Share

CHAPTER 6: RETROGRADE AMNESIA

SA BOOKSTORE lang naman nagyaya si Sunny, may ilang libro at art materials siyang kailangang bilhin. She's been planning to invite her dad there but Will have been really busy the past few days but now that they finally time ay sinulit na ito ni Sunny.

"What about toy?" Nakaluhod si Will, nasa counter na sila ng bookstore at sa tapat no'n ay ang tindahan ng mga laruan. He tried to offer it to his daughter, but she just shook her head.

"I'm fine with these, thank you so much best Daddy in the entire world."

"You're welcome, cutest baby in the whole universe. But are you sure? What about other stuffs?"

Nang maka-pagbayad ay sabay na silang naglakad palabas, ipinag-tulak nito ng pinto ang anak pagkatapos ay inakay niya ito sa kaniyang maliit na braso.

"Like dress, shoes, or accessories? Marami pa po ako no'n sa room, I'm fine."

Isa pa ito sa minana ni Sunny sa kaniyang ina, ang pagiging simple at matipid. She's this logical at the early age, marahil ay natutunan niya ito kay Manang Delia. Ito rin kasi ang nag-palaki kay Ruth, she was their maid back when Ruth was still a kid. At ngayon bilang si Sunny naman ang alaga niya'y na-ituturo rin nito sa bata ang magagandang asal.

"Ang hirap mo talagang regaluhan, you're not very materialistic." Bahagyang pinisil ni Will ang tungki ng ilong nito, Sunny just giggled. "What about ice cream? You want that? Of course, you do."

Doon napa-ngiti si Sunny, mabilis ang naging pagtango nito kaya naman agad silang humanap ng ice cream shop sa loob ng Mall.

"One chocolate ice cream for me and two strawberry ice cream for her. Will you be fine with that, Sunny?"

Pareho nilang nilingon ng staff si Sunny na nag-uumpisa nang magbasa sa kaniyang libro na tungkol sa mga hayop.

"Can I have marshmallow rin po?" she politely demanded. "Kahit kaunti lang, please..."

"At paano ako tatanggi sa napaka-cute kong anak?" Minsan pa niyang hinaplos ang pisngi ni Sunny, kapagkuwan ay nilingon nito ang staff sa harapan. "And marshmallows too." 

Sinulat agad nito ang mga orders nila, isang beses nitong inulit bago umalis para ihanda ang mga iyon. Isinarado naman ni Sunny ang kaniyang libro para harapin nang maayos ang kaniyang Daddy.

"Dad, how's teacher Sappy pala? Did she remember anything na?" 

Her question is kinda random, mula sa mga hayop ay bigla itong magtatanong kay Sapphire... Hindi naman siya ganito ka-concern sa ibang mga naging teachers nito before, pero sa itsura niya ngayon ay nasasalamin ni Will sa mga mata ng anak ang mismong pag-aalalang nararamdaman niya para sa dalaga. 

He pushed a smile for her, "she will be fine, I promise you that."

"Aside from the flowers, what are your next plans to bring her memories back? Makakatulong po ba ako?"

"Well, Daddy has a lot of plans pero hindi ako puweding magmadali lalo at palaging busy si teacher Sapphire."

"Kapag po ba nakaalala na siya, would you stop seeing her already?"

Napapantastikuhan nitong tiningnan ang anak, hindi ito kumukurap. Mariin ang paghihintay sa kaniyang mga mata, sinubukan niyang tumawa para pagaanin ang kanilang usapan.

"What's with the questions, baby? Hina-hotseat mo si Daddy."

"I was just asking, kasi usap-usapan sa school na nililigawan mo si Teacher Sappy. I told my friends that you are old friends and that she has amnesia kaya mo siya tinutulungan. Pero hanggang doon lang iyon, right? You're not in love with her? You have no plan to marry her kasi loyal ka kay Mommy?"

Ang mga katanungang iyon ni Sunny ay tunay na nagpatigil sa pag-inog ng mundo ni Will. Wala siyang ibang magawa maliban sa gulat na pagmasdan ang bawat ekspresyon ng anak. She looks annoyed by her questions but she asked anyway in hopes of getting the answers she wanna hear.

