Joey: Princess Charming 1

Joey: Princess Charming 1

last updateLast Updated : 2025-06-30
By:  Lady XquisiteOngoing
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Not enough ratings
3Chapters
23views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Pagkamatay ng nanay ni Joey ay bigla na lamang nagpakita ang tatay niyang ni sa hinagap ay hindi niya alam na buhay pa. Dinala siya nito sa magarbo nitong bahay at ganon-ganon na lamang nagbago ang buhay ni Joey. *** “Fine, I will let you stay here. But in one condition. You must prove yourself to us. You will enter the Ember University and pass their upcoming exams. If not, you must leave.” Halos lumubog si Joey sa kinatatayuan nito dahil sa bilis ng pagsasalita ng kanyang madrasta. ‘Nag-fli-fliptop ba ‘to?’ tanong niya sa isipan. Pero napakamot na lamang siya ng kanyang ulo. “Do you understand?” Nakaka-pressure pang dagdag na tanong ni Aling Mariebeth. Mas lalo lang tuloy lumalim ang gitla sa noo niya saka siya mabagal na napalunok. “Uhm, ang galing niyo naman pong mag-English. Pwede pong pa-translate?” nakangiwing saad niya rito dahilan para mamula ang mukha nito sa pinaghalong inis at galit. *** Ngunit paano nga ba niya haharapin ang pagbabagong ito ng buhay niya? Mula sa isang kahig, isang tukang paghihirap, ngayon ay anak pala siya ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Idagdag pa ang mukhang laging galit na madrasta niya at prinsesitang hilaw na kapatid niya. Isa lang ang kailangang gawin ni Joey at iyon ang pumasa sa Ember University. At magagawa lamang niya ‘yon kung tutulungan siya ni Ivan Dela Fuente, ang lampa at nerd niyang kaklase. Pero bakit ba bigla-bigla na lang tumitibok ng malakas ang puso niya dahil sa loser na lalaking ito? ‘Bwesit! Hindi nakakaastig ‘to!’ Inis na sita ni Joey sa sarili lalo pa kung ang gusto naman ni Ivan ay ang hilaw niyang kapatid at hindi siya.

View More

Chapter 1

Simula

Simula

POV: Joey Dimaapi

***

Kulang na lang sumayad ang bunganga ko sa lupa nang makita ang bahay na tinutukoy ng tunay ko raw na ama.

Si Guiller Almazan.

Ipinasundo niya ako nito matapos ang libing ng ermat ko. Hindi ko alam mayaman pala ito. ‘Di kasi halata kanina dahil sa gurang nang itsura nito. Punong-puno ba naman ng makapal na bigote at balbas na halos lamunin na ang buong mukha nito.

Lihim naman akong napabuntong hininga.

Lalo nan ang may kaunting kirot ang dumaan sa dibdib ko. Kung alam ko lang baka lumapit na ako para maipagamot si Nanay.

Napailing na lamang ako.

Hindi bagay ang drama sa akin. Kaya move on lang.

Tsaka ano pa nga bang magagawa ko? Eh, ganyan talaga ang buhay. Malungkot man pero wala na akong magagawa pa.

Isa pa…

“Why is she living here with us?” Dinig kong tanong ng asawa ng erpat ko.

Halata sa boses nito ang pagkadisgusto sa naging desisyon ng asawa nito. Bakit naman hindi? Eh, anak ba naman ako sa ibang babae ng asawa nito. Ewan ko lang kung hindi ito magbalik tanaw sa kahapon.

Ang hindi ko talaga maintindihan ay kung bakit dito ako dinala ng tatay ko. Pwede namang ikuhanan na lang niya ako ng bahay. Tutal, mukhang bigatin naman ito. Bakit dito pa? Ano namang kayang kaastigan ito?

“Mariebeth, please understand,” pakiusap ni erpat sa babaeng halos lamunin na ng alahas dahil sa dami ng suot nito.

Kulang na lang pati ngipin nito may ginto.

Sana kasing kinang din ng mga ito ang budhi nito pero mukhang olats ang drama ko nito. Dahil tingin pa lang, halata na ang pandidiri nito sa akin.

Napakamot na lamang ako ng ulo. Gusto kong magsalita para sabihing naligo naman ako at nagsipilyo pa pero baka bugahan naman ako nito ng apoy.

“Uhm, okay ka lang ba, Joey?” tanong nung babaeng hula ko ay halos kaedad ko lang.

Pinakilala siya ni erpat kanina. Ito pa nga ang sumalubong sa amin bago dumating ang nanay nito. Mukha naman itong mabait pero hindi ako komportable sa kanya.

