JESICA'S HIDDEN DESIRES

JESICA'S HIDDEN DESIRES

last updateLast Updated : 2022-10-28
By:  RRACompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
29Chapters
4.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Bata pa lang si Jessica ay malaki na ang pagkainggit niya kay Carla—ang kanyang best friend. Nasa kanya na kasi ang lahat ng wala siya. Masayang pamilya, pera, at pinag-aralan. Tila umayon sa kanya ang pagkakataon ng mamatay ang ina ng kaibigan. Isang malaking plano ang nabuo sa kanyang isipan. Ang akitin ang ama ng kaibigan niya. Noong una ay kayamanan lamang ni Carla, at pusisyon ang hinahangad niya. Pero nagbago ang lahat ng makilala niya si Lhiyeon. Hindi niya akalaing ang lalaking iniwan niya sa gabing may naganap sa kanila ay ang siya ring magiging nobyo ng kanyang kaibigan, kaya naman kahit iniwasan niya ang lalaki, ay nauwi pa rin sa isang relasyon ang namagitan sa kanila, isang uri ng pagkakasala na idaragdag sa kanyang mga lihim na kasalanan, may oras pa ba para sa pagsisisi, lalo na kung hinahangad na rin niya ang makapiling ang lalaking una namang naging kanya. At ang pagnanasang maagaw ang lahat kay Carla ay isa ring dahilan ng lahat. Saan kaya siya dadalhin ng kanyang mga lihim na pagnanasa?

View More

Chapter 1

KABANATA 1

                                                                                                    

Year 2000:

Mag-aalasingko ng hapon ng makarating ako sa mansiyon ng mga Guevara. Naroon na rin ang lahat ng mga taong nakikiramay sa  kanila. At dahil mayaman sila dito sa aming baryo ay dinayo ng maraming tao ang naganap na hindi inaaasahan sa pamilya ng kaibigang kong si Carla.

                 Si Carla, is my Best friend, ngunit lihim ko ring  kaaway. Siya lang naman ang taong palagi kong kinaiinisan dahil sa maraming bagay. Nasa kanya na kasi ang lahat ng wala sa akin. Mabait na ama, masaya at mayamang pamilya. Pero ngayon tinatanong ko ang aking sarili, kung dapat pa ba siyang kainggitan? May dapat pa ba akong ikainis sa kanya. Alam ko naman na mabuti siyang tao. Kaya lang isang hindi maipaliwanag na galit at pagkamuhi ang nararamdaman ko mula sa aking kaibuturan. At iyon ay inililihim ko lamang.

               “Jessica! Wala na si Mama!” umiiyak na lumapit sa akin si Carla. Yumakap bigla, bagay na hindi ko matanggihang tanggapin at ibalik sa kanya.

               “It’s okay Carla, ayos lang ang lahat, ganyan talaga ang buhay,” sambit ko sa kanya. At kahit na labas lamang sa ilong ang aking mga salita at pang-aalo ito ay hindi niya ramdam. Ganito kasi siya sa sobrang laki ng tiwala niya hindi niya alam na inaagaw ko na sa kanya ang mga bagay na dapat ay kanya.

Alaala:

              Taong 1995 ng maganap ang aming high school graduation. Si Carla ang siyang nakatakdang mag-alay ng speech namin dahil lumamang siya ng dalawang puntos sa akin. Isang bagay na alam kong napaka-unfair. Hindi ako kumbinsido sa ginawang pagko-cumpute ng aming adviser. Alam kong ako dapat ang gagawa noon. Ngunit si Carla pa rin ang napili, alam kong ang tunay na dahilan ay maganda siya kaysa sa akin at mayaman ang kanyang pamilya. Na siyang tumulong sa akin upang makapasok rin sa pribadong paaralang iyon sa aming lugar.

             Kaya naman ako si Jessica, nakaisip ng napakasamang paraan upang ako ang makapag salita sa harap ng marami. Nais kong patunayan sa lahat na ang maitim at kulot na tulad ko ay mas maraming kakayahan kaysa kanino man. Napupuno ako ng galit at sama ng loob sa mga taong umaalispusta sa akin dahil lamang sa kulay ko at antas ng buhay.

                “Carla ikaw na pala mag-speach bukas ha,” magiliw kong sambit.

Tipid siyang ngumiti sa akin, “Oo nga eh, pero sinabi ko kay Ma’am na ikaw na lang sana,” sabi pa nito na pinalungkot ang mukha. Nasa kantin kami at kasama ang iba pa naming kaklase.

               “Naku, okay lang ‘yon, lumamang ka naman sa kin ng tatlong puntos eh,” napakalaking ngiti ang pinawalan ko sa kanilang lahat. At patuloy na nagpanggap na okay lang ang lahat.

              “Talaga Best, hindi ka galit sa akin?” Yumakap pa ito sa kin. Ako naman ay hindi inaalis ang pagkakangiti sa aking mga labi.

              “Oo wala iyon, basta galingang mo sa speech mo bukas ha,” sabi ko pa. Sabay tapik sa kanya.

Tumango naman ito ng dalawang beses.

              “Oy kumain na kayo,” sambit naman ni Josh sa amin.

              “Oo nga,” segunda ni Avrile na isa ring kaibigan namin. Habang kumakain kaming lahat ay naroon lamang ang pagkain nila sa harap ng lamesa. Kaya naman ang plano kong gawin ay nagawa ko. Nilagyan  ko ng pamurga ang softdrinks na iniinom ni Carla, ng hindi niya nalalaman. At bukas ay tiyak na hindi nito magagawa ang speech na dapat ay gagawin niya. Kung paano ko nagawa ng hindi nila nakikita ay iyon isang malaking lihim. Na akala ko ay ako lang ang nakakaalam.