Subalit bago pa makalikha ng maling sagot si Will ay dumating na ang orders nila, natuon agad doon ang atensyon ni Sunny dahilan para pawalan ni Will ang bukol ng hangin na bumara sa kaniyang lalamunan. Goodness!

Hindi niya tuloy magawang i-enjoy ang matamis na ice cream dahil sa mga nagbabagang katanungan ni Sunny, napapa-isip siya sa mga iyon habang nakatulala sa anak na abala agad sa kaniyang marshmallows at ice cream. Sinubukan niyang ngumiti nang lingunin siya nito at alukin ng marshmallow, he just opened his mouth for her offer. He then wiped her lips when it get stained by the melted strawberry ice cream.

Para abalahin ang sarili ay tumayo muna siya't nagpaalam sa anak para bumili ng tubig sa may counter. Agad namang inasikaso ang order nito pero dahil medyo maraming customer ay sandali pa siyang tumayo roon. Tulala pa rin siya kay Sunny nang biglang may babaeng lumapit sa kaniya.

"Sir.Will?" her high tone made his thoughts flew away. Ang manghang mukha ng babae ang siyang inabutan ni Will pagka-lingon niya rito. "Oh, it's really you! Gosh, it's so nice to see you here."

Lumapit pa siya kay Will, effortless niyang buhat ang isang batang lalaki na kahawig na kahawig nito. Maybe, it's her son?

"Venice?" He tried to examine her face more, mukhang pamilyar. "Venice Gutierrez?" 

"Yes, it's me." She chuckled, tinapik nito ang balikat ni Will na parang gaya lang ng dati. "Getting more charming, huh? Kumusta na ba?"  

Sa university din kung saan nagturo noon nag-graduate si Venice, she's in college when Will started teaching kaya naman hindi na ito naging estudyante ni Will. Pero dahil sa pagiging friendly ni Venice at mga pagkakataong nanghihingi ito ng tulog sa binata ay naging magkaibigan sila kalaunan.

Natatawang umiling si Will. "You always find a way to compliment me. Anyway, I'm good. Kasama ko si Sunny, my daughter."

Naging blanko ang mukha nito matapos marinig ang huling mga sinabi ni Will. "Daughter? So, you're married now? To whom? Wala akong nababalitaan, ah. Nag-migrate lang ako sa Australia ay malaking bagay na ang napalampas ko. Who's the lucky girl, then? Kasama mo?"

"Nope, it's a long story," he sounded so dismissive, still not prepare to narrate the past to other people. Kita niya ang kaguluhan sa mata ng kaibigan kaya naman sinundan na nito agad ang topic nila. "Ikaw? How are you? Kailan ka pa umuwi sa Pilipinas?"

"Its been a month already, Sir." Nagngising aso ito, tila hindi rin komportable sa kanilang sunod na topic. "Ang totoo nga niyan, hindi na kami babalik sa Australia. We settled for good, iyong business kasi na iniwan sa'min ng parents ni Jude ay na-bankrupt. Maraming kinailangang bayaran so we had to sell all of our properties, including our house and cars."

"Oh, that's bad to hear."

"Very bad. But guess what's new? I'm already teaching now, sa University natin. I'm a college professor now, sa college of Business Administration. Akala ko noon hindi ko na mapapakinabangan ang degree ko, pero heto at may purpose pa rin pala."

"Then, that's good to know. Sun came after the rain, hindi kana mahihirapang mag-apply pa sa ibang schools."

"Indeed. Pero akala ko makaka-trabaho kita roon, I just found out recently from our old teachers that you left teaching. I thought you really settled with someone, tapos malalaman kong wala naman pala." Pinagkunutan niya si Will ng noo. "Anyare sa'yo?"

Imbes na sumagot ay binalingan ni Will ang kahera sa kaniyang harapan, inabot nito ang dalawang bote ng mineral water bago magbayad.

"It's been a long time. Don't you think it's time to go back? I can help you, Sir. Tara?" her tone was filled with positivity.

