"JONAS," matamis niyang ngiti kasabay ng pagbaling niya ng tango kay Mama.
Sa paraan ng pagtingin niya ay para bang may mga salita siyang ibinibigkas sa isip nito at mukha namang nakukuha ni Mama dahil panay siya sa pagtango. Tila ba isang pasahan ng pribadong mensahe sa utak at ayaw na iparinig sa akin.
Tila ba pinaghalong adorasyon at pagkasabik ang nakita ko sa mga mata nito nang bumaling siya ng tingin sa 'kin at masuri akong pinagmasdan magmula ulo hanggang paa. Mukha naman siyang natutuwa sa presensya ko rito sa harap nilang tatlo kaya naman hindi ko maiwasang mangamba.
Sa itsura kasi ng mga galaw nila Mama ay para bang pumapayag silang tatlo at abala sa diskusyon kung paano akong ibibigay sa panibagong tao na nasa harapan ko ngayon. Dahil sa pagkailang at pagkagulat ay para bang ginusto ko na lang na tumakbo palayo kaya naman hindi ko naiwasang mapaatras sa pagkakatayo. Napansin niya ang mumunti kong kilos kaya naman nang bumaling siya sa akin ay dito na ako nagsimulang maestatwa.
Hindi ko rin naman inaasahan ang biglaan nitong pagluhod sa harapan ko upang maglebel ang tinginan namin sa isa't isa.
Nagtataka akong nag-angat ng tingin kay Mama ngunit sinagot niya lamang ako ng isang tipid na ngiti at hindi ko inaasahan ang pag-iwas nito ng tingin sa gawi namin ng dalawang babaeng nasa tapat ko.
Bakit pakiramdam ko may kakaiba? Ibibigay niya na ba ako sa babaeng nasa harap ko? Anong purpose at bakit narito kaming apat at nagdidiskusyon sa maaaring mangyari sa akin? May kinalaman nga ba ito sa usapan nila Daddy kanina sa kotse habang patungo kami rito?
"Ang laki mo na," aniya at hindi ko inaasahan ang dagliang pagyakap nito sa akin na ikinalaki ng mga mata ko.
Ikaw sa posisyon ko ay natitiyak ko ring magugulat ka rin. Hindi ko inaasahan ang galaw niyang ito kaya naman dagliang lumaki ang mga mata ko sa gulat. Isama mo pa yung mga naiisip ko kanina kaya naman sa halip na matuwa ka sa mainit niyang pagyakap ay magugulat ka talaga.
Okay, normal naman siguro sa isang tao ang pagyakap di ba? Sadyang hindi lang ako sanay sa mga ganitong klase ng kilos dahil gaya nga ng sinabi ko— hindi ako pala-labas na tao. Sa bahay ay bihira lang akong makasalubong ng tao. May katulong nga kami dati at malaya ko naman siyang nakakausap, pero simula nang umalis si Aling Nelia ay nawalan na rin ako ng tiwala sa sarili na magkakaroon nanaman ako ng taong makakausap sa buong buhay ko.
Never akong naka-encounter ng iba pang tao sa buhay ko dahil homeschooled ako magmula primary hanggang sa ngayon, kaya naman ang mayakap ng ganito kahigpit ng taong hindi mo naman kakilala ay sadyang nakakagulat.
Mabilis akong kumawala sa napakahigpit niyang yakap at tumakbo patungo sa likod ni Mama. Natigilan sa pagkakangiti ang babaeng nakaluhod pa rin hanggang ngayon sa semento at tila ba nagulat sa ginawa kong pagtakbo palayo sa kanya.
Tama naman ako sa ginawa ko, 'di ba? Paano kung masama siyang tao? Hahayaan ba nila Mama na makuha ako ng babaeng ito? Hindi ko rin inaasahan ang dagliang pagsama ko ng loob kay Mama dahil hinayaan niya akong mayakap ng isang babaeng hindi ko pa nakikilala. Isa pa itong babaeng 'to na kung makayakap ay para bang malaki ang ambag niya sa pagpapalaki sa akin gayong hindi ko naman siya kilala at hindi siya pamilyar sa mga mata ko.
