Pinili kong sa labas kami mag-usap ni Marcus para magkarinigan kami nang mabuti. Ayaw ko ring may makarinig ng pag-uusap namin.Natatawang sumunod sa akin si Marcus. Nang nasa labas na kami ay hinarap ko siya."Kilala mo pala si Zen?" umpisa niya.Umasim na naman ang mukha ko nang maalala ang lalaking iyon at ang sinabi niya kanina. Malamang na ang tinutukoy niya na aso ay si Clark at ang nangyari kanina sa audition. Hindi ko talaga alam kung bakit mainit ang dugo sa akin ng isang iyon."Hindi ko siya kilala pero isa siya sa mga judges sa audition para sa fashion summit," sagot ko."Oh, nag-audition ka pala?"Tumango ako. Sumandal si Marcus sa pader ng establisyemento kaya ganun din ang ginawa ko.Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Marcus. Nagpapakiramdaman lang kami.Tumikhim siya maya-maya. "So ano yung itatanong mo?" Kinagat ko ang aking labi dahil medyo nag-aalangan ako. Alam kong magkaibigan sila ni Dark pero sana ay hindi niya sinabi kay Marcus ang tungkol
"Drei..." usal ko sa pangalan ng nakababata kong kapatid. Nasa grade six na siya. Malaki talaga ang agwat nh edad namin dahil anak siya ni mama sa ibang lalaki. Nagtatrabaho noon ang aking ina bilang isang caretaker ng isang rest house. At nang umuwi ang may ari ng bahay na iyon ay lagi na siyang madalas doon. Hindi na lang ako nagtanong dahil baka madami siyang trabaho doon dahil sa biglaan na pag-uwi ng mga ito. Halos isang buwan din na namalagi ang pamilya na iyon dito hanggang sa lumipad ulit ang mga ito pabalik sa ibang bansa.Ilang linggo lang ay doon na nagsimulang lumabas ang sintomas na buntis siya. Tinanong ko siya noon kung sino ang ama ng dinadala niya pero wala siyang sinabi sa akin. Pero kahit hindi siya magsalita ay alam ko kung saan niya nakuha ito.Gwapong bata ang kapatid ko at base na rin sa kulay berde niyang mga mata ay anak nga siya ng mga taga ibang bansa kung saan nagtatrabaho ang aking ina noon.Hindi naman ito malaking issue sa akin. Nagpapasalamat pa nga d
•• CASSANDRA ••Pagkatapos naming magligpit ay sakto rin na nakaligo na si Drei. Kanina ko pa gustong magpahinga kahit saglit lang sana dahil medyo napagod ako sa biyahe at mukhang ganun si Dark na siyang nagmaneho pero mas kailangan muna naming bumili ng makakain. Kahit kasi hindi nagsasalita ang kapatid ko ay alam kung gutom na siya, nahihiya lang na magsabi.Hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang mga sinabi ni Manang Tessa sa akin kanina. Pakiramdam ko parang panaginip lang ang lahat ng ito. Hindi ko inaasahan na ganito na pala ang nangyayari dito sa bahay. Sa ngayon ay hindi ko pa alan kung ano ba ang dapat kong gawin. Sa tingin ko ay kailangan ko munang kausapin si mama saka ako magdedesisyon kung ano ba ang tamang solusyon. Nakabase ang lahat sa kung ano man ang magiging sagot niya.Pumunta kaming tatlo sa pinakamalapit na market dito sa lugar namin. Mas maliit ito at medyo limitado ang mga bilihin kumpara sa mismong public market kung saan may pwesto si mama. Dito na lang kam
Nagngingitngit ang mga ngipin ko habang marahas na inilalagay sa malaking bag ang mga gamit ni Drei. Nasa tabi ko siya na umiiyak habang inaayos ang mga gamit niya sa paaralan. Bakas na bakas sa pisngi niya ang kamay ni mama.Nagpaalam si Dark na kukunin daw ang mga pinamili namin at mananatili raw muna sa labas upang bigyan kaming dalawa ni mama ng oras na mag-usap nang masinsinan. Umiling ako. Buo na ang desisyon ko. Wala na kaming dapat pa na pag-usapan. Nakita ko na ang dapat kong makita. Sapat na iyon. Kahit na makiusap pa siya ay hindi na niya mababago pa ang isip ko.Gustuhin ko man siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon pero natatakot ako na baka kung iwan ko si Drei dito ay lalo lang siyang mapahamak lalo na at mas kinakampihan ni mama ang Mando na iyon. Ayaw ko nang madagdagan pa ang mga pasa at galos sa katawan ng aking kapatid."C-Cassandra, anak..."Bumaling ko sa pintuan nang marinig ko ang mahinang boses na iyon ni mama. Bakas sa mukha niya ang labis na pagsisisi at p
