Six months later:
Anim na buwan na ang nakakaraan ng mamatay ang ina ni Carla, at iyon lagi ang namamalagi sa isipan ko. Kung paano kong maagaw kay Carla, ang kayamanang tinatamasa nito. Masaya pa rin ito kahit na nawalan ng isang ina, paano ay hindi naman nito danas ang lahat ng hirap. Paano kaya kung makaranas na ito ng hirap, yung tipong walang kahit na anong bagay sa kanya? Masaya pa rin dahil nasa kanya pa rin ang kanyang mayamang ama. Paano kaya kung mawala na
ang atensiyon sa kanya ng kanyang ama? Dahil sa may kinagigiliwan na itong ibang babae?Kinagabihan ay nagtungo ako sa opisina ni Delfin, lahat ay hindi na ako sinisita dahil sa kilala na akong matalik na kaibigan ni Carla, madalas kasi niya akong isama dito. Bumili ako ng mamahaling wine upang ibigay sa lalaki. “Sir nandiyan po sa labas si Miss Jessica,” sambit ng secretary nitong si Poula. Ngintian muna ako nito bago ako tuluyang pinapasok.
“Oh, Jessica, bakit naparito ka? Hindi mo ba kasama si Carla?” tanong nito sa akin habang sa mga papeles nakatingin. Luminga-linga muna ako sa buong opisina niya. Nakita kong nakasara naman ang mga kortinang tumatakip sa glass wall ng opisina nito.
“Ah, w-wala siya, nasa office pa,” tugon ko lamang rito na tumayo sa harap ng lamesa nito. Mababa ang lamesa at naka skirt lamang ako ng maiksi ng hindi aabot sa tuhod. Marahan itong napatingala sa akin. At ngumiti ng alanganin.
“And, bakit ka narito?” sumandal ito sa swivel chair at nag-cross arms. Tinapunan ako nito ng mga tingin na may pagtataka.
“Wala lang naman, gusto ko lang iabot ito.” Sabay abot ko sa kanya ng paper bag, halatang alak ang laman. Isang manliligaw ko ang nagbigay sa akin ng mamahaling alak iyon.
Kinuha nito ang inaabot kong paper bag, tiningnan lamang niya iyon. Inilapag sa kanyang lamesa. “Bakit mo sa’kin to binibigay, alam kong kay Mr. Henson ito galing.” Ako naman ang nagtaka at muntik mapahiya. Alam pala niya at kilala niya ang lalaking nanliligaw sa akin.
“Paano mo naman siya nakilala?” tanong ko ngunit hindi ako nagpahalata sa kanya. Ang pakikipag-usap ko sa kanya ay napaka kaswal na para bang makaidad lamang kami.
“Alam mo Jessica, malapit ka sa mga lalaking may doble ang edad sa iyo, may balak ka bang makipag relasyon sa halos kaidad na, ng ama mo?” tanong nito sa akin. Ako naman ay nagpanggap na tila napapahiyang tumingin sa ibang dekersiyon.
“Siguro dahil wala akong mabuting ama na nagpakita sa akin ng tunay na malasakit, kaya ‘yong lalaking gusto kong makasama ay ‘yong alam ko nang naging mabuting ama sa kaibigan ko, atleast iyon alam kong hindi ako sasaktan,” sambit ko na alam kong nararamdaman na niyang may ibig akong ipakahulugan.
“Look, Jessica, you are so adorable, at maraming mga lalaking makapagbibigay ng mga bagay na sinasabi mo, even the guy na kaidad mo lang, just give them a chance,” sambit nito sa akin.
“Okay,” sambit ko lang na pinalungkot ang aking mukha. “Forgive me, for what I’m doing here, without Carla,” sabi ko pa na tumalikod na.
“It’s alright.”
At nang muli ko itong lingunin ay nakita kong nakangiti ito sa akin. Ako naman ay umalis na nangingiti. Nangingiti hindi dahil sa kinikilig o anupaman. Hindi ko naman talaga siya gusto, ang nais ko lang ay maakit ito upang makuha ko ang mga kayamanan nito. At nang makita ko si Poula na nakangiting may kinakausap sa telepono, napatingin ako sa suot kong relo, mag-aalisingko na pala ng hapon at malapit na ang uwian nila. Mabilis akong nagtungo sa parking lot. Alam ko naman kung alin sa mga sasakyang nakaparada doon ang kotse nito. Pahiram iyon ng kumpanya sa kanya bilang secretary siya ng isa sa mga boss. Kaya naman alam ko na ang dapat kong gawin para mas lalo ko pang maakit si Delfin.
Nang naroon na ako ay agad kong nilapitan ang kotse nito. Mabuti na lang at dating mikaniko ang naging boyfriend ko noon at nagkaroon ako ng nalalaman sa paggalaw sa makita nito. Mabilis kong binuksan at itinaas ang hood ng kotse at tumambad nga sa akin ang makina nito. At mabilis ko nang hinanap ang wire na nagdurugtong sa break ng sasakyan. Mabilis ko iyong pinutol gamit ang gunting na nakuha ko sa aking bag. At nang magawa ko iyon ay mabilis kong ibinalik sa dati ang hood ng sasakyan. At mabilis na akong nagtago sa di kalayuan. Nakita kong may mangilan-ngilang nagbababaan at umaalis sa parking lot. At hindi nga nagtagal ay nakita ko na si Poula na sumakay sa kanyang sasakyan. At lihim na lang akong napangiti.
