Elora POV
"Elora! Inutil ka talaga! Sunog na naman ang sinaing mo! P*****a!" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang sigaw ng aking nanay mula sa unang palapag ng bahay.
Nanlaki ang mga mata ko at dali daling bumaba, muntik pa akong madulas dahil nakakalat ang mga damit ng kapatid ko na si Stella, "Nay! Nandyan ka na pala!" Dumako ang tingin ko sa wall clock na nasa taas ng tv at nakita kung alas siyete pa lang ng gabi. "Ang aga mo yata nakauwi?"
"Tigilan mo ako! Nasa labasan pa lang ako, amoy na amoy ko na 'yan!" Gigil na hinampas ako ng hawak nitong timba, "Ang mahal ng gas, p*****a ka talaga! Ano akala mo sa akin, tumatae ng pera, huh?"
Napakamot na lang ako sa aking noo habang hinahaplos ang braso na nabugbog ng ginto niyang timba, mas matanda pa yata kasi sa kanya 'yon. "Sorry na nay, may trabaho kasi ako. Medyo nakalimutan ko na,"
- "Heh! Manahimik ka! Kahit kailan ka talaga, wala ka nang ginawang tama sa bahay na 'to. Puro sa reklamo at rason! Wala kang kwen---"
"Naaaay!" huminto ang ratrat niya nang marinig ang matinis na boses ng paborito niyang anak. "Nay, nabili mo ako?"
"Syempre naman, halika at isukat mo, excited na ako!" Nawala bigla ang inis nya at lumapit sa kapatid o habang ako ay tahimik lang na pinanood sila.
'Ako naman ang nagdadala ng pera dito,' gusto kung sabihin, pero baka magkaroon ng round two ang misa, kaya hinayaan ko na lang at pinuntahan ang sinaing. Napangiwi ako nang makita na sunog 'to kaya kumuha ako ng asin at ibinudbod sa takip ng kaldero, tsaka niya binuksan ang bintana para sumingaw ang amoy.
Pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto at saka umupo ulit sa harap ng laptop, pinilit ko na bumalik sa pag titipa pero agad din naman akong humihinto, paano nakaramdam na naman ako ng lungkot at inggit. Tatlo lang kaming magkakapatid at ako ang panganay, pero para lang akong ampon dito at kuhanan ng pera kung ituring nila, maliban na lang sa tatay kung sobra akong mahal.
Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang phone kung tumutunog, kinuha ko agad 'yon at napapikit nang mariin ng makita kung sino ang tumatawag sa akin.
Lagot!
Boss calling...
"Miss Ai, hello, " bati ko dito, hindi ko alam kung anong sasabihin, ilang araw na ang nakalilipas ay hindi ko pa rin naipapasa ang report ko.
"Elora! Putangina! Papatayin mo ba ko sa kahihiyan? Sobrang late ka na sa deadline, I've been trying to reach you, pero ngayon ka lang sasagot, ha?"
"Sorry, Ms. Ai, promise, tatapusin ko na! May mga nangyari lang kasi, kaya hindi ko natapos agad," pagdadahilan ko.
"No, enough with that, Elora! May pinagsamahan tayo, kaya hanggang ngayon tinutulungan pa rin kita, pero be professional naman! I want all the reports in my email first thing in the morning! If not, I'm very sorry, Elora. I've given you enough chances,"
Kasunod noon ay namatay na ang tawag. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at tumingin muli sa laptop, ginagawa ko naman ang reports pero hindi ko lang natatapos pa.
Agad din naman nawala ang lungkot at stress na nararamdaman kong makita na tumatawag si Daniel, ang boyfriend ko. "Hon, hello?"
"Hon, tapos ka na sa work? Nasaan ka na ba?" bakas ang pagod sa boses nito, siguro dahil galing siya sa trabaho. Kumunot ang noo ko dahil sa tanong nito at agad ko naman tinignan ang mini calendar na nasa study table ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang red heart, shit!
"You forgot, right?"
