Share

 June (Gugma Series)
June (Gugma Series)
Author: J U A N

Prologue

Prologue

"Bye, Professor! See you!

Stepping out of the faculty building, I was greeted by a sudden burst of wind that tousled my hair and made me feel alive. With the day's academic duties behind me, I couldn't wait to head home and unwind. Joining the throngs of students making their way out of the building, bigla akong nasabik para sa darating na gabi. 

"Sir, dating gawi?" A colleague made a drinking gesture with his hands.

"Pass muna, Sir. May importante po akong lakad ngayon," napakamot ako sa baba ko. Every Friday, they always invite me to join them for a drink. It relieves our stress and is extremely beneficial to us. We usually rent a resort cabana and drink until we pass out.

"Sige, Sir. Pag-amping sa imong pagmaneho. Sa Resort lang kami, baka lang gusto mong sumunod kapag hindi natuloy ang lakad mo," pabiro pa siyang sumaludo sa akin bago sila humiwalay patungong University quadrangle. Ako naman ay naglakad papunta sa reserved parking space kung nasaan naka-park ang aking Lexus car.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko nang biglang may tumawag sa akin.

"Prof. Hugh! Wait lang po!" A senior student is sprinting towards me, clutching a card in her left hand.

Isinarado ko ang pinto ng kotse ko, sumandal roon, at hinintay siyang makarating. "What is it?"

She was panting heavily and gasping for air when she came to a halt in front of me. She blushed as she handed me the card. She smiled cutely at me. "For you, po! Thank you for granting us a two-day extension for our written report." She smiled again and stormed away.

Sisigaw pa sana ako na magdahan-dahan sa pagtakbo ngunit nakalayo na siya. Napailing ako. Cards, chocolates, cakes, and FLOWERS, lagi ko iyang natatanggap sa mga estudyante ko ngunit tanging ang card lamang ang maaari kong iuwi. Kapag may chocolates, cakes, and flowers ay hindi ko tinatanggap. I could hear them saying I'm so strict, but they still gave me gifts, so I'm confused.

Ibinulsa ko sa pocket ng blazer ang card at sumakay pagkatapos ay pinaandar ang kotse ko palayo sa University of San Carlos. Then, while stirring the wheel, I called my long-time girlfriend Julia.

"Asa ka karon?" (Where are you?)

"I'm at work; I'm sorry, but I think I'll be late." I heard her suppressed breathing. "I'll be late; please do not wait for me; I'm going up the stairs. Nasira ang lift ng hotel."

Julia is a corporate assistant at a five-star hotel here in Cebu. Habang abala siya sa pagtatrabaho ay ganoon din ako, but we make it a point to make time for each other. Minsan ay sinisigawan niya ako kapag may mga oras na hindi ako nakakarating sa oras at araw ng usapan ngunit naiintindihan ko naman iyon. Ako lagi ang nagkukulang ngunit alam kong napupunan ko naman.

I smiled wickedly, knowing that I had plenty of time to prepare for my marriage proposal. It's our fifth anniversary today, and it's time to ask for her hands. Ilang beses na rin siyang nagpaparinig kaya alam kong handa na rin siyang lumagay sa tahimik at bumuo ng pamilya kasama ako.

I went to a balloon shop and bought various types of balloons as well as gold letter balloons that said "Marry Me, Julia." Bumili rin ako ng 1000 red roses na pinaplano kong ilalagay sa buong unit niya at sa gitna ay ang malaking puso na gawa sa pulang rosas. And lastly, I went to a bakery.

"Sir Hugh, it's good to see you again." Mariel beams brightly. She knows how to deal with her clients. "May newly-discovered po kaming cake, bigyan po kita ng free taste," she says as she places a glass of cold pineapple juice on a table that had been reserved.

"Mmm," I said, making a delicious sound. "It tastes good; Julia will definitely enjoy it. She loves strawberries."