KINABUKASAN:
Alas-otso pasado ng umaga ay nasa opisina na ako, nagtataka ako kung bakit tila may kaguluhan sa opisina ng aming manager na si Miss Luvi Galang. Nakita ko naman si Cherry isa sa mga kasamahan ko sa trabaho. “Cherry anong ganap dito?” pabiro kong sambit sa kanya.
“Nagpatawag ng meeting si Ma’am Carla, nangangailangan daw ngayon ng staff na sasama kay Sir Delfin,” sambit nito.
“Bakit daw?” kunwari ‘di ko alam ang dahilan.
“Ayun na oh, punta na tayo doon.” Tinuro nito ang karamihang tao na empleyado rin sa building na iyon.
“Need lang naman ni Papa ng makakasama niya ngayon sa Hongkong, may urgent meeting kasi siya roon at kinakilang ng kasama, naaksidente kasi si Poula kagabi, nawalan ng preno ang kotse niya kaya ayun nasa hospital pa siya ngayon.”
“Kumusta naman siya ngayon Ma’am?” tanong ng isa sa mga empleydong si Lhiyeon. Baguhan lamang ito roon ngunit marami nang nakakapansin sa kanyang talino at galing. Liban sa akin.
At nang marinig kong okay naman ang bruhang secretarry ay nakahinga rin naman ako ng maluwag. At least hindi pa ako nakarating sa puntong nakapatay ako, para lang makuha ko ang pinapangarap ko. Ganon naman talaga eh, gagawin ng tao anuman ang mga gusto niyang makuha. Iyon nga lang ay iba ang pamamaraan kong ginagawa para makuha ang ninanais kong makuha.
“Jessica!” malakas na tawag ni Carla sa akin. At mas lalo akong naiinis kapag tinatawag niya ako sa aking pangalan na para bang utusan niya ako sa gitna ng karamihan.
Ngiti lamang ang iginanti ko sa kanya bago ako nagsalita, “Bakit po, M-Ma’am Carla?” nag-aatubili kong tanong.
“Ikaw na lang kaya, halos lahat kasi sa kanila ay hindi pa tapos sa mga trabaho nila, pero ikaw noong isang araw mo pa naipasa ang report mo sa akin, at okay ang pastport mo diba?” tanong nito.
“O-Okay….” Nasambit ko na lang. Kunwari ay napipilitan lang din ako. Ngunit ipinakita ko rin naman na ready akong tanggapin ang utos niya. Na iyon naman talaga ang aking ninanais.
EPILOGUE 23rd person’s POV: ONE YEAR LATER:“Lhyeon, kumusta ka na?”“O Carla, ayos lang ako, ikaw?” tanong nito kay Carla. Ngumiti muna ang dalaga bago tuluyang lumapit sa lalaking si Lhyeon. Parati itong nakatingin sa malayo, at tinatanaw ang malawak na dagat, sa itaas naman noon ay ang kulay asul na kalangitan.“Araw-araw na lang na ginawa ng Diyos ay narito ka sa dalampasigan, ano bang ginagawa mo rito?”“Wala lang, gusto ko lang nang nasisinagan ng mainit na sikat ng araw, at ang hangin dito sa dalampasigan gusto kong nalalanghap,” muli itong tumingala at sumimsim ng sariwang hangin, patuloy nitong nilalanghap ang hanging iyon habang dumarampi sa kanilang mga mukha.“Ayos ka lang ba rito? Hindi ka ba nahihirapang mamuhay rito?” tanong ni Carla. Mula noon ay nakita niyang sumilay na naman ang mga malulungkot na ngiti sa mga labi ni Lyeon.Nang maganap ang gang rape sa tahanan ng Papa ni Carla, sa Laguna, at inakala nitong patay na si Jessica, nagpasaya itong manirahan sa malay
Sa mundong puno ng pagdurusa, sa mundong mayroon pa palang hustisya, para sa mga taong nagawan ng pagkakasala, mayroong nakatingin at gumaganti, para sa mga taong hindi naghihiganti!EPILOGUE 1NASA loob pa rin kami ng mall, at ayaw niyang bitiwan ang isang palapulsuhan ko. Bagkus ay mas lalo pa niyang hinila ito. Naiinis akong napasunod sa kanya. Hindi ko maunawaan kung saan ba niya ako dadalhin. Pumunta siya sa sinehan at nagbayad doon ng tiket, hindi na inalintan kung anong klaseng palabas ba ang meron sa loob. Nagsimula na ang pelikula, at isa palang triple x rated ang napasukan namin. Sakto pang bed sceen, grabe ang intense ng mga kaganapan sa malaking screen, at halos lahat ng nakikita ko ay puro couple, at ang iba ay nadadala na sa mga napapanood nila at kulang na lang ay magmistulang motel ang loob ng sinehan. Hindi ako nakatiis at nauna na ‘kong lumabas sa kanya.Sumunod naman ito sa akin na lumabas, sa hall way pa lang ay napahawak na ako sa gilid ng pader, ang bilis ng tib
Pagsisi ay hindi sapat para sa isang taong tulad kong naging makasalanan, kulang pa ang buhay, at kamatayan para ipambayad sa aking mga pagkakasala….KABANATA 27Nang magising ako ay narito na ako sa isang malapagamutang silid. Ngunit natitiyak kong hindi. Hindi ko alam kung anong naganap matapos kong makatulog at hindi ko na rin alam kung ilang araw na ba akong natutulog? Wala akong maalala sa mga oras na wala akong malay, hindi ko alam kung buhay pa ba siya, o tinuluyan nang patayin ni Delfin. Isang mahinang pag-ingit ng pintuan ang nagpalingon sa akin sa gawing iyon. Si Carla, papalapit siya sa akin. “Mabuti naman at nagising kana, ang akala kasi namin mamatay ka na e,” sambit nito na nakangiti pa. Hindi ko mabakas ang galit sa mga mata nito. Hindi ko makita ang hinagpis at sakit na nararamdaman nito. Ito ba ang naidulot sa kanya ng lahat, masaya pa rin siya. Samantalang ako nagdurusa! “A-anong nangyari sa akin?” tanong ko sa kanya.