"A-ah, hindi. Ano ka ba naman, Hon! Anniversary natin 'yon, bakit ko makakalimutan? Nasaan ka na ba? Nagbibihis na kasi ako, baka late ka na naman?"
Narinig ko ang mahinang tawa niya, "I'm not, I'm on my way too, see you later?"
Tumango naman ako kahit hindi niya naman ako nito nakikita, "Yes, see you later," sagot ko at pinatay ang tawag, excited akong tumayo at saka kinuha ang bag. Naglagay ako ng presentable na baby pink dress, ilang makeup at sandals, maging ang pabango. Naligo lang ako saglit at nagsuot ng pantalon at polo shirt at saka sinukbit ang bag at mabilis na bumaba.
"Nay, may raket lang ako sa kabilang kanto! Gabi na ko makakauwi!" sigaw ko, dahil naririnig ko sila ni Stella na naghahagikgikan sa kwarto malapit sa hagdan.
"Sa labas ka matulog, tanga! Hindi kita hihintayin!" Umiling na lang ako at tumakbo palabas, may susi naman ako ng bahay kaya walang problema.
Dumaan muna ako sa mall at doon nag ayos. Dahan dahan na isinuot ko ang off shoulder maxi dress, nag make up ng kaunti at dahil natural na bagsak ang buhok ko ay hindi na ako nahihirapan mag ayos. Nang mai suot ko ang sandals at mailagay ang damit sa bag ay agad na akong lumabas.
Sumakay lang ako ng jeep, buti na lang oil base ang pabango o kaya walang problema, halos trenta minutos din ang itinagal ng biyahe bago ako nakarating sa bahay ni Daniel. Madilim at tahimik ang kabahayan, kinuha niya ang susi sa bulsa nito at binuksan ang pinto.
"Dan-hmmp!" isang bumubulusok na halik ang bumungad sa akin, agad na nagpatiunod naman ako at sinabayan ang mga halik nito, mayamaya lang ay nararamdaman ko ang kamay nito na gumagapang sa dibdib ko, "Daniel, sandali-" bulong ko habang pinipigilan ang mga kamay nito.
"Elora, pagbigyan mo na ko, ilang taon na tayo pero hanggang halik lang tayo natatapos," do'n ko naamoy ang alak sa hininga niya, kita ko din ang pamumula ng kanyang mukha. Medyo matangkad kasi ang boyfriend ko sa akin kaya kailangan ko pa na mag angat ng ulo.
"Dane, alam mo naman na gusto ko pag kinasal na tayo,"
"Elora naman, wala ka ba talagang tiwala sa akin? Pakakasalan naman kita, nag iipon lang ako diba? Do'n din naman tayo mauuwi, bakit hindi mo pa ako pagbigyan?"
Ginamit ko ang aking buong lakas para makaalis sa pagkakayapos nito sa akin. "Mag usap na lang tayo pag nasa matino ka nang pag iisip, uuwi na ko," saad ko. Hindi ko na hinintay ang kanyang magiging sagot at tuluyan ng lumabas. Mabuti na lang at may humintong jeepkaya nakasakay ako agad. Habang nasa biyahe pauwi ay pinipigilan ko ang maiyak.
Nang makarating ako sa bahay ay tulog na ang mga kasama ko, hindi ko tuloy alam kung pati ang tatay ko ay nakauwi na. Dumiretso na lang ako sa kwarto para magbihis, nawalan na ako ng gana na kumain pa, pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko ngayong gabi.
Matapos kung magpalit ng damit ay agad akong sumampa sa kama at tinawagan ang kaibigan kung si Charline na agad niya naman sinagot. "Cha. . ." sa pagsambit ko pa lang ng kanyang pangalan ay naiyak na ako.
"Sshhh, tahan na, okay lang 'yan. Putangina, ano, pinipilit ka na naman ng demonyong boyfriend mo na makipag sex? Hayok na hayok naman yata 'yan?"
