Saturday afternoon and I spend my weekend with my childhood friends: Cathy, Lawrence, Bea and Nicholas in the mall. We're already in college taking up Business Ad in the same university. Nagka-classmates lang kami noong highschool and we didn't even noticed that we already hanging and forming a friendly group together.
Pinark ni Nicholas ang kaniyang kotse sa parking lot senyales na nakarating na pala kami. Hindi namin namalayan dahil sa kuwentuhan namin kanina.
"Ano bang bibilhin niyo guys?", tanong ni Cathy sa amin. She's in her bitchy aura today. Wearing a red lipstick paired with her fitted dress, mukha siyang kabit na mang-aagaw ng asawa.
Kinuha niya ang kaniyang yellow hand bag, ready nang pumasok.
"A dress and etc", I immediately answered.
"Kung anong makikita namin ni Lawrence", birong sagot naman ni Nicholas.
"Kung chicks ba naman ang makikita namin, edi bibilhin din", wika ni Lawrence sabay apir nilang dalawa at naghagikgikan.
Bea just shrugged her shoulders as an answer when our eyes diverted to her as a question.
Napasimangot nalang ako sa mga sinabi nila. Si Lawrence mukha talagang chicks! Nauna akong lumabas sa sasakyan. Nakakabadtrip.
Nang makapasok, nagkahiwa- hiwalay na kami para mabili ang gusto naming bilhin. The mall is in usual number of people, madaming namimili dahil weekend.Pumunta kaagad ako sa clothes section at pumili na ng mga damit. Malapit na ang Senior's Ball namin kaya naghanda na agad kami ng maaari naming suotin.
It took me an hour to roam around and pick what clothes I wanted to buy, when my feet suddenly went to the toy section.
Parang may sariling utak ang aking mga paa na pumunta doon.
"Mommy, mommy, I want to buy that doll! She's so beautiful! Mom, please...pretty please", rinig ko hanggang dito sa aking puwesto ang pagmamaakawa ng cute na baby sa kaniyang Mommy. I think she's probably around six or seven years of age. Wearing a pink floral dress, and a pink head band, masasabi ko na talagang kikay itong batang ito.
Nakahawak ang dalawang kamay sa pants ng Mommy niya at pilit na inaabot ang dulong bahagi ng t-shirt ng kaniyang ina upang hilahin . At her age, it's the easiest way to convince her mother to buy that certain doll.
"Alin diyan ang gusto mo, baby?",tanong naman ng kaniyang ina. Binuhat niya ito upang makapagturo sa gusto nitong bilhin.
Tumingin ako sa manika na tinuro ng batang babae. Ang pangit naman ng taste nitong batang 'to.
Nakasuot ang manika ng pale yellow na polka dots dress at curly brown hair. Kung titingnan, para na talagang makaluma ang kanyang kasuotan. Scam, they take old dolls and sell it as new ones!
Kung sabagay, sa mga mata ng mga bata kasi, lahat ng bagay maganda.
"Take care of it okay?", the mother smiled and give what she wants.
"Yes Mommy! Thank you so much", she shouted happily and give her mother a kiss in the cheeks.
Manika nga naman ang isa sa mga pinakapaborito ng mga bata. Lalong-lalo na sa mga babae.
Nilalaro.
Sinasali sa bahay-bahayan.
Kinakausap na parang totoong tao.
Parang bestfriend ang turing dahil lagi itong kasa-kasama.
Yung iba nga, ginagawa pa itong koleksyon.
Simula bata pa ako, wala akong kahit isang laruan. Kaya hindi ko mafeel ang kasiyahang meron ang batang nakikita ko ngayon habang akay-akay na niya ang manika.
INGGIT.
Naiinggit ako. Wala kasing oras sakin sina Mommy at Daddy kasi busy sila sa kani-kanilang business. Up until now na nakatungtong na ako sa college. Buti nga sana kung may kapatid ako, pero wala eh.
