Share

Chapter 4 - Talks

Elora POV

Hindi ko man lang namalayan ang araw at mag iisang linggo na ako dito sa isla. Sa mga araw ng pananatili ko ay madalas kung kasama si Sebastian, hindi ko nga maipaliwanag kung bakit ang bilis gumaan ng loob ko sa lalaking 'yon kahit na dapat ay galit ako sa mga 'to, pero syempre hindi naman siya ang ex boyfriend ko para idamay ko. Sa mga araw na magkasama sila ay unti unti na nilang nakikilala ang isa't isa. May pagkamoody ang ugali ng binata kaya minsan mabait, minsan naman ay suplado.

Ngayon ay nandito na naman sila malapit sa dagat habang tinatanaw ang alon. "Ang peaceful ng paligid 'no?" biglang bulalas ko at nakita ko naman ang mabilis na pagtingin nito sa akin. "Sana gano'n din ang buhay, palaging tahimik, palaging masaya at walang problema," dagdag ko pa.

"This world is cruel, hindi laging masaya at tahimik. Nabuhay tayo para pagdaanan ang lahat ng bagay. Asan ang thrill do'n kung puro saya lang diba? Kung walang problema na dadating sa buhay natin paano tayo magiging matatag? Paano tayo matututo?" seryosong saad ni Sebastian.

"Kaya nga wala tayong choice kung hindi ang lumaban at magpatuloy sa buhay. This is like a survival game life, if you want to live you need to fight. Kagaya ng buhay ko, magulo pero wala akong magagawa kung hindi ang tanggapin ito at tiisin," nakangiting saad ko.

Nagulat ako ng maramdaman ko ang paghawak ni Seb sa aking mga kamay pero hindi ko 'yon pinahalata. "I know you can survive it, you're a brave woman. Kahit halos isang linggo pa lang tayong magkakilala ay naniniwala ako na mabuti kang tao,"

Hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng kilig dahil sa sinabi niya. Lolokohin ko lang ang sarili ko kung hindi ko sasabihin na crush ko ang lalaking katabi ko, siguro nga ng una ko pa lang siyang nakita ay humanga na ako dito ng hindi ko namamalayan. Pero syempre hanggang do'n lang 'yon dahil alam ko naman na malabong magkagusto din 'to sa akn, mukha pa naman babaero ang isang 'to.

"Why are you staring me like that? Alam kung gwapo ako pero huwag mo naman ipahalata na masyado kang nahuhumaling sa akin,"

Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata ko, nahihiya ako dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya. "Alam mo ang hangin mo na masyado, tigilan mo 'yan at hindi 'yan nakakabuti," singhal ko sa kanya.

"Sinasabi ko lang naman ang totoo, wala naman masama kung umamin ka, Elora, sanay na ako sa ganyang bagay," pagmamayabang pa nito kaya nakatanggap siya sa akin ng hampas. Hambog!

"Maiba ako Seb, ang sabi sa akin ni Aling Lauren ay matagal ka ng nandito sa isla. Anong ginagawa mo dito? Broken ka din ba o may tinatakasan ka?" sunod sunod na tanong ko.

Ngumisi naman 'to. "Sa tingin mo ba ang mukhang 'to mabo-broken?"

"Tangina mo! Maayos ang tanong ko ha, kaya huwag mo akong sagutin ng kayabangan mo." inis na turan ko.

"Ang init ng ulo mo, may dalaw ka ba?"

"Ikaw ba lalaki ka! Hindi ka talaga matino kausap minsan. Nakakainis ka!" pinaghahampas ko siya ng ilang beses pero nahuli niya din ang mga kamay ko.

"Stop it Elora, or I'll kiss you," mabilis naman akong umatras palayo sa kanya ng dahil sa sinabi niya.

"Maayos naman kasi ang tanong ko pero puro kalokohan ang sinasagot mo. Nagtataka lang kasi ako kung bakit nandito ka. Wala ka bang pamilya?" hindi pa rin ako tumigil sa pagtatanong sa kanya.

Sebastian chuckled. "Anong akala mo sa akin nabuhay sa mundong 'to na walang pamilya? Sino ang magluluwal sa akin? Psh!" 

Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapanguso. Ang pilosopo ng putangina. "Sunget mo naman, nagtatanong lang eh,"

"Stop pouting, you're gross!" suway nito sa akin.

"Ang sama ng tabas ng dila mo hoy! Ang ganda ganda ko tapos sasabihin mo lang ako ng ganyan?" pagrereklamo ko.

"Maganda ka? Saan banda? Alam mo Elora, kulang ka lang sa tulog kaya ka ganyan. You better rest in your room," diretsang turan nito sa akin.

"Damn you!" sigaw ko sa kanya pero ang gago ay ngumuso lang.

