Share

CHAPTER 3

Umalis na sya at ako lang naiwan dito mag-isa. Napabuntong hininga na lamang ako at sinimulan nang hugasan itong mga plato sa lababo.

Pagkatapos kong mag hugas ay umupo muna ako para makapag pahinga saglit. Kinuha ko yong cellphone ko sa bulsa at tinignan kung anong ganap sa messenger. Bigla nalang nag pop up itong group chat namin sa messenger.

Kahit ilang taon na ang lumipas ay buhay na buhay parin itong group chat namin nong highschool.

Hula ko ako ulit ang pinag-uusapan nila. Eh, sikat ako sa group chat namin, number one topic yata ako dito at pati nga teacher namin nakiki-chika din. Hanep diba?

From Ann: Paturo ka kay Nicole kong pano mang-akit ng mayaman na guy.

From Dana: Oo nga, napaka galing non! Hahaha

From Erica: Excuse me, ayokong maging malandi kagaya nya eww!

From Jak: Oyy mga baliw nababasa ni Nicole yong convo natin baka nalimutan nyo

From Dana: Ano naman ngayon? May pake ba kami?

From Jaika: Di talaga kayo nagbabago ano, may mga asawa na nga tayo tapos puro parin kayo chismis

From Ann: Oh, ayan pala sya eh. Kita nyo naka seen lang. Nicole mag salita ka naman dyan, i-kamusta mo kami sa pogi mong asawa

From Jak: Ang sabihin mo Dana inggit ka lang kay Nicole kase di napasayo si Elthon

Marami pa silang mga sinasabi sakin pero di ko sila ni-reply-an.

Ewan ko, hindi ko alam kung anong ginawa o nagawa kong masama sakanila. Lahat nalang kase ng taong nasa paligid ko ay galit o di kaya ayaw sakin. Mabait naman ako sakanila pero iba parin ang pakikitungo nila pagdating sakin?

Lahat ng mga kaklase ko ay ayaw sakin. