Share

3: Drama

Author: Lady Xquisite
last update Last Updated: 2025-08-13 09:20:27

Kabanata 3

Drama

***

POV: Joey Dimaapi

Halos gumapang na ako palabas ng classroom dahil sa sobrang hilo.

Paano ba naman kasi?

Parang prinito ang lahat ng cells sa utak ko dahil sa tindi ng mga guro dito sa Ember University.

Dyahe!

Ipinilig ko ang ulo ko habang sapo ito. Gusto ko na lang matulog. Marahan ko pang ipinilig ito para magising ang diwa ko. Para na kasing lutang.

“Are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Ivan sa akin.

Gusto kong barahin ito at sabihing, ‘Obvious ba?’

Pero wala akong lakas ngayon para makipag-Ingles-an sa kanya. Masyado nang fully loaded ang utak ko kaya tinaas ko na lang ang kamay ko sa harap ng mukha niya para patigilin siya sa kung ano pa man na gusto nitong sabihin.

Baka mas lalo lang akong mahilo sa mga pinagsasabi nito.

Subalit masyado yatang umandar ang pagka-tsismoso nito dahil hindi pa rin ako tinitigilan.

“You don’t seem fine. Maybe-”

“Tumahimik ka na. Wala ako sa mood kausapin ka lalo na kung Ingles-an din lang ang drama mo sa buhay.” Halos wala nang lakas na sabi ko rito.

Mukhang gumagana pa rin naman ang brain cells ni Ivan at napatango na lang.

Mabuti naman.

Kungdi baka magdilim ang paningin ko at suntukin na lang ito para tumahimik.

“Nasaan na ba si Prinsesita? Gusto ko nang umuwi,” bubulong-bulong na tanong ko saka inis na bumaling pa sa kaliwa at kanan.

Pagod ako at gutom na.

Grabe.

Nakakagutom talaga ang pag-aaral.

“If you are-”

Kaagad ko naman itong tiningnan ng tila laser beam – kaya napalunok na lamang ito.

“I mean… Kung si Maxine ang hinahanap mo baka may klase pa siya or meeting. Usually, five siya umuuwi. Tara na lang muna sa library habang hinihintay siya. I-t-text ko na lang siya na pumunta tayo doon.” Mabahang paliwanag ni Ivan.

Mukhang nagiging madaldal na ang isang ito sa harap ko.

Hindi ko alam kung magiging matutuwa ako o ano. Pero pinili ko na lang matuwa kaysa ma-bad trip.

Mabuti naman din kung ganoong naging madaldal na ito sa harap ko.

Ibig sabihin lang kasi noon ay mas naging komportable na ito. Mas maganda na iyong magtuturo sa akin ay madaldal kaysa mukhang maiihi na sa takot.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Kaso masyado yatang nasobrahan na nito ang pagiging feeling close.

‘Yaan na nga.

Diyan siya masaya.

“Ayoko sa library. Tara sa field.” Maikli kong saad saka nag-umpisa na akong maglakad papuna sa malawak na field sa Ember University.

Bahala na si Ivan kung susunod ito sa akin o hindi. Desisyon niya ‘yan. Malaki na siya.

Sa totoo lang mas gusto ko talaga ang nature trip. Mas nakakapag-aral ako ng maayos. Lalo na at hindi na gaanong mainit at maraming puno kung saan pwede akong humilata.

Aligaga namang sumunod si Ivan sa akin.

Mabilis kong binaba ang bag ko sa damo saka humiga na sa damuhan. Samantalang kunot noo naman akong tiningnan ni Ivan. Mariin ko na lang pinikit ang mga mata ko.

Pinaghalong inis, pagod, puyat, at gutom ang nararamdaman ko.

Para na akong mawawalan ng lakas nito. Dyahe!

Ilang minuto pa ay ni hindi ko man lang naramdaman si Ivan na umupo. Pero ramdam ko ang mabigat na pagtitig nito sa akin. Kadiri!

“Huwag mo akong titigan. Baka mahulog ka. Kadiri.” Komento ko saka humikab nang malakas.

Napangiwi naman si Ivan saka nagpakawala ng buntong hininga.

“Ganyan ka ba talaga? Ni hindi mo man lang inisip na marumi ‘yang hinihigaan mo? Paano kung makita kang ganyan ni Maxine? O nang ibang kaklase at schoolmates natin? Kapatid ka ba talaga ni Maxine? Ang sabi niya ay turuan kita. ‘Yun din ang gusto mo ‘di ba? Ang pumasa? Pero bakit dito? Bakit hindi sa library? Alam mo, kung gusto mong matuto, dapat ayusin mo ang sarili mo. Hindi dapat ganiyan ang asta mo-”

Napatiim bagang akong napamulat saka matalim na tumingin kay Ivan. Awtomatiko namang napatahimik ito. Pero sa lahat ng mga sinabi nito, parang tila may nagising na kirot sa puso ko.

