Share

Isla Haraya : Elora
Isla Haraya : Elora
Author: Reynang Elena

Prologue

"That's uh, well, chilling?" Hindi alam ni Mayumi kung ano dapat ang maging respond niya sa narinig, alam niya na hindi lang siya—lahat sila.

"I mean, yes," sagot ni Elora, "Pero it was our own stories naman diba?"

"Oo naman," sagot ni Karina, "Ikaw, Elora? May kwento ka rin ba gaya nila?" dugtong niya, kaya napatigil ito at tumingin sa dalaga, na nakangiti lang sa kaniya.

"Well—"

"Uy, Elora! I heard you got an award from your latest book!" singit ni Mayumi bago pa ako makapagsalita.

Agad na tumango naman ito at kinuha ang maliit na bag sa aking gilid. "Yup, swertehan lang naman, sinubukan ko lang naman mag sulat ng mga panahon buntis ako at walang magawa sa bahay," pilit kung tinatago ang hiya na nararamdaman sa harap ng mga bago kung kaibigan.

"Where did you get your inspiration in writing such a crazy idea? My god! Base sa experience mo 'yon?"

Isang mahinang tawa ang pinakawalan ko, nang marinig ang matinis na boses ng kaibigan niya, "Come on, tell us!" pangungulit pa nito sa kanya.

"Uh," nagdadalawang isip akong ituloy dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. "Siguro, kwento ko na lang 'yong laman ng book? Para magkaroon na lang kayo ng idea? Lalo na sa mga hindi pa nakabasa? Or ayaw niyo ng idea—"

"We want!" sabay-sabay na sigaw nilang lahat na ikinagulat ko, mayamaya ay tumawa na lang ako at umiling.

"Okay, sige na nga," Umayos ako ng tayo at pinakatitigan ang libro na hawak, "This story is about two people who found themselves lost to each other," nag angat ako ng tingin at isang malungkot na ngiti ang sumilay sa aking mga labi, "Pero ang akala nilang masayang relasyon na sinimulan nila ay may kalapit na sakit at pagdurusa, sinubok sila ng tadhana, kung hanggang saan ang pagmamahal na meron sila para sa isa't isa. Pero pinatunayan nila na kaya nilang lampasan lahat ng pagsubok lalo na kung magkasama nilang haharapin 'to. Love is not always about happiness but it's who will stay beside you during the darkest moments."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status