"Nagbihis pa ako ng maayos para sa kanya, iniwan ko ang gawain ko para lang makasama siya, kasi . . Anniversary namin eh, akala ko magiging masaya ang gabi na 'to para sa aming dalawa. Akala ko naman ay hindi na siya magiging gano'n, akala ko maintindihan niya ang gusto ko na mangyari," pagkwento ko sa kanya.
"Sinasabi ko na kasi sayo na makipag hiwalay ka na sa lalaking 'yan, ang tigas kasi ng bungo mo, paulit ulit na 'yan. Aba, Elora, kung talagang mahal ka niya ay handa siyang maghintay kung kailan ka handa gawin ang bagay na 'yon. Kung mahal ka niya ay re respetuhin niya ang desisyon mo pero hindi eh, ilang beses na ba 'yang nangyari na pinipilit ka niya. Hindi ka pa ba natututo?"
"Pero mahal ko siya, Cha," saad ko.
"Puta? Nagmahal din ako, pero ano nangyari? Ito single mom dahil tinakasan ako ng putanginang lalaki na 'yon, hindi ba?" Narinig ko ang malalim na buntong hininga nito at tunog ng keyboard. Malamang nasa trabaho na 'to, call center agent kasi ito at night shift, malamang kakapasok niya lang. "Kaibigan kita, kaya gusto ko ay maging masaya ka. Pero sa ganyang relasyon na meron ka ay hindi talaga ako makakapayag. Huwag mong irason sa akin na mahal mo kasi sa pinapakita ng lalaking 'yon sayo, binabastos ka na niya eh.Mag unwind ka, may binili akong ticket, para sana ito sa birthday mo pero mukhang kailangan mo nang gamitin," dagdag pa nito.
Saglit akong na tahimik at nag isip. "Kakausapin ko na lang siya bukas. Sigurado naman na maintindihan niya ko, lasing lang siya kanina kaya gano'n,"
"Tanga ka talaga! Apat na taon na kayo, pero tuwing anniversary niyo lasing siya at pipilitin ka mag-sex. Makipag hiwalay ka na diyan at kunin mo ang ticket,"
"Sigurado na kokontakin niya ako bukas, Cha." pagpupumilit ko.
"Sorry hon, lasing lang ako no'n, hindi ko sinasadya, alam mo naman na nirerespeto ko ang desisyon mo, I love you," sabi ng nasa kabilang linya at sinundan ng pagak na tawa, "Pusta ko kaluluwa ko, 'yan ang sasabihin niya sa text bukas,"
At hindi nga nagkamali si Charline dahil ng magising ako kinabukasan ay may text na galing sa boyfriend ko. "Sorry hon, lasing lang ako non, hindi ko sinasadya, alam mo naman na nirerespeto ko ang desisyon mo, I love you,"
Pagkatapos kung basahin 'yon ay hindi na ako nag abala pang magreply. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko, sanay na ako sa ganyan na message niya sa tuwing nangyayari ang bagay na 'to. Tumayo na ako at hinanda ang aking sarili, aalis kasi ako para ibigay sa boss ko ng personal ang reports na pinagawa niya sa akin at para na rin makahingi ako ng tawad, baka mamaya ay mapagalitan na naman ako at mawalan ng trabaho.
Nang makalabas ako sa bahay ay agad akong sumakay ng jeep para puntahan ang aking boss. Muli na naman tumunog ang phone ko at nakita kung si Charline ang may message kaya binasa ko 'to. "Makipag break ka na sa kupal na 'yan, sabihin mo pag gusto mo na kunin yung ticket. Love you puke,"
Napailing na lang ako habang ngumingiti dahil sa sinabi ng kaibigan ko, pumara na ako at saka bumaba dahil malapit lang dito ang bahay ng taong sadya ko, hanggang sa mapadpad ang tingin ko sa isang pamilyar na lalaki. "Daniel?" mahinang bulong ko ng hindi inaalis ang tingin sa boyfriend na busy sa pakikipaghalikan sa babaeng kasama at hindi lang 'yon dahil papalabas pa sila sa isang hotel. Hindi din nakaligtas sa mga mata ko ang hickey sa leeg ng babae na wala naman yata itong pakialam kaya hindi na itinago.
