LOGINSTA. ILAYA
2008
JERU
I STAND amidst the crowd, my heart overflowing with pride and excitement. The plaza is alive with colors, flags, and banners celebrating my mother's achievement. Because today was her oath-taking as she won the position of Governor.
"Magandang umaga po sa ating lahat mga kababayan, ngayon po ay buong karangalan kong ipinapakilala sa inyo ang bagong Gobernadora ng Sta. Ilaya," masayang bungad ng master's of ceremony. "Let's welcome at buong puso nating iparamdam ang ating pagmamahal at suporta sa kaniya– Hon. Jemina Almendras-McBride!" Tumayo si Mama at pumunta sa gitna. "We also acknowledge his supportive and loving husband, Mr. Hudson McBride." Tumayo naman si Papa sa tabi ni Mama. I can't help but smile.
Malakas ang palakpakan ng mga tao at isa ako sa pumapalakpak ng malakas dahil proud ako sa mga magulang ko. Ako na nag-iisap nilang anak ay buo ang pagsuporta sa kanila. Lalo na kay Mama dahil alam ko kung gaano kaganda ang plano niya para sa Sta. Ilaya. Ang totoo ay wala siyang plano na tumakbo bilang Governor pero dahil na rin sa kahilingan ng mga taong sumusuporta sa kaniya ay pinagbigyan niya ang mga ito at hindi naman siya nabigo dahil nagawa niyang maipanalo ang unang pagtakbo niya sa pinakamataas na posisyon dito sa probinsya ng Sta. Ilaya.
My mother came forward and was about to get the microphone when in an instant, one gunshot suddenly echoed in the area. Isang nakakabinging putok ng baril ang nagpatigil sa kasiyahan na 'yon at dahil doon nagkagulo ang lahat, halos lahat ay nagpa-panic, ang kaninang masayang paligid ay biglang napalitan ng malakas na sigawan. The people are scattering in all directions. And me? I don't know where direction I could run.
Nawala ang mga ngiti ko at tumigil ang mundo ko nang mapatingin ako sa Mama ko, if she standing tall and vibrant moments ago now, she already collapsed to the ground. At punong-puno nang dugo ang suot niyang damit.
"M-mama," I called her while my mind still processed what was happening.
Napatingin ako kay Papa na nakatayo pa rin sa tabi niya. His eyes were also filled with disbelief. He was about to get Mama when I heard another gunshot. The time suddenly slows down habang ang Papa ko ay dahan-dahan ding bumabagsak sa tabi ng Mama ko. My world shatters into a million fragmented pieces.
"N-no! Papaaaa!" I shouted. Driven by my instinct, I run towards them. Bawat hakbang ko ay parang nag-e-echo sa pandinig ko.
"Young Master!" payakap akong pinigil ni Dylan. "Hindi ka pwedeng lumapit! Masyadong delikado!"
"A-ang Mama ko! Ang Papa ko, Dylan!" Kinse anyos na 'ko pero hindi ko mapigil ang emosyon ko. Parang naawa naman si Dylan sa 'kin kaya binitiwan niya 'ko. Ang bigat nang mga hakbang ko habang papalapit sa kanila. The tears stream down my face, parang doon ko lang nagawang umiyak at doon lang pumasok sa utak ko kung ano ba talaga ang nangyayari. My tears blurring my vision as I reach their lifeless bodies. There are blood pools around them.
Una kong nilapitan si Mama at nanginginig ang mga kamay ko habang inaangat ko ang ulo niya. "Maaa," mahinang tawag ko sa kaniya saka ko tinapik ang pisngi niya. "Mamaaaa!" sigaw ko na dahil kahit anong gawin ko ay wala akong makuhang response mula sa kaniya. "Mama, please..." hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang ulo ni Mama saka ako lumapit kay Papa.
"Pa, wake up!" pakiusap ko rin sa kaniya. "Papaaaa..." I was feeling hopeless. Patuloy lang ako sa pag-iyak sa tabi nila. "Call for help, pleeeease!" pakiusap ko sa mga taong naroon. "Tulungan niyo ko!" umiiyak na sabi ko habang pilit kong inaangat ang katawan ng Papa ko.