Ibinalot niya ang macapuno with a twist cake na sinamahan niya ng 5th anniversary stand greetings. I thanked her and excitedly made my way to her condo unit.

Karga ko sa magkabilang-kamay ang cake at ang malaking plastic kung nasaan ang mga unblowed balloons at nasa likod ko naman ang mga rosas.

I'm already nervous while on the lift. Sino ba naman ang hindi kakabahan kapag nagpropose?

"Julia," I said, clearing my throat. "I can't wait to spend the rest of my life with you. I love you so much, and you should know that you are the only girl I will ever love. I don't know what the future holds, but I will always hold your hand. Will you marry me?"

Damn! Is it overacted?

Tumikhim ulit ako. Magpa-practice pa sana ako ngunit bumukas na ang lift hudyat para lumabas ako sa 20th floor. Naglakad ako sa pinakadulong bahagi kung saan naroon ang unit ni Julia at nahirapan pa akong kunin sa bulsa ang swipe card niya. It took me a minute to take it out of my pants. Pinagpawisan pa ako dahil ang init sa hallway.

Matapos kong i-swipe ang card ay maluwag ang ngiti kong binuksan ang pinto. Sumisipol-sipol pa ako dahil excited na ako sa gagawin ko. Una kong ibinaba ang cake sa centre table at isinunod ko ang bag ng balloons at huli ang nasa likod kong mga rosas. Kinapa ko ang kahita ng singsing sa bulsa ko para i-check kung naroon iyon. Napangiti akong muli.

Binuksan ko ang ilaw dahil tanging ilaw lang ng liwanag ng buwan ang tumatanglaw sa loob. Nakahawi ang kalahating parte ng kurtina sa balcony, which is very unusual of her. Palagi niyang isinasarado ang lahat ng kurtina tuwing umaalis siya.

Umiling ako. Makakalimutin na rin si Julia. Humakbang ako palapit roon ngunit natigilan ako nang may matisod akong isang bagay. Pinulot ko iyon at itinaas para maaninag ko.

Ang panty ni Julia! Napangiti ako. Minsan ay makalat iyon lalo na kapag marami siyang ginagawa sa hotel.

Naglakad akong muli.

Ngunit may natapakan ulit ako, inangat ko iyon.

Boxers? 

Itinabi ko iyon dahil minsan ay nagboboxers din siya, comfortable raw kasi iyon sa pakiramdam.

Lumakad na ulit ako para isarado ang sliding door at hahawiin ko na sana ang kalahating parte ng kurtina para maibukas iyon ng buo ngunit natigilan ako.

Maraming beses akong umiling dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Parang dinudurog ng pinung-pino ang puso ko. Lalake ako ngunit nag-init ang magkabilang-sulok ng mga mata ko.

Ang babaeng mahal ko! May nakaibabaw sa kanyang ibang lalake! Nakita ko sa kanila na sarap na sarap sila sa kanilang ginagawa. Hindi rinig dito sa loob ang ungol nila dahil nakasarado ang sliding door.

"Fuck you!" malakas kong sigaw sabay buong lakas na sinuntok ang glass door. Sinuntok ko iyon ng sunud-sunod. "Fuck you! Fuck you! Mga manloloko! Mga hayop!" Wala akong pakialam kung masakit na ang kamay ko kakasuntok at basag na rin ang parteng iyon ng salamin.

"Hugh!" Sabay nilang sabi, gulat na gulat! Agad silang naghiwalay at kitang-kita ko rin ang paghihiwalay ng kanilang mga kaselanan.

Ang sakit-sakit at hindi ko maipaliwanag ang kirot na nararamdaman ko sa loob. Hindi ako makapagsalita habang tinitingnan sa harapan ko ang babaeng mahal ko at ang paborito kong estudyante. Maraming beses akong umiling, tulala, at hindi makapagsalita.