Seryoso naman akong tiningnan nito. "Why are you asking?"

"Ang pagkakaalam ko kasi ang sabi mo ang isla na ito ay para sa mga taong gustong makalimot, kaya nga ako nandito diba? Para kalimutan ang ginawa ng ex ko sa akin, kaya natanong kita kung anong dahilan mo?" 

"Yes I said that because most people who is visiting here wants to forget something, pwedeng tao, bagay o kung ano pa. Pwede naman magpunta dito ang kahit sino na gustong mag unwind o kaya pagod lang sa trabaho o buhay." 

"So, bakit ang tagal mo na dito? Grabe naman na pag momove on 'yan inabot ng ilang buwan dito sa isla."pagbibiro ko sa kanya.

"Huwag mo akong itulad sayo, wala naman akong problema sa relasyon dahil wala ako no'n. Hindi ako pumapasok sa isang commitment," wika nito.

"Paano babaero ka!" saad ko kaya tiningnan niya ako ng masama. "What? Iyan lang ang naririnig ko sa ibang nakakakilala dito sayo," paliwanag ko.

"Hindi lahat ng naririnig mo ay totoo, pwedeng lahat ng 'yon ay gawa gawa lang. Huwag kang chismosa," panenermon nito sa akin.

"Hmmm, hindi naman pagiging chismosa 'yong narinig lang diba? At saka totoo naman talaga na babaero ka, andami mong nilalanding babae simula pa noon, huwag mong itanggi dahil sinabi 'yon ni Aling Lauren," 

Napangisi naman si Sebastian. "Hindi ko alam na interesado ka pala sa buhay ko at talagang nagtanong ka pa kay Nay Lauren," pang aasar nito sa akin.

Agad naman siyang napaayos ng upo, hindi naman ao nagtanong, sadyang naikwento lang nito sa ain ng minsan kaming magkita.

"Ang assuming mo!" irap ko.

"You can't deny it, Elora, halata naman kasi sa mukha mo. At kung may mga babae man ako ay hindi ko na kasalanan ang bagay na 'yon kasi sila naman kusang lumalapit sa akin kaya pinagbibigyan ko lang sila."

"You are taking advantage Seb, ang dami mo pang sinasabi," giit ko.

"I'm just being friendly," depensa niya naman.

"Friends with benefits? Huwag ka ng magpaliwanag kasi alam ko naman na 'yan. Hindi magiging friendly ang tawag kapag kinakama mo naman," diretsong turan ko.

He look so amused. "Bakit pakiramdam ko naiinis ka?"

"Sino ba kasi ang hindi maiinis, nakakasakit kaya kayo ng damdamin ng babae sa tuwing ginagamit niyo lang sila tapos hindi niyo naman kayang mahalin," saad ko.

"You're saying it's my fault? Sila naman nagkukusang lumapit sa akin, at isa pa hindi naman lalaki lang ang ganyan dahil may mga babae din naman na nagloloko so I think it's a tie. At isa pa wala akong pinapaasa sa kanila dahil una pa lang ay sinasabi ko na sa kanila kung ano lang sila sa buhay ko," paliwanag naman ni Sebastian.

"Hindi ka talaga makakita ng babaeng para sayo kasi hindi ka naman marunong magmahal, baka mamaya 'yong nakatadhana sayo ay napalampas mo na pala," anas ko.

"Bakit nakalampas ka na ba?" biglang natigil sa pagmumuni-muni ko at napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya, hinintay ko pa na bawiin nito ang sinabi o kaya sabihin na nagjojoke lang siya pero seryoso lang itong nakatingin sa akin.

"Tigilan mo ako Sebastian sa kagaganyan mo dahil hindi ako isa sa mga babae mo, huwag mo nga akong idamay sa laruan mo, ganitong kagagaling ko lang sa break-up," seryosong turan ko sa kanya.

"I am asking you, Elora. Hindi ko naman sinasabi na babae kita. Ang advance mo din mag isip eh,"

"Ewan ko sayo!" tumayo ako ng mabilis at saka nagmartsa paalis, agad niya naman akong sinundan.

"Where are you going?" tanong nito sa akin ng maabutan niya ako.

"Uuwi na sa tinutuluyan ko, saan pa ba? Sa bahay mo," pamimilosopo ko

"Hmmm, pwede naman. Welcome ka naman sa bahay ko kung gusto mo.

Huminto naman ako sa paglalakad at tiningnan siya. "You mean may bahay ka dito? Or katulad lang din ng nirerent namin?" tanong ko sa kanya.

"I have my own house here, at kagaya ng tinatanong mo kanina kung bakit ako nandito? Is it because I'm one of the owner of this place," literal na nanlaki ang mga mata ko ng sabihin niya 'yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status