Share

KABANATA 8

From: Kuya

I'm still alive.

Napabalikwas ako ng bangon sa mensahe niya kinabukasan. Sinubukan kong i-dial ulit ngunit pinapatay niya. Sunod doon ay isa pang message galing sa kanya.

From: Kuya

Busy.

Bagsak ang balikat na humilata ako pabalik sa kama. Napanguso bago nagtipa ulit ng mensahe para sa kanya.

To: Kuya

Saan ka?

Kunot-noong ni-send ko iyon ngunit nakatanggap lang ulit ng mensaheng busy daw siya.

Tinawagan ko ulit nang paulit-ulit hanggang sa cannot be reach na siya.

Sa inis ko ay hinagis ko ang cellphone ko sa kama. Gigil pa akong naghubad para maligo.

Buhay nga hindi naman sinabi kung safe ba siya.

Nakakainis!

Nakakairita!

Tamad akong bumagsak muli sa kama matapos maligo at magblower ng buhok, hindi alintana kahit maging magulo pa ang buhok ko. Wala akong ganang pumasok. Nakaayos na ako't lahat ngunit hindi ko mahanap ang dahilan para pumasok.

Magpa-excuse na lang kaya ako kay Erica?

Kunwari may lagnat kahit wala. Hindi din naman ako siguradong makikinig sa lessons. Magpapad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status