Share

Chapter 5 - Meeting Skyler

Elora POV

"Elora!" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa pangalan ko at nakita kung si Aling Lauren 'to. Ilang araw ko din siyang hindi nakita dito sa isla.

"Magandang umaga po," nakangiting bati ko sa kanya ng makarating ako sa pwesto nito.

"Magandang umaga din sayo iha, ang ganda ganda mo talaga," anas nito.

"Nambola na naman po kayo, ang tagal na din ng huli po tayong nagkita ah," saad ko.

"Masyado kasing maraming ginagawa kaya hindi ako makalibot. Nasaan si Sebastian? Hindi mo yata siya kasama ngayon," may panunuksong tanong nito.

"Tulog mantika po 'yon kaya siguradong hindi pa gising," sagot ko.

"Naku ha, sabi ng asawa ko lagi niyang nakikitang magkasama kayong dalawa," 

"Masyado po yatang nahuhumaling sa akin ang lalaking 'yon kaya gano'n. Biro lang po ha, baka mamaya makarating sa kanya." natawa pa ako ng sabihin ko 'yon.

"Bagay naman kayong dalawa kaya ayos lang 'yan." pang aasar nito sa akin dahilan para mapailing ako.

"Nay Lauren!" habang nag uusap kami ay may biglang tumawag dito kaya sabay kaming napatingin sa likuran.

"Skyler, iho nandito ka na pala," rinig niyang anas ni Aling Lauren at lumapit sa lalaki.

"Kanina lang ako dumating at dahil hindi naman ako makatulog kaya naglakad lakad na lang muna ako," sagot naman ng lalaki at nakita kung tumingin 'to sa akin.

"Elora, si Skyler kaibigan ni Sebastian. Palagi din nandito ang batang 'to,"pagpapakilala ni Aling Lauren sa kanya..

"Hi," nahihiyang bati ko pero nagulat na lang ako ng kinuha nito ang isa kung kamay  at hinalikan.

"Dayo ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita, magkakilala ba kayo ni Seb?" sunod sunod na tanong nito. Hindi naman ako agad nakapagsalita dahil nahihiya ako sa tingin na iginagawad nito sa akin.

"Hey, are you okay?" kinumpas pa nito ang kanyang kamay para makuha ang atensyon ko.

Napaayos naman ako ng tayo at ngumiti sa kanya. "Ah, oo. Halos isang linggo pa lang ako,"

"Ang ganda ng pangalan mo, kasing ganda mo,"

"Salamat," maikling anas ko. Hindi din naman ako nagtagal at tuluyan ng nagpaalam dahil may pupuntahan pa akp at gano'n din naman si Skyler kaya halos magkasabay lang kami.

*****

Sebastian POV

Nakaupo lang ako sa sala habang nanonood ng tv at umiinom ng kape, ilang minuto pa lang kasi ang nakalipas ng magising ako.

Mayamaya pa ay napansin ko ang pagbukas ng pinto kaya napadpad ang tingin ko dito at tumambad sa akin ang mukha na kaibigan ko, napakunot ang noo ko dahil wala naman akong natatandaan na nagsabi 'to na pupunta ngayon.

"What are you doing here, Skyler?" tanong ko ng makalapit ito sa akin.

"Bawal na ba akong pumunta dito ngayon? Hindi ba pwedeng binisita lang kita," natatawang sagot nito.

"Kailan ka pa dumating?" tanong ko ulit sa kanya.

"Tulog ka pa ng dumating ako kaya lumabas na muna ako para makapag ikot."  umupo 'to sa bakanteng upuan.

"Maliban sa gusto mong bumisita dito, ano pang dahilan mo?" seryosong tanong ko.

Hindi nakaligtas sa akin ang pag ngisi ng gago. "Ang seryoso mo naman masyado. Anyway, hinahanap ka ng pamilya mo,"

"Huwag mong sabihin na sinabi mo kung nasaan ako?" saad ko at humigop ng kape.

"Anong akala mo sakin chismoso? Syempre hindi ko sasabihin sa kanila. Maiba ako pare, may nakilala akong chix kanina. Sobrang ganda at sexy niya," pagkwento nito sa akin.

"At sino naman?" hindi ko maiwasan ang hindi mapataas ang kilay.

Saglit na natahimik ito at wari'y nag iisip. "E- elora," nakangiting turan nito kaya agad ko siya binato ng maliit na unan.

"Aray! Gago nito!" malakas na sigaw niya ng masapol ito sa mukha.

"Damn you!" 

"Oh kalma, akala mo naman aagawin ko sayo, nabanggit ni Aling Lauren na magkakilala kayo no'n at base na din sa reaksyon mo ngayon ay alam ko ng type mo,"

"Ulol! Kung ano ano ang sinasabi mo, magkaibigan lang kami ni Elora kaya tigilan mo ang magpapansin sa kanya. Kailan ka kaya magbabago? Puro babae ang inaatupag mo! Mamaya may anak ka na ng hindi mo nalalaman," sermon ko sa kanya. Kung babaero kasi ako ay mas malala naman ang isang 'to kaya hindi na ako magugulat kung isang araw ay malaman kung may nabuntis 'to. Hayok na hayok ba naman kasi sa babae.

"Malabong mangyari ang bagay na 'yon pre, wala naman akong natatandaan na may iniwan ako. Palagi akong may dalang proteksyon," mabilis na saad nito.

"Sigurado ka?" pang aasar ko.

"Gago ka ba? Kung meron na akong anak sana may lumapit na sakin matagal na!" bakas sa boses nito ang iritasyon.

Hindi ko mapigilan ang hindi matawa dahil sa kanyang mukha, pikon kasi ang isang 'to. "Maghintay ka lang, kakarmahin ka din sa pambababae mo!" pagpapatuloy ko pa.

"Kung makapagsalita ka parang ikaw hindi babaero ah. Mas marami ka pang kinakama sa akin, hindi ko nga alam kung bakit nagkakarandapa sila sayo, di hamak na mas gwapo naman ako sayo,"

"Managinip ka lang ng gising, tanggapin mo na lang ang katotohanan na mas lamang ako sayo at mas magaling ako sa kama," nakangising turan ko at saka tumayo.

"Fuck you, Sebastian Mikael Avans!"

Napailing na lang ako habang tumatawa. Naglakad ako papunta sa kusina para hugasan ang basong ininuman ko ng kape, ayaw ko kasi sa lahat ang makalat sa bahay.

Agad naman pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Skyler, kahit na taon na ang lumipas ay hindi pa rin akong handa silang harapin ng matagalan. Alam kung maayos na ang relasyon ko sa pamilya ko dahil nakapag usap na din naman kami pero pakiramdam ko ay malayo pa din ang loob ko sa kanila.

Kung ano man ang meron ako, kung ano man ang mga ari-arian ko ay dahil 'yon sa pagpupursige at hirap ko para maabot ang lahat ng 'yon ng hindi umaasa sa kanila. Kung hindi naman kasi nangyari sa akin ang bagay na 'yon ay hindi naman sila magbabago. Hindi ako umasa o tumanggap ng kung ano galing sa kanila. I know they love me, pero hindi ko makakalimutan ang pinagdaanan ko, I didn't enjoy my life the way I want, sila na lang lagi ang nasusunod to the point that I feel I lost myself.

Hindi nila malalaman ang halaga ng isang tao kapag hindi 'to nawala sa kanila. Kung kailan napagod at nasaktan na do'n lang sila magsisisi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status