But this conversation won't go anywhere, nagsasayang lang si Venice ng kaniyang laway. He didn't leave teaching just because he found another work, umalis siya noon dahil wala ng pinatutunguhan ang mga araw niya sa paaralan. Masyado siyang emosyonal, nanghihina at walang laman ang kaniyang isip kun'di si Sapphire at ang pagkamatay nito. He felt bad about the school paying him for his attendance, pero wala namang natutunan ang mga estudyante nito sa kaniya.

Kalaunan ay kinuha na lang nito ang numero ni Will bago sila maghiwalay. She told him that he'll pester him everyday about teaching again until he convince him to go back to his passion.

Crazy as it may sound, but Will kinda feel good to be pestered than to explain what he's been through, mukhang wala naman talagang makakaunawa roon...

  *       *         *        *

NASA MALALIM NA pag-iisip si Will sa harapan ng kaniyang computer, patapos na siya sa maghapong pag-encode nang abalahin ito ng tunog ng pagsabog sa kaniyang lamesa. Napabalikwas siya sa gulat, agad niyang namataan si Derek na seryosong naka-tingin sa kaniya pagkatapos ay nahulog naman ang kaniyang mga mata sa mga brown folders na biglang sumulpot sa mesa niya.

"More work to finish!" his tone sounds energetic despite that. "Overtime tayo ngayon, iyon ang sabi ni boss. Are you done?" 

Ihininto ni Will ang pagbubuklat sa mga folders at pinagtaasan ng kilay ang kaibigan. "Done from the datas? Almost."

His face suddenly sports amusement, "no, silly! I mean, are you done fantasizing or somehow planning on how to bring back your sweetheart's memory?"

He even draw a quotation mark in the air, nahahawa na siya sa katimangan ni Hiro. 

"And by the way, Hiro told me that you're sending her flowers everyday? and..." Itinaas niya ang kaniyang daliri sa ere, "one more thing, you even brought her sa isang Art Gallery sa Quezon? Ganito pala magmahal ang isang Williemer Vaughn Silva? Sobrang effort?"

Pagod na nag-ikot ng mata si Will, "she needs it. Those are the ways I know to help her." 

"And do you really think it will work?" 

Another deep sigh escaped his mouth, he shut his eyes and let his fingers danced on his temple.

"I'm not sure. Wala namang kasiguraduhan ang mga bagay-bagay ngayon, maski na ang kondisyon niya... Sapphire used to be a little complicated when we're together, iyon bang okay naman kami pero bigla nalang siyang magtataray, magpapakita ng negatibong reaksyon or else she'll walk out like I just said something offensive to her."

"Baka naman kasi may nasasabi kang offensive?"

Natulala rito si Will, sa likod ng kaniyang isip ay sinusubukan niyang halungkatin ang mga pagkakataong magkausap sila. He can't remember anything but gentleness in his action everytime they're together, bantay-sarado nito ang kaniyang mga kilos at lalo na ang kaniyang mga salita. He even refrained from sharing about their past, the romance between them because he doesn't want her to feel being taken advantage.

Mayroon lang talagang mga pagkakataong bigla-biglang nag-iiba ang mood ni Sapphire at hindi malaman ni Will kung parte ba ito ng kaniyang amnesia?

"Or maybe you're the one who's actually offensive?"

Sinimangutan niya ito, "what do you mean?"

"Well, your presence? Baka ayaw niyang nasa paligid ka for certain reasons? Puwede ring ayaw na talaga niyang balikan ang lahat pero ang kulit-kulit mo? And also, maybe she's in a relationship now with someone tapos dalaw ka nang dalaw sa school. What if nag-ccause ka pala ng away nilang mag-jowa?"

That's not impossible. He knows only few about Sapphire, bukod sa pagiging guro nito sa school nina Sunny, sa schedule niyang kay Auntie Bettina pa nanggaling at ang tungkol sa amnesia lamang nito ang batid ni Will. Bilang lang iyon sa daliri at wala pa roon ang tungkol sa kung may karelasyon ba ito ngayon?

Sa tuwing magkasama naman kasi sila ay halos si Will lamang ang nagsasalita, ibang-iba sa sitwasyon nila noon na halos hindi na siya maka-pagsalita sa kakulitan ng dalaga.

