Kabanata 2
Away
***
POV: Joey Dimaapi
Kitang-kita ko ang takot sa mukha ni Ivan habang naka-amba ang kamao nung tabachoy. Pero hindi naman ako kasali kaya wala akong pake. Isa pa, uubusin ko pa ‘tong siomai ko eh. Sayang nga at mukhang isang dosena na lang ‘tong natira.
Masarap kasi kapag libre. Nagpadagdag na lang ako kanina kay Ivan. Mukhang big time naman din ito at hindi katulad ng mga scholar-scholar na kakilala ko.
“Ano ha? Bakit ka kinausap ni Maxine kanina? Sagot!”
Halos tumalsik pa ang laway nung tabachoy habang nagsaasalita. Pero si Ivan mukhang inis na dahil doon. Mukha naman kasing fan na fan ng kalinisan ang taong ito.
“Why? Is it a sin to talk to her?” Pabalang na tanong ni Ivan.
‘Her? Oh! Oo nga. Mukhang si prinsesita ang pinag-uusapan nila ah! Nabanggit ang pangalan eh. Ano kayang meron? Parang teleserye naman ang datingan ng dalawang ito.’
Nginuya-nguya ko pa ang siomai saka iniisip kung tama ba ang pagkakaintindi ko. Pero talaga namang napahanga ako sa tibay ng loob nitong si Ivan na pagsalitaan ng Ingles ang dambuhalang lalaking nakahawak pa rin sa kwelyo nito.
‘Di kaya ito nangangalay?
“Anak ng! Sumasagot ha pa ha?! Eh kung suntukin na lang kaya kita?!” Nakakarinding sigaw ni tabachoy.
Kaagad namang naghiyawan ang mga kasamahan nito. Mukha itong astig pero mas astig ako. Ni hindi nga ako panginigan sa takot rito eh. Ngumisi naman ito sa mga kasamahan nito. Parang nag-papa-cute pa. Tsk! Nakakaantok na nga ang eksena nito kasi kanina pa niya sinasabing susuntukin niya si Ivan pero hanggang ngayon wala pa rin.
Ang tagal naman.
Puro dakdak lang yata ang alam nito eh.
Napangiwi na lamang ako.
“Ano?! ‘Di ka ba sasagot diyan?!”
“Ba’t kasi hindi mo na lang gawin? Puro ka naman dada eh. Suntukin mo na lang,” wala sa sariling bulong ko.
Pero mukhang napalakas yata ang dapat ay bulong ko lang.
Dahil bigla na lamang silang napatingin sa gawi ko.
Dyahe!
Ayoko pa naman ng spotlight.
“Ano’ng sabi mo?!” Galit na galit na ani nung tabachoy habang nakatingin sa akin.
Ultimo pala mga taong mukhang daga ay nakikiusyoso na rin. Hindi na ako nagtaka pa. Mukhang gustong-gusto ng mga ito ng keso eh… isang masarap at mainit-init pang cheese-mis.
Nagkibit balikat lang ako. Kahit ano’ng sigaw nito ni hindi man lang ako tablan. Wa epek eh! Paano naman sanay na ako sa sigawan. Pero sa mga ganitong awayan, walang nang marami pang dada at suntukan na kaagad. Ganito pala makipag-away ang mga mayayaman. Masyadong maraming palabok.
“Tsk! Walang kwenta…” pabulong kong sabi.
Pero mas lalo ko yatang nainis itong si tabachoy dahil pabalya nitong binitawan si Ivan sa gilid at dumiretso ito sa harap ko.
Wala akong pakialam sa buong katauhan nito pero dahil hinablot nitong basta ang huling siomai na binili ko na dapat ay isusubo ko na ay tila nag-init yata ang bumbunan ko sa inis. Lalo pa nang makita kong gugulong-gulong sa sahig ang kakawa kong siomai.
Tengene na lang talaga.
‘Ang siomai ko!’ Sigaw ko sa isipan ko habang nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa siomai na hindi ko man lang nakagatan.
“Ano? Bagong salta ka lang yata dito ah! ‘Di mo ba ako kilala ha?” Pabulyaw na sigaw ni tabachoy.
