Share

Chapter 5

NANGAKO siya na babawi siya sa mga pagkukulang niya kahit na kalahati sa pagkatao ko ang nagsasabing wala naman siyang pagkukulang sa akin. 

Kung kailan ko ipinapaliwanag sa kanya na hindi ko kailangan lahat ng pagbawi na sinasabi niya ay siya namang ikinakatigas ng ulo niya. Ang ibig ko lang namang sabihin ay sa halip na humanap siya ng ibang mapagkaka-abalahan ay sa akin natutuon ang atensyon niya.

Nararamdaman ko iyon dahil hindi lang naman ako ang tao sa bahay. Hindi lang naman ako ang nakakaramdam ng bagay na iyon dahil alam kong maski si Mama ay nararamdaman na ang pagbawi na paulit-ulit na ipinapangako sa akin ni Tita Hyacinth.

Yes, Tita Hyacinth. Magmula nang sinabi niyang babawi siya at magmula nang napapadalas ang pagtungo niya sa bahay upang kamustahin ako ay nasanay na ako sa presensya niya at pagtawag sa pangalan niya. Naging close kami, oo at nararamdaman ko iyon. Lahat ng bagay na mayroon siya ay mayroon din ako. Magmula sa mga sapatos at damit ay magkapareho kaming dalawa. Aaminin kong nag-e-enjoy ako sa set up na ganito pero kalaunan ay nagbago rin ang pananaw ko nang makita ko ang mga lungkot sa mga mata ni Mama habang nakatanaw sa 'ming dalawa ni Tita Hyacinth.

"Where are you going, Kimberly?" Tanong ni Tita Hyacinth.

Napabalikwas pa siya sa pagkakahiga sa sun lounger dahil sa biglaan kong pagtayo at pag-alis sa tabi niya. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng pananakit sa puso dahil sa tuwing makikita ko ang malungkot na mga mata ni Mama ay para bang nararamdaman ko ang ka-traydur-an na nanunuot sa pagkatao ko sa tuwing makakasama ko si Tita Hyacinth.

"Kay Mama po," sagot ko bago tumakbo patungo sa loob ng bahay.

Oo, makukuha ko lahat ng bagay na gugustuhin ko pero alam kong hindi ko makukuha ang tiwala at pagmamahal ng isang tao kung mangyaring masira ko ito. Dahil ang tiwala ng isang tao ay maihahalintulad ko sa isang basag na salamin. Hindi mo na magagawang maayos ang salamin kung mangyaring mabasag mo man ito kahit sabihin mo pa man na hindi mo sinadyang mabasag. Oo, magagawa mo pa siyang maikabit gamit ang pandikit pero hinding hindi mo na mabubura ang lamat na ibinigay mo rito.

Ramdam ko ang pagta-tiyaga ni Tita Hyacinth sa 'kin sa mga araw at linggong  nagdaan. Panay siya sa pagbisita sa bahay kahit na hindi ko naman hinihiling ang presensya niya.

Oo, simula nang makita ko ang lungkot sa mga mata ni Mama ay para bang nawala na rin ang kagustuhan kong mapalapit kay Tita Hyacinth kahit na gustuhin ko man siyang makasama.

Mahigpit si Mama at hindi naman gano'n si Tita Hyacinth sa 'kin pagdating sa pakikipagkaibigan sa ibang bata, pero hindi ito ang sapat na dahilan upang pillin ko si Tita Hyacinth kumpara kay Mama.

Paulit-ulit kong pipiliin si Mama kahit na taliwas ang kagustuhan niya sa maraming bagay para sa akin. Siya ang paulit ulit kong pipiliin kahit na mahigpit siya sa mga bagay na ginugusto ko. Alam kong para rin naman sa akin ang ginagawa niyang paghihigpit kaya naman naiintindihan ko siya sa mga kilos niya. Sadyang hinahayaan lang naman akong lumakad sa sarili kong mga paa ni Tita Hyacinth bilang pagtuturo sa akin na hindi dumipende sa desisyon ng iba gaya ng ginagawa ko ngayon.

Nasa mindset na rin siguro ng isang tao ang manatili sa tabi ng mga taong kinalakihan nila. Halimbawa, lumaki ka sa tatay mo kaya naman hanggang sa pagtanda ay kayong dalawa ang magkasama hindi katulad sa nanay mo. Gano'n rin ang magiging paliwanag ko sa nanay kapag ang nanay naman ang tinanong mo.

