Kabanata 1
Siomai
***
POV: Joey Dimaapi
Ngarag.
‘Yan lang ang masasabi ko. Paano naman kasi matapos akong iwan ni Maksin sa lalaking ‘to na siyang kaklase ko raw. Samantalang ito naman ay sa kabilang section kaya naman heto at ito ngayon ang kasama ko.
Kaagad naman akong dinala nitong si Igan sa library. Tutal daw ay maaga pa naman at doon din ang tungo talaga nito. Ayos talaga itong si Idan, pinanindigan ang pagiging nerd.
Kaso dito talaga?
Sa library?!
Wala na bang iba?
Dyahe naman!
Pagpasok ko pa lang kanina halos mahilo na ako kasi hindi ko talaga feel ang napakaraming libro sa paligid ko. Kahit gustong-gusto kong mag-aral, hindi dito sa library na punong-puno ng mga libro ang trip ko.
Pero ano’ng magagawa ko? No choice eh! Itong si Iran mukhang dito talaga ang trip. Ni hindi man lang ako tinanong. Dyahe!
Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko saka ko tinitingan ang maputlang lalaking nasa harapan ko. Kung nakakamatay lang ang titig, baka kanina pa ito tumumba sa harap ko.
Paano naman halos nakakatuyo ng utak sa mga alien words na sinasabi nito?
Nakakaasar!
“And this one, you must know the formula first in order for you to answer the given problem… blah… blah… blah…”
“Hindi ka ba talaga titigil sa kaka-ingles mo? Pangatlong beses ko na ‘tong sinasabi sa’yo ah,” inis nang sita ko sa lalaki.
Wala na.
Paubos na ang pasensiya ko eh. Baka bigla na lang akong mag-super sayan dito nang ‘di oras.
Napatigil naman itong bigla at namula ang buong mukha. Halos sampung minuto pa lamang kasi kami rito ay kaagad na itong nagsimulang magpaliwanag nang mga salitang ni hindi ko naman maintindihan. Sinabihan ko na itong magpaliwanag sa Tagalog pero ang loko magsasalita lamang ng kaunting Tagalog tapos balik na naman sa pagsasalita ng Ingles.
“W-What?” Mahinang sabi nito saka tumingin sa akin na tila ba natatakot.
Inis kong hinilamos ang mga kamay ko sa mukha ko.
‘Konting pasensiya pa, Joey… Konti pa… Kaya mo ‘yan.’ Pabulong na ani ko sa isip ko na tila ba pinapalubag ang loob ko.
Pero hindi ko na talaga kaya pang hayaan na lang itong magpatuloy.
Kailangan naming magkaintindihan dito o baka bigla na lang sumabog ang utak ko sa mga pinagsasabi nito.
“What-what-in mo ang mukha mo. Kanina ko pa sinasabing hindi kita naiintindihan ‘di ba? Ano? Suntukan na lang?” Asar na asar na talaga ako pero sa lagay na ito – aba, mahinahon pa ako.
Puyat ako kagabi. Ilang oras lang ang tulog- hindi idlip lang pala ang nagawa ko. Maaga akong binulabog ni prinsesita. Hindi pa ako kumakain ng agahan. Tapos ito pa? Matutuyuan na talaga ako nito ng dugo.
“S-Suntukan?” Maang pa ring pag-uulit nito sa sinabi ko.
Akala ko ako lang ang lutang dito pero mukhang pati itong taong ‘to ay lutang din. Inis kong ginulo ang buhok ko saka ako napabuntong hiningang napasandal na lamang sa upuan ko.
“Alam mo, Itan-”
“It’s Ivan,” pagtatama nito.
Inis ko namang hinipan ang medyo mahaba ko nang bangs na tila sabik na sabik namang lumipad-lipad pa sa harap ng mukha ko.
“Wat-eber! Marunong ka ba talagang mag-tutor? O napipilitan ka lang na i-tutor ako. Kasi hindi ako nakikipagbiruan dito. Kailangan kong matuto at pumasa, okay? Hindi pwedeng ganito nang ganito kasi hindi ko talaga gets ang mga pinagsasabi mo,” diretsahang pang-re-real talk ko.