Nanginginig na binuksan kung muli ang phone at tinawagan si Charline na agad naman itong sumagot, "Oh, bakla, ano ganap-"
"Nasaan ang ticket?" Agad na tanong ko.
"Uy! Sosyal 'to, Isla Haraya! Exclusive ticket at kaunti lang ang nakakakuha, one year ko pinag ipunan 'to, kasi mas mahal pa to kaysa sa matres ko-"
"Dadaanan kita dyan, kukunin ko 'yang ticket," seryosong turan ko at ibinaba na ang tawag. Dumiretso na muna ako sa boss ko para ibigay ang reports na hinihingi niya at pagkatapos ay nagpaalam din ako na magbabakasyon para makapag pahinga din ang utak ko, kahit ang totoo ay gusto ko lang talaga lumayo muna sa lugar na 'to.
Elora POVDalawang taon na ang lumipas simula ng mangyari ang lahat at isa na do'n ang pagkawala ng anak namin ni Sebastian, pero kahit gano'n pa man ay pinili naming mamuhay ng masaya at kontento sa isa't isa. Matagal na din kaming kasal.Ngayon naman ay nandito kami sa puntod ng anak namin dahil death anniversary niya, pinagawan kasi 'to ng asawa ko para naman may mapuntahan kami at mabisita kapag namimiss namin ang munting anghel namin."Hello baby Miracle, how are you? I miss you so much," saad ko habang inaayos ang bulaklak na dala namin. Napagdesisyunan naming mag asawa na 'yon ang ipapangalan sa kanya dahil kahit na hindi man namin siya nasilayan ay isa pa rin siyang blessing at regalo ng Panginoon."It's been how many years pero sariwa pa din ang alaala mo sa amin ng mommy mo. Mahal na mahal ka namin anak," segunda naman ni Seb.Mayamaya pa ay humangin at naramdaman namin ang lamig na parang yumayakap sa amin. "I know that you're here beside us, our angel. Be happy up there. A
Sebastian POV"Are you sure about this baby?" tanong ko kay Elora ng makababa kami sa kotse koTumango naman siya. "We alredy talked about it since last time right?""It's just I'm worried about you, you don't need to face her. I don't want to see you in pain while staring at the person who caused wounds to your hearts," nag aalalang anas koHinawakan niya naman ang mga kamay ko. "Hindi lang ako ang nasaktan kung hindi pati ikaw. Don't invalidate your feelings, hindi laging ako lang ang iisipin mo sa lahat ng bagay, dapat ay pareho tayo. Ilang buwan na ang lumipas ng mawala siya sa atin and I want to move on and start our life without anger and hatred."Bumuntong hininga naman ako at saka ngumiti sa kanya. Ilang beses niya na kasing sinabi sa akin na gusto niya makita si Scarlet pero hindi ko lang siya pinapayagan dahil sariwa pa ang nangyayari sa amin ng panahon na 'yon kaya kailangan ko muna palipasin ang ilang buwan dahil ayaw ko naman na masaktan ang babaeng mahal ko.Hindi ko lan
Sebastian POVDalawang araw na ang lumipas simula ng isugod sa hospital si Elora at mawala ang anak namin, hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagigising pero ang sabi naman ng doctor sa akin ay nasa maayos na siyang lagay. Si Skyler na ang nag aasikaso at kumakalap ng impormasyon sa nangyari dahil hindi pa ako makakilos ng maayos dahil sa nangyayari sa amin."Kuya Seb, may gusto po ba kayong ipabili? Pagkain?" rinig kung tanong ni Kier sa akin.Agad naman akong tumingin sa kanya at ngumiti. "Ikaw na lang Kier, wala pa akong gana kumain," sagot ko naman sa kanya."Sige kuya, pero bibili na lang din ako ng pagkain para kung sakaling magutom ka ay meron" saad nito at tuluyan ng lumabas.Naiwan na naman akong mag isa kasama si Elora, hawak hawak ko lang ang kanyang kamay. "Baby, please, wake up. H-hindi ko alam kung ano ang gagawin. Lubog na lubog ako ngayon," mahinang anas ko at napayuko na lang.Mayamaya pa ay nakaramdam ako ng parang may humahawi sa buhok ko dahilan para mabilis kung
