Author's Note: Maraming salamat po sa pagsubaybay ng stroy ni Heaven at Rigel. Sending hugsss po! Hopefully ma-check out niyo rin ang Hiram na Asawa here on GoodNovel. Thank you! 😇
RIGEL SKYE'S POV"Siya na po, Mr and Mrs. Abellana." tinuro ako ni sister sa mag-asawang mukhang mayaman.Narinig ko sila na gusto nilang mag-ampon upang magkaroon ng anak. Nais nilang mag-alaga ng bata at baka sakaling biyayaan sila ng anak."Ilang taon na siya?"Nilingon ko ang may katandaang lalaki noong lumuhod ang isang tuhod nito at humarap sa akin."9 years old na po, Sir," si sister na pumunta sa likod ko at hinagod ang buhok ko."Iniwan po siya ng nanay niya, kumpleto naman po ang dokumento niya. Okay lang po kahit hindi ninyo palitan ang apleyido niya. Ang importante po ay may kumupkop sa kanya." Naluluha pa si sister habang sinasabi iyon.Kulang na daw kasi ang pondo ng bahay ampunan at kailangan ng magbawas ng mga bata. Tatlo na ang nabawas at ngayon ay namimili pa ang mag-asawang Abellana."Hon, siya na lang. Gusto ko siyang alagaan." Hinawakan ako sa balikat ng babae at hinaplos ang pisngi ko. Mas bata siya ng kaunti kumpara sa lalaki. Sa palagay ko ay nasa edad magkukwa
HEAVEN ABELLANA'S POV"Kuya! Sabay mo 'ko!"Tumakbo ako palapit sa kanya at mabilis na sumakay sa sasakyan niya.Kunot ang noo nitong nakatingin sa akin. Nag-peace sign ako at nagpa-cute para lang hindi ito magalit."Where's Dad?" malamig na tugon niya na kinanguso ko."Iba 'yong way niya. Ayoko sa driver magpahatid."Hindi na siya nagsalita at pinaandar lang niya ang sasakyan ngunit ang noo ay nanatiling nakakunot."Magsounds ako ah."Kahit hindi pa siya umo-oo ay ni-connect ko na ang bluetooth ng cellphone ko. I played the song of little mix- holiday. Linakasan ko pa 'yon na kinasulyap niya.Sumabay pa ako sa lyrics at natigil nang patayin niya ang speaker."Bakit? Ang ganda ng kanta, Kuya!"Masama ko siyang tiningnan ngunit patay malisya itong nakatingin lang sa daan."Malaswa."Hindi na ako nakipag-argumento at umingos na lang. Wala rin naman akong laban.I sighed, "Kailan ka papasok sa company ni Daddy?" inosenteng tanong ko sa kanya.Pagsulyap ko ay hindi nakatakas sa paningin k
"What kind of dress are you wearing?" kunot noo ito at hindi maipinta ang mukha.I am wearing a thin short dress. Sleeveless at saktong mid-thigh lang. Ayoko talaga ng mahaba at naiinitan."Wash day namin ngayon, Kuya, so I can wear whatever I like." Ngumiti pa ako sa kanya nang malapad na hindi niya pinansin.Walang gana niyang ni-park ang sasakyan at lumabas mula doon. Lumabas din ako at mabilis siyang hinalikan sa pisngi.Hinawakan niya ako sa bewang upang hindi ako mawalan ng balanse. Lumayo ako nang bahagya at nakitang mariin ang tingin niya sa mga hita ko. Hindi ko alam pero kinabahan ako."S-ige, Kuya. A-no, Una na ako."Hindi na ako kumaway at dumiretso na lang sa building namin."Heaven! Mamaya sasabay na ako sa inyo pauwi." Sinalubong ako ni Erica at kumapit pa sa braso ko."Sige, walang problema."Dumiretso kami sa upuan. Kahit gusto kong manood sa YouTube ng recipe ay pinigilan ko ang sarili ko. Baka makuha na naman ang notebook ko."Wala ba si Miss Salonga? Bakit ang taga
Sa ilang araw na wala ang Kuya niya, sa pagluluto lang ang atensyon niya. "Sana pala pagluluto na lang ang kinuha mong kurso, Heaven," Komento ni Nay Karing. Napalabi ako at linabas ang tilapia. Gusto kong magluto ng loaded steam tilapia."Ayaw po ni daddy," sumbong ko.Lumungkot ang itsura nito, "Bakit naman? Nakikita kong masaya ka kapag nagluluto ka."Inagaw nito ang malaking tilapia sa kamay ko at diniretso sa sink."Kasi naman si Kuya, ayaw pang pumasok sa kumpanya," bulong ko na kinatawa nito."Iba din kasi ang hilig ni Rigel, Heaven.""Ano po? Babae?" taas kilay na tanong ko.Napatawa siya muli, "Hindi, Hija! Kubo.""Kubo?" kunot noong tanong ko bago hiniwa ang carrots.Muli itong tumawa bago nilagay ang isda sa malaking plato, "Tanungin mo ang Kuya mo.""Nay!""Hindi ko na alam ang sagot d'yan. Kaya mo na 'yan."Iniwan ako nito sa kusina na naiintriga. Ano ba kasing kubo?Nilagay ko ang mga nahiwang carrots sa plato. Kinuha ko ang cellphone ko sa likod ng bulsa ng short ko a
