LOGINAGRIANTHROPOS CITY
JERU
Argh. Halos hindi ko mabuksan ang mga mata ko dahil sa matinding sakit ng ulo ko. Yeah, hangover. I'm still here in Agrianthropos City 'cause last night, Trace went ahead and welcomed some fresh faces. At hindi ko alam kung nakailang bote ako kagabi.
Hindi ko na nga rin matandaan kung paano pa ‘ko nakabalik dito sa villa ko. Babangon pa lang ako nang marinig ko ang sunud-sunod na pagtunog ng cellphone ko.
“Who fúcking is that?” mura ko habang nakahawak sa ulo ko.
Tumayo ako para hanapin ang cellphone ko. Tángina! Nasaan ba ‘yong cellphone na ‘yon? Sumasakit lalo ang ulo ko dahil sa tunog no’n. Bakit ba ngayon pa ‘to sumabay!?
Sa ilalim ng kama ko na nakita ang lintik na cellphone ko. At mas lalong sumakit ang ulo ko nang makita ko ang pangalang naka-rehistro do’n. At siguradong kapag hindi ko ‘yon sinagot ay hindi naman niya ‘ko titigilan.
“What’s up now, Ava?” bungad ko sa kaniya at pabagsak ako ulit na nahiga sa kama.
“Anong what’s up? Ang dami nang trabaho ang naghihintay sa ‘yo mag-iisang linggo ka nang nawawala! Hindi ko na alam kung ano pang idadahilan ko sa mga commitment na naiwan mo rito! For God’s sake, Jeru, bumalik ka na!” bulyaw naman niya.
“Yeah, I know. I’ll be back before the end of the week,” I said then I quickly turned the fúckin’ phone off.
Lumabas ako ng kuwarto ko para hanapin si Dylan. Kung tutuusin mas tahimik talaga ang buhay ko rito sa Isla kaya kapag nandito ‘ko ayoko ng kahit anong istorbo. Pinag-iisipan ko pa ring mabuti ‘yong sinabi ko sa kanilang balak ko nang tumigil sa pag-aartista.
“Gising ka na pala,” salubong sa ‘kin ni Dylan nang makababa na ‘ko. “May ipagagawa ka ba?”
“Natapos na ba ‘yong isa ko pang pinapagawa sa ‘yo?” tanong ko pagtapos ay dimeretso ako sa dining area para kumuha ng malamig na tubig. Sa sobrang sakit ng ulo ko parang gusto kong lumublob sa nagyeyelong tubig.
“Alin ba do’n ang tinutukoy mo?” he confusingly asked.
"Listen up,” mahinang usal ko, napapikit ako at napahawak sa sintido ko. Lalong sumasakit ang ulo ko dahil dito sa kausap ko. “Didn’t I tell you that I expect you to make a deal with Demetrio Esquivel," I asserted with a firm and authoritative voice. Ngayong naglabas na si Esquivel ng interest niya sa pagtakbo sa national election ay kailangan ko nang kumilos. Ito ang huling pagkakataon na mayroon ako para tapusin siya.
“Oo, pero hindi siya pumayag sa gusto mo. At wala siyang balak na isugal ang nag-iisa niyang anak para lang sa kagustuhan mo,” sagot naman niya kaya natigilan ako. Lumapit naman siya sa akin at inabot ang isang brown envelope.
“Bakit hindi mo agad sinabi sa ‘kin?” Kunot noong tanong ko. Naupo ako sa bar stool chair saka ko binuksan ang envelope na ‘yon. It contains every single detail about Esquivel. All his legal and illegal activities. “Mukhang kailangan nating maglabas ng isang bala para lang makuha natin ang gusto natin sa kaniya.”
Napatingin ako sa nag-iisang picture ni Damira na naroon. She is actually my core target, gusto kong siguraduhin na sa kamay ko mismo madudurog ang nag-iisang anak ni Esquivel. An eye for an eye and a tooth for a tooth. Buhay ng mga taong mahal ko ang nawala, kaya sisiguraduhin ko na buhay rin ng taong mahal niya ang kukunin ko.
Considering my current situation and my connection within Foedus, it would be quite easy for me to end Esquivel's life, pero hindi ko ‘yon gagawin nang gano’n na lang kadali. I suffered for 13 years kaya malaki ang kailangan kong singilin sa kaniya. Sisiguraduhin ko na sa gagawin ko ay siya na mismo ang hihingi ng kamatayan sa akin.
“Get it.” Ibinaba ko sa lamesa ang dalawang flash drive. “Ipadala mo ‘yan sa Bulletin Sentinel at sa Lazy-News Media. Siguradong kapag kumalat ang laman niyan ay siya pa mismo ang hahanap sa ‘kin.” That flash drive contained crucial data exposing the overpriced project he was involved in, along with recorded audio files.