Ni hindi ko nga alam kung para saan ba ang set-up na ito.
Ipinakita ko sa kanyang natatakot ako sa ikinilos niya kaya naman bilang pagpapakumbaba ay matamis siyang ngumiti kahit na alam kong pilit lang iyon. Oo at hindi niyo ako masisisi. Kung sa mga kamag-anak nga ni Daddy ay walang nakakalapit sa akin dahil sa takot kong makisalamuha, sa kanya pa kaya na ngayon ko lang nakita sa tanan ng buhay ko?
Nanatili siya sa pagkakaluhod kaya naman nanatili lang din ako sa pagtatago sa likod ni Mama.
Ramdam ko ang haplos ni Mama sa likod ng ulo ko kaya naman inosente akong nagtaas ng tingin sa kanya at binigyan siya ng isang tingin na tila ba nang a-akusa.
Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa 'kin bago tumango sa babaeng magpa hanggang ngayon ay nakaluhod at mukhang nakatulala na rin sa kawalan. Wala na sa amin ni Mama ang atensyon niya at nanatili lang ang tingin niya sa sahig na niluluhuran.
Ang peke niyang pagkakangiti kanina ay tuluyan nang naglaho lalo na nang makita niya akong nasa likod ni Mama at mahigpit na nakakapit sa binti nito.
Hindi ko alam pero tila ba nakonsensya ako sa ginawa kong pag atras sa pag-amba niyang paglapit sa 'kin kanina. Para bang na-offend ko siya sa biglaang kilos ko kanina. Baka isipin niya na natatakot ako sa kanya dahil may nakahahawa siyang sakit sa katawan?
Oo, masama ang ugali ko pero natitiyak ko naman na malambot ang puso ko sa ganitong klase ng mga sitwasyon kahit na hindi ko naman siya gano'n kakilala at wala akong ideya sa kung sino man siya.
"Siya ang Ninang mo, Kimberly," pakilala ni Mama dahilan upang bumaling ako sa kanya at muling tumitig sa babaeng nakatingin na sa 'kin ngayon.
Nakita ko ang pagpapalitam nilang dalawa ng tingin at nang mapansin ng babae ang tingin ko sa kanya ay mabilis niyang dinampian ng ngiti ang labi nito.
"Ninang?" Inosente kong tanong bago tuluyang umibis sa pagkaka kapit sa dress ni Mama. "Hindi ko po alam na may Ninang ako, Mama."
"Parehas tayo, little kiddo," halakhak ng babaeng nakaluhod bago naisipang tumayo at nakapamewang na tumitig sa amin ni Mama. "Hindi ko rin alam na ninang na pala ang role ko rito sa Pilipinas."
Ipinakita niya sa akin kung gaano siyang nandidiri nang tinawag siyang ninang ni Mama. Tila ba pinaghalong pandidiri at dismaya ang tingin nito lalo na nang magsalubong ang tingin naming dalawa.
Hindi nakalagpas sa tingin ko ang pagbaling ng matalim na titig ni Daddy dito bago siya lumuhod sa harapan ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat upang ipa-intindi sa akin ang lahat ng hindi ko maintindihan.
Para bang may sariling mundo silang tatlo at kanya-kanya ang disyusyon nila sa kung ano mang bagay ang pinag-uusapan nila.
"Don't say that, Anak," pagbabawal ni Daddy dahilan upang magbaba ako ng tingin sa kanya. "Bata ka pa nang huli mo siyang nakita. Hindi na niya nagawang bumisita dahil nangibang bansa siya.."
"Hindi ko naman po kailangan ng paliwanag, Daddy," inosente kong sagot bago nag-angat ng tingin sa babae.
Hindi rin naman nakatakas sa titig ko ang pagpapalitan nila ng tingin sa isa't isa kaya naman sa halip na punain pa iyon ay muli na lamang akong nagbaba ng tingin kay Daddy at matamis na ngumiti.
"Ayos lang naman po kahit na walang ninang na tumayo sa 'kin."
"Anak," tawag naman ni Mama sa pangalan ko kasabay ng pagluhod katulad sa posisyon ni Daddy. "Don't say that thing. Hindi kita pinalaki ng ganyan, Kimberly."
"Kimberly?" Natatawang reklamo ng babaeng misteryosa dahilan upang tatlo kaming bumaling ng tingin sa kanya. Marahas siyang huminga ng malalim bago nagbaba ng tingin sa 'ming tatlo habng may multo ng ngiti sa labi. "Anong nangyari sa pangalan niya, Amanda? Kimberly? Nananadya ka ba talaga? Anong karapatan mong ipangalan sa kanya ang pangalan ng namatay mong—"
"Hyacinth," pagpapatigil ni Daddy bago tumayo at hinarap ang babaeng alam kong nagpupuyamos na sa galit dahil sa pangalan ko. "Wag mong iparinig sa bata ang usapan nating tatlo," bilin ni Daddy habang nakayapos sa braso ng babaeng ngayon ay iiling-iling na dahil sa galit at natitiyak kong pagkairita. "Hyacinth, alam kong mahirap para sayo 'to. Mahirap para sa 'ting dalawa 'to, sa 'ting tatlo nila Amanda. Pero alam ko at nararamdaman kong kung mahirap para sa 'ting tatlo ito ay mas mahirap ito para kay Kimberly," paliwanag ni Daddy sa kanya habang mariing nakahawak sa magkabilang braso ng babae.
Nang kunot noong bumaling sa 'kin ang babae ay para bang may kuryente ring dumapo sa balat ko nang dahil sa mga titig niya.
Bakit parang pakiramdam ko, may kakaiba sa kanya?
Matapang at mukhang arogante ang features ng mukha niya kahit na nagsusumigaw sa porma niya ang pagiging elegante at disente sa pananamit. Ang kilos niya na bara-bara kanina ay muling natabunan ng pagiging disente niya lalo na nang tumigil siya sa paghihimutok sa galit. Medyo matinis ang boses nito na kapag narinig mo ay tiyak kong masisiraan ka ng loob at maiirita ka kung sakaling maririnig mo. Medyo masakit sa tenga ang boses niya pero naroon pa rin yung timpla ng pagiging elegante niya kapag binabaan niya ang timbre ng sariling boses.
Palengkera kung susumahin ko, pero naroroon pa rin ang malamyos na timbre ng boses niya kung maiisipan niya lang na huminahon at kumalma sa galit niya.
Malayo ito sa mukha ni Mama na para bang anghel kung tititigan mo sa malapit hindi katulad niya na para bang isang itim na anghel na ibinagsak sa lupa dahil sa angking dilim ng awra nito ngayon. Mahinhin ang kilos ni Mama at maging ang pananalita niya ay sobrang hinhin na kapag napakinggan mo ay para kang idinuduyan sa alipaap at pinapatulog, hindi katulad ng kanya na para bang kulog at palaging nag-aaya ng suntukan sa kanto.
Maging nga sa pagtulog ay ang boses na ni Mama ang kinagisnan at tila ba hinahanap hanap ko na rin hanggang sa pagtanda ko.
"Paano ako, Jonas? Hindi okay sa 'kin 'to," sagot nito.
Bakas sa boses niya ang pagkairita na lihim na nagpataas sa kilay ko. Ano bang ikinakaputok ng butchi niya at kung makapagsalita siya kay Daddy ngayon ay para bang nag-aalok siya ng suntukan sa kanto.
May problema ba siya?
Pinagmasdan ko ang paulit ulit niyang paghinga ng malalim habang panay sa pagtapik sa likod niya si Daddy bago niya naisipang bumaling sa 'kin upang gawaran ako ng isang banayad na ngiti.
Parang kanina lang ay sobrang sama ng mukha nito nang marinig niya ang pangalan ko, pero kung makatingin siya ng tuwid sa mga mata ko ngayon ay para bang gumaan na ang hangin na kanina lang ay mabigat pa para sa kanya.
Yung totoo, may sayad ba 'yan?
"I'm sorry sa mga nasabi ko na narinig mo kanina, Hershey," pilit na ngiti niya kasabay ng haplos sa pisngi ko na ikinatindig ng balahibo ko.
Hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam ng kakaiba sa mga hipo niya sa 'kin, yung tipong para bang may kuryenteng dumadaloy sa 'kin mula sa kanya? Gano'n ang nararamdaman ko.
Ang sabi nila kapag nakaramdam ka ng tila ba isang kuryente mula sa ibang tao na hindi mo naman kakilala, maaaring may koneksyon daw kayong dalawa sa isa't isa. So, anong klase ng koneksyon?
Wala namang problema sa akin kapag sinabi niyang siya ang ninang ko, ang naging palaisipan lang sa akin ngayon ay kung bakit para bang ulilang ulila siya sa 'kin at para bang nasasabik siyang naririto ako sa harapan niya.
"Kimberly Jade Quesada po ang pangalan ko, Misis," magalang kong pagtama sa kamalian niya sa pagbanggit sa pangalan ko.
Kung naririto siya sa harapan ko ngayon at abala sa pagyakap at pakikipag usap sa akin, bakit hindi niya man lang magawang itanong kay Mama kung ano ang mga funny facts ng pagkatao ko?
Oo, nakukuha ko naman na excited siyang makaharap ako pero bakit hindi man lang siya nagtanong kay Mama bago humarap sa akin, 'di ba?
Sa pamamagitan ng ngiting iginawad ko sa kanya ay para bang ipinapahiwatig ko sa kanya na okay lang na nagkamali siya sa pagkakamali niya sa pagtawag sa pangalan ko. I mean, wala namang masama kung magkamali ka. Lahat naman ng tao ay nagkakamali sa mundo.
Maliban na lang siguro kung mahilig kang manadya kahit na alam mo naman kung anong mga salita ang lumalabas sa bibig mo.
Ang unang pagkakamali sa pagbanggit ay okay lang. Ang pangalang pagkakamali sa pagbanggit ay okay lang din. Pero ang pangatlong pagkakamali sa pagbanggit sa pangalan ko, dito ko na masasabing mahilig kang manadya at mang-insulto ng isang tao.
Oo, nakakainsulto ang pagtawag sa hindi mo pangalan. Isipin mo na lang na Berna ang pangalan mo pero Berto ang tawag sayo— sinong matutuwa doon?
Hindi ba?
At hindi ako ang Hershey na tinutukoy niya gaya ng pangalang paulit-ulit niyang sinasabi ngayon.
Kita ko palihim na tinginan nila ni Daddy na ikina-arko ng mga kilay ko.
"Kimberly or fucking what—"
"Hyacinth," muling banta sa pagtawag ni Daddy sa babae dahilan upang tumigil ito sa pagbubugnot na para bang batang hindi napagbigyan sa gusto niya.
Hindi pa alam ng bata kong isip ang mga ganitong klase ng tinginan kaya naman sa halip na pansinin pa sila ay itinuon ko na lang ang pansin ko sa ibang bagay.
Minsan ay mas nakakabuti pang tumahimik lalo na kung ganitong klase ng mga bagay ang kakaharapin mo.
Hindi ko rin inaasahan ang muling pagluhod ng babae sa harapan ko dahilan upang bahagya muli akong mapaatras. Binti ni Mama ang humarang sa 'kin sa likuran kaya naman mabilis ko siyang binalingan ng tingin. Isang matiwasay na ngiti ang iginawad niya na para bang sinasabi sa akin na ayos lang at hayaan ko lamang ang babae sa kung ano mang gustong gawin nito sa akin. Sa halip na kwestyunin at pagtuunan ng pansin ang ginawa niyang pagharang ay daglian ko nang binalingan ng tingin ang babaeng nasa harapan ko at nananatili pa rin sa pagkakaluhod niya sa harapan ko.
Namumungay ang mga mata niya at hindi ko mawari kung ano-ano ang mga emosyon na nakikita ko sa mukha niya ngayon. Tila ba pinaghalo halong pait, sakit, hapdi at iba pang madilim na emosyon na hindi ko na magawang pangalanan. Samu't sari ang ipinapakita niya sa akin ngayon na bagamat nakangiti siya ay makikita mo rin ang bigat ng awra niya sa harapan ko gano'n din ang mukha nitong wala ng buhay hindi tulad kanina na tila ba nangingislap pa ang mga mata.
Hindi ko rin inaasahan ang paghawak nito sa magkabilaan kong balikat na ikinagulat at bahagya ko pang ikinatalon. Tila ba gusto niyang ipaintindi sa 'kin ang maraming bagay na hindi ko maunawaan.
"Hayaan mong bumawi si Tita Mommy mo sa mga pagkukulang ko sayo ha?" Aniya kasabay ng panunubig ng mga mata na hindi ko makuha para saan.
At babawi? Saan siya babawi?
Sa mga paskong nagdaan na hindi siya nagpakita o may iba pa bang bagay na may balak siyang bawian?
Nobody knows. Walang nakakaalam sa mga sinasabi at tinutukoy niyang pagkukulang na 'yon.
Hindi ko alam at wala akong ideya sa kung anong babawiin niya sa 'kin. Kung tutuusin ay hindi ko naman kailangan kung anong bawi ang sinasabi niya.
Sanay ako sa wala at hindi ko kailangan ng isa pang intindihin sa buhay katulad niya.
Kalahati sa pagkatao ko ang nagsasabing huwag tanggapin ang offer na sinasabi niya. Sanay ako sa pambabalewala sa mga matatamis na salitang ipinapangako sa akin gaya ng ginagawa niya ngayon. Wala namang importante siguro, kailan ba ako naka-appreciate ng ganito?
NANGAKO siya na babawi siya sa mga pagkukulang niya kahit na kalahati sa pagkatao ko ang nagsasabing wala naman siyang pagkukulang sa akin.Kung kailan ko ipinapaliwanag sa kanya na hindi ko kailangan lahat ng pagbawi na sinasabi niya ay siya namang ikinakatigas ng ulo niya. Ang ibig ko lang namang sabihin ay sa halip na humanap siya ng ibang mapagkaka-abalahan ay sa akin natutuon ang atensyon niya.Nararamdaman ko iyon dahil hindi lang naman ako ang tao sa bahay. Hindi lang naman ako ang nakakaramdam ng bagay na iyon dahil alam kong maski si Mama ay nararamdaman na ang pagbawi na paulit-ulit na ipinapangako sa akin ni Tita Hyacinth.Yes, Tita Hyacinth. Magmula nang sinabi niyang babawi siya at magmula nang napapadalas ang pagtungo niya sa bahay upang kamustahin ako ay nasanay na ako sa presensya niya at pagtawag sa pangalan niya. Naging close kami, oo at nararamdaman ko iyon. Lahat ng bagay na mayroon siya ay mayroon din ako. Magmula sa mga sapatos at damit
Normal lang ba na kapatid ang turing mo sa asawa mo? Normal lang ba na kapatid ang ituring mo sa lalaking nagharap sa 'yo sa simbahan kasama niya? Tama bang ituring na kapatid ang taong kasama mo sa lahat ng mga pangakong binitiwan mo sa harap mismo ng Diyos na kung saan ay naging saksi sa sumpaan niyong dalawa? Normal lang ba na kapatid ang turing mo sa lalaking kasama mo sa iisang bahay at may anak na kayong dalawa? Kapatid ang turing niya kay Daddy, pero mag-asawa silang dalawa. Ang gulo, hindi ba? Dahil nga sa medyo bata pa sa mga ganitong klase ng usapan ay sa halip na pagtuunan pa iyon ng pansin ay malaya na lamang akong napapikit at dinama ang mga mahihinang tapik ni Mama sa hita ko. Sa isang madilim na mundo, si Mama lang ang nagiging kakampi ko sa lahat ng bagay. Siya lang rin ang kaisa-isang taong sumusuporta at walang sawang nakikinig sa akin sa tuwing makaka-encounter ako ng mga problema. 'Yung tipong kahit na wala naman siya
SI Mama ang naghatid sa akin sa klase gamit ang kotse niya. Kahit na anong pilit ko kay Daddy na kahit pumasok man lang pansamantala sa loob ng klase ay hindi niya magawa.Depensa niya ay nakatambak daw ang paper works niya at medyo late na rin siya para sa unang araw niya ng trabaho para sa buwang ito.Subukin mang magboluntaryo ni Tita Hyacinth upang kahit na papaano ay mapagaan man lang ang loob ko, pero sa halip na natuwa ako sa gusto niyang mangyari ay nauwi lang ito sa pagkairita ko.Isang instant rejection ang ginawa ko sa kanya kaya naman nakatanggap pa ako ng lectures kay Daddy sa kung paano ko raw ba matututunang rumespeto sa nakakatanda.Hindi ko alam na nakakabastos na pala ang rejection ngayon. Totoo ba?Ang rejection ay para rin naman sa kabutihan mo, 'di ba?Para saan nga ba ang rejections?Oo, alam ko na hindi nakakatuwa ang rejections sa buhay pero rejection rin naman ang nagiging daan upang matuto tayo sa mga m
May bago ba?Hindi na rin naman ito ang unang pagkakataon na sinigawan ako ni Tita Hyacinth nang dahil sa pangungulit ko tungkol kay Mama.Yes, we are in good terms pero tama ba ang sigawan at ipahiya ako sa harap ng maraming tao? Mas lalo lamang umalburoto ang inis ko sa kanya nang dahil sa ginawa niyang paninigaw at pamamahiya sa 'kin sa harap ng maraming tao.Ni wala nga siyang karapatang taasan ako ng boses kasi nung una pa lang, wala na talaga siyang karapatan sa akin. Si Daddy lang naman ang pilit na isinisiksik sa akin ang babaeng hindi ko naman gaanong kilala o mas tama bang sabihin na ang babaeng magiging dahilan kung bakit masisira ang pamilyang pinapangarap ko ngayon.Masaya ang pamilya ko. Masaya ang pagsasama ni Mama at ni Daddy. Masaya ako sa tuwing nagkakatuwaan kaming tatlo at mas lalong sumasaya ako sa tuwing makikita ko silang dalawa na nagkakatuwaan. Masaya ako hindi dahil sa scripted lang ang mga tawa at hagikgik na ipinaparinig
NAGING maingay sa biyahe si Tita Hyacinth. Kung gaano kadalang ang pagsasalita ko ay siya namang ikinasigla niya sa pagkukwento.Marami siyang ikinukwento sa aming dalawa ni Daddy, pero dahil nga sa nangyaring sagutan namin kanina sa parking lot ay hindi ako naging updated sa kung ano man ang ikinatatalak niya.Panay siya sa pagkwento sa mga bagay na hindi ako interesado. Panay siya sa pagtawa sa mga biro na alam niyang hindi ko man lang naiintindihan. Minsan nga ay naiisip ko kung sinasadya niya nga ba talaga ang pagkwento at pagsasalita sa mga bagay na alam niyang hindi ko maiintindihan o sadyang wala lang talaga siyang alam na hindi ako interesado sa mga ikinukwento niya?Bahala siya. Silang dalawa na lang ni Daddy ang magkwentuhan sa mga bagay na wala akong kaalam-alam. Tutal ay magkasing-edad naman silang dalawa, mas mabuti pa nga kung sila na lang ang magkaintindihan dahil mukhang magka-ugali pa silang dalawa.Goal niya rin naman yata ang mapa
Naging mabilis ang pagtakbo ng panahon sa mga nagdaang araw sa buhay ko.Pagkatapos ng pribadong pag-uusap sa isang kwarto ng mga magulang ko at ni Tita Hyacinth ay naging maayos naman ang lahat lalo na nang matapos sila sa kung ano mang pinagkasunduan nila. Hindi ko rin naman nagawang makinig sa usapan nila dahil si Mama na rin mismo ang nag-utos na lumayo ako pansamantala sa kung nasaan man sila at humingi ng permiso sa akin na hayaan silang mag-usap nang silang tatlo lang.Hindi naman masyadong halata na ayaw nila akong isali sa kung anumang usapan nila kaya naman sa halip na mamilit ay hinayaan ko na lang din sila.Importante rin naman ang privacy ng isang tao at naiintindihan ko naman na wala pa akong karapatang sumabat sa usapan ng matatanda lalo na kung sa usapan ng ibang taong hindi ko naman gaanong kakilala.Pagkatapos ng usapan nilang iyon ay hindi na muling nagpakita si Tita Hyacinth sa bahay. Hindi ko rin naman nagawang kumustahin ang kalagaya
Pabiro ko siyang kinawayan sa harap ng mukha niya na bahagya niya ring ikinapikit nang bahagya pang sumagi ang daliri ko sa mahaba niyang mga pilik-mata.“Tigilan mo nga ang kakangiti d'yan,” reklamo ko kahit na sumisilay na rin ang ngiti sa labi ko.Tunay ngang nakakahawa ang mga ngiti sa labi ni Klaude dahil maging ako ay bahagya na ring nangingiti sa paraan ng ngiti niya.Sino ba namang hindi mahahawa sa isang ngiti na alam mo sa sarili mo na may epekto sa nararamdaman mo?Hindi na bago sa akin ang ganitong nararamdaman dahil alam kong expose ako sa pagbabasa ng mga nobela sa pocket books. Hindi na bago sa akin ang pagbabasa ng mga istorya na alam kong may kinalaman sa pagmamahal. Hindi na rin naman ako bata para maging inosente sa ganitong klase ng mga nararamdaman. Madalas nga ay ganito ang mga teleseryeng napapanood naming dalawa ni Mama sa cable sa tuwing may bakante kaming oras na manood ng mga movies na binibili niya sa internet gamit
Hindi ko alam kung may problema ba si Tita Hyacinth. Ngayon ko na lang din ulit siya nakita pagkatapos ng mahabang linggo. Ni hindi ko na rin siya nakikitang bumibisita sa bahay at kinakausap si Mama kaya naman nang makita ko siyang sumundo sa akin sa klase kanina ay hindi ko naiwasang makaramdam ng pananaba sa puso.Pananaba ng puso dahil sa presensya niya o nagulat lang ako dahil naging malaki ang epekto ng presensya niya sa mood ko magmula pa kanina.Pinagmasdan ko siyang iniliko ang sasakyan palabas ng bakuran gaya nga ng paalam niya kanina na nagmamadali siya. Ni hindi niya na nga nagawang mag-angat ng tingin sa 'kin mula sa hagdan kaya naman hindi ko naiwasang magtampo sa ginawa niya.Nang sandaling batiin niya ako ay hindi ko naiwasang makaramdam ng labis na tuwa kahit na hindi ko man lang naramdamang nagtagal ito sa reaksyon ng mukha ko. Minsan ay natutuwa ako sa isang bagay ngunit hindi ko ito nagagawang maipakita sa panlabas kong anyo, kaya naman hindi