Wala namang problema sa 'kin kung gusto niyang bumawi o ano. Ni hindi ko nga alam kung anong babawiin niya sa 'kin. Sa katunayan nga ay hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyang pagkukulang.

Pagkukulang saan?

Ni wala nga akong kaalam-alam sa pagkukulang na sinasabi niya.

Hindi naman sa kinaaayawan ko si Tita Hyacinth pero ang akin lang, sana naman ay malaman niya kung saan siya lulugar. May asawa si Daddy at kasal sila ni Mama. Kahit na hindi nila aminin sa akin na may problema silang dalawa ni Mama ay malalaman ko agad sa paraan pa lang ng normal at klaro nilang tinginan sa isa't isa. Normal naman siguro siyang babae at mukha namang mataas ang propesyong pinanghahawakan niya kaya naman bakit kailangan niya pang lumapit sa isang taong alam naman niyang pamilyado na?

Nasa tamang edad na rin naman si Tita Hyacinth upang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya. Sa katunayan nga ay nagugustuhan ko siya hindi dahil sa pananamit niya kundi dahil sa paraan ng kilos at sa ugali niya. Kung hindi lang sila ganitong ka-close ni Daddy ay baka naging magkaibigan pa kaming dalawa.

Hindi naman ako mahirap na makisama at alam ng mga magulang ko iyan, depende na lang siguro sa mga ikinikilos at ipinapakita mo sa akin dahil hindi ako gano'n kadaling utuin kung alam ko sa sarili kong ikaw ang may problema sa ating dalawa at hindi ako.

Aware naman ako sa mga issues ko sa katawan kaya naman kapag alam kong may mali ako, gagawa agad ako ng paraan upang linisin ang sarili ko at nang sa gano'n ay malinis ko rin ang pangalan ko kung may nagawa man akong mali at labag sa loob mo.

Gaya nga ng sinasabi ko ay panay siya sa pagbisita sa bahay bitbit ang napakaraming regalo para sa akin. Tila ba binubusog ako sa mga materyal na bagay na alam niyang magugustuhan ko sa oras na lumapat ang titig ko sa mga ito.

 Lahat ng mga regalong ibinibigay o yung mga gamit na hindi ko naman hinihiling at mas lalong hindi ko naman kailangan ay walang humpay niyang ibinibigay kahit na ilang ulit ko pang tanggihan sa harap mismo nila Daddy. Naaawa rin naman ako sa tuwing makikita ko ang walang buhay at mas lalong walang kulay na mukha ni Mama kaya naman sa halip na tanggapin ko lahat ng ibinibigay niya ay wala akong ibang ginagawa kundi tanggihan ito kahit na sa loob-loob ko ay alam kong kinakailangan ito ng mga whims ko sa katawan.

Minsan din ay nagagawa kong maawa sa mga effort niyang pamimili at pamimigay kaya naman sa halip na tanggihan ay makapal ang mukha ko itong inaabot at maliit ang boses na nagpapasalamat sa kanya.

"No need to thank me, Kimberly. Lahat ng 'yan ay para sa'yo," pang-uuto niya dahilan upang abutin ko lahat ng paperbag na naglalaman ng kung ano-ano. "Good girl," ngiti niya kasabay ng paghaplos sa buhok ko.

Ramdam ko ang pagbaba ni Mama sa gilid ko kasabay ng pagluhod at paghawak sa magkabila kong balikat upang magkaharap kaming dalawa.

Tila ba may gusto siyang sabihin sa akin na kailangan kong sundin o 'di naman kaya ay may gustong iparating sa akin. Mukha namang tama ako sa hinala ko dahil nakita ko ang mga mata nitong lumalim at tila ba naging maamong leon na nasa harapan ko.

Kita ko ang lihim na pag irap ni Tita Hyacinth sa gilid niya kasabay ng pagbaling ng nagtatanong na tingin kay Daddy na ngayon ay nakangiti na sa 'kin.

Bakit kung maka-asta silang lahat ngayon ay para bang may hindi sila sinasabi sa akin. May itinatago nga ba sila?

Ano namang itatago nilang tatlo na hindi ko kailangang malaman? Sama ba ng loob ang itinatago nila sa akin ngayon?

May mali sa mga ngiti ni Daddy at mukhang hindi ako kumbinsido sa paraan niya ng pagngiti sa akin ngayon.

Para bang sa paraan ng pagkislap ng mga mata niya ay may lungkot na nakakubli nang sandaling makita niya kaming magkaharap ni Mama sa harap nilang dalawa ni Tita Hyacinth.