Medyo tumaas nga yata ang boses ko at nasita tuloy kami ng librarian. Kaagad namang humingi ng paumanhin si Igan na tila halos bumaon sa lupa sa pagkapahiya. At saka mabilis na nag-ayos ng mga gamit at bigla akong hinila sa kung saan.
Ano bang meron dito?
Kung makakaladkad naman.
“Teka Evan, saan-”
“How many times do I have to tell you? It’s Ivan. My name is Ivan, okay?” Tila nawawalan na rin ng pasensiyang anito pero dahil wala akong pakialam sa namumulang mukha nito sa galit ay inilahad ko lang ang kamay ko rito.
“Payn, payn, Ivan na kung Ivan. Huwag ka nang mag-Ingles, Ingles pa diyan. Joey Dimaapi,” pagpapakilala ko naman rito.
Tinitigan lamang nito ang nakalahad kong kamay kaya naman ako na mismo ang umabot sa kamay nito para sa handshake namin.
“Sana naman maturuan mo talaga ako. Wala nang ingles-an, okay? Baka bumaha ng dugo rito eh. Kailangan ko ng tulong mo kaya tara na at kumain na tayo. Hindi ako makakapag-isip nang tama kung walang laman ang tiyan ko. Gutom na ako,” mahaba at walang tigil na litanya ko saka hinila ito papunta sa canteen na saktong nakita ko paglabas namin ng library.
Wala na itong magagawa pa.
Baka kapag tumigil pa kami doon ng isang segundo ay mawala na ako sa huwisyo at paliparin ko na lamang ito sa planetang Mars nang ‘di oras.
Mabuti rin lang na hindi ito maingayat hinayaan na lang ako.
“Mauubos mo ba’ng lahat ‘yan?” Mukhang hindi na napigilan ni Ivan ang magtanong dahil sa dami ng pagkaing binili ko- este niya.
Dalawang order ng siomai rice na parang Japanese pa ang pagkakasabi ng tindera kanina. Kung siomai rice na lang ‘di hindi na ito nahirapan pa. Kunwari pang pang-mayaman eh. Dyahe!
Pero ang importante nilibre ako nitong si Ivan.
Kasi pinilit ko siyang ilibre ako.
Napangisi na lang ako. Wala akong dalang pera. Bente lang pala ang pera ko sa bulsa. At higit sa lahat hindi ko lubos maisip na ang isang order ng hotsilog at halos limang daan na ang presyo! At ang kape? Tatlong daan!
Jusmiyo, Marimar!
Kung mag-sideline na lang kaya ako rito. Baka instant yayamanin na ako.
Pero hindi pwede. Kailangang mag-aral. Baka itatwa na ako ng erpat ko kung hindi ako mag-aaral. Tsaka isa pa, gusto ko rin talagang mag-aral. Noong nabubuhay pa si Nanay, ito talaga ang gusto kong gawin noon pa.
At tutal gusto nilang dito ako mag-aral, hihingi na lang ako bukas ng baon ko kay erpat. ‘Di ako nakahingi kanina dahil sa tulog pa yata ito nang umalis kami ni Maksin.
Wala namang magawa si Ivan nang sabihin kong wala akong pera at ilibre muna niya ako. Bigyan ko ba naman siya kanina ng isang nakakatindig balahibong death glare. Mukhang hindi pa rin pala talaga kumukupas ang astig na tingin kong ‘yun. Epektib pa rito kay Ivan eh!
“Why is your last name ‘Dimaapi?’ Isn’t it supposed to be ‘Almazan’ now?” Tila kuryosong tanong nito kapagdaka.
Napaikot na lamang ang mga mata ko sabay ihip ng bangs ko. Ni hindi ko na pinansin ang kaunting pagkaing tumalsik sa harap ko at muntik nang umabot sa mukha nang nanlalaki ang mga matang si Ivan.
“Manners, please,” tila diring-diring anito.
Pero napangisi na lang ako.
“Buti nga sa’yo. Sige lang, mag-alien ka lang. Diyan ka masaya. Pero ‘pag ako napikon sa’yo, humanda ka,” nagbabanta kong sabi.
Kaagad naman itong napalunok.
