Share

Blackmailed

Pasado alas nuwebe na nang makarating si Sandra sa condominium niya pagkagaling niya sa restaurant na pinagdalhan sa kanya ni Jann. Para hindi na gaanong mag-isip pa ay agad na rin siyang naglinis ng katawan para maghanda para matulog. Halos ilang oras lamang din kasi ang naitulog niya dahil mag-uumaga na rin siya nakauwi kagabi at 'yon at dahil din sa lalaking ayaw na niyang makita pa, ang binatang nagpakilalang si Jann. 

Habang nasa byahe siya kanina ay tila hinahatak ang mata niya sa sobrang antok mabuti na lamang at nalabanan niya iyon lalo na at nagmamaneho pa naman siya. Ngayon naman na nasa condo na siya ay 'di na siya dalawin ng antok dahil sa samu't-saring nagsusulputan sa isip niya tungkol sa nangyayari sa ama niya at kay Jann sa siguro'y umiinom pa rin sa mga oras na 'to.

Ayaw naman niyang tawagan ang Daddy niya dahil baka kung ano lang ang isipin nito at mapunta na naman kay Jann ang sagot nito. Hindi kasi maikakaila na gusto ng kanyang ama si Jann par

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status