Kabanata 4Iwas***POV: Joey DimaapiMabuti na lang at dumating si Prinsesita kanina.Bukod sa hindi ako napaaway – nagising pa ako sa katotohanang kailangan ko pa talagang habaan ang pasensiya ko. Dahil kung sakali man at napaaway ako, para sa mga taong kalaban ko at kinaaasaran ko, walang mawawala sa kanila. Maski mukha nung itik na ‘yon, walang masisira kasi matagal nang sira.Pero sa akin, malaki ang mawawala.Pwede akong itakwil ng erpat ko.Tiyak na magsasaya naman si Aling Mariebeth.Pwede rin akong ma-kick out sa school.Ano na lang ang mukhang ihaharap ko kay ermat pagkabisita ko sa kanya sa sementeryo?At ano na lang ang mangyayari sa akin?Dyahe!Bwisit kasing Donald na itik ‘yun!Isa pang inaaalala ko ay si Ivan.Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang nangyari kanina.Napakadyahe naman talaga!*** Flashback…“What do you think you’re doing, Donald? Are you bullying someone again?” Pag-i-ingles ni Prinsesita.Halatang galit ito dahil sa mga salita nito pero parang hindi rin n
Huling Na-update : 2025-08-13 Magbasa pa