“Uhm, why-”
Kaagad namang tumaas ang kilay ko rito. Mukhang hindi epektib ang banta ko pero sa death glare ko ay kaagad namang itong kumambyo.
“A-Ang ibig kong sabihin, bakit hindi ‘Almazan’ ang ginagamit mo katulad ni Maxine?” Kuryosong tanong nito ulit subalit nagkibit balikat lang ako saka linunok ang siomai rice na kinakain ko.
Mukhang kailangan ko talagang habaan ang pasensiya ko rito. Mukhang tsismoso rin ‘tong si Ivan eh. Dyahe!
Pero dahil nilibre niya ako, kaya sige na nga. Paborito ko pa namang ‘tong libre niya.
Isa pa, ito lang kasi ang pinakamababa ang presyo sa mga pagkaing nakita ko kanina. Aba! Kahit ganito ako hindi ko naman kayang manlamang ng tao ‘no!
“Ayoko lang,” simpleng sagot ko.
Pero ang loko, mukha yatang scientist na sobrang curious at hindi makaintindi ng mga maiikling sagot ko. Gusto laging may paliwanag.
“Pero bakit? Ang sabi ni Maxine ay tanggap ka naman ni Mr. Almazan, ‘di ba?” Dagdag pa nitong tanong na siyang mas lalong nagpakunot ng noo ko.
Para akong mawawalan ng gana sa mga pinagsasabi nito. Pero hindi ko naman maatim na hindi kainin ang siomai na paborito ko kaya naman tinigil ko muna ang pagkain at saka exaggerated na nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
Aba, baka magka-impatso pa ako dahil sa inis dahil sa lalaking ito. Parang reporter ng mga tabloids eh. Hindi mapakali nang walang nakukuhang scoop. Nakakaasar lang.
“Alam mo, pwede ka nang isali sa samahan ng mga marites sa kanto sa dami mong tanong. Akala ko ba matalino ka? Bakit ‘di ka marunong magbasa sa gitna ng linya?” Bored kong tanong saka ipinagpatuloy na ang paglamon ko.
Akala ko ay tapos na ito pero tila mas lalo lang yata itong mas naguluhan sa mga sinabi ko. Akmang kakainin ko na ang siomai nang muli itong nagsalita.
“Ano’ng magbasa sa gitna ng linya?” Maang na tanong nito na tila ba ito ang kanina pa nito iniisip.
Gusto kong sapuin ng malakas ang noo ko nang dahil sa ka-inosentehan ng pagtatanong nito pero kailangan ko ito. Hindi ko ‘to pwedeng i-knockout na lang ng suntok dahil sa pagkainis ko.
‘Habaan mo ang pasensiya mo, Joey,’ pagpapaalala pa ng utak ko. ‘Kailangan mo pa siya. Tutor na loser. Ay ewan! Ang hirap naman nitong kausap.’ Dagdag ko sa isipan ko.
“’Di mo pa ‘yun alam? ‘Yun ‘yung ‘reading the middle of the line.’ Ganon! ‘Sus ‘yon lang ‘di mo pa alam. Akala ko pa naman matalino ka.”
Bahagya namang nalaglag ang panga nito sa sinabi ko nang bigla ay parang may napagtanto.
“You mean, ‘read between the lines,’ Joey,” pagtatama nito.
Nagkibit balikat na lang ako saka tumango at sa wakas ay nakakain din ako ng paborito kong siomai.
“Parehas din ‘yon ‘no!” Puno pa ang bunganga kong saad kaya mas lalo naman itong napangiwi.
Ngunit bago pa ito makapagkomento ay bigla na lamang may humablot sa kwelyo ni Ivan at hinila ito patayo.
“Hoy, asungot! Ano itong nalaman-laman ko ha?!”
Isang lalaking tabachoy na halos lumabas na ang tiyan sa puting t-shirt na damit ang siya palang humila kay Ivan.
‘Sino naman ‘to at mukhang marites din ang loko,’ Kunot noong tanong nang isipan ko saka sumubo ng tatlong siomai nang hindi inaalis ang paningin sa eksenang nagaganap sa harap ko.
“Ano, ha?! Magsalita ka?! O gusto mong mabangasan na naman?!” Dagdag pang litanya ng tabachoy.