"Pumunta ka muna sa kwarto mo, Kim," bilin niya na mabilis na kinontra ni Tita Hyacinth.

"It's Renee Hershey Aldomovar Quesada, Amanda. Naiirita ako sa tuwing maririnig ko ang pangalan ng namatay mong—"

"Hyacinth, pwede bang hayaan mo muna silang mag usap? Nag-usap na rin naman tayong dalawa, hindi ba?" Singhal naman ni Daddy.

Panay sila sa pagbardagulan nang palihim sa likod ni Mama habang si Mama naman ay napapanguso na lang at tila ba malungkot sa nangyayaring ito.

"May problema po ba, Mama?" Tanong ko dahilan upang muli siyang mag angat ng tingin sa 'kin at di kalaunan ay umiling kahit na naroroon pa rin ang lungkot sa mga mata at lalong lalo na sa awra niya ngayong araw.

Kagat labi niya akong pinagmasdan magmula ulo hanggang paa bago ngumiti. Pero katulad nga ng palagi kong sinasabi ay tila ba may lungkot na kahalo ang mga mata nitong nakatitig sa mga mata ko. Para rin bang pinagmamasdan nito ang bawat anggulo ng mukha ko dahil sa pagpasada ng thumb niya sa cheeckbone ko.

"Kamukhang-kamukha mo siya, Kimberly," aniya.

'Yan ang salitang madalas ko nang marinig mula kay Mama simula nang dumating si Tita Hyacinth.

Ni hindi ko nga rin alam kung bakit siya paulit-ulit sa paghahalintulad sa akin kung kani-kanino. Nakakapagtaka lang na kahit na paulit ulit siya sa pagsasabi ng mga ganitong bagay ay ni minsan hindi ko narinig ang pangalan ng kung sino mang tao ang inihahalintulad niya sa akin.

Nagsimula lang naman siyang maging plaka no'ng dumating rin si Tita Hyacinth sa bahay. Palagi na rin siyang bumibisita sa bahay para ibigay ang mga luho ko na kailan man ay hindi ko hiningi sa kanya at hindi ko alam kung bumibisita ba talaga siya para sa 'kin—  para sa 'kin nga ba?

Kasi pagkatapos ng mga nararamdaman ko ay para bang may naaamoy akong kakaiba sa kanilang dalawa ni Daddy. Hindi ito yung tipo ng amoy sa katawan na aalingasaw sa sandaling makalimutan mong maghilamos o magbanlaw gamit ang malinis na tubig.

Ang tinutukoy ko ay yung kakaibang amoy na maaamoy mo lang kapag may iba ka nang nararamdaman sa pagsasama ng dalawang tao sa iisang bahay.

Pagkatapos niya kasing makipaglaro sa akin at bigyan ako ng magagarang damit at laruan nang bumisita siya. Pagkatapos lamang ng ilang oras ay magpapaalam na siyang umalis at ang pinaka nakakatanga sa lahat ay, bakit kinakailangan pa siyang samahan ni Daddy sa tuwing aalis siya?

Sa gano'ng uri niya ng pagrampa at sa istilo ng kanyang pananamit— wala ba siyang kotse? Wala ba siyang sariling sasakyan na magagamit?

Wala ba siyang sapat na pera para makabili ng sariling kotse at nang sa gano'n ay hindi niya na maagaw ang atensyon ni Daddy para sa aming dalawa ni Mama na kung tutuusin naman talaga ay kaming dalawa ang prayoridad niya sa mundong ito.

Yung mga bagay na ginagawa ng isang asawa at hindi nararapat gawin ng isang babaeng nakikitira lang sa bahay niyo ay malakas ang loob nilang ginagawa.

Ngunit ang mas lalong ikinakaputok ng ugat ko sa ulo ay yung katotohanan na nagagawa kaming iwanan ni Daddy para lamang sa kanya?

Sa isang katulad niyang ngayon lang ipinanganak sa mundo at ignorante pa sa maraming bagay.

Oh well. Bata pa lang kasi ako that time kaya ang mga ganoong uri ng kilos ay nagagawa ko na lang na hayaan. Sige, tutal at mukha naman kayong close at pinsan ka naman ni Mama, sige.. palalampasin ko ang bagay na iyon. Pero sa susunod na mas lalo kang didikit sa kanya— hindi na ako magdadalawang isip na balatan ka nang buhay at pakuluan ang karne mo sa isang kawa na punong-puno ng kumukulong mantika.

