HINDI na mabilang ni Taphney kung ilang beses na siyang may narinig na may kumatok sa kanyang pinto ngunit patuloy niya lang itong hinahayaan. Hindi siya tumatayo para pagbuksan iyon at hindi rin siya sumasagot sa tuwing tinatawag ang pangalan niya. Naiinis siya at wala siya sa mood para makipag-usap sa kahit na sino ngayon.Nalipat muli ang mga mata ng dalaga nang makarinig na naman siya ng pagkatok mula sa kanyang pintuan. Kumunot ang kanyang noo nang mapansin na para bang pinihit ang doorknob niya mula sa labas at makitang unti-unti ngang bumubukas ang pinto. Sa pag-aakalang ang mayordoma lamang iyon ay mabilis siyang nagtalukbong ng kumot bago tumalikod.“Wala po akong ganang kumain, Manang Martha. Bababa nalang po ako pag nagutom-”“It’s me... Taphney...”Pakiramdam ng dalaga ay biglang may kung anong kumiliti sa puso niya nang mahimigan ang boses na iyon. Hindi siya magkakamali pagdating sa pagtukoy kung kanino ang boses na narinig. Iyon lang naman kasi ang lalaking daig pa ang
NANG makarinig ng pagbagsak ng pintuan si Taphney ay dali-dali siyang naglakad patungo sa pinto ng banyong kinaroroonan niya at nilapat ang tenga roon. Sinisigurado niya kung wala na ba talaga si Ashton sa loob ng kwarto. Pinalipas na muna niya ang limang minuto at dahan-dahan nang pinihit ang seradura ng pinto. “Wala naman na siguro ang damuhong pinsan ni Lucifer na iyon-” “And who is the person you are pertaining with those words?” Literal na nanlaki ang mga mata ng dalaga nang sa paglingon niya ay bumungad sa kanyang paningin ang binatang si Ashton na prenteng nakaupo sa gilid ng kanyang malaking kama. Agad na kumunot ang kanyang noo at hindi makapaniwalang tinitigan ito. “A-akala ko... akala ko umalis kana?!” hindi na niya napansin na medyo napalakas na pala ang boses ng pagkakatanong niya. Isang pilyong ngiti ang agad na rumehistro sa mga labi ng binata. Taphney can’t believe this man! Buong akala niya kasi ay nilisan na nito ang kwarto noong narinig niya ang pagbagsak ng pin
LAST night was a totally blast, iyon ang mga salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Taphney nang magising siya at ngayon ay masasabi na niyang nasa tamang pag-iisip na siya. Hindi niya pinagsisisihan ang mainit na tagpong nangyari sa kanila ni Ashton kagabi ngunit nandoon pa rin ang kahihiyan hindi lamang para sa sarili kung hindi para na rin sa binata. She let him tasted and touched her eventhough they don’t have a relationship. Naisip niya tuloy, is this still part of the contract?Halos kalahating oras na siyang gising ngunit hindi pa rin bumabangon sa kanyang higaan. Wala na ang binata nang imulat niya ang kanyang mga mata. Mas maigi na rin iyon para naman hindi maging awkward ang pakikitungo niya rito. Hindi niya pa alam kung paano titingnan o kakausapin si Ashton matapos ang nangyari kagabi.Nang makuntento sa tagal na pakikipagtitigan ni Taphney sa kisame ng kanyang kwarto ay dali-dali na siyang nagtungo sa banyo na nandito lang din sa kwartong inuukupahan niya. Bukod k
“TAPHNEY! Taphney! I am fucking talking to you and you don’t have any damn rights to turn your back at me when I’m fucking talking!” malakas na sigaw ni Ashton habang sinusundan ang dalagang hanggang ngayon ay nakalagay pa rin ang dalawang kamay sa kanyang tenga. Mainit ang ulo ng binata dahil bukod sa halos magdikit na ang mga kilay nito ay kapansin-pansin rin ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Kahit naririnig ni Taphney ang sunod-sunod na pagtawag ng binata sa kanyang pangalan ay hindi siya lumilingon. Hindi niya ito pinapansin at lalong hindi siya tumitigil sa paglalakad para lamang makalayo kay Ashton. Ayaw niyang makita siya ng binata sa ganoong estado. Nahihiya siya. Dahil kahit hindi man siya manalamin ngayon ay alam niyang mugtong-mugto na ang kanyang mga mata. Punong-puno ng mga luha at namumula. “Sir Ashton nakabalik na po pala kayo-”“Move! Stop blocking the way, stupid.”Hindi malaman ni Taphney kung hihinto ba siya saglit para hilain si Alex nang makaiwas ito sa kasam
