Share

Chapter 6 - Jealousy

Elora POV

Naistobo ang tulog ko dahil sa sunod sunod na kalampag sa aking pintuan , wala naman ako maalala na may bisita ako ng ganito kaaga. Inis akong napabangon kahit na ang totoo ay inaantok pa ako, mukha kasing walang balak na manahimik ang kung sino man na tao ang kumakatok, pagbukas ko ng pinto ay bumalandra ang pagmumukha ng kaibigan kung si Charline kasama ang kanyang anak.

"Ba't ang tagal mo naman buksan? Kanina pa kaya ako tawag ng tawag dito," reklamo nito.

Inirapan ko naman siya. "Aba, malay ko bang darating ka dito ng walang pasabi diba?"

"Hello, Tita Elora,"

"Hello, bay girl," nakangiting bati ko sa aking inaanak.

"Your place is beautiful, ninang!" masiglang wika nito.

"So bakit ka napadpad dito?" tanong ko sa kaibigan ko ng tuluyan na kaming makapasok sa loob.

"May leave kasi ako ng isang linggo kaya napagpasyahan ko na puntahan ka na lang dito, paano ba naman kasi hindi mo man lang magawang mag update, malay ko ba naman kung buhay ka pa dito," sagot nito at saka umupo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status