Maya-maya ay narinig ko na ang sunud-sunod na pagdating ng ambulansya. Ang mga pulis ay nakaikot sa akin para protektahan ako, ang iba naman ay inikot ang mga building kung saan pwedeng manggaling ang sniper na gumawa nito sa mga magulang ko.
"Nandito! Nandito!" sigaw ng isang pulis kaya napatayo ako. Nagtakbuhan naman doon ang mga pulis. Mabilis na lumabas ang lalaki sa kinatataguan nito at paglabas nito ay agad nitong itinapat ang hawak na baril sa akin. Agad sinubukang agawin ng mga pulis ang baril sa kaniya pero napaputok na niya 'yon bago pa man maagaw ang baril.
"Argh!" Napahawak na lang ako sa tagiliran 'ko nang parang may malamig na bagay na pumasok sa loob ng katawan ko. At nang tumingin ako sa lalaking bumaril sa mga magulang ko ay nakangisi na siya. Nang iangat at tingnan ko ang mga kamay ko ay punung-puno na rin 'yon ng dugo. That's when I realized na ako ang tinamaan ng balang pinaputok niya.
"Young Masteeeer!" narinig kong sigaw ni Dylan bago ako tuluyang bumagsak sa tabi ng mga magulang ko. Nakitang kong nagkakagulo sila at hila-hila nila ang lalaking may kagagawan ng lahat. Ang lalaking walang awang pumaslang sa mga magulang ko.
Naramdaman ko pa ang pagbuhat sa akin ni Dylan pero hindi na 'ko makagalaw. Dahil ang totoo gusto ko na ring mamatay. Doon na rin tuluyang unti-unting nagdilim ang paningin ko.
STA. ILAYA GENERAL HOSPITAL
"Bakit ba kasi walang silencer ang sniper mo?" I heard some unfamiliar voice said. Ang bigat ng talukap ng mata ko at ang bigat ng katawan ko kaya hindi ako masyadong makagalaw. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko, doon ko nakita kung sino ang nagsasalita.
"Hindi ko rin alam, nagulat na lang ako ang lakas ng putok! Natunton tuloy nila kung nasaan ako!" naiiling na sabi ng lalaking bumaril sa mga magulang ko habang nakaupo siya sa upuang naroon. Pulis ang kausap niya at nakatalikod sa akin. Kung gano'n may kinalaman ang mga pulis sa nangyari sa mga magulang ko.
Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Nasa ospital ako. Pero bakit nandito ang taong 'to?Bakit nandito siya sa ospital at wala sa kulungan?
Nakita kong naglabas ng sigarilyo ang lalaking bumaril sa mga magulang ko. Sa ayos nila mukhang hindi pa niya alam na gising na 'ko.
"Huwag kang manigarilyo dito!" mabilis na awat ng pulis. "Baka gusto mong maligo tayo rito."
"Ano ba 'yan? Ano pa ba kasing ginagawa ko rito? Bakit hindi niyo pa 'ko paalisin?" Pagtapos ay akmang tatayo ito kaya napapikit ako agad. “Sigurado naman akong mamamatay na rin ‘tong bata na ‘to,” malamig niyang sabi. “Kawawa lang—nadamay sa ambisyon ng nanay niya.” Narinig ko pang sabi niya at alam kong nakatayo na siya ngayon sa paanan ng kama ko.
"Ang sabi ni Gov. Esquivel hindi ka pwedeng umalis dito hangga't hindi natin nasisiguradong wala na 'yang bata na 'yan," sabi ng pulis. "Ayaw niya nang kahit anong problema kapag siya na ang iniluklok bilang Governor."
Kung gano'n si Demetrio Esquivel ang may kagagawan ng lahat? Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay gusto kong dumilat pero hindi ko 'yon gagawin because if I do that, they will instantly kill me like they've done to my parents. At hindi ako papayag na mangyari 'yon.
"Nasaan 'yong lalaking kasama nitong bata 'to kanina?" tanong niya na mukhang si Dylan ang hinahanap.
"Pinaalis muna namin, hindi pa rin naman siya makakapasok rito," tugon ng pulis. "Mabuti na lang at na-arbor ka namin kay Sarhento at nakuha namin 'tong pagbabantay sa kaniya kung hindi tapos ka talaga."
"Pero siguradong magiging national issue 'to. At hindi papayag ang taong-bayan na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga McBride. Lalo sa mismong oath taking pa nanagyari 'tong krimen na 'to kaya mahihirapan din akong makawala kung sakali."
