Share

KABANATA 3

Penulis: Spinel Jewel
last update Terakhir Diperbarui: 2023-08-21 14:29:57

Matapos naming maghapunan ni Tess at makapagligpit ng pinagkainan, pumasok na ako sa aking silid. I took my cellphone and dialed my daughter's number. Of course, I never forget to check on her whereabouts and I think it's what mothers usually do to their children. 

"Okay ka lang ba dyan anak? How's your studies?"

"Okay lang naman mama. Kayo po musta na kayo dyan? Hindi ba pasaway mga estudyante ninyo ma?", tanong ng anak ko.

"Uhm, pasaway minsan. At saka maiingay din sa klase, pero mababait naman sila."

Nangalahating oras na kaming nagkukwentuhan ni Loraine at kung anu-ano na lang ang aming napag-usapan. Para lang kasi kaming magbarkada ng anak ko. Sumasabay ako sa mga biro niya at nagtutuksuhan kami kaya minsan nakakalimutan niyang nanay niya ako.

"Uhm, I think I should go now ma, kasi may gagawin pa akong assignment."

"Oh sige anak, mag-iingat ka dyan lagi ha. At gaya ng lagi kong tagubilin, h'wag pasaway kay granny. At saka h'wag muna makikipag-boyfriend, masyado ka pang bata."

"Opo mama. Noted po", hagikgik na sabi nito.

"Bye anak, I love you."

"Bye mama, I love you".

After I ended the call, I scrolled over my cellphone and clicked my F******k app. I searched for Chris' account and sent him a friend request. After a while, I got a notification that he already accepted me. Then I interacted with the Grade 10 group chat in messenger. Maingay ang mga estudyante ko sa gc namin, panay biruan at tuksuhan tungkol sa mga crushes at jowa nila. Maya't maya'y nagsend ng screenshot si Chris and when I clicked it, convo pala nila 'yon ng girlfriend niya.

May gf na pala ang batang ito? Sa isip ko. Bigla akong nakaramdam ng panghihinayang kasi napakabata pa ni Chris para pumasok sa isang relasyon. Well, ganito naman kasi ang trend ng mga kabataan ngayon. Out of curiosity, gustong maka-experience ng mga bagay-bagay, lalo na kapag may mga barkada sila tapos lahat ng mga kaibigan nila may jowa, so di pwedeng maiiwan sila, syempre kelangan talagang sumabay.

"Hala, nabasa ni ma'am!", chat 'yon ni Chris. At nagsend ng laughing emojis ang mga classmates niya. 

"Oy okay lang naman 'yon, basta't priority pa rin ang pag-aaral ha", yon ang response ko sa gc namin.

Pagkatapos ng thirty minutes na pakikipag-usap ko sa kanila sa chat, I turned off my data kasi, may gagawin pa akong powerpoint presentation para sa lesson ko bukas. Ngunit mga ilang slides pa lang ang nagawa ko at bumibigat na ang aking mga talukap.

********

"Dude!!! Salamat at bumalik ka!", buong galak kong niyakap ang bestfriend ko. Pagkatapos, tiningnan niya ako na para bang may nais siyang sabihin.

"Dude, you know that I want you to be happy. And as what I promised to you before, I will never leave you", mahinang sagot ni Alex.

"Salamat dude!", maluha-luha kong sabi at muli ko siyang niyakap.

Nagkaroon ng katahimikan.

"Dude nasa'n ka?"

 Ngunit bigla kong nararamdaman ang pangangalay ng aking mga braso.

Huh???

Nakatulog pala ako habang nakahiga ang ulo ko sa ibabaw ng aking laptop table. At---

Napanaginipan ko na naman si Alex!

Tumayo ako at kumuha ng tubig. Pagkatapos, umupo ako sa kama habang binabalik-balikan ang panaginip ko. Hindi lang naman isang beses akong nanaginip sa kanya kundi maraming beses na at ganu'n pa rin ang sinasabi niya.