Paano ba naman para itong prinsesita sa sobrang hinhin at sobrang puti! Baka kapag nagsalita ako bigla na lang itong liparin. Ang lakas pa naman ng boses ko. Hindi ko nga lubos maisip kung paano nito naging nanay ‘yong babaeng ang lakas-lakas ng boses na halata namang nagpaparinig pa sa akin simula pa kanina.

Tumango na lamang ako para wala nang iba pang maraming paliwanag. Pero trip yata akong interview-hin nitong kapatid kong hilaw.

Ano nga ulit ang pangalan nito? Marin? Maris? Mayet?

Dyahe! Hayaan na nga! Kahit kailan talaga hindi astig ang paglimot ko sa mga pangalan.

“I’m sorry about this,” sabi nito na tila nahihiya pa.

Hindi ko naman mapigilan ang pagtaas ng kilay. Bakit ito nag-so-sorry eh wala naman itong kasalanan? Hay, naku! Ayoko talaga ng ganitong kadramahan. Baka umiyak pang bigla ito, kasalanan ko pa. Baka wala pa man ay bigla na lang akong palayasin ng nanay nito.

Hindi pwede.

Siguradong wala na akong babalikan pa sa dati naming tinitirhan ni Nanay. Oo nga’t nabayaran na ‘yon ng erpat ko pero halos isumpa pa nga kami nang landlady na si Aling Biling doon eh.

“’Yaan mo na lang sila. Sanay na ako sa mga ganyang sigawan,” tila walang pakiaalam na sabi ko na lang saka ako nagkibit balikat.

Buti nga walang batuhan pa ng mga gamit ang ganap sa kanila. Sayang naman. Mukhang mamahalin pa naman mga gamit nila rito.

Napakurap-kurap naman ito habang nakatingin sa akin. Tila may gusto pa itong sabihin ng bumalik na ang dalawang matanda sa harap namin.

Tulad kanina ay matalas pa rin ang mga mata ni Aling Mariebeth sa akin. Pero wala na akong pakialam. Hindi naman ako apektado sa mga pasaring nito.

Mukhang tapos na silang mag-usap dahil nakahalukipkip na si Aling Mariebeth at galit ang mukhang nakatingin sa akin. Si erpat naman, hayon at nakayuko lang. Mukhang under na under ang drama.

“Fine, I will let you stay here. But in one condition. You must prove yourself to us. You will enter the Ember University and pass their upcoming exams. If not, you must leave.”

Halos lumubog ako sa kinatatayuan ko dahil sa bilis nitong magsalita. Nag-fli-fliptop ba ‘to? Pero napakamot na lamang ako ng ulo.

“Do you understand?” Nakaka-pressure pang dagdag na tanong ni Aling Mariebeth.

Mas lalo lang tuloy lumalim ang gitla sa noo ko saka ako mabagal na napalunok.

“Uhm, ang galing niyo naman pong mag-English. Pwede pong pa-translate?” nakangiwing saad ko rito.

Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay kaagad inutasan ni erpat si Maxine – na pangalan pala ng hilaw kong kapatid – na dalhin na lamang ako sa magiging kwarto ko. Kaagad naman itong tumalima at halos kaladkarin ako paalis sa sala ng mansiyon.

Naiwan sina erpat na tila inaalo ang halos mamula na sa galit na si Aling Mariebeth.

Aba?! Ano na namang ginawa ko? ‘Di na ba pwedeng magtanong? Hindi ko nga maintindihan ang mga pinagsasabi nito eh. Hirap na nga ako sa Ingles may pa-slang-slang pa itong nalalaman. Eh, ‘di ang ending nganga na lang ako.

“Ano bang sinabi ng ermat mo?” Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong magtanong kay Maksin.

Nangunot naman ang noo nito habang nakatingin sa akin. Ang ganda talaga nito. Parang manikang mamahalin.

“Ermat? Ano ‘yon?”

Napangiwi ako. Masyado naman yatang taong bahay ito at walang alam sa buhay sa kalye ah. Nag-enjoy kaya ito noong bata pa ito? Napailing na lamang ako.

“Ermat. Nanay. Ina. Mama. Mommy?” Patanong ring sagot ko na para bang kaunting-kaunti na lang ay dudugo na ang mga ugat ulo ko sa ka-inosentehan niya.

“Ahhh,” napatango-tango namang sabi ng prinsesita saka mala-anghel na ngumiti.

Gusto ko tuloy masuka!

“Sabi ni Mommy, kailangan mo raw pumasok sa Ember University at pumasa sa mga exams para makapag-stay ka rito,” nakangiti pang paliwanag nito.

Samantalang ako naman ay napanganga.

