Share

Fifth Trip: Unknown Memory

"BAKIT napanaginipan muli kita!" Malakas kong sigaw habang nakatakip ang unan sa mukha ko. "Pagkatapos akong ipahiya ng lalaking kamukha mo kahapon. Susulpot ka na lang muli sa panaginip ko at may payakap-yakap ka pang nalalaman!" Gigil kong pinagsusuntok ang unan na yakap-yakap ko.

Napatigil at napatihaya ako ng higa. "Pero ito naman ako, yumakap naman pabalik sa 'yo," mahinang sabi ko habang inaalala ang detalye ng napanaginipan ko.

Napagulong-gulong ako sa aking higaan dahil sa sobrang inis. Kahit sa panaginip, marupok pala ako? Kaloka ka Almhera!

"ALMHERA! GISING KA NA BA RIYAN?!"

Napaupo ako bigla nang marinig ko ang sigaw ni Mama mula sa labas ng kuwarto ko.

"Naku talagang bata ka! Tanghali na, hindi ka pa rin diyan bumabangon!"

Napatakip ako ng tainga nang dumagundong ang lakas ng boses ni Mama sa buong bahay.

"Gising na po ako Ma! Nag-aayos na nga po ako ngayon!" pasigaw kong sagot habang inaayos na ang aking higaan.

"Bilisan mo! Mag-aagahan na tayo!" sigaw niyang muli.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status