Share

Chapter 17

Pinili kong sa labas kami mag-usap ni Marcus para magkarinigan kami nang mabuti. Ayaw ko ring may makarinig ng pag-uusap namin.

Natatawang sumunod sa akin si Marcus. Nang nasa labas na kami ay hinarap ko siya.

"Kilala mo pala si Zen?" umpisa niya.

Umasim na naman ang mukha ko nang maalala ang lalaking iyon at ang sinabi niya kanina. Malamang na ang tinutukoy niya na aso ay si Clark at ang nangyari kanina sa audition. Hindi ko talaga alam kung bakit mainit ang dugo sa akin ng isang iyon.

"Hindi ko siya kilala pero isa siya sa mga judges sa audition para sa fashion summit," sagot ko.

"Oh, nag-audition ka pala?"

Tumango ako.

Sumandal si Marcus sa pader ng establisyemento kaya ganun din ang ginawa ko.

Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Marcus. Nagpapakiramdaman lang kami.

Tumikhim siya maya-maya. "So ano yung itatanong mo?"

Kinagat ko ang aking labi dahil medyo nag-aalangan ako. Alam kong magkaibigan sila ni Dark pero sana ay hindi niya sinabi kay Marcus ang tungkol
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status