So, the next time that he was given a chance to be with her, he make sure to be enlightened of her real status as of the moment. Tsaka na muna iyong iba, marami pa namang oras. Pero gusto niya lang malaman kung may karelasyon ba ang dalaga? Kung may nasisira ba siyang samahan dahil sa kagustuhan niyang tumulong.

"Why you're asking?" she lifted her brow cutely. "Kailangan ba iyon para sa misyon mong maibalik ang memory ko?"

Gumuhit ang ngiti sa labi niya, "exactly! Hindi kasi magandang magkasama tayong ganito kung may boyfriend ka pala. I mean, I would respect it if you have one. So, tell me..."

Mula sa kalsada ay gumapang ang mga mata niya sa kay Sapphire na mapaglaro ang ngiti ngayon, tila excited sa kanilang lakad. Linggo ngayon at kapwa sila walang pasok, it was just last friday when he tried to invite Sapphire to go with him somewhere. Wala itong ideya dahil ayaw ring sabihin ni Will ang balak niya, baka hindi ito pumayag?

Gano'n pa man, it was visible to him that Sapphire's already trusting her. She really dressed up so nice for tonight, hindi man para kay Will pero nasisiyahan siyang makita si Sapphire sa kaniyang maroon high waist dress ngayong gabi. She looked ten times hotter tonight, but Will have to hold his horse. He's just being friendly here, nothing more!

"Paano pala kapag meron na? Will you stop helping me?"

Her vague answer broke his heart a little, but he managed to stay calm. He still pushed a smile, "then, I think I need to talk to him and explain about my intention. But at the end of the day, sa'yo pa rin naman ang desisyon."

Inalalayan niya si Sapphire sa pagbaba sa kotse. Sabay silang naglakad sa medyo madilim na car park, isang beses niyang pinatunog ang kotse at dumiretso na sila sa loob.

"So, kung sasabihin kong ayoko na nitong ginagawa na'tin ay hihinto kana sa paglapit sa akin?"

From playful, her voice suddenly turned dull and very serious. He froze for a moment, his eyes settled to her who's now busy observing the place. Kasabay ng ingay mula sa malapit na bar ay ang malalakas na kabog ng puso ni Will.

What's wrong now? Handa naman siya sa ganitong desisyon ni Sapphire, katunayan ay nagtatanong siya ngayon sa dalaga tungkol sa boyfriend nito dahil sa oras na malaman niyang mayroon ay handa siyang lumayo bilang respeto. But now... look at his crazy damn heart, it feels like ripping apart.

"Will, ano palang ginagawa na'tin sa isang bar?"

Naputol siya sa pagdaramdam sa naging sagot ni Sapphire, kapwa nila pinanonood ang sari-saring ilaw na nag-sasayaw mula sa loob.

"Are you lonely?" her added query.

"Not really but let's go inside?"

Like the usual, ingay mula sa higanteng mga stereo ang background music sa loob. Sumasakit agad ang ulo ni Will doon, isama pa ang mga nag-iingay na lasing sa dancefloor. Mga usok ng sigarilyo at naghahalong amoy ng alak.

He don't usually do it cause he doesn't want Sapphire to feel uncomfortable, pero hindi na niya napigilan ang sarili at hinawakan niya ang dalaga sa braso habang lumulusot sila sa dagat ng mga nag-wwild na tao roon.

Dumiretso sila sa mismong counter kung saan mas maliwanag at hindi gaanung maingay, nilingon nito si Sapphire na abala agad sa kakatanaw sa mga nasa dancefloor. She looks so amazed by everything, hindi nga ito makaalala pero mismong puso niya ang lumulukso sa mga nakikita.

"Juice," putol ni Will sa panonood nito. Itinulak niya ang tall glass na may ice tea.

Nilingon siya ni Sapphire, gumuhit ang mga linya sa kaniyang noo.

"We're here to have fun, right? Bakit juice? Common, loosen up!" panghahamon nito sa binata, naka-lapat sa kaniyang labi ang kakaibang ngiti.

"But I don't want you to drink, Sap. Gusto ko lang dalhin ka rito because you used to be here back then before the accident. This used to be your kind of entertainment."

