—isang mafia boss na kakanta! At hindi lang kakanta, ikaw mismo ang magko-compose!” Napailing ako pero may bahagyang ngiti sa labi. “Tumawa ka na habang maaga,” sabi ko sa kanya. “Dahil kapag narinig na niya ang kantang ‘to, hindi na ito biro.” Sumandal si Zeon sa sofa, seryoso na rin ang tono. “Zeph, huwag mong isipin kung maganda o perpekto. Ang mahalaga, mararamdaman niya. Kahit wala siyang alaala, maririnig ng puso niya.” Napatingin ako sa direksyon ng kwarto kung saan nagpapahinga si Julie. N

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 215

    Chapter 215 Tahimik muna ng Isang segundo o Dalawa. Tapos biglang umaalingawngaw tawa ni Zeon. “Hahaha…!” malakas na tawa ni Zeon, halos mapaupo sa kakatawa. “Grabe talaga ‘yang pamilya n’yo. Mas malala pa sa teleserye!” Pero walang tumawa sa amin nina Aldrich at Dad Alessandro. Si Aldrich ay nakatitig lang kay Miss Lillian, parang naglo-load pa ang utak niya sa dami ng impormasyong ibinagsak. “So…” mabagal niyang sabi, “technically… strategic pregnancy pala ako?” “Hoy!” sabat ni Dad Alessandro, sabay irap. “Planned, pero may pagmamahal.” “Talaga?” taas-kilay ni Aldrich. “Mom tortured you emotionally for years.” “Deserve ko,” diretso ni Dad. “Kasalanan ko ang maraming bagay noon.” Tahimik si Mommy Solidad. Nakaupo lang siya, hawak ang rosaryo niya. Hindi niya tinanggi. Hindi rin siya nagalit. Parang matagal na niyang tinanggap ang kwentong iyon—na ang nakaraan ay sugat, pero ang kasalukuyan ay pinili. “Enough,” mahina pero matatag niyang sabi. “Ang mahalaga, nand

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 214

    Chapter 214"Pero, Dad. Curious lang ako. Paano mo nga niligawan so Mom?" tanong ulit ni Aldrich."Dinaan niya sa pagbili ng virginity, noong nasa critical na condecion ang kanyang Kapatid sa puso pero na matay pa din ito. Walang alam ni ang Ina mo na si Sandro pala ang lalaking nag balatkayong bumili dito." walang dalawang sagot ni Miss Lillian. Napailing na lang ako dahil kapag ang isang taong general ay walang paligoy-ligoy pang sagot deretso at walang halong biro.Nanahimik ang buong silid matapos magsalita ni Miss Lillian.Walang paligoy-ligoy.Walang preno.Diretso—gaya ng bala.Napailing na lang ako, dahan-dahan, habang pinipigilan ang sariling reaksyon. Kapag ang isang general ang nagsalita, hindi mo aasahang may sugar coating. Katotohanan agad, minsan masakit, minsan nakakagulat.“Ano ba—” si Dad Alessandro ay napakamot sa sentido. “Lillian, hindi naman kailangang gano’n ka-detalyado.”“Tinatanong niya,” kalmadong sagot ni Lillian. “Sumagot lang ako.”Si Mommy Solidad ay tah

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 213

    Chapter 213 Zeph POV “But how?” Lumabas ang tanong sa bibig ko na mas mabigat pa sa bala. “Hindi ako marunong manligaw,” diretso kong amin. Wala nang dahilan para magpanggap. “Oo, aaminin ko na sa duguan, sa barilan, sa patayan ay sanay na ako.” Napangiti ng kaunti si Tito Jhovel. Hindi natutuwa—parang nauunawaan lang. “Pero…” huminto ako sandali. Parang may bumara sa lalamunan ko. “…pero sa ganitong sitwasyon na manligaw, tang-ina,” napailing ako, “mas mahirap pala ‘to kaysa digmaan at patayan.” Tahimik ang silid. “Sa digmaan,” dugtong ko, “alam mo kung sino ang kalaban. Alam mo kung kailan ka puputok. Kailan ka gagalaw.” Napatingin ako sa pinto kung nasaan si Julie. “Pero dito,” mahina kong sabi, “isang maling galaw lang… puwede ko siyang tuluyang mawala.” Huminga ako nang malalim. “Paano kung natakot siya sa akin?” “Paano kung pag nakita niya ako… maalala niya ang sakit? O mas masahol ay wala siyang maramdaman kahit ano?” Hindi ako nanginginig sa bala. Pero ngayon, na

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 212

    Chapter 212 Pagpasok namin sa loob, parang may malamig na kutsilyong bumaon sa dibdib ko. Si Mommy… umiiyak. Tahimik, pero durog. Hawak niya ang kamay ni Ate Julie, mahigpit, parang baka tuluyan itong mawala. Pero si Ate ay nakaupo siya sa kama. Diretso ang likod. Kalma. At walang emosyon ang mga mata. Hindi blangko. Hindi rin nalilito. Para siyang… nakatingin sa mga estranghero. “Ate?” maingat kong tawag. Walang sagot ni hindi man lang kumurap. Tumingin lang siya sa amin at kay Mommy, kay Zeph, sa akin na parang sinusuri kung sino kami. “Mommy…” basag ang boses ko. “Tawagin ko si Dad.” Agad kong kinuha ang phone at tinawagan si Dad, kasunod si Tito Jhovel. “Dad,” mabilis kong sabi, “gising na si Ate… pero may mali. Hindi niya tayo kilala.” Tahimik sa kabilang linya. Tapos isang mabigat na buntong-hininga. “Darating kami agad,” sagot niya. Ilang minuto lang, dumating sila—si Dad, si Tito Jhovel, at ang mga tauhan na agad nagsara ng paligid. Lumapit si Tito Jhovel ka

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status