"C'mon Shylah, nakatulala ka na naman. Nabayaran na namin ang mga napili naming damit, 'yang sa'yo?," narinig kong sabi ni Bea na nagpabalik sa aking ulirat. Hindi ko man lang namalayan na andito na pala siya sa aking tabi.
" Oh sorry. Mauna na lang kayo sa food section, susunod ako. Babayaran ko pa kasi 'to", sabi ko at itinaas ang mga napili kong mga damit para makita niya.
"Ang dami niyan ah. Sige Shy, basta 'sunod ka ah?" paninigurado niya. Tango lang ang sinagot ko sa kanya't pumunta na agad ako sa cashier para mabayaran ang aking pinamili.
Hindi naman umabot ng sampong minuto ang pagbabayad kaya pagkatapos ko do'n ay pumunta kaagad ako sa aming meeting place at hinanap sila. It took me five minutes to locate them because of the wide area and many people.
"Guys, take a look at this!," hawak- hawak niya ni Cathy ang kanyang tablet at todo ngiti habang papalapit ako sa kanilang puwesto. Lumapit naman sa kanya ang barkada. I wonder kung anong pinagkakaabalahan nila kaya lumapit na rin ako sa kumpulan.
Its a picture of a very beautiful island.
It has white sand and a very crystal clear water. As Cathy scrolled up her phone, we already get why it has a so called 'unique island entrance'.Sa likod ng magandang dalampasigan ay may kuweba na nagsisilbing lagusan papasok sa kabuan ng isla. Makikita mo talaga sa picture na sobrang peaceful ng place. Wala pang mga bahay dahil nasa likod ata ito ng kuweba kaya wala kang mga wastes na makikita. Ba't di 'to nasali sa wonderful tourist spots ng Pilipinas? Siguro its a hidden island pero ang rate lang ng mga tao dito two stars?! Bulag ba sila?!
" What's with that island, Cathy?," tanong ni Nicholas. Yeah, we we're curious. Ang ganda kasi, perfect na perfect na bakasyonan.
"It's a very peaceful island. Wala pang halos nakakaalam sabi nitong nagpost. Kaya tayo ang magpapasikat sa tagong view nito", sabay turo niya sa screen sa kaniyang phone. "However, we want some adventure for this vacation,right?," dagdag niya na nagpakuha sa aming atensyon.
Tumingin naman kaming barkada sa isa't isa at sabay na tumango. Ready to freshen up our mind after a two sem of cramming.
" What's the name of that island?," I asked, seems so interested about it.
"Guys, this unique and hidden island is called, 'La Isla de las Monecas'", she said and put a smirk in her lips.
NICHOLAS' POV Ilang minuto na akong naglalakad, nasuyod ko na ang mga kakahuyan pero 'di ko pa rin maaninag maski anino nina Shylah at Lawrence. Napahawak ako sa aking tuhod dahil sa hingal. ‘'Wag kang sumuko, Lawrence. Kailangan mo silang mahanap sa abot ng iyong makakaya para makalabas na kayong lahat dito. Babalik ang lahat sa dati. Babalik lahat' Pinatatag ko ang aking sarili at naghanap muli. Taas noo akong naglibot kahit na tagakgak na ang pawis sa buo kong mukha at katawan. Napahinto ako sa paghakbang ng may naaninag akong babaeng nakaupo sa ugat doon sa ilalim ng puno. Kasabay ito ang pagdaan nang mabaho na hangin na dumaan sa aking ilong. Nangunot ang aking noo at naramdaman na nagsalubong ang aking kilay. Kinilatis ko ito ngunit hindi ito sa Shylah. May ibang tao pa pala bukod sa amin dito sa isla! Naka- side view siya ng kaunti sa kinaroroonan ko kaya naman ay kitang- kita ko ang mahaba niyang itim na buhok na han
“B- buhay siya”“B- bakit nabuhay pa siya?” “B- buhay si G- Gilberto?”, naiiyak nilang mga tanong. 'Di ko alam kung natutuwa ba sila o ano dahil buhay si Tito. Something's off with their reactions based on their voices. “Bakit po parang 'di kayo masaya na nabuhay si Tito?”, si Lawrence na ang nagtanong. He also noticed something with their questions."A- ah wala, hijo", rinig naming sagot ng isa sa kanila."May problema po ba sa pagligtas namin sa kaniya?", tanong ko naman."K- kayo ang nagligtas s- sa kaniya?" "Opo. Mukha ngang matagal- tagal na siyang ginapos doon sa kaniyang bahay. I mean sa kwarto pala niya. Bakit po? Nagkamali po ba kami ng nailigtas?" Katahimikan ang sumagot sa akin. Mukhang wala silang balak na sabihan kami.