"Really? Ang wild ko pala noon?" Humalakhak siya't pinulot ang baso sa kaniyang harapan. Uminom siya roon nang kaunti, patuloy pa silang nagmasid sa paligid, sa mga taong naroroon at sa dekorasyon ng establishment.

"Don't you want something stronger than that, beautiful?"

Kapwa napalingon sina Will at Sapphire sa may-ari ng tinig na iyon. Sa gilid ni Sapphire ay isang lalaki na lasing na'y mukhang manyak pa. Lumapit ito sa counter, hindi pinuputol ang malagkit na titig sa magandang dalaga.

"Tell me what you want. Sagot kita," anito. Ang hininga niya'y pinaghaharian na ng amoy ng alak. "Anything, baby."

Mabilis ang pag-iling ni Sapphire, sa kabila no'n ay binigyan pa rin niya ng nakakapanghina ng tuhod na ngiti ang binata. Bagay na ikinataas ng kilay ni Will, is she flirting with this asshole?

"No, thanks. But I'm fine."

"No, I insist." Inilabas nito ang kaniyang wallet at hinahanda na ang pambayad sa bartender subalit agad namang namagitan si Will.

"Excuse me but the lady said, no. How hard for you to understand that? She's fine, she's with me anyway. I can pay for whatever she wants." 

Natatawa nitong itinaas ang mga kamay laban kay Will, "fine! Fine! Huwag mo akong asikan, I got it. I was just offering here, dude."

"Were not dudes," asik pa lalo nito. "Just leave her alone!"

Mabilis namang lumayo iyong lalaki habang itinatago ang kaniyang wallet. Nang mawala ito sa paningin nina Will ay inilapag na rin nito ang bill sa counter at agad nang nagyaya kay Sapphire na umuwi.

"Why? What's wrong? Maaga pa, Will."

"It's a wrong move to bring you here, very wrong," he uttered in disappointment. "Tara na, please."

"Hindi naman ako binastos, ah? He didn't even start a commotion, chill!"

"But you're with someone, right? Ano nalang ang iisipin niya kapag nalaman niyang nandito ka sa ganitong lugar kasama ko? At muntikan ka pang mabastos?"

Napapantastikuhang pinanood ni Sapphire si Will, nasa mga mata nito ang tuwa sa ikinikilos ng binata. Wala namang nakakatawa pero bakit ganito ang mga titig ni Sapphire?

"So, you're acting that way because you think I am with someone?" Cute laughters came out of her sexy lips next, umiling ito. "Will, I'm not. I was just kidding kanina, you calm down."

Slowly, her words dawned on him. His breathing goes a little calmer this time, para siyang apoy na bahagyang nabuhusan ng tubig.

"You're not with someone?"

Gusto niyang itago ang sayang nararamdaman subalit tumakas pa rin iyon sa kaniyang tinig.

"Still freaking single. So, kalma kana? Inom na tayo ulit?" Nasa mukha nito ang pagbabakasali. "G?"

"No." Gano'n pa man ay mariin pa ring umiling si Will. "Mas lalo kang hindi dapat mag-stay rito. Umuwi na tayo, this place will send me to my early death."

Sa gabing iyon ay hindi nakaalma si Sapphire sa desisyon ni Will, hindi umobra ang pagpapa-cute nito para makapag-stay pa sila. Will really hate the place, he hates the loud booze, the wild people around but more than that those men who stares at Sapphire as if she's a prey they could easily touch and get...

  *       *         *        *

HINDI MAN SILA nag-enjoy sa gabing iyon ay sinigurado naman niyang mas matutuwa si Sapphire sa susunod nilang destinasyon. Hindi pa niya nasasabi ang tungkol sa kaniyang balak, pero dahil walang pasok sa araw ng Myerkules dahil sa sandaling program sa school ay batid niyang walang magiging dahilan si Sapphire para hindi sumama sa kaniya.

At bilang tapos na rin naman ang klase ni Sunny ay isinama rin nila ito sa papasyalang lugar. Naging maingay tuloy ang byahe dahil sa mga kuwento nito tungkol sa kanilang performance bilang participation para sa nutrition month celebration. Mayroon din itong mga napanalunan sa bawat games na kaniyang sinalihan, mga candies at chocolates na siyang pinagsaluhan nila ni Sapphire.

Will's heart was dancing inside his chest while he's watching the two ladies he love through the rearview mirror having fun with each other. Bakas sa mga mata ni Sunny kung gaano ito natutuwa sa presensiya ni Sappy, she should be! It's her favorite teacher and ultimate idol.

Habang si Sapphire nama'y hindi na siya nagawang pansinin lalo nang mag-umpisa si Sunny sa pagbida rito ng mga lugar na madalas nilang puntahan ng kaniyang daddy. Halos magkulang pa ang dalawang oras na byahe, maski nang makarating na sila sa lugar ay hindi pa rin nayayari sa taglay na kadaldalan ni Sunny.

She only nag like this when she's with a person she's really comfortable, so far bilang lang iyon sa daliri at nasisiyahan si Will na malamang isa roon si Sapphire.

"Sunny, can you let teacher Sapphire have peace for a while? Baka naririndi na siya sa'yo?" anito sa anak.

Sunny pushed a cute smile and playful said, "oh! Naririndi kana ba, teacher Sappy?"

"Nope," she shook her head. She playfully turned her head to Will, "I think it's just your daddy."

Lumapit ito kay Sunny at may ibinulong, sabay silang nagtawanan kapagkuwan. They seem to have something funny idea about him, gusto silang pigain ni Will pero bumukas na bigla ang gate na kaharap nila.

Iniluwa no'n si Mrs. Doqueza sa kaniyang casual outfit, tanging loose pink ang t-shirt niya't dark grey na balloon pants ang suot nito. Her hair was in a messy bun like usual, her cute chubby cheeks were stained with few colors of paints. Mukhang nag-uumpisa na sila ng mga bata sa gawain.

"Buti pala at—" Namilog ang mga mata nito nang makilala ang babaeng nasa likod ni Will, she froze in an instant. "—nakarating kayo. Pasok kayo sa loob."

Ilang hakbang pa lamang sa may bakuran ay natanaw na nila ang dalawang hilera ng mahahabang mesa kung saan naroon ang iba't ibang mga bata na abala sa pagguhit, subalit nang matanaw nila ang parating ay nagtayuan ang mga ito at bumati.

"It's alright, kids. Tuloy na ninyo ang ginagawa ninyo," ani Mrs. Doqueza. Hinarap siya nito matapos kausapin ang mga bata, ang mga mata niya'y madalas pa ring maligaw sa kay Sapphire na kasama ni Sunny. She's trying her best to hide her feelings, Will have informed her about Sappy's condition but for pete's sake! She's so dumbfounded. "Nasabi mo na ba sa kaniya ang tungkol dito sa program?"

"It's a surprise. So, hindi pa po."

"Will, forgive me for acting this way but I just can't believe it. She's really alive! And she's here!" amazement is audible from her tone.

Natawa lang si Will sa reaksyon ng kaibigan, kapagkuwan ay bumaling na ito sa kaniyang likuran, sa piling ng mga batang kalye ay natagpuan niya si Sunny na nakikipaglaro na roon. Habang si Sapphire naman ay tila natulos na sa kaniyang kinatatayuan, hindi malaman ni Will kung nagigiliw ba ito sa nakikita? Nagugulat? O naiirita?

But why irritated? Wala namang masama sa mga bata?

"Sap!" he called her out. "Do you wanna know their names?"

Lumakad kay Will ang madilim na mga mata ni Sapphire, may dumaang galit doon pero kalaunan ay nawala din nang mag-ilag ito ng tingin sa kaniya.

"Why are we here?" her tone sporting something, irritation?

"This place has been once part of your life, Sap—"

"Ayoko rito," her voice was breathy. Ang mga mata niya'y may pagkamuhing naka-direkta sa kawalan. "Take me home now."

"Pero, Sapphire. Hindi mo ba gusto dito? Minsan ka ring nagturo rito noon at—"

"I don't feel good, Will. Can we just stop this damn mission for now? I wanna rest." Suddenly she's back at her bratty old self.