Nakakarindi na.
Kaya naman inis kong inilagay ang hinliliit ko na para bang nililinisan ko ang tainga ko dahil sa ingay.
Pero mas lalo yatang nagalit ang tabachoy na mukhang mas maitim na Majinbu na sa harap ko.
“J-Joey…” Nahihintatakutang tawag sa akin ni Ivan pero binigyan ko lang siya nang bored na tingin.
Para na kasing iiyak na ‘to anumang oras eh.
Dyahe! Pers day na pers day eh. Ano ba namang tadhana ito.
Pero sa bagay, palagi namang ganito ang pang-welcome ng tadhana sa akin. Wala nang bago. Napailing na lamang ako.
“Ano?! ‘Di ka ba magsasalita diyan o napipi ka na?!” Ani tabachoy saka bumaling sa mga kasamahan nito at napatawa.
“Wala pala ‘to eh. Parang babaeng nagpapanggap na lalaki.” Dagdag pa nito saka sila nagtawanan nang malakas.
Samantalang pilit ko naman pinapakalma ang sarili ko dahil hindi pa rin ako maka-move on sa siomai ko.
Bwesit naman talaga.
“Ano?! Hindi mo baa ko kilala-”
“Hindi.” Paguputol ko sa ano pang sasabihin nito saka naman ito kunot noong napatingin sa akin.
Nakakaasar eh. Wala na ba itong ibang tanong?
“At wala akong pakialam sa’yo eh. Pero dahil tinapon mo ang siomai ko, siguro pwede naman tayong magpakilala sa isa’t isa,” nakangisi kong sagot.
“Ano’ng sabi mo?!” PAsigaw na nito saka ako nito kaagad na kinuwelyuhan.
Dinig ko pa ang impit na tili ng mga tao sa paligid namin pero wala akong pakialam. Ramdam ko ang nag-aalalang tingin ni Ivan pero hindi ko kailangan ang pag-aalala niya.
“Sige lang, isang bigwas mo lang sigurado akong iiyak ka,” hindi pa rin mawala-wala ang ngisi ko.
Kaagad namang nanlaki ang mga mata nito. Takte! Para tuloy itong si kokey. Tsk! Alam kong masamang manukso pero hindi ko mapigilan eh. Kaagad kong kinagat ang labi ko pero tila mas lalo itong naasar dahil sa pagpipigil ko ng tawa dahil sa inside joke ko.
“Hindi ka talaga-”
“What do you think you’re doing?”
Isang matandang tila kamukha ni Wednesday ang biglang lumitaw sa harap namin. Aaminin ko medyo nagtindigan ang mga balahibo ko kasi hindi talaga ako fan ng mga horror films eh. Kung ‘di lang dahil sa naka-braid nitong buhok baka napatakbo na ako ng ‘di oras.
“M-Miss W-Wendy!” Gulat at pautal-utal na tawag ni tabachoy sa older version ni Wednesday saka ako mabilis na binitiwan.
‘Ayos! Wendy pa ang pangalan. Tunog ‘Wednesday’ talaga! ‘Di kaya nawawalang kamag-anak ito ng mga ‘yon?’ Tanong ng isipan ko.
Pero mas nagulantang ako sa istrikto nitong boses. Ibang klase dahil parang tunog ambulansiya ang dating. In short, maingay at masakit sa tainga sa tinis.
“Mr. Sanchez! It’s you again. And what is it this time? You are fighting with a girl now? What are you? A gay?!”
Nagtawanan naman ang mga taong nakapaligid sa amin samantalang binigyan naman ako nung tabachoy ng masamang tingin.
‘Luh! Ano na namang kasalanan ko dito? Dapat kasi sumuntok na eh. Para kahit mapagalitan ayos lang. Sino ba ‘tong nawawalang kamag-anak ni Wednesday?’ Komento ng utak ko dahil mukhang hindi man lang makapalag si tabachoy.
Baka naman nanay nito?
Napangiwi na lang ako sa naisip.
“H-Hindi naman ako ang may kasalanan, Miss Wendy! Ito oh! Masyadong pabida! Hindi naman siya ang kinakausap pero nakikisabat,” sumbong nito.