"Erica, are you a woman?"Kagabi pa ako hindi matahimik kakaisip no'n. Isama pa ang lasing na itsura ni Kuya sa video."What? Of course!" Sinara nito ang lipstick at binalik iyon sa bag niya."How did you say so?" kunot-noong tanong ko."Paano ba? Wait." Tumingin ito sa itaas at tila may inalala, "You know what, Heavs?"Lumapit ako at naging interesado sa sagot niya, "What?"Linapit niya ang bibig niya sa tainga ko at bumulong na nakapagpalaki sa mga mata ko."I lost my virginity with my last ex."Namilog ang mga mata ko, "Baliw ka ba? Hindi pa kayo kasal!""That's trendy. Ayos lang iyon, may proteksyon naman," nakangusong sagot niya."Kahit na. Paano kung mabuntis ka? Anong ipapakain mo sa anak mo? College ka pa lang."I don't know ah. Hindi naman ako against sa mga batang ina pero dapat na alam natin ang ginagawa natin. Lahat ng bagay ay may consequences. Kahit kaya mong gumawa ng bata kung wala ka namang pambuhay ng bata, huwag na lang.At the right age, pwede siguro. Kung kaya mon
Kanina pa nagbabangayan sina Lisa, Erica at Paul para sa project."Ano ba! Tagline lang 'yan," balik na sagot nito kay Lisa matapos mag-suggest ni Paul.Ngumuso ako at mas lalong namroblema sa kanila.I think, our group is a bad idea."Can we just drop this subject?" bored na tanong ko.Sumimsim ako sa Juice at nagbukas ng magazine."Better idea. Kaya nga ba frenny kita, future sister." Yumakap-yakap pa si Erica sa braso ko at kinikiskis ang pisngi niya."Umayos ka nga! Sister? Mangarap ka. Para kang pusa." Inirapan ko siya at inis na sinara ang magazine.Hindi ko talaga gusto ang ideya na magkaroon ng sister-in-law dahil kay Kuya."Chill, Sis," natatawang lambing nito."Regaluhan na lang natin ng ballpen si Ms. Salonga para pasado na tayo," suhestiyon ni Lisa."Hmp! Hindi tayo papasa sa ganoon. Ibalot natin ang kuya ni Heaven, for sure flat one tayong lahat." Ngumuso si Erica pagkatapos ay nilingon ako."Pero huwag, Heaven. Reserve mo sa akin si Rigel," dagdag na sabi nito.Ano ba an
Muntik na akong hindi makatulog kakaisip sa babae ni Kuya na kahit sa klase ay naiisip ko. Gusto kong hatakin ang oras at umuwi na agad. Gusto kong makita si Kuya at magtanong kahit alam kong wala itong ibibigay na sagot. "Ano bang trip ni, Ma'am? Feeling major," bulong ni Erica.Masama ang tingin nito sa unahan lalo pa't binubuklat ni ma'am ang mga pinasa naming folders. Laman ay ang project na pinagawa niya.Ni hindi ko tinanong kung anong output namin."She's checking it," bored kong sagot bago humikab.Kung hindi lang ako mapapagalitan ay ni-drop ko na sana ang subject na ito. Boring ang lesson, boring pa ang teacher."Ano ba naman kasing naisip ni ma'am? Ang layo ng marketing strategy sa subject n'yang Art Appreciation. Lutang ba siya?" inis niyang bulong ulit."Wala siyang maisip, that's the truth," diing gatong ko, "Maybe, she forgot her course outline.""Agree, sister!" mahinang sigaw niya.Kinunutan ko siya ng noo at hindi nagustuhan na sister na naman ang tawag niya.Sorry
Hindi ko maintindihan kung anong kinakagalit ni Daddy. Alam kong may problema sa kumpanya pero ang makitang ganito siya kagalit kay kuya ay nakakatakot."I gave you multiple chances to find it in your heart to manage and work for my company. I even gave you the privilege to study business. But guess what?! Nalaman-laman kong hindi business ang pinag-aralan mo. Tapos ano? Sa Laguna ka pa nag-aral!"Yumuko si Kuya at hindi makasagot. Nandoon lamang ito sa harap at walang balak na lumaban.Naawa ako lalo pa't nakikita kong hindi niya lalabanan si Daddy kahit pagalitan ito nang sobra."Where did you use all the money? Sa kubo mo? Pinagpalit mo ang publishing house sa kubo?! I understand that both of you, my children, do not fancy books. Pero lahat ng luho at pera ninyo ay doon ko kinuha. And then what? itatapon lang ninyo sa basura at walang may interest sa inyong dalawa?!"Nabagsak ko sa gilid lahat ng hawak ko. Natakip ko ng kamay ko ang bibig upang pigilan ang hikbi. Si Mama ay sumisin