Sige, walang personalan at walang malisya 'yan, ha. Pero siguraduhin at tiyakin mo lang ang lahat ng 'yan dahil sa oras na mapatunayan kong may namamagitan sa inyong dalawa ay hindi na ako magdadalawang-isip na isumpa kayong dalawa.

Pero sa tuwing iko-comfort ko ang sarili ko sa mga ganoong klase ng bagay, hindi ko maiwasang mangamba.

Nangangamba ako hindi para sa sarili kong kapakanan kundi ay sa kapakanan at mararamdaman din ni Mama.

 Madalas nang umuwi ng hatinggabi ngayon si Daddy. Hindi na rin siya gaanong naglalaan ng oras para sa 'ming dalawa ni Mama. Madalas silang magkasama ni Tita Hyacinth sa buong oras na magiging bakante ang araw niya sa trabaho.

Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaiba.

Lumaki ako or tama bang sabihin na pinalaki akong hindi pakialamera ng mga magulang ko.

Lumaki akong, "Hanapan mo ng solusyon ang problema mo at wag mong problemahin ang problema ng iba," kaya naman sa halip na hagilapin silang dalawa kung may ginagawa nga ba silang kababalaghan ay hindi ko na sila pinapakialaman.

Labas naman siguro ako d'yan, 'di ba? Pwera na lamang kung masasaktan nila si Mama nang hindi sinasadya.

Mukha namang walang pakialam si Mama sa mga lakad nila Daddy at Tita Hyacinth, at sa halip na pakialaman silang dalawa sa mga lakad at pangyayari sa buhay nila ay naiisipan na lang ni Mama na makipaglaro sa 'kin at basahan ako ng maraming libro.

Aware ako na simula nang magkaroon ako ng malay at natutunan ko ang maraming bagay, madalas kong makita na hindi okay ang pagsasama nila Daddy at Mama. Para bang magkaibigan lang silang dalawa at hindi mag-asawa.

 Normal ang kilos nilang dalawa, walang nakakakilig, wala lahat ng bagay na madalas kong makita sa tuwing makakakita ako ng mag-asawa sa daan. Hindi sila naglalampungan gaya ng palaging ginagawa ng dalawang normal na mag-asawa. Walang malisya sa bawat galaw nilang dalawa. Walang kahit na anong nakakasabik at nakakakilig na eksena sa pagitan nilang dalawa.

 Walang sweetness, walang kilig. I mean.. kuha niyo ba ako?

Walang kahit na anong pagmamahal ang namumutawi sa kanilang dalawa.

 Oo, naroon ang pag-aalala kahit na  papaano pero yung mga ganoong klase ng pakiramdam, sweetness, kilig? Lahat ng iyon ay wala sa pagsasama nilang dalawa.

Minsan nga ay naisip ko, mag asawa ba talaga silang dalawa? Kasi may kakaiba eh, may kakaiba talaga.

Magkaiba sila ng kwartong tinutuluyan. Hindi rin si Mama ang nag-aayos ng mga damit pang opisina ni Daddy. Ni minsan nga ay hindi ko man lang sila nakitang magyakapan o magkilitian man lang.

 Para bang may magagalit sa oras na magdikit silang dalawa.

Para bang lahat ng kilos nilang dalawa sa loob ng bahay, may makakakita at magrereport sa kung sino mang may magbabalak na mag spy sa kanilang dalawa.

 Alam kong hindi sila nagsasama sa isang kwarto dahil sa tuwing binabangungot ako ay sa kwarto ako ni Mama dumidiretsyo at nagpapaalam na matulog.

 "Mama, bakit hindi kayo magkasama ni Daddy sa iisang kwarto?" Tanong ko habang nakayakap sa kanya.

Madilim na sa paligid at tanging ang dim lights na lamang ng lamp shade niya ang nakabukas. Ramdam ko ang paghahabol niya sa hininga bago ngumiti ng maaliwalas sa 'kin at hinaplos ang pisngi ko. Wala naman akong nagawa kundi mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya na ikinatawa niya.

 "May mga bagay na hindi natin alam ay may limitasyon. At hindi ko rin obligasyon na alagaan ang Daddy mo dahil ikaw lang ang naka obliga sa 'kin," paliwanag niya na hindi ko nakuha. "Para nang kapatid ang turing ko sa Daddy mo."

Kapatid?

Paanong naging kapatid, 'di ba't mag-asawa silang dalawa at kasal na sila?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status