Mas lalo tuloy akong napangiwi. Mukhang hindi naman talaga tigasin ang isang ito. Tiklop agad eh. Walastik!
“Excuse me, Principal Adams,” biglang sabat ni Ivan sa gilid ko.
Principal? So, principal pala ito.
“Pero si Donald po talaga ang nag-umpisa dahil bigla na lang po niya akong s-sinugod dito at muntik pang suntukin. P-Pinagtanggol lang po ako ni Joey,” paliwanag ni Ivan.
Aba! Maganda rin palang kasama ito. Kahit papaano hindi ko na kailangang magpaliwanag pa. Pero mukhang hindi sapat iyon dahil taas kilay naman akong binalingan ni Miss Wendy Adams.
Tsk! Gusto ko na sanang tumawa kung hindi lang sa seryoso nitong mukha. Baka biglang mawala ang isang kamay nito at makipagsayawan pa sa akin.
Dyahe! Kung ano-ano na tuloy ang mga naiisip ko.
“Is that true?” Seryosong tanong nito.
Napalunok naman ako ng ‘di oras saka alanganing tumango.
“Copy paste na lang po sa sinabi ni Ivan,” sagot ko na lang na mas lalong nagpalalim ng gitla nito sa noo.
“Are you the new student that Mr. Almazan talks about?” Bigla ay tanong nito – at kaagad namang nagbulungan ang mga tao sa paligid.
“Almazan siya?”
“’Di ba only daughter si Maxine?”
“She is not pretty? Paano nangyaring Almazan siya?”
Dyahe! Mukha bang gusto kong maging Almazan. Ni hindi ko nga alam na kilala pala rito ang pamilya ni erpat. Tsk! Mukhang goodbye earth na ako sa tahimik kong mundo nito ah.
Pero hindi na lang ako sumagot at nagpakilala na lang. Sana ma-gets nitong fan ni Wednesday ang gusto kong mangyari.
“Joey Dimaapi po, Miss,” pakilala ko na lang imbes na sagutin ang tanong nito.
“Ahh, mukhang nagkamali lang si Miss Wendy.”
“I really thought na isa siyang Almazan. She doesn’t stand a chance.”
“Maxine is an only child. Imposibleng may isa pang Almazan.”
Ilan lang ‘yan sa mga naririnig ko sa paligid. Pero wala na akong pakialam pa. Mas gusto ko ngang hindi na ako makasama pa sa apelyidong ‘yan. Dahil ang gusto ko lang naman kaya ako nandito ay para makapag-aral. Isang bagay na pilit kong inaabot dahil sa pangakong binitiwan ko sa yumao kong nanay.
Nagpakawala ng buntong hininga si Miss Wendy.
Mukhang gets naman niya na ayokong maging ‘center of attraction’ ng mga estudyante.
“Whatever. Just go to the Guidance Office to report what happened. And you, Donald! Go to the detention office after going to the Guidance with them!” Galit na anito saka nag-walkout.
Mabuti naman at hindi na ito umapila pa.
“Kasalanan mo ‘to! May araw ka rin sa’kin!” Biglang balik-tapang na banta nitong si tabachoy nang mawala sa pangingin namin si Miss Wendy.
Bored namang akong napatango-tango lang dito.
“Payn, sige lang. Wat-eber! I-surprise mo na lang ako kung kailan mo gusto. Pero sa ngayon ‘Hello, Guidance’ ka muna, ‘di ba? Kaya chupi na,” mapang-asar na sabi ko pa.
Tiim bagang naman itong umalis at parang nagpapadyak pa ito sa inis. Napangisi na lang ako sa tinuran nito.
Spoiled brat.
Ni wala pa sa kalingkingan ng kaangasan ko ang lalaking ‘yon ah.
“What do you think you’re doing? Muntik ka nang mapaaway. Sana hinayaan mo na lang ako kanina,” biglang komento ni Ivan bago ko pa sundan si tabachoy.
Taas kilay ko naman itong tiningnan.