Kaagad namang nanlaki ang mata ko – hindi dahil sa gulat – kungdi dahil sa excitement.
‘’Yon oh! Away! Meron din palang ganito dito! Ayos!’ Sigaw ng isang parte ng isipan ko habang nag-e-enjoy pa akong panuorin sila.
‘Mukhang mas lalong sasarap ang pagkain ko ng siomai nito ah!’ Nakangising aniya ko pa sa isip.
Kabanata 2Away***POV: Joey DimaapiKitang-kita ko ang takot sa mukha ni Ivan habang naka-amba ang kamao nung tabachoy. Pero hindi naman ako kasali kaya wala akong pake. Isa pa, uubusin ko pa ‘tong siomai ko eh. Sayang nga at mukhang isang dosena na lang ‘tong natira.Masarap kasi kapag libre. Nagpadagdag na lang ako kanina kay Ivan. Mukhang big time naman din ito at hindi katulad ng mga scholar-scholar na kakilala ko.“Ano ha? Bakit ka kinausap ni Maxine kanina? Sagot!”Halos tumalsik pa ang laway nung tabachoy habang nagsaasalita. Pero si Ivan mukhang inis na dahil doon. Mukha naman kasing fan na fan ng kalinisan ang taong ito.“Why? Is it a sin to talk to her?” Pabalang na tanong ni Ivan.‘Her? Oh! Oo nga. Mukhang si prinsesita ang pinag-uusapan nila ah! Nabanggit ang pangalan eh. Ano kayang meron? Parang teleserye naman ang datingan ng dalawang ito.’Nginuya-nguya ko pa ang siomai saka iniisip kung tama ba ang pagkakaintindi ko. Pero talaga namang napahanga ako sa tibay ng loob
Kabanata 1Siomai***POV: Joey DimaapiNgarag.‘Yan lang ang masasabi ko. Paano naman kasi matapos akong iwan ni Maksin sa lalaking ‘to na siyang kaklase ko raw. Samantalang ito naman ay sa kabilang section kaya naman heto at ito ngayon ang kasama ko.Kaagad naman akong dinala nitong si Igan sa library. Tutal daw ay maaga pa naman at doon din ang tungo talaga nito. Ayos talaga itong si Idan, pinanindigan ang pagiging nerd.Kaso dito talaga?Sa library?!Wala na bang iba?Dyahe naman!Pagpasok ko pa lang kanina halos mahilo na ako kasi hindi ko talaga feel ang napakaraming libro sa paligid ko. Kahit gustong-gusto kong mag-aral, hindi dito sa library na punong-puno ng mga libro ang trip ko.Pero ano’ng magagawa ko? No choice eh! Itong si Iran mukhang dito talaga ang trip. Ni hindi man lang ako tinanong. Dyahe!Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko saka ko tinitingan ang maputlang lalaking nasa harapan ko. Kung nakakamatay lang ang titig, baka kanina pa ito tumumba sa harap ko.Paano n
SimulaPOV: Joey Dimaapi***Kulang na lang sumayad ang bunganga ko sa lupa nang makita ang bahay na tinutukoy ng tunay ko raw na ama.Si Guiller Almazan.Ipinasundo niya ako nito matapos ang libing ng ermat ko. Hindi ko alam mayaman pala ito. ‘Di kasi halata kanina dahil sa gurang nang itsura nito. Punong-puno ba naman ng makapal na bigote at balbas na halos lamunin na ang buong mukha nito.Lihim naman akong napabuntong hininga.Lalo nan ang may kaunting kirot ang dumaan sa dibdib ko. Kung alam ko lang baka lumapit na ako para maipagamot si Nanay.Napailing na lamang ako.Hindi bagay ang drama sa akin. Kaya move on lang.Tsaka ano pa nga bang magagawa ko? Eh, ganyan talaga ang buhay. Malungkot man pero wala na akong magagawa pa.Isa pa…“Why is she living here with us?” Dinig kong tanong ng asawa ng erpat ko.Halata sa boses nito ang pagkadisgusto sa naging desisyon ng asawa nito. Bakit naman hindi? Eh, anak ba naman ako sa ibang babae ng asawa nito. Ewan ko lang kung hindi ito magba