“WHY are you suddenly here, mom? Is there any problem?” Agad na nalipat ang mga mata ni Taphney kay Ashton nang marinig ang tanong nito sa ina. Naghahapunan sila ngayong tatlo at kahit pilitin niyang hindi mailang ay hindi niya maiwasan. Lalo na at napapakiramdaman niyang maya’t maya ay nililingon siya ng ginang. “Aren’t you glad that I’m here, Ashton? Hindi na nga ako nakapunta sa mismong araw ng birthday mo tapos parang ayaw mo pang makita ako ngayon. You are really hurting my feelings real bad, son. I’m hurt,” saad naman ng ina ng binata na animo’y nagtatampo ngunit may matamis pa ring ngiti sa mga labi. Agad siyang ngumiti nang tipid nang magkasalubong ang mga paningin nila. “I know that you have another business that is why you are here, mom. Don’t try to deceive me.” Pabirong sagot naman ni Ashton at nagpatuloy na kumain. Tahimik lang na nakikinig si Taphney sa usapan ng mag-ina. Wala naman kasi siyang alam sa mga pinagkekwentuhan ng mga ito. Puro lang naman kasi negosyo ang
HINDI pa man nailalapag ni Alex ang mga pagkaing niluto niya para sa dalagang si Taphney ay mabilis nang napabalikwas sa kanyang kinauupuan ang huli nang makarinig ng pag-doorbell ng kung sinuman galing sa main gate. Wala na ang mayordoma at tanging silang dalawa na lamang ang natira sa kusina.Makikita ang matinding pagtataka sa mukha ng kasambahay na hindi nalang papansinin ng dalaga. Marahil ay naguguluhan kung bakit ganoon nalang siya umakto sa simpleng pagkarinig lamang ng doorbell."Ako na po Miss Taphney-""H-hindi na, Alex. Ako na. Mabilis lang 'to." Agap niyang saad at hindi na hinintay pang makapagsalita ang isa. Mabilis na luminga linga sa paligid si Taphney. Hindi siya sigurado ngunit malakas ang kutob niya sa kung sino ang taong nagdoorbell kani-kanina lang. Nabanggit na siya ni Manang Martha ngunit kahit ganoon ay lihim pa ring nagdadasal si Taphney na sana ay hindi iyon ang taong madadatnan niya sa pagbukas niya ng malaking gate ng mansyon. Pakiramdam ng dalaga ay par
"WHAT the fuck are you thinking? Akala mo ba ay hindi ko malalaman?! You fucking flirting with your ex right in the front of my damn house in the middle of broad daylight. Anong katangahan 'to ha Taphney?!"Nanatiling hindi umiimik si Taphney habang hila-hila siya ni Ashton paakyat sa ikalawang palapag ng mansyon. Lahat ng tauhan ng binata ay hindi rin gumagawa ng anumang ingay o nagsasalita kahit na harap-harapan na nilang nakikita kung paanong marahas siyang hilahin ng huli. Napalingon siya sa kanyang braso na mahigpit pa ring hinahawakan ni Ashton habang patuloy siyang kinakaladkad. Napansin niya ang pamumula noon. Ngunit alam niya sa sarili niyang hindi ang pisikal na sakit ang nagdudulot ng kakaibang pagkadurog ng puso niya. Kayang-kaya niyang gamutin at pagalingin ang anumang sugat o pasa na maaari niyang tamuhin kung sakaling pagbuhatan man siya ng kamay ni Ashton ngunit hindi ang mga salitang nanggagaling rito. Iyong mga salitang tumatagos ang sakit at kirot sa dibdib niya.
"MISS Taphney, kumain na po kayo. Hindi po kayo kumain kagabi-""Hindi ako nagugutom, Alex. Okay lang ako." Agap na sabat ni Taphney sa mga sinasabi ng kasambahay na si Alex at tipid na ngumiti. Pinagmasdan ng dalaga ang kwartong kinaroroonan niya. Sa totoo lang ay buryong-buryo na siya. Wala siyang ibang nakikita kung hindi ang kisame at dingding lang ng kwartong tinutuluyan niya ngayon. Wala din siyang ibang ginagawa kung hindi mag-isip nang mag-isip na para bang kaunti na lamang ay sasabog na ang utak niya kakaisip sa kung paano niya ba malalagpasan ang kamalasang nangyayari sa buhay niya ngayon."Pero hindi din po kayo kumain kaninang umaga. Magiging tatlong beses na po kayong hindi kumakain kung pati ngayong tanghalian ay hindi kayo kakain. Masama po magpalipas ng gutom-""Okay lang ako Alex. Hindi pa naman ako mamamatay kung hindi ulit ako kakain ngayon. Hayaan mo at kakain ako mamaya, iwan mo nalang dyan." Marahas na bumuntong hininga ang dalaga habang dahan-dahan na bumaban