Hindi ko alam pero parang sa sobrang tahimik nang lugar, parang tumagos tuloy ang mga salita niya sa akin.

Bwisit namang buhay ‘to.

Bakit ngayon ko pa naramdamang maging emo?

Pero hindi ko alam para sa sobrang pagod ko nitong mga nagdaang araw, akala ko nakahanap na ako ng katahimikan at kapayapaan, saka naman umandar ang pagiging pari nitong si Ivan – talagang ngayon pa ako sinermonan.

“Una sa lahat… Wala kang paki kung tae man ang mahigaan ko o kung ano. Ikalawa, ‘wag kang mag-alala, hindi ko ginustong maging kapatid si Maksin o ang maging Almazan pa ‘yan. Ikatlo, wala akong paki sa sasabihin ng ibang tao dahil hindi naman ako nabubuhay para sa kanila. Nabubuhay ako para sa sarili ko at para sa mga pangakong binitiwan ko sa nanay ko.” Pigil ang galit at inis na saad ko kay Ivan.

Ngayon ko pa lamang siya nakasama.

At aaminin ko…

Akala ko magiging swak kami.

Gumaan na ang pakiramdam ko sa kanya.

Lalo pa noong nilibre niya ako.

‘Ano’ng libre? Tinakot mo kaya…’ Bulong na komento ng isipan ko.

Pero kahit ano pa man iyon… Akala ko iba siya sa mga taong hindi kaagad-agad humuhusga ng iba. Pero akala ko lang pala ‘yun. Kapareho lang din siya ng iba.

“At panghuli, hindi kasi ako kagaya mo o nang ibang tao diyan. Hindi ako fan ng library. At lalong hindi ako kasing talino mo. Kaya pasensiya na kung mas pinili ko ang katahimikan dito para ipahinga kahit konti ang utak ko. Hindi ako genius, okay?” Inis na saad ko saka ako tumayo habang nakatingin lang sa akin si Ivan na tila punong-puno ng guilt sa katawan.

Lihim na lang akong napaismid.

Dyahe! Ayoko lang talaga ng drama sa buhay.

Pero ewan ko ba.

Parang drama naman ang palaging naghahanap sa akin.

Mabigat pa ang dibdib ko at nahihirapan akong makisabay sa agos ng buhay mayaman. Tapos ito pang dagdag pressure na ‘to sa pag-aaral ko.

Kaasar talagang buhay ‘to!

“J-Joey…” Pabulong na pagtawag sa akin ni Ivan nang humakbang na ako paalis pero hindi ko na lang siya nilingon.

Wala ako sa mood makipagplastikan – at lalong wala ako sa mood makipagtalo, lalo na at baka mas lalong mag-init ang ulo ko kung magsimula itong mag-Ingles sa harap ko.

Pero hindi pa man ako nakakalayo ay muntik na akong matumba dahil sa malaking katawang bigla na lang bumangga sa katawan ko.

Mabuti na lang at mabilis ang coordination ko. Kung hindi kawawa na naman ang pwet kong flat na nga ay mas lalo pang ma-f-flat.

Hihingi pa sana ako ng dispensa dahil baka kasalanan ko kasi ako naman talaga ang hindi tumitingin sa dinadaanan ko – kung ‘di ko lang narinig ang malakas na tawanan na sobrang pamilyar sa pandinig ko.

“Mabuti naman at nakita rin kita. Mukhang LQ kayo ng loser at nerd na Dela Fuente’ng ‘yon ah.” Natatawang pakli ng matabang at tila maitim na majinbu sa harap ko.

Mabuti na lang at medyo nahimasmasan na ako at nailabas ko ng kaunti ang inis ko kanina kay Ivan. Kung hindi baka ginawa ko nang si Piccolo ang lalaking nasa harap ko.

Ano na ulit ang pangalan nito?

Dino? Tunog dinosaur.

Dindo? Parang totoy sa kanto pero pwede na rin.

“Donald… Mukha yatang natatakot na ‘yan sa’yo.” Ekstra naman ng isa mga kasama nitong mukha namang kalansay.

Ah, ‘yun pala.

Donald’ pala ang pangalan nito.

Tama.

Mukha siyang si Donald Duck.

Patong-pato ang dating eh.

Quack nang quack.

Tsk! Napapailing na lang ako.

“Alam mo, Pato… Wala ako sa mood makipagsabayan ng dada sa ‘yo. Kaya umalis ka na lang sa daraanan ko, okay?” Saad ko habang nagpipigil ng inis.

Halos mahulog naman ang panga nito at ng mga kasamahan nito dahil sa sinabi ko.

Kung may cellphone lang ako, baka napicturan ko na ang mga ito – at baka mag-viral pa! Patawa ang mga itsura eh.

