Share

Chapter 63

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-09-12 15:23:16

Chapter 63

Solidad POV

Masaya kaming nagkukwentuhan sa mesa. Si Julie ay abala sa pagsubo ng kanin habang si Grandpa naman ay hindi maubos-ubos ang kwento. Ang halakhakan ng lahat ay parang musika sa tenga ko.

Hanggang sa biglang may malakas na pumalakpak, papalapit sa aming direksyon.

Clap. Clap. Clap.

Napatigil kami at sabay-sabay napalingon.

Isang babae ang bumungad sa pintuan ng sala—matangkad, makinis, at napaka-elegant tingnan sa kanyang damit. Ang bawat kilos niya ay parang hinulma sa perpektong runway walk. Ang mapupungay niyang mga mata ay nakatuon diretso sa akin.

Napasinghap ako, at bago pa man ako makapagsalita, narinig ko siyang magsalita ng malamig ngunit matamis na tinig:

“Well… what a lovely picture of a family we have here.”

“Khanna!” sabay-sabay nilang sambit—si Alessandro, Lillian, at Zeon.

Ako, si Julie, at si Grandpa lang ang nanatiling tahimik. Hindi ko alam kung sino siya, pero ramdam ko agad ang bigat ng presensyang dala niya.

Napalingon ako kay Alessandro. Kit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 63

    Chapter 63Solidad POVMasaya kaming nagkukwentuhan sa mesa. Si Julie ay abala sa pagsubo ng kanin habang si Grandpa naman ay hindi maubos-ubos ang kwento. Ang halakhakan ng lahat ay parang musika sa tenga ko.Hanggang sa biglang may malakas na pumalakpak, papalapit sa aming direksyon.Clap. Clap. Clap.Napatigil kami at sabay-sabay napalingon.Isang babae ang bumungad sa pintuan ng sala—matangkad, makinis, at napaka-elegant tingnan sa kanyang damit. Ang bawat kilos niya ay parang hinulma sa perpektong runway walk. Ang mapupungay niyang mga mata ay nakatuon diretso sa akin.Napasinghap ako, at bago pa man ako makapagsalita, narinig ko siyang magsalita ng malamig ngunit matamis na tinig:“Well… what a lovely picture of a family we have here.”“Khanna!” sabay-sabay nilang sambit—si Alessandro, Lillian, at Zeon.Ako, si Julie, at si Grandpa lang ang nanatiling tahimik. Hindi ko alam kung sino siya, pero ramdam ko agad ang bigat ng presensyang dala niya.Napalingon ako kay Alessandro. Kit

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 62

    Chapter 62 Khanna POV Sa wakas… nakarating na ako. Pagbukas ng pintuan ng eroplano, sinalubong agad ako ng mainit na hangin ng Pilipinas. Iba ang amoy, iba ang pakiramdam—parang lahat ng alaala ko kay Alessandro ay bumalik sa isang iglap. Bitbit ang mamahaling maleta, naglakad ako sa arrival area na parang runway. Ang mga mata ng ilang pasahero at staff ay nakasunod sa akin, pero hindi ko na iyon alintana. Isa lang ang nasa isip ko. Alessandro. Habang hinihintay ko ang sundo ng pamilya ko, mahigpit kong hinawakan ang designer shades sa aking kamay at mariing bumulong: “Humanda ka… at pati na rin ang babaeng nangahas na agawin ka sa akin. This is my battlefield now.” Pagdating ko sa may labasan ng airport kung saan naghihintay ang mga sundo, hindi ko napigilang mapangiti. Nandoon si Brandon, ang matagal ko nang kaibigan—isang taong alam kong hindi kailanman iiwan ako. Suot niya ang dark sunglasses at naka-formal casual na outfit, litaw ang tikas at pamilyar na presensiya na ma

