Share

Chapter 2 - First Encounter

Elora POV

"Welcome! Enjoy your stay, our dear visitor!" Ito ang bungad sa akin ng makababa ako sa bangka na aking sinasakyan,may kalayuan din ang naging biyahe o kaya ramdam ko ang pagod at pananakit ng katawan. Nilibot ko ang aking paningin at tama nga si Charline, eksklusibo and naturang isla. Wala akong ibang masabi kung hindi sobrang ganda ng lugar at alam kung magiging masaya at payapa ang bakasyon ko.

Sinalubong kami ng tour guide na si Cara, siya daw ang magiging kasama namin sa unang dalawang araw sa isla habang hindi pa namin kabisado ang lugar. Sa tingin ko ay ako lang ang first timer dito dahil ang ilan sa mga kasama ko ay halatang nakapunta na dito.

"Miss Elora, this will be your room, feel yourself at home. Tawagan mo lang ako kung sakali na may kailangan ka," Tumango lang ako at ngumiti ng pagak, nang makaalis si Cara ay tinignan ko ang paligid. May dalawang single sofa, isang centre table, isang cabinet, sa kabilang side ay nando'n ang mini kitchen, at comfort room. Nakita ko 'yon mula sa pwesto ko dahil transparent ang gamit bilang wall at sa gitna ay isang malaking glass window. Hinawi ko ang kurtina at tumambad sa akin ang mala-fairytale na tanawin. 

Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha sa kanyang mga mata, parang may kung ano ang bumara sa lalamunan ko ng maalala si Daniel habang may kasamang babae. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang ginawa nila sa lugar na 'yon. Hindi ko alam na magagawa ng boyfriend ko sa kanya ang bagay na 'yon dahil buong akala nito ay mahal niya talaga ko, mukhang puro lang lahat pagpapanggap ang pinapakita niya sa akin dahil gusto niya lang makuha ang pagkababae ko.

Dumiretso ako sa full length mirror malapit sa kama. "Masama ba na gusto ko muna ikasal bago ko ibigay ang bataan ko?" bulong ko sa sarili.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. "Tangina! Hindi ko dapat sayangin ang bakasyon na 'to dahil minsan lang ako magkaroon ng pagkakataon para makapag unwind, might as well enjoy the moment–" napatigil ako ng may marinig akong mahihinang katok sa pinto. Mabilis akong naglakad papalapit dito at binuksan. 

"Magandang araw sa iyo," isang may katandaan na babae ang bumungad sa akin. "Ako si Lauren, isa sa mga katiwala sa isla at dito na rin nakatira,"

"Ah, hello po. Magandang araw din po," bati ko rin dito. "Elora na lang po,"

Tumango naman ito at ngumiti. "Nais mo ba na maglibot libot para masulit ang unang araw mo dito?" 

Tatanggi sana ako pero naisip ko na tama siya, sayang naman kung hindi ako maglilibot at matutulog lang. Kaya naman ako nagpunta dito para magsaya at hindi magmukmok lang. "Sige po, magpapalit lang po ako ng damit," sagot ko.

"Kung nais mo rin ay may maliit na salo salo sa gawi namin, dahil kaarawan ng isa sa mga anak ko," dugtong pa ng matanda, kaya napakunot ang noo ko. Normal ba sa kanila 'yon? Ang mag aya kahit hindi kakilala?

Sa huli ay sumama na rin ako. Napagtanto ko na maliit lang ang komunidad dito, parang probinsya kaya halos magkakakilala ang mga tao, kaya alam nila kung dayo ka o tubo dito. Gaya ng sinabi ni Aling Lauren, tour nga ang ginawa niya sa akin at nang hapon na ay isinama na niya ako sa  bahay nila. Nasa malayo pa lang kami ay malinaw ko ng nakikita ang mga kumpol ng tao, maingay din ang puros tawanan. Ang akala ko ay may videoke, pero ang sabi ni Aling Lauren, hindi daw pwede 'yon dito. 

"Karding! Kumuha ka nga ng plato sa loob at may kasama ako!" sigaw niya kaya medyo nagulat ako.

"Ah, 'yon ang anak ko, trentay otso na 'yan at wala pa rin nobya," bahagya akong napangiwi dahil sa sinabi nito. Tinignan ko ang anak na tinutukoy nito, may itsura naman pero hindi siya bet, kahit sinong lalaki yata ay ayaw ko na, parang bigla akong kumain ng ampalaya– napahinto ako nang magtama ang mata namin ng isang lalaki sa di kalayuan.  Mukhang nakatingin din ito sa akin bago ko pa 'to makita. Ang akala ko ay mag iiwas ito ng tingin pero hindi. His raven hair was noticeable among the crowd and his emerald eyes pierced my soul, his pointed nose, heart shaped lips, and his jawline was freaking crazy.  Muntik pa akong tumama sa pader dahil hindi ko napansin na naitulak na ako ng mga tao sa paligid dahil masyado na focus ang mga mata ko sa lalaki. Simpleng itim na kamiseta at kupas na pantalon ang suot nito, pero para siyang modelo na lumabas sa magazine. 