"K-kailan niyo pa ako niloloko?!" sigaw ko na halos lumabas ang litid ko.

Binuksan ko ang sliding door.

Umiiyak si Julia, at hindi naman malaman ni Gerald ang gagawin niya. Mabilis ko siyang nilapitan at inundayan ng maraming suntok. Malakas na dumapo ang kamao ko na may kaunting bubog sa pagmumukha niya. Galit na galit ako at gigil na gigil ako habang sinusuntok siya sa mukha.

"Hugh, stop it! Stop it! Mapapatay mo siya!" Hinawakan ni Julia ang kamay ko ngunit itinulak ko siya at inundayan ulit ng suntok sa tiyan ang estudyante kong hindi lumalaban.

"Sir! Parang awa mo na po! Mahal ko si Julia! Nagmamahalan kami!" pagmamakaawa niya habang sinasalag ng kamay niya ang suntok na pinapakawalan ko.

Muli akong niyakap sa likod ni Julia para patigilin ako sa galit ko sa kanila.

"Tigilan mo si Gerald, I love him! I love him!" sigaw niya, umiiyak na nang malakas.

Napatigil ako sa narinig ko. Parang paulit-ulit niyang tinapakan ang pagkalalake ko. Walang patid ang pagtulo ng mga luha ko. "You love him? How about me?" Siya naman ang hinarap ko at malakas siyang hinawakan sa magkabilang-braso. Niyuyugyog ko siya, habang umiiyak siya. "How about me, Julia? Limang taon, Julia! Limang taon kitang nilagay sa pedestal. I promise myself that I will behave and respect you, pero anong ginagawa niyo ng gagong 'to? Ano?!" malakas kong sigaw.

"I'm sorry, Hugh. I'm sorry. Hindi ko napigilan ang sarili kong mahulog sa kanya. Siya lang ang palaging kadamay ko kapag wala ka." She was crying, but the way she cried hurt me. She's crying for someone else, not for me. "Please spare us, m-mag.. mag.. magkakaanak na kami," pahina ng pahina niyang sabi.

Hindi ako makapaniwala! Umiling ako at tumawa ng pagak.

"Putangina ninyong dalawa! Mga gago!" Humaging ang suntok ko sa mukha niya kaya napaatras siya. Mabilis siyang sinaklolohan ni Gerald at itinago niya sa likod niya ang babaeng mahal na mahal ko. "Putangina!" 

Umiyak ako ng umiyak sa harapan nila. "Bakit Julia? Saan ako nagkulang? Nirespeto kita, iginalang kita, at halos sambahin kita... Pero bakit ganito? Anong nagawa kong mali sa 'yo para ganituhin mo ako?"

Umiling siya. "Wala, ako ang may mali. Nahulog ako kay Gerald."

Parang pinupunit ng paulit-ulit at pinagpira-piraso ang puso ko.

Lumuhod ako. "I can be the father of your child, Julia. Please... Please... Please, patatawarin kita. Kalilimutan ko ang lahat ng ito. Maawa ka sa 'kin. Mahal na mahal kita, mahal ko."

Kasabay ng pagsalikop ng dalawang kamay ko para magmakaawa sa kanya ay ang malakas na kidlat at sinamahan agad ng malakas na buhos ng ulan.

"I'm sorry, Hugh, but I will choose Gerald over you. You know what is your fault. You don't have enough time for me at si Gerald ang nakakapagpuno niyon. I'm really sorry."

Iginiya siya ni Gerald sa loob dahil humahaging na sa puwesto namin ang malakas na ulan.

"No! Ako ang piliin mo, Julia! Ako ang mahal mo!" sigaw ko.

Hindi sila nakinig umalis sila. Iniwan nila akong luhaan.

Ang sakit-sakit! 

At kasabay ng muling pagkidlat ng nagagalit na langit at ang napakalakas na buhos ng ulan ay ang pagdaloy ng likido sa gitna ng hita ko.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status