“A-Ano’ng sabi mo? Ako? Papasok sa pang-mayamang eskwelahang ‘yon? Nahihibang ka na ba? Ni hindi ko nga maintindihan ang pagsasalita kanina ng ermat mo nang ingles. Tapos gusto pa niya, mapasa ko lahat ng exams? Nagpapatawa ba siya?” Mabilis na pagbubunganga ko sa kanya.

Halata naman ang gulat sa ekspresyon ng mukha nito. Saka iyon napalitan ng pag-aalala. Samantalang ako at heto’t namomroblema na. Pero ang kapatid kong hilaw ay tila may naisip na paraan.

“Alam ko na! May ipapakilala ako sa’yo bukas,” masayang anito saka na ako dinala sa magiging kwarto ko.

***

Halos hindi pa ako nakakatulog nang kinatok na ako ni Maksin sa kwarto at sinabing mag-ayos na ako.

“Bakit ba ang aga natin?” Naiinis nang tanong ko habang papalabas ng magarang kotse ni erpat.

Aba! Kakaidlip ko lang nga nang bigla akong bulabugin nito. Hindi ko na nga matanggap na kulay pink lahat ng gamit ko sa kwarto. Masyado pang malambot ang kama. Hindi ako sanay at mas lalong hindi ko gusto ang pink! Dyahe! Parang nawala ang kaastigan ko nito.

“Baka kasi makita tayo ni Mommy. Isa pa kailangan mong makilala ang mag-tu-tutor sa’yo,” paliwanag nitong si Maksin.

Kaagad namang naging lukot ang mukha ko.

“Tutor?”

“Oo. Kailangan mo ng tutor para makapasa ka dito sa Ember University. Huwag kang mag-alala, mabait naman siya,” nakangiti pang paliwanag nito sa akin na para bang ito na ang sagot sa lahat ng problema.

Napabintong hininga na lang ako. Ano pa nga ba? Buti nga tinutulungan ako nito. Choosy pa ba ako?

Saka biglang napatingin sa akin ang mahinhin kong kapatid na hilaw.

“Bakit?” Astig na tanong dahilan para mapalunok itong bigla.

“Uhm, wala, wala.” Anito saka umiling-iling pa.

“’Di bale magkaka-uniform ka naman na next week. Tsaka siguro bibili na lang din tayo ng mga damit mo at-”

“Teka, teka… ‘Di ko kailangan ‘yan. Gastos lang ‘yan. Wala akong pera.” Walang ganang sabi ko.

“Libre ko-”

“Wala nang libre sa mundo.” Pambabasag trip ko.

Aba! Totoo namang wala nang libre sa mundo. Isa pa, ayoko ngang magpabili ng libre dito. Una, baka bugahan ako ng apoy ng ermat nito. Ikalawa, baka puro pink pa ang bilhin nito. At ikatlo, hindi kami close.

Wala nang nagawa pa si Maksin kung hindi ang mapabuntong hininga, lalo pa nang pinikit ko na lang ang mga mata ko para tapusin ang gusto niyang pag-usapan pa namin.

***

Halos mahulog ang mga mata ko nang makarating kami sa Ember University.

Ni sa hinagap, hindi ko akalaing makakatuntong ako rito.

Grabe! Ang astig!

Kaso kadarating ko palang ay amoy na amoy ko na ang pang-mayamang amoy ng mga tao rito. Napaismid na lang ako habang sinusundan ang hilaw kong kapatid. Buti na lang at wala pang masyadong tao.

“Ivan!”

Biglang sigaw nitong si Prinsesita sa tabi ko. Okay naman pala at marunong ding sumigaw ang isang ito. ‘Yong nga lang magpakamahinhin lang.

Napatingin naman ako sa kinakawayan nito. Gusto kong ngumiwi dahil sa lalaking papalapit sa amin. Literal naman kasing mahilig mag-aral ang isang ito. Paano ba’t pagkalaki-laki ng salamin nito sa mata. Mukhang bao pa ang buhok. Pero at least kahit papaano ay mas matangkad ito ng kaunti sa akin. Pero payat at mukhang lampa.

In short, matalino ang mokong pero pang-loser ang itsura.

May ganito rin naman palang tao dito sa Ember University? Akala ko kasi puro mga pa-cute lang ang mga nandito.

“Ivan, ito nga pala si Joey, kapatid ko. Joey, si Ivan. Siya ang magiging tutor mo.” Pakilala ni prinsesita.

“Wazap, bro.” Malamig na bati ko rito pero ang ending – napatanga na lamang ito sa harap ko.

Dyahe! May matutunan kaya ako rito?

Parang takot pa nga itong tumingin sa akin eh.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
3 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status