"Mga hayop" Sobrang basa na ng luha ang aking mukha. Pati yata sipon ay sumasabay na din sa agos. 'Di ako makahawak sa aking mukha dahil sa higpit ng pagkakahawak nila sa magkabila kong braso. Nagmukha na tuloy akong batang hamog nito. Si Lawrence naman ay hindi nagsasalita. "Papahid muna, tulo na sipon ko eh", reklamo ko pero para lang silang mga bingi. Mga 30 minutes kaming naglakad. Dinala nila kami dito sa kagubatan na may maraming barb wire at matatayog na kahoy. May mga nakakatakot din na mga sirang manika ang nakabitay sa kada sanga ng mga ito. Luminga-linga ako sa paligid pero wala akong makitang sign kung saan kami dumaan kanina. Nakakalito dahil pare- pareho lang ang mga kahoy pero nakakapagtataka lang dahil napakatahimik ng paligid. Wala man lang paro- paro o ano mang kulisap na humuhuni,
Walang emosyon ang mukha ni Bea habang tinutok niya ang matulis na kutsilyo sa bandang dibdib ni Manong. "Wala ka man lang bang mensahe sa mga kaibigan mo sa maaaring gagawin mo? Baka nanonood sila ngayon dito?", demonyong saad pa ng babae. "Wala, wala naman akong kaibigan", malamig na sagot naman ng aming kaibigan. Sheyt! 'Di ko nakayanan ang nangyayari kaya agad- agad akong gumalaw sa pinagtataguan namin upang pigilan ang maaaring pagpatay niya kay Manong. Sisigawan ko sana ang aming kaibigan baka matauhan siya sa ginagawa niya.Ngunit nabigo ako sa gusto kong gawin dahil mabilis ulit tinakpan ni Lawrence ang aking bibig at hinila ako pabalik sana sa pinagtataguan namin kanina. Pero 'di ko talaga napansin na natapakan ko pala ang kaniyang paa kaya napaupo tuloy ako sa kandungan niya. Nawindang ako lalo dahil nawalan siya ng balance. Kaya ang nangyar
"Hays, halika na nga", napipilitan man, sumang- ayon na din si Lawrence na isama ako. Katulad ko ay binalewala niya din ang gusto naming sabihin sa isa't- isa at tyaka nalang ito iisipin pagkatapos nitong bangungunot na ito. Gusto ko mang sabihin ang totoo kong nararamdaman sa kaniya, masyado pang magulo ang sitwasyon namin. Basta huwag muna ngayon. Itabi nalang muna ito at mag- focus ngayon sa aming kaligtasan. "Wait lang, kukunin ko muna yung mga dala ni Manong. Baka magamit pa natin", pakiusap ko sa kaniya. "Huwag na, Shy. Sobrang delikado. Baka may dumating pang mga manika at madamay pa tayo", pag- aalala niya. "Edi bantayan mo ako, 'di mo naman ako ipapahamak right? I- se- secure lang pati na 'tong kahoy na nakuha natin, baka maging evidence pa na nandito tayo tyaka natin sundan sila manong at siguraduhing ligtas siya", panghihikayat ko naman. "O sige. Kunin
Hindi talaga namin inakala na mas maganda pa sa expectation namin yung sinasabing bahay ni Tito.Malaki-laking bahay 'tong pinasukan namin ngayon. Bago pa ang mga gamit sa loob.Sabi ni Tito, iilan lang daw ang nakakaalam sa bahay na ito. Parang extra house daw ng pamilya nila eh.Nasa tago itong bahagi ng kuweba at ewan ko lang kung may manika pang magtatangkang pumunta dito. Malayo pala ito doon sa entrance na kuweba."Marami po ba talagang mga kuweba dito sa isla?", tanong ko."Iilan lang hija", diretsong sagot naman ni Tito."Bakit po mga mukhang bago lang itong mga kagamitan niyo dito, Tito?", tanong naman ni Cathy."Iyan ang hindi ko alam. Siguro may pansamantalang namalagi dito para linisin ito. Ewan ko lang kung manika ba o tao""Sana naman walang magtatangkang manika ulit dito para makapagpahinga naman tayo", pah
"Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, Nicholas", may tapang sa tonong sabi ni Cathy."Oo, pero huwag ka munang magpapakamatay ngayon, dapat makakita muna ng bangkay yung pamilya mo. Hindi yung uubusin yung buto mo' t laman dito na walang evidence na pinatay ka man lang", sagot naman ni Nicholas."So, you're saying na puwede na akong magpakamatay after nito?""Puwede"Hindi pa rin sila tapos magtalo. Namimilit kasi si Cathy na puntahan si Bea at aalamin kung siya pa ba ang kaibigan namin. Sobrang delikado yung plano niya."What if hindi na talaga siya ang Bea na ating nakilala? Na imbes ipagtanggol tayo, hahalakhak lang kapag napuno na tayo ng mga dugo? ", I interrupted. Ang lakas naman kasi ng tiwala ni Cathy kay Bea. Sobrang lakas din ng fighting spirit ng babaeng 'to."Bahala kayo! Pupuntahan ko talaga si Bea", pamimilit ulit niya. "Puro
Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang mukha ni Bea na tumatawa lang sa katawan ng pusa na pugot ang ulo. Sobra akong nangilabot kasi parang 'di na siya ang Bea na aming kababata.Humahalaklak pa rin sila hanggang ngayon. Ilang minuto na silang tumatawa.Walang tigil.Iilan din sa kanila ang pumapalakpak pa na parang may bentang- benta na joke.Kinuha no'ng isa ang ulo ng pusa sa lupa at hinahagis- hagis pa sa ere pati na din ang katawan nito. Para silang nagf- fiesta. Mababakas naman sa mukha ni Bea ang kasiyahan katulad noong mga araw na kasama niya pa kami.Ngumingiti siya, tumatawa."They're insane!", sigaw ni Cathy habang wala pa ring tigil ang luha na bumubuhos sa kaniyang mga mata."Everything's happen for a reason, Cathy", sabi naman ni Lawrence. Hinimas ko ang kaniyang likod as a comfort. May rason si Bea kaya nangyari ito ngayong aming n
Lahat tayo ay nalinlang na ng ating mga nakikita. Hindi kasi lahat ng nasa paligid natin ay totoo. May iba na nagbabalat- kayo o maling akala mo lang pala iyon. Basta ang importante, huwag kang basta- basta humusga. Alamin muna ang katotohanan bago ka maglabas ng reaksyon.Lumapit kami sa may butas at isa -isa namin itong sinilip. Nang turn ko na, nashock ako ng makita ko si Bea na kasama ang mga manika. Medyo may kalayuan man kami sa kinauupuan niya ngayon, alam na alam namin na si gagang Bea iyon. May mga bahid man siya ng dugo sa katawan at ang kaniyang buhok na nabuhaghag..ibang-iba siya sa Bea na kilala namin, walang expression ang kanyang mukha."ANONG nangyari kay Bea? Bakit parang tulala siya?", tanong ni Cathy sa amin pero maski kami hindi rin alam ang sagot sa kaniyang mga katanungan.Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman ko kapag isa na naman sa amin ang dadanas ng kalagayan katulad ng kay Bea."Baka may pinakain or somet