Scarlet POVNasa loob ako ng aking sasakyan para gawin ang isa ko pang plano, hindi ako papayag na matalo ng babaeng 'yon. Gagawin ko ang lahat para lang mawala siya sa landas ko, wala na akong pakialam kung mali man ang bagay na 'to, basta makuha ko lang ang lalaking mahal ko. She don't deserve Sebastian at all. He's mine!Mayamaya pa ay tumungo ang phone ko at nakita ko ang kaibigan ko na tumatawag. "Anong kailangan mo?" bungad ko sa kanya ng masagot ko 'to."Nasaan ka?" "Nasa kotse ko. Saan pa ba? Bakit, anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya."Don't tell me na gagawin mo talaga 'yang binabalak mo?""Sa tingin mo ba ngayon pa ako hihinto? Ito na lang ang magagawa ko para tuluyan na siyang mawala, kung tumawag ka para lang pigilan ako ay nag aaksaya ka lang ng oras mo," saad ko."Ano ba kasing gagawin mo? Nasaan ka?""Hindi mo na kailangan pang malaman kung ano ang plano ko," seryosong turan ko."Nababaliw ka na, Scarlet!""Baliw na kung baliw! Wala akong pakialam." sigaw ko. Hind
Sebastian POVKaharap ko ngayon si Elora at sinabi niya sa akin ang nangyari sa pagitan nila ni Scarlet."Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa bagay na 'yan? Basta ka na lang nakipagkita sa kanya, paano kung may masamang ginawa sayo ang babaeng 'yon?" inis na turan ko."Hindi ko naman kasi alam, hindi ba at sinabi mo sa akin na nagkausap na kayong dalawa at tinanggap niya na ang lahat. Kaya hindi ko naman alam na gano'n lang pala ang sasabihin niya sa akin,""Kahit na, Elora. Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Kung sa akin ay nagawa niyang humingi ng tawad at magsinungaling how much more pa sayo diba? Alam mo naman na may galit pa rin siya sayo, ilang beses na ba kita pinagsabihan na huwag kang magtitiwala agad at iwasan mo ang pagiging mabait," hindi ko pa rin maiwasan ang hindi magalit. Sobrang pag aalala ko sa kanila ng malaman ko ang ginawa ni Scarlet. Paano na lang kung naniwala si Elora? Paano kung may nangyari sa kanilang dalawa ng anak namin? Hindi k
Elora POVIsang buwan na ang lumipas simula ng malaman ni Sebastian ang tungkol sa pagbubuntis ko, at mas naging maingat pa siya sa akin. Minsan nga ay napapagalitan ko na siya kasi kahit sa konting galaw ko lang ay nag aalala na agad siya sa akin. At napagpasyahan niya din na dito na ako manatili sa kanyang bahay para may kasama akong katulong habang ang kapatid ko naman ay naiwan sa condo."Baby, I need to go now. Are you sure you'll be okay here?" rinig kung tanong nito sa akin."Ano ka ba naman Seb, ginagawa mo naman akong bata eh. Okay lang naman ako kaya wala kang dapat ipag alala, dugo pa lang naman si baby," paalala ko sa kanya."I know, hindi ko lang maiwasan ang hindi mag alala sa inyong dalawa,"Napangiti naman ako sa kanya, no doubt, Sebastian will be a good father.Nang tuluyan na siyang makaalis ay naisipan kung maupo na lang muna sa veranda, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mamangha sa bahay ni Seb, sobrang laki at ganda kasi nito. Hanggang sa maram