Bigla na namang sumikip ang aking dibdib.

Tiningnan ko ang picture frame na nasa ibabaw ng drawer. Kinuha ko 'yon at tinanggal ang takip sa likod. Du'n ko itinago ang kaisa-isang picture ng bestfriend ko. 'Yon na lang ang natira kasi lahat ng mga pictures namin, ay isinama na sa kanyang hukay.

Hindi pa kasi uso ang mga digital cameras nu'ng kapanahunan ko.'Yon pang may film na tig 12, 24 at 36 shots. Kaya nilagay ko lang sa album lahat ng mga pictures namin ni Alex.

But because of what happened, ipinayo sa akin ng mama ko na h'wag na akong magtira ng kahit anong pictures naming dalawa para mas madali akong makapagmove-on kaya ipinasama ko na lang sa libingan niya. Huli na para ma realize ko na hindi tama ang ginawa ko. Sana nagtira ako ng konti, para at least may matitingnan ako everytime na ma mi-miss ko siya.

But although I only have one picture of him at kahit naman wala, still I could not forget him. Nananatili pa ring malinaw sa aking gunita ang mukha ng bestfriend ko. His dark-brown expressive eyes, his slightly pointed nose, and his chiseled jawline, pati na rin ang kanyang comb over hair style ay naalala ko pa rin.

For the past 18 years, wala akong nakilalang kahawig niya o may similarities sa kanya. Only this time, at estudyante ko pa. 

Diyos ko! What a coincidence!

I shut down my laptop dahil naiwan ko itong bukas kanina. Hindi ko naman akalaing makaidlip ako, siguro dahil sa sobrang pagod kaya, I need to take a rest nalang muna.

I slumped down on the soft mattress and then closed my eyes. Ngunit bigla kong naalala ang screenshot ng convo ni Chris at ng gf niya na nabasa ko kanina sa gc. Napakasweet nilang dalawa, pero ang babata pa nila. Dios mio!

Hay naku, matulog na nga! Sabi ko sa aking sarili.

********

Lumipas ang isang linggo, at nabalitaan ko na lang na nakikipag cool-off si Chris sa gf niya. Hindi naman ako nagtanong, sinabi lang sa akin ng aking mga estudyante. Siguro ipinaalam nila sa akin because they think I have the right to know kasi adviser nila ako. Besides, they treat me as their second mother in school.

Nakikita kong medyo matamlay si Chris, kaya tinawag ko siya nu'ng vacant time nila at kinausap ko siya.

"Nakikipag cool-off ka raw sa gf mo nak?", tanong ko.

"Bakit naman? Ang sweet niyo pa nga nu'ng nakaraang linggo eh!"

Bahagyang ngumiti si Chris at saglit na napakamot sa ulo niya.

"Uhm, eh kasi ma'am, nalaman ni mama na may gf ako, at iyak siya ng iyak. Ayaw pa raw kasi niyang pumasok ako sa ganyang mga bagay dahil bata pa ako"

"Oh I see. Actually, your mother is right, nak. Napakabata niyo pa. You are still 16 years old. At may tamang panahon naman para dyan. Sa ngayon, focus muna sa pag-aaral mo anak."

"Yes ma'am, salamat po sa advice", wika nito saka nagpaalam na babalik na sa kanyang upuan.

Muli kong sinulyapan si Chris. Magkahawig talaga sila ni Alex kahit saang anggulo ko tingnan. Hindi nga lang sila pareho ng boses pero magkamukha talaga silang dalawa.

Another thing that I find strange is that I really feel happy kapag nakikita or nakakausap ko siya. Does it because he reminds me of my bestfriend?

Biglang sumagi sa isip ko ang tungkol sa panaginip ko kagabi.

"As what I promised to you dude, I will never leave you"

Paulit-paulit ito sa aking isipan.

Bakit ako nanaginip ng ganu'n? At hindi lang isang beses. 

Bigla na namang sumikip ang dibdib ko. Kaya pilit kong pinakalma ang aking sarili, at kumuha ako ng headset para makinig ng mga kanta. Vacant ko pa naman kaya, dito nalang muna ako sa likuran while, the subject teacher is in the front.

Music has been my stress reliever ever since, kaya tuwing bad mood ako, or nalulungkot, music lang ang tanging kakampi ko.

Saglit kong nakalimutan ang tungkol kay Alex kaya nakapagfocus ako sa aking mga ginagawa sa laptop, while nakikinig ng sounds.

Hindi ko sinadyang mag-angat ng tingin at napadako ang mga mata ko sa kinaroroonan ni Chris. Recess time na kasi kaya, nagsipaglabasan na rin ang mga estudyante para bumili ng pagkain sa canteen. 

Parang may kung boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang magkatitigan kaming dalawa Ngunit agad naman akong nagbawi ng tingin at nagpatuloy sa aking ginagawa.

Hindi tama itong nararamdaman ko. Hindi porke't magkamukha silang dalawa ni Alex, ay makakaramdam na ako ng kakaiba sa estudyante ko. I need to suppress whatever this feeling may be, dahil hindi dapat.

Naging abala na ako ng sumunod na mga oras dahil may klase na ako sa ibang section. At pagkatapos ng mga klase ko sa umaga, ay hindi na ako pumasok ng classroom sa halip sa faculty room na ako tumuloy para sa lunch break. 

In the afternoon, I have my class from one to four o' clock so I spent the whole time sa ibang section. Pagkatapos ng klase ko sa last period, pumasok na ulit ako ng classroom kasi kelangan kong ilagay ang mga reference books ko sa teacher's table.

"Class, please clean the classroom before you leave. Next week na ako mag-assign sa inyo ng daily cleaners. Sa ngayon, tulong-tulong muna kayong lahat. 'Yong iba sa labas maglilinis, at 'yong iba naman dito sa loob", utos ko sa aking mga estudyante.

Hindi agad kumilos ang karamihan kasi busy pa sa paglalaro ng ML lalo na ang mga lalaki. Si Chris ang unang tumayo at nilinis ang chalkboard. Pagkatapos, kumuha siya ng lampaso. Maya't maya'y kumilos na rin ang iba at ginaya siya sa kanyang ginagawa. Ang mga babae naman ay kumuha ng tambo at nagwalis ng sahig.

Pagkaraan ng ilang sandali, natapos na rin sila. Dahil oras na rin ng uwian, kinuha nila ang kanilang mga gamit at nagpaalam na sa akin.

"Uwi na po kami ma'am"

"Sige mga anak, ingat kayo", nakangiti kong sabi.

Chris waved his hand at me and then he smiled. "Bye, ma'am!"

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Habang abala ako sa pagliligpit ng aking mga gamit, I heard a group of female students na nag-uusap sa tapat ng classroom ko. I think they are grade 9 students at parang sinadya nilang dito dumaan.

"Parang umuwi na girl!", sabay-sabay na wika ng tatlong estudyante.

"Oi, crush niya si Chris!", panunudyo nu'ng isa.

"Mag first move ka na kasi beshy!", sabi naman nu'ng iba.

Tapos nagtawanan silang lahat.

"Sige na Rose! Kumilos ka na! Go for Chris na. Naku! Andami mo kayang karibal."

"Yeah sure, mamaya icha-chat ko", nakangiting sagot nu'ng nagngangalang Rose.

Medyo naiirita ako sa mga babaeng ito. May first move--first move pang nalalaman! Diyos ko po! Mga kabataan talaga ngayon. 

At nang bigla silang natahimik nang masulyapan nila ako sa loob.

Tiningnan nila ako at ngumiti sa akin.

"Hi ma'am!", bati nila.

Tumango lang din ako at bahagyang ngumiti sa kanila.

"Ma'am regards daw po si Rose kay Chris!", wika ng isang estudyante.

"Okay", sagot ko naman.

Napabuntung-hininga na lamang ako sa mga inasta ng mga estudyanteng 'yon. Imbis na pag-aaral ang inaatupag, 'yon pang maghahanap ng paraan para mapansin ng lalaki. Tsskk...At du'n pa nagkakagusto kay Chris!

Sabagay, gwapo naman talaga ang batang 'yon. Walang sinuman ang hindi naa-attract sa kanya lalo na sa height niyang 5'9.  I'm not sure, tinantiya ko lang kasi sa tingin ko naman pareho sila ng height ni Alex.

Besides, basketball player si Chris, kaya napapansin talaga siya ng mga kababaihan lalo na't siya lang ang matangkad sa kanilang team. Kaya coincidence talaga, dahil hindi lang sila magkamukha ni Alex, pareho pa talaga sila ng hobby and that's playing basketball.

********

Mabilis na nagdaan ang mga araw at buwan na ng Disyembre. Few more days left at Christmas break na naman. As usual, excited na naman ang mga bata para sa kanilang Homeroom Christmas Party. Kaya hinayaan ko na lang muna silang magplano para dito. I let the classroom officers preside the meeting while I was sitting at the back at nakikinig lang sa kanila.

Nagkaroon ng pagtatalo ang mga estudyante sa kung anong lulutuin nila. 'Di sila magkasundo dahil iba-iba ang mga gusto nila. Kaya tuloy naging maingay at magulo ang buong klase. 

"Pssttt...Ayusin niyo yan", saway ko sa kanila.

"Guys, tumahimik na kayo. Baka magalit si ma'am sa atin", wika ng classroom President.

Ngunit mas lalong naging magulo ang klase kaya tumayo na ako at pumunta sa gitna.

"Ba't naman hindi kayo magkasundo ha. Aysus! Napakasimpleng bagay lang naman ito, hindi niyo pa maplano ng maayos", sabi ko.

Biglang tumahimik ang lahat habang nakatingin sa akin. Hindi naman ako galit, medyo naiirita lang kasi napakaingay nila, at baka makakadistorbo kami ng klase sa kabilang classroom.

"Oh sige ganito nalang, hindi na kayo magluluto. You just contribute 120 pesos at o-order nalang tayo sa catering."

"Yes ma'am mas mabuti po 'yon para wala ng hassle", wika ng classroom President.

Sumang-ayon din naman ang iba maliban sa iilan na gusto pa ring magluto kasi mas marami daw ang malulutong pagkain kaysa mag cater na limited lang. Totoo din naman, kaya lang sa gaya kong tamad magluto ng two or more na putahe, eh mas mabuting mag cater nalang.

"Kung ayaw n'yong, mag cater tayo, so, sino ang magluluto? Aba'y wala naman akong skills sa ganyan. Tagakain lang ako, hindi tagaluto", nakangiti kong sabi.

Nagkatawanan ang buong klase.

"O sige na, let's make it final. Magluto or mag cater?"

"Mag cater nalang ma'am para wala ng po-problemahin!", sabay-sabay na wika ng lahat.

"Okay, final na 'yan ha. Sige, magsi-tahimik na kayo and get ready for your next subject", sabi ko, saka ako bumalik sa aking mesa sa likuran.

Pagkaraan ng isang oras, lumabas na rin ako ng classroom kasi may klase pa ako sa kabila. Pagkalabas ko'y nasalubong ko ang gay teacher na kasamahan ko at ngumiti sa akin na para bang may nais sabihin.

"Ma'am, in fairness marami kang mga gwapong estudyante sa section mo. Pero isa lang ang crush ko du'n!", nagpapa-cute na wika nito.

"Ows, at sino naman?"

"Si Chris!"

At humagalpak ito ng tawa. 'Di ko ma-imagine ang facial expression nitong baklang 'to, kaya tumawa na rin ako.

"O sya, at may klase pa ako, gurl", paalam ko sa kanya.

Andami nga talagang nagka-crush kay Chris hindi lang mga estudyante, pati pa baklang guro. Hay naku! 

"Good morning ma'am Precious!", sabay-sabay na bati ng mga estudyante.

"Good morning class!", nakangiti kong tugon.

"Ay si ma'am inspired!", bulalas ng isang estudyante.

"Inlove yata si ma'am!", sabat naman nu'ng isa.

Sa isip ko, inlove nga ba? Nakakatawa naman 'tong batang 'to. Porke't naka smile lang, inlove na kaagad. Di ba pwedeng masaya lang? Hahaha.

Nasa kalagitnaan ako ng klase nang puntahan ako ni Bea.

"Ma'am excuse me po. May nag-aaway sa room ma'am, umiiyak si Mark"

"Huh? Nasaan pala teacher niyo?"

"Absent raw po ma'am"

Dali-dali naman akong lumabas at nagtungo sa aking classroom.

"Nak, anong nangyari?", tanong ko kay Mark.

"Eh kasi ma'am, may biglang sumuntok sa likod ko. Kumakain lang naman ako", humihikbing sabi nito.

"Sino ang nakita mong dumaan sa likuran mo?"

"Ma'am si Anton po"

"Anton, ikaw ba ang sumuntok kay Mark?"

Matalim ko siyang tiningnan.

"Aba'y hindi ako ma'am. At bakit ko naman gagawin 'yon? Baka si Leo. Nakita ko siyang dumaan kanina dyan!"

Hinagilap ng aking mga mata ang kinaroroonan ni Leo. 

"Ma'am hindi po ako."

"Halika ka nga Leo, mag-usap tayo sa labas", seryoso kong sabi.

Hindi pa nga ako nakapagsimulang magsalita, umiiyak na ito.

"Ma'am hindi po ako. Si Anton po"

Tiningnan ko siya sa mata at alam kong nagsasabi siya ng totoo. Hindi pa naman nawala ang kaalaman ko sa psychology. I still have this ability to find the truth through looking into a person's eyes. Ito 'yong isa sa mga bagay na meron kaming dalawa ni Alex. Pareho kasi kaming nag self-study noon ng psychology kaya meron kaming ganitong kakayahan.

"Anton, halika ka nga dito!", tawag ko.

Galit na sumugod si Anton at akmang susuntukin si Leo kaya pumagitna ako at inawat silang dalawa.

"Bakit sinabi mong ako ha!", wika ni Anton habang galit na nakatingin kay Leo.

Now, natitiyak ko ng si Anton talaga ang sumuntok kay Mark, aminin man nito o hindi, 'yon ang nakikita ko sa mga mata niya.

Dahil sa takot ko na baka ano ang gawin ni Anton kay Leo, sinarili ko nalang ang katotohanang 'yon.

"Sige na bumalik ka na sa upuan mo Anton, mamaya na ulit tayo mag-usap", utos ko sa kanya.

Bumalik na rin sa upuan si Leo, habang muli kong kinausap si Mark, na umiiyak pa rin.

"Tahan na nak."

Hinagod ko ang kanyang likod, pagkatapos ay nagsalita ako. Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig ng lahat.

"Listen everyone, sa susunod na may mam-bully kay Mark, ako ang makakalaban ninyo!"

Tahimik lang ang lahat habang nakatingin sa akin. 

Hindi na ako nakapagpatuloy sa klase ko sa kabilang section kasi time na, kaya umupo na lamang ako sa likuran. Maya't maya'y nagchat sa akin si Chris. 

"Ma'am, okay lang po ba kayo?"

"Okay lang ako nak, thanks for asking."

'Yon ang reply ko sa kanya.

"Basta ma'am, h'wag na po kayong malungkot. Ayokong nalulungkot ka".

Biglang nagkaroon ng epekto ang huling sinabi niya at paulit-ulit ito sa aking isipan.

"Ayokong nalulungkot ka"

"Ayokong nalulungkot ka"

Ayokong nalulungkot ka dude"

May kung anong humaplos sa puso ko at hindi ko inaasahan 'yon.

"Alex!", pabulong na sambit ko.

'Yon din kasi ang palaging sinasabi sa akin ni Alex nu'n.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Michael Catigawan
how to contact you? Gusto ko sanang makatrbaho ka, naghahanap po ako ng script writer
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • It's Not Goodbye   KABANATA 77

    Mag-aalas singko na lamang ng hapon ngunit hindi pa rin ako nakatanggap ng tawag mula kay Loraine. Siguro nga nakalimutan na nga niya ang birthday ko o di kaya'y masyado lang talagang busy sa pag-aaral. Anyway, hanggang mamayang hating gabi pa naman ang kaarawan ko kaya kahit na bumati siya sa akin ng 11:59, accepted pa rin 'yon."Mars, p'wede bang pumasok?" tawag sa akin ni Tess habang kumakatok ito sa may pintuan."Halika ka mars, pumasok ka," sagot ko.Pagkabukas ng pinto, bumungad sa akin ang nakangiti kong kaibigan habang hawak-hawak nito ang isang medium-sized na box."Mars, please accept my simple birthday gift to you," wika nito."Naku, nag-abala ka pa mars. Sobra-sobra na nga ang pabor na ibinigay mo sa akin, iniisip mo pa talaga ang magbigay ng regalo.""Hay naku, wala 'yon mars. Para ka namang others eh," sagot naman nito, at nagtawanan kaming dalawa."Oh ba't naman parang malungkot ka mars?""Naisip ko lang si Loraine at si mama. Hanggang ngayon hindi pa rin tumatawag sa ak

  • It's Not Goodbye   KABANATA 76

    Dalawang buwan ang nakalipas at unti-unti ko na ring nakasanayan ang buhay ko sa Maynila. Dahil may kaliitan lang naman ang tiyan ko, parang hindi pa rin nahahalata na buntis ako kahit sabi ng doktor posibleng kambal daw 'yong anak ko.Hindi naman ako nagkakaproblema sa bahay ni Tess kasi maayos naman ang pakikitungo ng mga katulong sa akin. Naging maalaga din sila, lalo na si Manang Auring. Para na nga rin akong amo nila kasi, hindi nila ako pinapagawa sa mga gawaing bahay, pero paminsan-minsan naman nag-iinsist talaga ako kahit maghuhugas lang ng mga plato.Wala na akong balita tungkol sa school namin kasi nag-deactivate na ako sa aking mga social media accounts. Nagchange na rin ako ng number kaya tanging pamilya ko nalang at si Tess ang nakakausap ko. Nalulungkot pa rin naman ako dahil sobra kong nami-miss si Chris. Wala na akong balita sa kanya dahil hindi na rin siya binabanggit sa akin ni Loraine kapag nagkakausap kami sa telepono. Hindi rin ako nagtanong pa at baka mas lalo la

  • It's Not Goodbye   KABANATA 75

    Nakapagdesisyon na ako na sabihin kay Loraine ang tungkol sa aking pagdadalang-tao. Kahit hindi ko alam kung anong magiging kahihitnan ng pag-uusap namin basta't kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Naghalf-day lang ako sa school kasi bigla namang sumama ang aking pakiramdam. Ayaw kong doon pa ako magsusuka sa paaralan at baka malaman pa ng mga co-teachers ko ang aking kalagayan."Nak, I'm sorry," umiiyak kong sabi. "Sadyang mahal ko lang talaga si Chris." Seryoso lang na nakatingin sa akin si Loraine, at hindi man lang nagbigay ng komento. Alam ko nabigla siya sa kanyang nalaman. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung magalit siya sa akin dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. Hindi ako nakapagpigil sa aking nararamdaman. "Nak, okay lang sa akin na magalit ka. But please, kausapin mo ako," emosyonal kong sabi.Narinig ko ang malalim na buntung-hininga ng anak ko. "Ma, hindi naman ako nagagalit sa iyo eh. Nag-aalala lang ako sa kalagayan mo, kasi alam naman nating ikakasal n