Isang linggo na ang nakalipas simula nang insidente na nangyari noon sa bahay. Gabi na at kauuwi ko lang galing sa Hope Center kung saan nakaadmit si mama. Dumaan ako pagkatapos ng klase ko upang bisitahin siya saglit.Ayon sa doctor ay bumubuti na ang lagay niya ngunit kailangan pa niyang mantili doon ng isang buwan para masubaybayan nang mabuti ang paggaling niya.Base sa sinabi ng pulis na nakausap ko noon ay gumagamit at nagbebenta raw ng illegal na droga si Mando at hindi na nakapagtataka na pati si mama ay nasuhulan niyang gumamit nito. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit parang nabrain washed ng Mando na iyon si mama.Hindi ko alam kung magpapasalamat ako na dahil sa droga kung bakit ganun ang inaasta ni mama. Pero kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil may pag-asa pa na bumalik siya sa dati. Nagkausap na rin kami at humingi siya ng tawad sa lahat ng kanyang mga pagkakamali."Ate, nakapagluto na ako. Kanina ka pa namin hinihintay," bungad sa akin ni Drei pagkapasok ko s
"Hija, you're here! It's been do long since you've last visited our house!"Magiliw na sumalubong sa amin ang ang ina ni Clark. Nakipag beso-beso siya sa akin at amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango.Kahit nasa bahay lang siya ay lagi siyang nakaayos at nakaporma. Nasa fifties na ito pero masasabi kong bata pa rin itong tingnan at sobrang elegante. Tantyado ang mga galaw nito at mahahalatang galing sa marangyang pamilya.Noong una ko siyang makaharap ay hindi panatag ang loob ko dahil bukod sa akala ko noon ay ayaw niya ako para kay Clark ay mukha rin siyang masungit. May pagkamaldita kasi ang mukha niya kaya kahit sino na makakakita sa kanya ay iyon agad ang iisipin.Pero nang makausap ko siya at makilala ng mabuti ay mabait pala siya, taliwas sa kung ano ang itsura niya. Botong-boto rin siya sa akin para sa kanyang nag-iisang anak kahit na hindi kami pantay ng estado sa pamumuhay. Mayaman naman daw sila kaya walang mawawala kung ako ang gustuhin ni Clark. Hindi daw sila tumi
Napalunok ako.Kitang-kita ko kung gaano kapula ang mukha ni Clark sa matinding galit. Malamang na maliwanag niyang nakita ang paghalik sa akin kanina ni Dark. Lumipat ang tingin ko kay Dark. Sinadya ba niya ang paghalik sa akin kanina upang galitin si ito?Pabor ako sa gusto niyang mangyari pero ang ikinakabahala ko ay nandito lang kami sa labas ng bahay ng mga San Diego. Ayaw kong magkagulo at lumabas ang mga magulang ni Clark."Let her go," ani Clark sa galit na boses pagkalapit sa amin. Sinubukan niyang hiklasin ang aking braso pero naging maagap si Dark at tinabig ang kamay nito."Don't touch her. She's not yours," babala naman ni Dark.Lalong nagngitngit sa galit si Clark dahil doon.Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa na nagsusukatan ng tingin. Gumawi ang tingin ko sa sasakyan ni Clark na nasa gitna ng daan papunta sa guard house."Cassandra is my girlfriend so I have all the rights to touch her. At sino ka bang talipandas ka, huh? Bakit ka ba pumapapel sa buhay namin eh samp
"Okay lang tayo?" tanong ko kay Dark pagkauwi namin. Nauna na ang mga bata sa taas dahil hinahabol nila ang pelikula na papanoorin.Namulsa si Dark at pinagmasdan ako. "Oo naman. Bakit mo natanong?""Eh kasi.. kanina.." Hindi ko matuloy tuloy ang salita dahil paano ko nga ba sasabihin? Na bakit hindi niya ako itinuloy na hinalikan? Ipinilig ko ang aking ulo. Ayaw kong isipin niya na dismayado ako dahil sa pag-iwas niya kanina.Tumaas ang kilay ni Dark nang makita ang pagkailang ko. "We're good, Cassandra. Don't think of any negative things because of that. Meron lang akong... naalala.""Naalala?"Umiling siya at lumapit. Nakatitig ang kanyang mga mata sa aking labi at bahagya akong napalunok. "Alam mo naman na gustong-gusto kita, diba?"Nag-iwas ako ng tingin. "Y-Yeah.." Bakit ba niya iyon tinatanong? Naiilang tuloy ako. Lumapit pa siya hanggang sa lumapat na ang likod ko sa pader. Itinukod niya ang kanyang mga braso sa magkabilang gilid ko at mataman na tinitigan ang bawat reaksyon