"Madali lang naman 'yan, malalabasin lang namin na nag-suicide ka at madali lang naman kumuha ng ibang katawan na pamalit sa 'yo. Kaso pagtapos nito ay magliliwaliw ka muna dahil siguradong mainit ka pa sa mata ng tao."
"Kakaiba talaga ang mga galamay ni Don Demetrio, napakabilis lang luminis ng mga kalat." Narinig kong humakbang siya. "Lalabas na 'ko, hindi na 'yan gigising, kaya tara samahan mo muna 'ko."
"Hindi ako pwede umalis dito," tanggi ng pulis.
"Ano ka ba? Kaya ka lang naman dito para batayan 'yan at siguraduhing walang mangyayaring masama diyan! Ano pang purpose ng pagbabantay mo eh kasama mo nga ako?"
"Sabagay, tara nauuhaw na rin naman ako. Hindi naman siguro mawawala 'to," sagot ng pulis pagtapos ay narinig ko na ang paglabas nila.
Pagdilat ko ay pinilit kong bumangon, binaklas ko ang mga nakakabit sa katawan ko. Wala akong pakialam kahit na dumugo pa ang sugat ko dahil mamatay rin naman ako rito kung hindi ako aalis. Base sa narinig ko hindi nila ako bubuhayin. At hindi ako papayag, may dahilan kung bakit ako humihinga ngayon.
Saktong pagbukas ko nang pinto ay may taong nakatayo roon.
"Young Master, kailangan na nating umalis dito!" mahina pero kinakabahang sabi ni Dylan.
"A-alam ko," paos na sabi ko. “Let’s go,” I whispered, pressing my hand over the bleeding wound.
I don’t know how far we’ll make it, but one thing’s for sure—I’m not dying tonight.
Hello po. May kaunti pong conflict 'to sa Chapter 1 pero naka-request edit naman na po. Baka po sooner or later mag-appear na rin po sa app 'yong changes. Thank you for reading.
PAIGENapatigil ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. It was just my name—spoken softly—but I knew exactly whose voice it was.“I was here. Kanina pa…” may halong panunumbat ang boses niya, kaya dahan-dahan akong lumingon sa kaniya.And there he was half-shadowed by the dim light spilling from the end of the corridor. He looked the same, maddeningly calm and unreadable, but his eyes burned with something sharp.“W-why?” Hindi ko napigilang tanungin. “Kung gusto mo lang pala akong makausap, hindi mo na ‘ko kailangang i-prank!” Naiinis na dagdag ko.Napaatras ako nang humakbang siya palapit sa ‘kin.“Why?” ulit niya. “And for the record, I don’t do pranks, Paige.”“Huwag kang lalapit,” banta ko sa kaniya.“Then what? Sisigaw ka?” Hindi siya nagpatinag, patuloy lang siya sa paghakbang.Napatigil ako sa pag-atras nang maramdaman kong pader na ang nasa likod ko.“I don’t like seeing you lingering with another man.” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niyang ‘yon or more likely mas nainis ako.