  • It's Not Goodbye   KABANATA 74

    Pagkatapos ng outing namin ay back to normal routine na naman ako. Malamig pa rin ang trato sa akin ng aking mga katrabaho, pero hindi ko na sila pinansin pa. Tutal at sanay naman akong nag-iisa lang sa school, hindi ko na kailangan pa na may makakausap kung hindi rin lang naman totohanan ang pakikitungo sa akin. Nag-eenjoy din naman ako kahit papano sa aking klase, kaya sapat na sa akin 'yon. Alam ko na ako lang ang pinagtsi-tsismisan nila kapag nasa faculty room silang lahat, pero hindi ko na proproblemahin pa 'yon. Basta't magtrabaho lang ako ng maayos.Hindi na rin kami nag-uusap pa ni Chris kahit sa messenger man lang. Sinabi ko na mas mabuting mag focus muna siya sa nalalapit na niyang kasal. "Alam mo ma, billib talaga ako sa katatagan mo. Kasi kung sa akin nangyari 'yan, hindi ko alam kung anong gagawin ko ma. Baka na depress na ako," wika ni Loraine habang kumakain kami."Kailangan talaga akong magpakatatag anak, dahil nand'yan ka at kailangan mo pa ako. Saka sanay na rin nam

  • It's Not Goodbye   KABANATA 73

    "Here we are!" bulalas ni Bea nang makarating na kami sa resort. Nauna silang bumaba ni CJ kasama ng mga partners nila, habang nasa loob pa kami ng sasakyan ni Chris. Medyo nagkaalanganin pa kaming dalawa kung sinong maunang magsalita. "Uhm, buti naman nakasama ka buds," I decided to break the silence."Yup. Gusto ko rin talagang mag-unwind eh," tugon nito. "Oo nga pala ba't hindi ang kotse mo ang ginamit?""Nasa talyer kasi buds, may konting sira," sagot naman nito."Oh, I see. Shall we go?" yaya ko sa kanya.Tumango siya at bahagyang ngumiti. Ngunit nang akma ko ng bubuksan ang pintuan ng sasakyan, pinigil niya ang kamay ko at mabilis niya akong hinapit."I missed you so much buds," wika niya. Nagkatitigan kaming dalawa. And the next thing happened so fast, at nararamdaman ko na lamang ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. Napapikit ako habang tinutugon ang mainit na halik na 'yon. "I missed you too buds.""Happy anniversary, babe," wika niya saka humalik sa akin sa noo. Naki

  • It's Not Goodbye   KABANATA 72

    Kumalat na sa buong lugar ang balita na ikakasal na talaga si Chris at Leslie. Hindi rin ito lingid sa kaalaman ng lahat ng mga estudyante pati na rin ng mga co-teachers ko. 'Yong iba halatang natutuwa sa kasawian ko sa pag-ibig, pero may iilan din naman na nakikisimpatiya sa nararamdaman ko. Habang nakatuon ang aking atensyon sa aking ginagawang PPT slides sa laptop, bigla namang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot ito nang makarehistro ang number ni Bea."Hi, mimi," bati nito sa kabilang linya."Hello nak. Kumusta, napatawag ka?" tanong ko."Nagworry lang ako sa 'yo mimi eh. Okay ka lang ba?""No choice nak kundi magiging okay na lang," mahina kong sagot."Masama ang loob namin ni CJ kay Chris mimi. Ba't ang bilis naman niyang nagdesisyon na i-give up ang relasyon ninyo.""Nak, h'wag kayong magalit kay Chris. Nahihirapan din naman siya eh. Kahit kayo naman siguro sa sitwasyon niya, mapipilitan na lang talaga kayong sundin ang kagustuhan ng mga magulang ninyo lalo na't k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status