Naguguluhan si Will sa biglang ikinikilos ni Sapphire ngayon, hindi sigurado sa nakikitang reaksyon sa mukha nito. She seem uncomfortable, her eyes were colored with annoyance he doesn't have any idea what for? Her sweet smile can't be seen, her lips were tightly pursed instead.

"Oh, okay. I'll just call, Sunny. Mauna kana sa kotse..." 

  *       *         *        *

AMNESIA IS A GENERAL term that describes memory loss. The loss can be temporary or permanent, but 'amnesia' usually refers to the temporary variety. The causes include head and brain injuries, certain drugs, alcohol, traumatic events, or conditions such as Alzheimer's disease.

After that afternoon, Will immediately made a tiny research about Sapphire's condition. Hindi ito komportableng wala siyang nalalaman sa kundisyon ng dalaga, he wants to know more about her case and why she's being bipolar most of the time. 

Nagtanong-tanong siya sa mga espesyalistang kakilala niya, walang malinaw sa kanilang eksplenasyon dahil hindi pa nila nasusuri nang maigi ang pasyente. 

Ngunit ayon dito si Sapphire ay dumaranas ng retrogade amnesia o iyong hirap itong alalahanin ang nakaraan at mga pamilyar na bagay-bagay. There's no specific treatment for amnesia, but by exposing the patient to significant articles from their past may help or may actually speed up the rate of recall.

So far, mukhang tama naman ang ideya ni Will na dalhin si Sapphire sa mga lugar na parte ng kaniyang nakaraan. It's one of the most effective way to help her regain her memory. Wala pang nasasabi si Sapphire kung mayroon man lang bang pumipitik sa kaniyang utak o may nararamdaman siyang kakaiba sa kaniyang dibdib, bukod sa pabigla-bigla nitong pagiging bugnutin ay wala itong iba pang ipinahihiwatig.

And speaking of sudden change of mood, he also asked the doctor about that thing.

"Parts of the effect of retrograde amnesia are, issues with mental coordination, general confusion, false memories, forgetting small to big things. Marahil ay pinagdadanan niya ang ilan diyan o masaklap ay lahat kung kaya't nagkakaroon siya ng biglaang pagpapalit sa kaniyang mood. We actually tend to be grumpy or get to lose mood when we forgot something, especially when it's too important. Ano pa kaya iyong halos lahat sa kaniyang buhay ay nalimutan niya?" 

Iyon ang paliwanag sa kaniya ng Doctor. Nauunawaan ni Will ang punto nito, aside from the fact that she's drowning with confusion about her past life and who she used to be. She's also scared of the unknowns. Para siyang naglalakad sa kalye ng nakapiring ang mga mata, oo nga't wala siyang kapansanan subalit hindi nito masasabing buo siya at handa sa anumang pagsubok.

At her case, she must have trust issue as of now. Normal lang na matakot at magduda para sa mga may ganitong case, at ang magtiwala ito kay Will kahit na kaunti lamang ay malaking bagay na. He won't waste that, not anymore!

Linggo rin ang binilang ni Will bago siya muling hinarap ni Sapphire, dala kasi ng palapit na periodical examination ay naging abala ang mga guro sa paghahanda. Tunay na hanggang alas onse lang naman ang pasok ni Sapphire ngunit nagpasya itong mas asikasuhin ang kaniyang mga tutee kung kaya't ang dalawang oras niyang pag-extend ay umabot sa apat hanggang lima.

As what Doctor Tomas advised him, he needs to extend his patience and even his understanding too. Wala namang masama sa ginagawa ng dalaga, gawain niya rin naman ito noon, noong guro pa siya. Normal lang na magmalasakit siya sa kaniyang mga estudyante.

Ngunit ang hindi normal ay iyong pakiramdam ni Will na tila iniiwasan siya ni Sapphire. The last time he visited her on her classroom, she didn't show up for some reason she didn't bother telling him. Basta hindi lang ito lumabas kaya't ipinagpaliban na muna ni Will ang pagdalaw.

Ngunit hindi iyon ang unang beses. He tried to visit again after the examination period, he brought her some chocolates for her stressful situation. He chose the low-sugar one for her figure, baka kasi maging dahilan pa iyon para hindi nito tikman ang kaniyang dala. 