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 61

    Chapter 61Alessandro POVUmaga pa lang, pero gising na ako. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Solidad na mahimbing pang natutulog. Banayad ang paghinga niya, para bang isang anghel na walang kamalay-malay sa bagyong paparating sa buhay namin.Sa tabi niya, nakahiga ang aming munting prinsesa, si Julie. Mahimbing din itong natutulog, yakap-yakap ang maliit niyang stuffed toy. Hindi ko maiwasang ngumiti.Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok ni Solidad, sabay halik sa kanyang noo.“Good morning, mi amore,” bulong ko kahit alam kong hindi pa siya gising.Bumaba ako sa sala para magtimpla ng gatas ni Julie. Habang naghahanda, ramdam ko ang kakaibang kapayapaan. Para bang lahat ng problema at sakit ng nakaraan ay napalitan ng katahimikan at kasiyahan sa piling ng pamilya ko.Pagbalik ko sa kuwarto, gumising na si Solidad. Nakangiti siya habang inaabot si Julie na nagsisimula nang magkamot ng mata.“Good morning, Daddy…” mahina niyang sambit, sabay yakap sa anak namin.At

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 60

    Chapter 60Chapter 60Khanna POVIlang araw na ang lumipas at wala pa rin akong balita tungkol sa fiancé ko na si Alessandro.Pero isang umaga, habang nakaupo ako sa harap ng TV, biglang bumungad ang isang balita na halos ikabaliw ko.“Villaceran heir, Alessandro Villaceran, rumored to be preparing for marriage soon…”Napatayo ako, nanlalaki ang mga mata.“F*ck you, Alessandro!” sigaw ko, galit na galit. “How dare you… you changed me for another woman?!”Bumagsak ang remote sa sahig mula sa mahigpit kong pagkakahagis. Ramdam ko ang apoy ng selos at galit na unti-unting kumukulo sa dibdib ko.“I want to go back to Philippines…” bulong ko, mariin at puno ng determinasyon.Kung totoo man ang balitang ito, ako mismo ang sisira sa kasal na ‘yon.Kaya agad akong nagpaalam sa manager ko.Isa akong model dito sa Italy — sikat, hinahangaan, at halos lahat ng magazine covers ay na-feature na ako. Pero kahit anong kintab ng career ko, wala itong silbi kapag si Alessandro na ang usapan.“Khanna,

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 59

    Chapter 59Hanggang sa bumukas ang pintuan ng silid kung saan naroon sina Solidad at ang bata… ang anak ko.Yes, anak ko si Julie.Hindi ko na kailangan ng DNA test para makumpirma iyon. Sa bawat galaw, sa bawat titig, ramdam ko — anak ko siya. Anak namin ni Solidad, bunga ng mga gabing kami lang dalawa at ng semeralites naming pinagtagpo.Pero kahit gano’n, hindi maikakaila ang kaba at takot na bumabalot sa dibdib ko ngayon.Hindi maganda ang unang pagkikita namin. At sa murang edad niya… tinawag niya akong monster.Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Paano ko ba huhugasan ang imahe ng halimaw na nakita niya sa akin?At doon ko naramdaman — ito ang pinakamalaking laban ko. Hindi laban sa negosyo. Hindi laban sa mga kaaway. Kundi laban sa sarili kong anak… laban sa takot niyang ako ang halimaw sa kanyang mundo.“A-anak…” mahina kong basag sa katahimikan. Halos mabasag din ang boses ko sa kaba.Tumitig siya sa akin. Diretso, walang takot.“Tsk! Mister,” malami

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 58

    Chapter 58“But… how? Saan ako magsisimula, Grandpa?” litong sambit ko, halos mawalan ng direksyon ang utak ko.Huminto siya, tumingin sa malayo na para bang binabalikan ang nakaraan. “Unahin mo ang paghahanap ng ebedensya,” mariin niyang sagot. “Kung sino talaga ang utak sa pagpatay sa mga magulang mo. Dahil malakas ang kutob ko… na hindi ang magulang ni Solidad ang may gawa.”Napakunot ang noo ko.“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko, ramdam ang biglang pag-ikot ng mundo ko.“Ang ibig kong sabihin, apo…” sagot niya, mabigat ang boses, “…mas malalim at mas malaki ang kalaban mo kaysa sa inaakala mo. At habang mali ang pinagbubuntunan mo ng galit, mas lalo silang nagtatago.”Nanlamig ako. Kung totoo ang sinasabi ni Grandpa, ibig sabihin… lahat ng galit at sakit na binuhos ko kay Solidad ay… pagkakamali.“Sa pamamagitan nito,” patuloy ni Grandpa, mababa pero buo ang boses, “unting-unti mong buksan ang puso mong bato.”Napatingin ako sa kanya. May kakaibang bigat sa mga salita niya, par

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status