Iwinaksi ko ang kung anong meron sa aking isipan at nakipag kwentuhan na lang sa mga bagong mukha na nakilala ko. Halos hindi ko na napansin ang oras at nakita na madilim na, kaya hinanap agad ng mata ko si Aling Lauren, pero muntik na akong tumumba dahil sa hilo. 

"Bwisit na alak 'yan," bulong ko at tiningnan ang bote na hawak, umiling-iling pa ako para medyo mawala ang hilo.

"Elora! Ipapakilala kita kay Seb, tara!" Bigla na lang sumulpot si Aling Lauren at hinawakan ang braso ko. "Seb, nak, tara dito!" muntik pa akong masamid nang lumapit 'yong lalaking nakatinginan ko kanina. Seryoso lang ang mukha nito at ang mga mata niya ay sa akin nakatingin. 

"Nang,"  sambit ng lalaki, pati balahibo ko sa batok tumaas dahil sa lamig ng boses nito.

"Si Elora, dayo dito, Elora, siya si Sebastian, halos anak na kung ituring ko ang batang 'to dito. Tingin ko halos pareho lang kayo ng edad, ilang taon ka na nga ulit, neng?" tanong niya at tumingin sa akin.

"Twenty six po," magalang na sagot ko, hindi nakaligtas sa mata ko ang mabilis na pag ngisi ni Sebastian kaya tumaas ang kilay ko. "Bakit? Anong nakakatawa?" hindi ko mapigilan na mag m*****a dala na rin siguro ng alak, nawawala ang inhibisyon ko sa kahit anong gagawin at sasabihin nito.

Agad na binawi naman ng lalaki ang ngisi at tumingin sa ibang direksyon. 

"Ito naman!" Hinampas pa ako ni Aling Lauren. "Seb, ihatid mo na si Elora, mukhang kailangan na niyang umuwi, medyo lasing na siya," 

"Ah, hindi na po!" agad na tanggi ko. "Kaya ko naman po mag isa, maglalakad lang naman po diba?" hindi pa nakakasagot ang ginang nang  nararamdaman ko ang mainit na palad ni Sebastian sa aking bewang. 

"Let's go, I'll take you back to your cabin," hindi agad ako nakalagaw, bakit gano'n? Bakit ang sexy ng accent nya? Ang sexy at amoy expensive. Sigurado siyang mayaman ang isang 'to base na din sa kilos at salita.

"Teka, ano," medyo binagalan ko ang aking lakad. "Kaya ko mag isa, bumalik ka na do'n. Ayoko makaabala," pinilit akongngumiti kahit na sa totoo lang ay parang lalabas na sa dibdib ko ang aking puso dahil sa bilis ng tibok nito at hindi ko alam kung bakit.

"I insist, sasamahan na kita. Don't worry, I don't bite," Wala na akong nagawa ng higitin ako nito,. Nahihilo pa rin ako pero hindi na katulad kanina.

"When did you arrive here?" napapitlag ako ng bigla itong magtanong. 

"Ah, kaninang umaga lang," sagot ko naman.

"You must be forgetting something," makahulugan na sabi nito, sa gilid ng mata ko ay nakita kung nilagay nito ang mga kamay sa loob ng bulsa. "People come here usually, to forget or to unwind."

Dahan dahan akong naglakad sa buhanginan, "Well," hindi ko na naitinuloy ang sasabihin ko ng magsalita na naman 'to.

"A cheating ex boyfriend, perhaps?" nalipat ang tingin ko  sa kanya ng sabihin niya 'yon, naningkit ang mga mata ko. "Jeez, relax. I was just guessing," mabilis na agad nito. Hindi na  ako nagsalita pa  at nag iwas na lang ng tingin, ang galing naman niya manghula, saktong sakto. Mahuhulaan nya kaya pag sinuntok ko siya? 

Huminto ako sa paglalakad dahil nagsisimula na naman akong makaramdam ng hilo, pero ngayon para na siyang nasusuka. "Teka, nahihilo ko," awat ko at wala sa loob na hinawakan ang braso ng lalaking kasama ko.

"Oo, ex boyfriend na manloloko," halos malasahan ko ang pait dahil sa sinabi ko, hindi niya alam kung dahil sa alak o ganito lang talaga ako.

"Why would he cheat on you?" sumandal ang lalaki sa malapit na puno, pero hindi nakatingin sa akin. 

Bumalik ang galit at sakit na pilit kung kinakalimutan. "Kasi ayoko makipag sex sa kanya," 

"Do you want to get back to him?" kumunot ang noo ko dahil sa tanong nito."Hmm?' 

This time naglakad na siya papalapit sa pwesto kung nasaan ako, may mapaglarong ngisi sa labi nito. Kung iba siguro 'yon, mukhang manyak pero siya hindi.

"H-how?" wala sa loob na tanong ko. "How can I?" 

Natagpuan ko na lang ang aking sarili na ilang pulgada na lang ang layo mula sa lalaki, nakakulong ang mukha ko sa pagitan ng mainit nitong palad. 

"Let's have sex,"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status