Share

Chapter 31

Halos buong gabi akong hindi nakatulog sa kaiisip sa tawag ni Marcus kanina. Ang lakas lakas ng pakiramdam ko kinabukasan kahit na kinulang ako sa tulog. Ang mga notes na hindi pumasok sa isipan ko kahapon ay ang dali na lang na pumasok ngayon.

Ayon kay Marcus ay umuwi raw pansamantala si Dark sa kanilang probinsya. Hindi na ako nagtanong ng iba pang detalye dahil okupado na ang isipan ko sa muli naming pagkikita.

Sa Sabado. Iyon ang araw ng pagkikita namin para matapos muna ang exams ko. Hindi niya nasabi kung saan kami magkikita, tatawag na lang daw si Dark kapag may oras na siya.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit si Marcus pa ang tumawag upang sabihin iyon. Pwede namang si Dark kung tutuusin. Hindi na lang ako magreklamo dahil mas lamang ang pananabik na nararamdaman ko.

"Ang saya natin ah. Glowing ka pa. Anong meron?" usyoso ni Merry habang naglalakad kami papuntang canteen para sa lunch. Katatapos lang ng exam namin sa Modern Literature at masasabi kong pasado na ako.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status