Chapter 62 Khanna POV Sa wakas… nakarating na ako. Pagbukas ng pintuan ng eroplano, sinalubong agad ako ng mainit na hangin ng Pilipinas. Iba ang amoy, iba ang pakiramdam—parang lahat ng alaala ko kay Alessandro ay bumalik sa isang iglap. Bitbit ang mamahaling maleta, naglakad ako sa arrival area na parang runway. Ang mga mata ng ilang pasahero at staff ay nakasunod sa akin, pero hindi ko na iyon alintana. Isa lang ang nasa isip ko. Alessandro. Habang hinihintay ko ang sundo ng pamilya ko, mahigpit kong hinawakan ang designer shades sa aking kamay at mariing bumulong: “Humanda ka… at pati na rin ang babaeng nangahas na agawin ka sa akin. This is my battlefield now.” Pagdating ko sa may labasan ng airport kung saan naghihintay ang mga sundo, hindi ko napigilang mapangiti. Nandoon si Brandon, ang matagal ko nang kaibigan—isang taong alam kong hindi kailanman iiwan ako. Suot niya ang dark sunglasses at naka-formal casual na outfit, litaw ang tikas at pamilyar na presensiya na ma
Chapter 61Alessandro POVUmaga pa lang, pero gising na ako. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Solidad na mahimbing pang natutulog. Banayad ang paghinga niya, para bang isang anghel na walang kamalay-malay sa bagyong paparating sa buhay namin.Sa tabi niya, nakahiga ang aming munting prinsesa, si Julie. Mahimbing din itong natutulog, yakap-yakap ang maliit niyang stuffed toy. Hindi ko maiwasang ngumiti.Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok ni Solidad, sabay halik sa kanyang noo.“Good morning, mi amore,” bulong ko kahit alam kong hindi pa siya gising.Bumaba ako sa sala para magtimpla ng gatas ni Julie. Habang naghahanda, ramdam ko ang kakaibang kapayapaan. Para bang lahat ng problema at sakit ng nakaraan ay napalitan ng katahimikan at kasiyahan sa piling ng pamilya ko.Pagbalik ko sa kuwarto, gumising na si Solidad. Nakangiti siya habang inaabot si Julie na nagsisimula nang magkamot ng mata.“Good morning, Daddy…” mahina niyang sambit, sabay yakap sa anak namin.At
Chapter 60Chapter 60Khanna POVIlang araw na ang lumipas at wala pa rin akong balita tungkol sa fiancé ko na si Alessandro.Pero isang umaga, habang nakaupo ako sa harap ng TV, biglang bumungad ang isang balita na halos ikabaliw ko.“Villaceran heir, Alessandro Villaceran, rumored to be preparing for marriage soon…”Napatayo ako, nanlalaki ang mga mata.“F*ck you, Alessandro!” sigaw ko, galit na galit. “How dare you… you changed me for another woman?!”Bumagsak ang remote sa sahig mula sa mahigpit kong pagkakahagis. Ramdam ko ang apoy ng selos at galit na unti-unting kumukulo sa dibdib ko.“I want to go back to Philippines…” bulong ko, mariin at puno ng determinasyon.Kung totoo man ang balitang ito, ako mismo ang sisira sa kasal na ‘yon.Kaya agad akong nagpaalam sa manager ko.Isa akong model dito sa Italy — sikat, hinahangaan, at halos lahat ng magazine covers ay na-feature na ako. Pero kahit anong kintab ng career ko, wala itong silbi kapag si Alessandro na ang usapan.“Khanna,
Chapter 59Hanggang sa bumukas ang pintuan ng silid kung saan naroon sina Solidad at ang bata… ang anak ko.Yes, anak ko si Julie.Hindi ko na kailangan ng DNA test para makumpirma iyon. Sa bawat galaw, sa bawat titig, ramdam ko — anak ko siya. Anak namin ni Solidad, bunga ng mga gabing kami lang dalawa at ng semeralites naming pinagtagpo.Pero kahit gano’n, hindi maikakaila ang kaba at takot na bumabalot sa dibdib ko ngayon.Hindi maganda ang unang pagkikita namin. At sa murang edad niya… tinawag niya akong monster.Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Paano ko ba huhugasan ang imahe ng halimaw na nakita niya sa akin?At doon ko naramdaman — ito ang pinakamalaking laban ko. Hindi laban sa negosyo. Hindi laban sa mga kaaway. Kundi laban sa sarili kong anak… laban sa takot niyang ako ang halimaw sa kanyang mundo.“A-anak…” mahina kong basag sa katahimikan. Halos mabasag din ang boses ko sa kaba.Tumitig siya sa akin. Diretso, walang takot.“Tsk! Mister,” malami
Chapter 58“But… how? Saan ako magsisimula, Grandpa?” litong sambit ko, halos mawalan ng direksyon ang utak ko.Huminto siya, tumingin sa malayo na para bang binabalikan ang nakaraan. “Unahin mo ang paghahanap ng ebedensya,” mariin niyang sagot. “Kung sino talaga ang utak sa pagpatay sa mga magulang mo. Dahil malakas ang kutob ko… na hindi ang magulang ni Solidad ang may gawa.”Napakunot ang noo ko.“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko, ramdam ang biglang pag-ikot ng mundo ko.“Ang ibig kong sabihin, apo…” sagot niya, mabigat ang boses, “…mas malalim at mas malaki ang kalaban mo kaysa sa inaakala mo. At habang mali ang pinagbubuntunan mo ng galit, mas lalo silang nagtatago.”Nanlamig ako. Kung totoo ang sinasabi ni Grandpa, ibig sabihin… lahat ng galit at sakit na binuhos ko kay Solidad ay… pagkakamali.“Sa pamamagitan nito,” patuloy ni Grandpa, mababa pero buo ang boses, “unting-unti mong buksan ang puso mong bato.”Napatingin ako sa kanya. May kakaibang bigat sa mga salita niya, par
Chapter 57Alessandro POV“What is this?!” halos pasigaw kong tanong. “Bakit hindi n’yo ako sinabihan, ha?!”Nakatitig ako kina Lillian at Zeon, halos mabutas ko sila sa galit ko. “Wag n’yong sabihing pati si Jhovel… pati siya alam din niya ito?”Tahimik silang dalawa. Walang gustong sumagot. At sa bawat segundo ng katahimikan, mas lalo akong nagngingitngit.“Damn it!” napasabunot ako sa buhok ko, mariing naglakad paikot sa sala. “Ako mismo ang ama! Ako dapat ang unang nakakaalam!”Kumuyom ang kamao ko. Hindi ko alam kung mas galit ako sa kanila dahil tinago nila ang totoo… o mas galit ako sa sarili ko dahil huli ko na nalaman.“Wag mo kaming sisisihin, gago ka!” matalim na sagot ni Lillian, walang pag-aalinlangan. “Binalaan na kita noon pa. Ano ang sinabi mo? Na wag kaming makialam.”Malamig ang tono niya, parang kutsilyong tumatarak sa tenga ko. At alam kong siya lang sa lahat ang may tapang sumagot nang ganoon sa akin.Napatingin ako kay Zeon, pero nakayuko lang ito, parang pinipil