“A-Ano’ng… A-Ano’ng tinawag mo sa akin?” Namumula na ang mukhang tanong ni Pato sa akin.

Mali.

Dapat pala itik ang sinabi ko. Maitim kasi itong si Donald eh.

Napangiwi na lang ako saka iniling ang ulo ko.

Payn.

Ang korni ng inside joke ko.

“’Di pala bagay sa’yong maging pato. Itik na lang. Maputi kasi yung pato eh.” Walang emosyong saad ko saka na silang nilampasan.

Pero wala ramdam ko ang mabilis na paggalaw ni Donald mula sa likuran ko kasabay nang malakas at nag-aalalang pagtawag ni Ivan sa pangalan ko.

Kaagad akong humarap para saluhin ang kamao nitong handa nang tumama sa akin.

Pero sorry siya.

Mas mabilis akong kumilos sa kanya.

Mariin kong pinisil ang kamao nitong nasa palad ko dahilan para himiyaw naman ito sa sakit.

“Bwisit! Hawakan niyo!” Pagalit na utos ni Donald sa mga kasamahan nito.

Pero bago pa akong hawakan ng mga galamay nito, dinig ko na ang mahinhing boses ni Prinsesita mula sa malayo.

“Donald! What are you doing to her?!”

Mabilis pa sa alas kwatrong lumayo sa akin si Donald at mabilis na inayos ang uniform nitong wala naman nang iaayos pa.

Dyahe! Biglang nanlalim ang gitla sa noo ko.

Ano na namang drama ‘to?

Biglang tila nagkaroon ng halo sa ulo ng itik na ‘to ah.

Parang ‘yung sa mga anghel.

Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto.

Tengene! May gusto pa yata ito kay Prinsesita ah!

Iba talaga ang dating ng mukhang mamahaling manika!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Joey: Princess Charming 1   11: Special

    Kabanata 11Special***POV: Joey Dimaapi“Sa susunod, huwag mo na lang pansinin sina Rena…”Iyon kaagad ang entrada ni Ivan pagkapasok pa lamang nito sa sundo nitong sasakyan.Pers taym kong makasakay sa sasakyan nito dahil sasama ako sa kanya sa bahay nila.Kailangan na naming mag-double time sa pag-re-review dahil madami pa akong kailangang gawin at aralin.Iyon din ang desisyon ni Ivan lalo pa at hindi pwedeng sa may benches ulit kami dahil medyo marami-rami raw kaming aaralin. At kailangan namin ng ‘preferences’… o ‘prefixes’… Ah! Basta ‘yon! Mga libro dawn a kung ano-anong sinasabi nitong pamagat.Bahala siya diyan.Iniisip ko pa lang kasi napupuno na ang utak ko.Lalo pa itong pinagsasabi nitong bigla.Kunot noo ko siyang tiningnan. Kung may nag-pa-pop sigurong ulap sa ulo ko baka may malaking question mark na doon.“Sino’ng Reyna?” Balik-tanong ko naman dito habang umaandar ang sasakyan.Kunot noo naman niya akong tiningnan na tila hindi nito naintindihan ang sinabi ko.Mukhan

  • Joey: Princess Charming 1   10: Bago

    Kabanata 10Bago***POV: Joey DimaapiIlang araw ko nang laging kasama si Ivan. At masasabi kong nasanay na rin ako sa presensiya niya.Aba, ang loko mukhang sanay na rin. Madalas nga ay pinapagalitan na rin ako nito.Mukhang feeling astig na rin ito kung makabatok sa akin minsan.Mabuti naman at hindi na kami masyadong pinag-t-trip-an nung Donald Itik na ‘yon.Siguro ay kinausap ni Prinsesita. Minsan kasi nakita ko silang magkasama sa canteen. Mukhang batang pinagalitan ng nanay ang itsura niya.Pero noong nakita ako, para namang mangangain ng buhay.‘Yaan na nga. Bahala na sila sa buhay nila. Basta ako masaya ako kasi kahit papaano ay naiintindihan ko na ang iba sa mga lessons sa klase. Iba’ng klase talaga si Ivan. Pero mas ibang klase ako.‘Faster to learn’ yata ‘to.Napakamot ako ng ulo nang maisip na parang may mali sa sinabi ko. ‘Yaan na nga. Same-same naman ang ibig sabihin nun.Pagpasok ko pa lang sa classroom, marami nang parang mga bubuyog na nagkukumpol-kumpulan sa harapan