Kahit anong bait ng isang tao, kapag nasaktan ito, mangangagat at mangangagat na parang hayop!KABANATA 26Ibinaba nito ang zipper ng suot na pantalon, at mula roon ay tumambad sa aking harapan ang nakaumbok na nitong pagkalalaki, at saka itinuro. Umupos sa swivel chair at sinensyasan akong gawin ang isang paraan na nais niya. Iyong ginagawa ng babaeng bayaran. “Bakit ayaw mo? Sige patayin niyo na ang lalaking iyan!” galit na sambit nito sa mga tauhan niya. “Huwag! Huwag parang awa mo na Delfin, huwag mo na lang siyang idamay, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito, ako dahil sa mga maling ambisyon ko, huwag mo na siyang idamay pakiusap!” “Ambisyon? Anong bang ambisyon mo? Yumaman, magkaroon ng pera, magkaroon ng lahat ng bagay na mayroon ka ngayon, may bagay pa ba akong hindi nakayang ibigay sa iyo? Sumagot ka!” halos mag-init ang lamang loob ni Delfin, habang tinatanong ako, at ang nangangalit niyang mga mata ay tanging kay Lhyeon lamang nak
Kung minsan iyong taong labis mong kinaiingitan, ay siya palang taong hindi mo dapat higitan.KABANATA 25“Carla! Alam kong wala akong karapatang gawin ang mga bagay na ito, pero isang kahilingan na lang!” sambit ko habang hawak ang mga binti niya. Mukha akong kawawang nakakapit sa mga binti niya at halos maglumuhod na sa kanya. “Ano pa Jessica! Ano pang hihilingin mo para sa iyong sarili? Ginawa ko na ang lahat, ginawa ko na lahat, para tulungan ka,” sambit pang muli ni Carla. “Hindi ako hihingi ng tulong para sa aking sarili, para na lang sa anak ko, tu--tulungan mo siya, tulungan mo ang anak namin ni Lhyeon, huwag mo siyang hayaang mapahamak, pakiusap!” “Sa lahat ng ginawa mo sa ‘kin! Ang lakas pa ng loob mong humingi ng pabor! At hinihiling mo sa akin na pangalagaan ko ang resulta ng kataksilan niyo! Sa aming mag-ama!” “Carla, pakiusap, para na lang kay Jenny,” sambit rin ni Lhyeon. Lumapit si Carla kay Lhyeon, at m
Walang lihim na hindi nabubunyag, walang kasalanang walang kaparusahan, kamatayan ang kabayaran ng mga kasalanan!KABANATA 243rd person POV:Nang umalis si Delfin sa mansiyon ay naglagi ito sa Villa niya sa laguna. Naroon lamang ito at nag-iisip-isip ng mga bagay na gagawin nito sa mga natuklasan. Nagkukuyos ang damdamin nito dahil sa sobrang pagkapahiya na nagawa siyang lokohin ni Jessica. Isang hampas lupang babae, na dinamitan lang niya at pinulot buhat sa basura.Oo, inaamin niyang siya ang nakauna sa dalaga noong unang makuha niya ito. Na siyang nagpahanga sa kanya pero hindi sapat, para lokohin siya, at gawing tanga sa napakatagal na panahon, ng kanyang buhay na kasama ito. Marami siyang isinakripisyo masunod lamang ang mga luho at mga layaw nito.Halos paikutin na nito ang buhay nilang mag-ama sa mga palad nito. Ngunit hindi manlang niya natunugan o nahulaan ang mga kalokohang kayang gawin nito sa kanya. Kaya ngayon ay umupa siya ng magaling na private investigator, para lang