Alam ko naman na kahit ilabas ko ‘yon ay kayang-kaya niyang lusutan ‘yon. Pero ang target ko lang ngayon ay sirain ang kredibilidad niya. Kapag nasira ang credibility niya bababa ang chance niyang manalo sa susunod na eleksyon ay siguradong hindi siya papayag na mangyari ‘yon. He will surely seek help. At siguradong ako ang hahanapin niya dahil ako ang unang nag-abot ng kamay sa kaniya.
“Tumawag nga pala sa ‘kin si Gino.” Dylan interrupted me. “May tumatawag daw sa kaniya at gusto kang makausap.”
“Tungkol saan? Alam naman niyang hindi ako nakikipagkita kung kani-kanino. He should know how to declined that.” Tumayo ulit ako para kumuha na ng malamig na tubig na hindi ko na naasikaso dahil sa binalita niya sa ‘kin.
“Connected yata kay Steve Li ang taong gustong kumausap sa ‘yo.” Si Steve Li ang mafia boss na sinu-supply-an ko ng smuggled guns sa Hong Kong. Ang huling natatandaan ko lang ay nakausap ko siya nang magkaroon ako ng shooting at endorsement doon pero wala na rin akong balita sa kaniya ngayon.
“Sino ba ‘yang gustong kumausap sa ‘kin?” Agad naman niyang tiningnan ang cellphone niya at iniabot ‘yon sa ‘kin. “Rafael Illustre?” basa ko sa pangalan na naroon habang sinasalinan ko ng tubig ang hawak kong baso.
“Kung gusto mo raw ay pwedeng-pwede mo siyang puntahan pero kung hindi ka naman daw pwede kahit siya na lang ang pumunta sa ‘yo para lang makausap ka niya.”
“Pag-iisipan ko pa, sabihin mo kay Gino bigyan niya ‘ko ng proposal ng taong ‘yan saka ‘ko pag-iisipan kung kakausapin ko ba siya?” sabi ko saka ko tinungga ang malaming na tubig. “Unahin mo ‘yong pinapaasikaso ko sa ‘yo dahil mas mahalaga ‘yon.”
“Sige, sasabihan ko si Gino.”
“Get yourself ready, dahil mamaya ay aalis na tayo rito sa Isla at babalik na tayo ng Manila,” utos ko naman sa kaniya saka ako umakyat pabalik ng kuwarto ko.
Marami na ‘kong kailangang asikasuhin bukod sa mga naiwan kong trabaho ay may isa pa ‘kong kailangang puntahan.
Pagpasok ko sa kuwarto ay kinuha ko na ang mga gamit na dadalhin ko pabalik. Hindi na ‘ko nagdadala pa ng maraming gamit dahil may mga gamit naman ako rito sa villa. Binuksan ko ang bedside table ko at dinampot ko roon ang heart locket ko na doon ko talaga itinatago. Hindi ko ‘yon dinadala kung saan-saan dahil ayokong mawala ko ‘yon. At wala nang pinaka-safe na lugar kung hindi ang Agrianthropos City.
Binuksan ko ‘yon, at habang nakatingin ako roon ay parang paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig ko ang mga nangyari noon.
Two gunshots. Dalawang putok lang ng bala ang nagpabago sa buhay ko.
PAIGENapatigil ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. It was just my name—spoken softly—but I knew exactly whose voice it was.“I was here. Kanina pa…” may halong panunumbat ang boses niya, kaya dahan-dahan akong lumingon sa kaniya.And there he was half-shadowed by the dim light spilling from the end of the corridor. He looked the same, maddeningly calm and unreadable, but his eyes burned with something sharp.“W-why?” Hindi ko napigilang tanungin. “Kung gusto mo lang pala akong makausap, hindi mo na ‘ko kailangang i-prank!” Naiinis na dagdag ko.Napaatras ako nang humakbang siya palapit sa ‘kin.“Why?” ulit niya. “And for the record, I don’t do pranks, Paige.”“Huwag kang lalapit,” banta ko sa kaniya.“Then what? Sisigaw ka?” Hindi siya nagpatinag, patuloy lang siya sa paghakbang.Napatigil ako sa pag-atras nang maramdaman kong pader na ang nasa likod ko.“I don’t like seeing you lingering with another man.” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niyang ‘yon or more likely mas nainis ako.