  • Joey: Princess Charming 1   9: Mata

    Kabanata 9Mata***POV: Joey DimaapiIsang pilit na ngiti ang pinakawalan ko saka ako malalim na bumuntong hininga nang sa wakas ay nasa loob na ako ng library ng mga Dela Fuente.Mabait sina Tita Via at Tito Ian – ang mga magulang ni Ivan.Sinabihan pa nga akong ‘yun na lang ang itawag ko sa kanila.Napaupo na lang ako sa isang swivel chair habang nag-re-recharge ng energy ko. Halos hindi ko masabayan si Tita Via sa kakulitan nito. Pero sa magandang paraan naman. Mukhang na-mi-miss naman nito ang unica hija nitong nag-aaral daw sa ibang bansa.Unang beses kong nalaman na may kapatid pala itong si Ivan.Sabagay, hindi naman kasi ito palakwento.Isa pa, hindi naman ako ganoong kachismosa.Kung ayaw nitong magkwento sa buhay nito, wala akong pakialam. Isa pa, ayoko rin naman ng kadramahan sa buhay kaya hindi rin ako nagtatanong pa.Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.Naiwan pa si Ivan kasama ng Mommy at Daddy nito sa baba dahil may mga kung anong bilin pa ang mga ito.Hindi

  • Joey: Princess Charming 1   8: Magulang

    Kabanata 8Magulang***POV: Joey DimaapiMabilis na lumipas ang isang buong linggo at halos mangarag na ako ng bongga dahil sa sobrang pagkapuno ng utak ko ng mga lessons.Dyahe!Paano naman?Bukod sa klase ko sa Ember University ay may tutorial sessions pa ako kasama si Ivan.Oh, ‘di ba?Para naman akong genius nito.Hindi na natuloy ang pagpunta ko sa bahay nila Ivan dahil na din sa mga pinagsasabi ko rito.Hindi ko naman mapigilang mapangisi nang maalala ang pagkakasabi nito ng ‘assumera.’ Nakaka-laugh trip pa rin talaga.Pero nitong umaga lang, nakatanggap ako ng text rito na hindi ito makakaalis ng bahay dahil nandoon ang parents nito at hindi siya pinayagang umalis ng bahay.Dyahe naman!Ano siya?Grade schooler?***To: IvanAq n G jan.***Hindi kasi pwedeng wala akong gagawin ngayon.Mukhang may meeting si Prinsesita at ayaw kong maiwan sa malaking mansiyon na ‘yun dahil balita ko sa mga katulong ay hindi aalis ng mansiyon si Aling Mariebeth.Ayaw kong mapagbuntunan na naman

  • Joey: Princess Charming 1   7: Gusto

    Kabanata 7Gusto***POV: Joey Dimaapi“Ba-o?” Mahina at mabagal na pag-uulit ni Ivan sa sinabi ko.Napatango-tango naman ako habang hawak-hawak ko ang tiyan ko dahil sa sobrang kakatawa.“You mean… A coconut shell?” Pag-i-ingles na naman ni Ivan.Pero wala akong pake.Eh sa natatawa ako eh.Bentang-benta kasi sa akin ang inside joke ko.Grabe! Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling natawa ng ganito.Sobrang laugh trip kasi talaga ‘tong si Ivan.Napatango na lang ako saka napailing naman ito.“You are crazy, Joey. Why would you compare me to a coconut shell?” Tila inosenteng tanong nito sa akin.Pero nanginginig na naman ang balikat ko sa nagbabadyang pagtawa.Kaya tinuro ko na lang ang buhok nitong parang bao ang gupit.Dyahe!May hati pa sa gitna. At bagsak na bagsak pa!Mas may taste pa sa gupit sina Jose Rizal kaysa rito kay Ivan.Napahawak naman si Ivan sa buhok nito saka namula.“Stop talking to me like that. I didn’t know that you are really a bully.” Biglang paanas na sa

  • Joey: Princess Charming 1   6: Assumera

    Kabanata 6Assumera***POV: Joey DimaapiMatalim ang mga matang nakatingin pa rin si Ivan sa akin dahil sa namumula nitong pisngi.Masyado kasing maputi ang mokong kaya bumakat ng kaunti sa mukha nito ang umigkas na kamay ko kanina.‘Di ko naman sinasadya.Nagulat lang.Pero hindi ko kasi akalain na sa payat niyang ‘yan ay mabigat pala ang mokong. Idagdag pa na nadulas pa ito. Dyahe! Kalampahan nga naman.Nasampal niya tuloy ito nang ‘di oras.Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang biglang nag-flashback sa isipan ko ang pagkakalapit ng mga mukha namin kanina.Awtomatiko naman ipinilig ko ang ulo at pilit na iwinaksi ang biglang rumehistro sa isipan ko.Kadiri!Bakit ko ba naisip ‘yon?Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga saka tumitig sa notebook na nasa harap ko.Dyahe! Hindi nakakaastig ‘to!Para akong nalulula sa mga numerong nakasulat.Pwede bang 1 + 1 na lang?Bakit ba kailangan pa ng mga letters?Buti sana kung babasahin lang.Kailangan pang hanapin ang valu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status