“Kaya nga. Pero hindi ka nasuntok ‘di ba? Kaya mas uso ang ‘thank you’ kaysa mabangasan ‘di ba?” Sarkastikong ani ko rito.
Napalunok naman ito.
“T-Thanks.”
Napangisi naman ako.
“Pero utang na loob mo ‘yon sa akin ngayon. In short, gawin mo ang lahat para pumasa ako sa exams dito.”
Kabanata 2Away***POV: Joey DimaapiKitang-kita ko ang takot sa mukha ni Ivan habang naka-amba ang kamao nung tabachoy. Pero hindi naman ako kasali kaya wala akong pake. Isa pa, uubusin ko pa ‘tong siomai ko eh. Sayang nga at mukhang isang dosena na lang ‘tong natira.Masarap kasi kapag libre. Nagpadagdag na lang ako kanina kay Ivan. Mukhang big time naman din ito at hindi katulad ng mga scholar-scholar na kakilala ko.“Ano ha? Bakit ka kinausap ni Maxine kanina? Sagot!”Halos tumalsik pa ang laway nung tabachoy habang nagsaasalita. Pero si Ivan mukhang inis na dahil doon. Mukha naman kasing fan na fan ng kalinisan ang taong ito.“Why? Is it a sin to talk to her?” Pabalang na tanong ni Ivan.‘Her? Oh! Oo nga. Mukhang si prinsesita ang pinag-uusapan nila ah! Nabanggit ang pangalan eh. Ano kayang meron? Parang teleserye naman ang datingan ng dalawang ito.’Nginuya-nguya ko pa ang siomai saka iniisip kung tama ba ang pagkakaintindi ko. Pero talaga namang napahanga ako sa tibay ng loob
Kabanata 1Siomai***POV: Joey DimaapiNgarag.‘Yan lang ang masasabi ko. Paano naman kasi matapos akong iwan ni Maksin sa lalaking ‘to na siyang kaklase ko raw. Samantalang ito naman ay sa kabilang section kaya naman heto at ito ngayon ang kasama ko.Kaagad naman akong dinala nitong si Igan sa library. Tutal daw ay maaga pa naman at doon din ang tungo talaga nito. Ayos talaga itong si Idan, pinanindigan ang pagiging nerd.Kaso dito talaga?Sa library?!Wala na bang iba?Dyahe naman!Pagpasok ko pa lang kanina halos mahilo na ako kasi hindi ko talaga feel ang napakaraming libro sa paligid ko. Kahit gustong-gusto kong mag-aral, hindi dito sa library na punong-puno ng mga libro ang trip ko.Pero ano’ng magagawa ko? No choice eh! Itong si Iran mukhang dito talaga ang trip. Ni hindi man lang ako tinanong. Dyahe!Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko saka ko tinitingan ang maputlang lalaking nasa harapan ko. Kung nakakamatay lang ang titig, baka kanina pa ito tumumba sa harap ko.Paano n
SimulaPOV: Joey Dimaapi***Kulang na lang sumayad ang bunganga ko sa lupa nang makita ang bahay na tinutukoy ng tunay ko raw na ama.Si Guiller Almazan.Ipinasundo niya ako nito matapos ang libing ng ermat ko. Hindi ko alam mayaman pala ito. ‘Di kasi halata kanina dahil sa gurang nang itsura nito. Punong-puno ba naman ng makapal na bigote at balbas na halos lamunin na ang buong mukha nito.Lihim naman akong napabuntong hininga.Lalo nan ang may kaunting kirot ang dumaan sa dibdib ko. Kung alam ko lang baka lumapit na ako para maipagamot si Nanay.Napailing na lamang ako.Hindi bagay ang drama sa akin. Kaya move on lang.Tsaka ano pa nga bang magagawa ko? Eh, ganyan talaga ang buhay. Malungkot man pero wala na akong magagawa pa.Isa pa…“Why is she living here with us?” Dinig kong tanong ng asawa ng erpat ko.Halata sa boses nito ang pagkadisgusto sa naging desisyon ng asawa nito. Bakit naman hindi? Eh, anak ba naman ako sa ibang babae ng asawa nito. Ewan ko lang kung hindi ito magba