PAIGE “Great! You look absolutely gorgeous, Paige,” Papa greeted me with a proud smile. I was wearing no less than an Alexena Chavez gown—a dark red evening dress that flowed elegantly with every step.“Thank you, ‘Pa!” nakangiting sabi ko.They originally wanted me to wear white, but I chose red—to show my boldness, to show that I’ve grown, that I’m no longer the little girl they used to protect.“Anyway, someone’s waiting for you by the grand staircase,” he said, his tone turning serious. “Is he your suitor?” His expression shifted instantly—protective, just like Kuya Trace. Honestly, they’re exactly the same in that way.“No, Pa. That’s Beckett—he’s just my escort for tonight,” I explained at napatango naman siya.“Good to hear that!” Pagtapos ay humakbang siya palapit sa ‘kin. “Happy birthday, Paige! I know you’re at the right age to start accepting suitors—just promise me you’ll introduce the guy to me first before anything else.”“Don’t worry, Pa! ‘Yan naman talaga ang gagawin
PAIGEThe mansion smelled like fresh flowers and polished wood. I walked from room to room, checking every detail—tables, chairs, floral arrangements, even the little name cards. My fingers itched to fix everything myself, pero sabi ni Louisianna, it’s supposed to be stress-free for me.“Paige, we need to finalize the catering menu,” Louisianna said, holding her tablet like it was a shield.I glanced at the list again.“Okay, we go with La Première for the appetizers and Casa Celestia for the main course. But I want the dessert tasting tomorrow. I need to try the chocolate soufflé myself.”Harriet piped up, “I’ll schedule the tasting. And the cake—Ms. Joanne already has the sketch for the final design.” Then pinakita niya rin sa ‘kin ang phone niya kung saan nando&rsq
DAMIRA“Hey, have you heard the news?” Tanong sa ‘kin ni Kate. Nandito kami ngayon sa condo niya, having girl’s night out.“What news is that?” tanong naman ni Guia. “‘Yong about sa engagement ni Damira at Jeru? Eh, hindi ba tayo nga ang naglabas no’n in public.”“No! Not that one, syempre hindi ‘yon ang tinutukoy ko.” Naiiling na sabi naman ni Kate kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. “Jeru will finally speak about the engagement issue. At ang daming naghihintay ng side niya regarding sa issue.”“Wait. Which channel?” excited na tanong ni Mau at mabilis niyang kinuha ang remote ng TV “Saka saan mo ba ‘yan nalaman?”“Kay Jacob, syempre nasa news industry siya tapos sa kaniya pa galing yung scoop about sa engagement, so nakabantay talaga sila sa bawat galaw ni Jeru. Then finally nga, sabi ay magsasalita na nga raw siya.”“So, saang channel nga?” tanong ulit ni Mau.“Walang channel, sa L.A. kasi siya nagpa-interview hindi naman dito sa atin kaya link lang ang binigay sa ‘kin.”“Wait,
JERU“Are you kidding me?” buntong-hininga ko habang hawak-hawak ‘yong phone ko. Walang tigil ang patunog ng phone ko dahil sa notification — reporters, managers, sponsors. Lahat nagtatanong. Lahat naghahanap ng sagot tungkol sa kumalat na engagement namin ni Damira.Napipikon ako. Tāngina. Hindi ko talaga alam na ‘yong paglapit ko ulit sa mga Esquivel ay magbibigay pa ng mas malaking problema sa ‘kin.If I have to burn everything to get what I want, I will. But not without taking down whoever started this.Kaya sisiguraduhing kong tatapusin ko kung ano man ang sinimulan nila.Binaba ko ‘yong cellphone ko sa lamesa, nagsasawa na ko sa walang tigil na tunog at vibrate no’n.Napatingin ako sa malaking salamin sa harap ko, pero parang hindi ko na kilala ‘yong taong nando’n. Nakasuot ako ng dark red suit na pinili ng stylist ng PR team—pero kahit anong ayos nila, hindi no’n natatakpan ‘yong pagod sa mata ko.Halos wala pa akong tulong mula nang bumalik kami dito sa L.A. Dahil paglapag nami
DAMIRA“WHAT happened, Damira?” Naguguluhang tanong ni Dad. “Bakit ang lumabas sa news ay engage na kayo ni Mr. McBride? Saan naman kaya galing ang balita na ‘yon?”“I’m not sure, Dad,” pagsisinungaling ko. “Alam mo naman na hindi ko gusto ‘yong idea nang pagpapakasal naming dalawa. Malamang ang Jeru na ‘yon ang may kagagawan nang lahat. Since siya naman ‘tong nasa showbiz industry.”“No, imposible na siya ang gumawa niyan. Mahigpit na bilin sa amin nang assistant niya na huwag munang sasabihin kahit kanino ang tungkol sa deal na ‘yon hangga’t hindi tuluyang pumapayag si Mr. McBride, dahil hindi pwedeng may ibang taong makaalam,” nag-aalalang sabi naman niya. “Ang inaalala ko baka lalo lang siyang hindi magpakasal sa ‘yo nang dahil sa news na ‘yan.”“Don’t worry, Dad. I’m sure na pakakasalan ako ni Jeru McBride kahit na anong mangyari. Lalo ngayon kalat na kalat na ang tungkol sa relasyon naming dalawa,” sabi ko naman then I look to my phone.Kanina ko pa nga hinihintay ang tawag ni J