His steps were filled with excitement, palapit sa faculty office ay nakikita na nitong naroon si Sapphire at abala sa kaniyang laptop. Mula sa monitor ay tumagos sa may bintana ang hugis almond na mata ng dalaga, blanko ang ekspresyon nito kahit pa nakikita na nito si Will.

He then pointed the door from the right corner, giving her some idea to come out so they could talk. But she acted as if she didn't understand his signals, worst was she acted as if she didn't see him at all. Kinuha lang nito ang kaniyang earphones at isinuot iyon sa kaniyang mga tainga at walang nagawa si Will kun'di ang panoorin itong nagiging mas abala pa sa kaniyang laptop.

"You have something to tell her?" tanong ni Ms. Dina nang iluwa ito ng pintuan sa gilid, dala nito ang kaniyang mga gamit at mukhang pauwi na rin.

An uncomfortable smile danced over his lips, his eyes fell down on the gifts he prepared for her. Hindi naman siya dapat mawalan ng pag-asa, maybe she's just really busy and she really didn't see him waving.

"She's busy, e... Busy watching some I don't know? Movies 'ata? Puwede kang pumasok kung gusto mo." Inilahad nito ang hindi naman naka-saradong pinto. "Just don't cause any noise."

"No need." He uncomfortably shook his head. "I just wanna give these to her, pero baka importante ang ginagawa niya."

Parehong nalaglag ang mga mata nila ni Ms. Dina sa bulaklak at paper bag na hawak ni Will. Bahagyang lumapit si Ms. Dina kay Will, may lungkot na dumaan sa kaniyang mata subalit panadalian lamang iyon.

"Are you courting her?" she asked all of a sudden.

Naalalang bigla ni Will ang sinabi ni Sunny tungkol sa kumakalat na tsismis sa kanila ni Sapphire. Naging maagap ang pag-iling niya bilang sagot, marahil isa ito sa dahilan kung bakit biglang umiiwas sa kaniya si Sapphire?

So, she's really avoiding him? Ayaw niyang mapag-usapan sila? What happened with the straightforward woman he knows? Hindi niya masabi kay Will na gusto na niyang huminto sa ginagawa nila? 

"We're friends," matipid ngunit klaro niyang sagot.

"I see. May mga usap-usapan kasing nanliligaw ka kay Teacher Sapphire, e."

"If so, may problema ba roon?"

Natigilan si Ms. Dina sa sagot niya, she stared at him as if what he just said is a huge mistake. Dahan-dahan ay umiling ito, pilit ang kaniyang naging pagngiti.

"Nothing, but I wanna advise you to just stop." Nag-aalala nitong nilingon ang bintana kung saan kita pa rin si Sapphire na abala sa kaniyang pinanonood. "I mean, I'll be honest. She has no feelings for you, like 'yong mga ibinibigay mong mga bulaklak everyday, the foods, they all ended up being trashed. Hindi niya pinahahalagahan ang mga iyon."

"Really? Baka naman nalilimutan niya lang i-uwi? These past few days, palaging hectic ang schedule niya. Maybe that's part of the reason?"

"Puwede rin, but to forget about it everyday... I don't think so, Will? Sinasabi ko sa'yo ito because I want you to get aware, you don't deserve to be treated this way." Traces of sincerity and pity are in her face, even her eyes says it all. "But at the end of the day, ikaw pa rin ang magdedesisyon... I'll go to my next class now."

So, ayun na 'yon? Should he start whining now because the closeness he thinks they had is fake all this time? Hindi ba't simula pa naman noon ay talamak na ang huwad sa mundo?

At sa lahat ng huwad ay si Sapphire ang pinaka-maganda, ang pagkamatay niya ang pinaka-gusto nitong kahuwaran sa lahat.

It feels bad to hear about that, hindi rin inakala ni Will na ganoon ang gawain ni Sapphire. But then, it's hers already. Gawin niya kung ano ang gusto nitong gawin sa mga bigay ni Will. Kung anuman, tiyak ang binatang may sapat siyang dahilan para gawin iyon and the people around her won't understand it just how they can't understand him...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status