              Kinabukasan nang aming graduation, lahat ay naroon na ngunit wala pa ang aming valedictorian, at ako bilang ikalawa sa aming pinaka mataas na grado ang karapat-dapat na sumalo sa kanyang gagawing speech. Mabilis na lumapit sa akin si Mrs. Legaspi ang aming adviser. “Jessica, make you’re speech now, hindi na makakarating si Carla, na food poison siya kahapon noong sumama sa isang katulong nila at kumain sa isang turo-turo,” malungkot nitong sabi sa kanya.

She’s in the hospital right now. At nakiusap siyang Ikaw na ang mag-speech,” Dugtong pa ng aming guro.

Lihim akong napangiti,

“kamusta naman po si Carla, Ma’am? Kunwari kong tanong upang hindi nila mahalata ang lihim kong kasayahan.

              “She’s okay, pero naka-confine na siya sa hospital for 2 days.” Tumalikod na si Ma’am matapos ipaalam sa amin ang naganap sa aming classmates na si Carla.

Nang matapos ang aming graduation ay masayang naglapitan ang aming mga ka-klase sa akin at bumati sa natapos kong speech. Bigla na lamang akong nilapitan ni Avrile.

               “Jessica,”

              “Bakit Avrile, congratulations nga pala, graduate na tayo ngayon, at magsisimula ng bagong pakikipaglaban,”sambit kong nakangiti pa sa kanya. Ngunit bigla na lamang itong nagsalita.

              “Alam ko ang mga ginawa mo,” malungkot itong tumingin sa akin. At tumalikod upang umalis na. Hinabol ko siya upang ipaliwanag ang aking mga dahilan.

                   “Ikaw ang bahala kung magsusumbong ka, pero alam mo ba ang pakiramdam ng isang tulad kong laging inaapi, at isinasaisantabi.” Ngunit hindi na ako nilingon pa ni Avrile, bagamat alam ko namang hindi siya nagsalita kay Carla ng anumang bagay tungkol sa itinatago kong kasalanan.

KASALUKUYAN: 2000

                  Sunod ko namang nilapitan si Señor Delfin, alam kong nalulungkot ito dahil sa pagkamatay ng asawa nito. Dahil sa pangyayaring iyon ay nakaisip ako ng isang malaking plano, at iyon ay kung paanong pasasayahin ang ama ng aking matalik na kaibigan.

                  At iyon ay malapit ko nang isagawa. “S-Señor, magkape muna po kayo,” sambit ko sabay abot ng isang tasang kape. Bata pa naman sa paningin ko si Delfin kahit na nga alam kong doble ng idad nito ang edad ko at para ko na rin siyang ama ay hindi ko na iniisip iyon. Dahil napakalayo naman nito sa itsura ng basura kong ama. Ang aking ama ang pinaka walang k’wenta at masamang ama na nakilala ko. Wala siyang ginawa kundi mag-uwi ng mga babaeng bayaran sa bahay namin at palagi niyang pinahihirapan ang aking ina. Kaya naman ginawan ko nang paraan para itigil niya iyon.

                 Tutal ay lulong siya sa droga kaya naman ako na mismo ang nagsuplong sa kanya sa mga pulis, upang ng saganon ay hindi na siya makagawa ng masama pa sa aming pamilya. Ngayon ay nakakulong siya sa piitan at nagdurusa sa kanyang mga kasalanan.

                 “Señor huwag ka nang malungkot, ngayon ay nagpapahinga na si Senora Alicia, pwede na rin po kayong magpahinga,” sambit ko kay Señor Delfin. Ngunmiti lamang ito sa akin ng tipid at tinanggap ang tasa ng kape na iniaabot ko.

 “Jessica, salamat at narito ka para sa aming mag-ama,” sambit pa nito sa akin. Isang bagay na ikinangiti ko.

                 “Wala iyon Sir, alam niyo naman pong matagal na kaming magkaibigan ng anak niyo. At isa pa napakalaki ng utang na loob ka sa’yo, kung hindi sa tulong niyo hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral.” Ngumiti lamang ito sa akin. Nakakita ako ng pagkakataon upang matabig ang kape niya, natapon iyon sa kanyang hita.

                   “Ay! Pasensiya na po Sir!,” mabilis kong nahawakan ang hita nito at tiangkang punasan iyon.

                  “Okay lang ‘yan Jessica,” ngunit nagpatuloy akong gawin iyon. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Carla kaya naman bahagya akong tumayo.

                  “Bakit Papa, anong nangyari?” tanong ni Carla ng makalapit ito sa’ min.

                “Wala, wala naman ito anak, hindi naman niya ito sinasadya,”sambit ni Delfin sa anak.

                 “Sorry Carla, nakakahiya ang ginawa ko,” malungkot kong sambit kay Carla.

                 “Hayaan mo na, Papa magpalit na lang po kayo,” sambit nito sa ama niya. Tumayo naman ang lalaki at umalis na muna sa kanilang harapan. At nang makaalis na ito ay palihim ko itong simundan ng tingin. Lihim akong napapangiti dahil sa nagawa ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Fam O.
Hindi ko Gusto ung story nito. Sobrang sama ng ugali nung Jessica dito. Asawa ni Satanas lang ang peg lahat gustong sirain.
2025-05-29 00:27:41
0
29 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status