PAIGE “Great! You look absolutely gorgeous, Paige,” Papa greeted me with a proud smile. I was wearing no less than an Alexena Chavez gown—a dark red evening dress that flowed elegantly with every step.“Thank you, ‘Pa!” nakangiting sabi ko.They originally wanted me to wear white, but I chose red—to show my boldness, to show that I’ve grown, that I’m no longer the little girl they used to protect.“Anyway, someone’s waiting for you by the grand staircase,” he said, his tone turning serious. “Is he your suitor?” His expression shifted instantly—protective, just like Kuya Trace. Honestly, they’re exactly the same in that way.“No, Pa. That’s Beckett—he’s just my escort for tonight,” I explained at napatango naman siya.“Good to hear that!” Pagtapos ay humakbang siya palapit sa ‘kin. “Happy birthday, Paige! I know you’re at the right age to start accepting suitors—just promise me you’ll introduce the guy to me first before anything else.”“Don’t worry, Pa! ‘Yan naman talaga ang gagawin
PAIGEThe mansion smelled like fresh flowers and polished wood. I walked from room to room, checking every detail—tables, chairs, floral arrangements, even the little name cards. My fingers itched to fix everything myself, pero sabi ni Louisianna, it’s supposed to be stress-free for me.“Paige, we need to finalize the catering menu,” Louisianna said, holding her tablet like it was a shield.I glanced at the list again.“Okay, we go with La Première for the appetizers and Casa Celestia for the main course. But I want the dessert tasting tomorrow. I need to try the chocolate soufflé myself.”Harriet piped up, “I’ll schedule the tasting. And the cake—Ms. Joanne already has the sketch for the final design.” Then pinakita niya rin sa ‘kin ang phone niya kung saan nando&rsq
DAMIRA“Hey, have you heard the news?” Tanong sa ‘kin ni Kate. Nandito kami ngayon sa condo niya, having girl’s night out.“What news is that?” tanong naman ni Guia. “‘Yong about sa engagement ni Damira at Jeru? Eh, hindi ba tayo nga ang naglabas no’n in public.”“No! Not that one, syempre hindi ‘yon ang tinutukoy ko.” Naiiling na sabi naman ni Kate kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. “Jeru will finally speak about the engagement issue. At ang daming naghihintay ng side niya regarding sa issue.”“Wait. Which channel?” excited na tanong ni Mau at mabilis niyang kinuha ang remote ng TV “Saka saan mo ba ‘yan nalaman?”“Kay Jacob, syempre nasa news industry siya tapos sa kaniya pa galing yung scoop about sa engagement, so nakabantay talaga sila sa bawat galaw ni Jeru. Then finally nga, sabi ay magsasalita na nga raw siya.”“So, saang channel nga?” tanong ulit ni Mau.“Walang channel, sa L.A. kasi siya nagpa-interview hindi naman dito sa atin kaya link lang ang binigay sa ‘kin.”“Wait,
JERU“Are you kidding me?” buntong-hininga ko habang hawak-hawak ‘yong phone ko. Walang tigil ang patunog ng phone ko dahil sa notification — reporters, managers, sponsors. Lahat nagtatanong. Lahat naghahanap ng sagot tungkol sa kumalat na engagement namin ni Damira.Napipikon ako. Tāngina. Hindi ko talaga alam na ‘yong paglapit ko ulit sa mga Esquivel ay magbibigay pa ng mas malaking problema sa ‘kin.If I have to burn everything to get what I want, I will. But not without taking down whoever started this.Kaya sisiguraduhing kong tatapusin ko kung ano man ang sinimulan nila.Binaba ko ‘yong cellphone ko sa lamesa, nagsasawa na ko sa walang tigil na tunog at vibrate no’n.Napatingin ako sa malaking salamin sa harap ko, pero parang hindi ko na kilala ‘yong taong nando’n. Nakasuot ako ng dark red suit na pinili ng stylist ng PR team—pero kahit anong ayos nila, hindi no’n natatakpan ‘yong pagod sa mata ko.Halos wala pa akong tulong mula nang bumalik kami dito sa L.A. Dahil paglapag nami
DAMIRA“WHAT happened, Damira?” Naguguluhang tanong ni Dad. “Bakit ang lumabas sa news ay engage na kayo ni Mr. McBride? Saan naman kaya galing ang balita na ‘yon?”“I’m not sure, Dad,” pagsisinungaling ko. “Alam mo naman na hindi ko gusto ‘yong idea nang pagpapakasal naming dalawa. Malamang ang Jeru na ‘yon ang may kagagawan nang lahat. Since siya naman ‘tong nasa showbiz industry.”“No, imposible na siya ang gumawa niyan. Mahigpit na bilin sa amin nang assistant niya na huwag munang sasabihin kahit kanino ang tungkol sa deal na ‘yon hangga’t hindi tuluyang pumapayag si Mr. McBride, dahil hindi pwedeng may ibang taong makaalam,” nag-aalalang sabi naman niya. “Ang inaalala ko baka lalo lang siyang hindi magpakasal sa ‘yo nang dahil sa news na ‘yan.”“Don’t worry, Dad. I’m sure na pakakasalan ako ni Jeru McBride kahit na anong mangyari. Lalo ngayon kalat na kalat na ang tungkol sa relasyon naming dalawa,” sabi ko naman then I look to my phone.Kanina ko pa nga hinihintay ang tawag ni J







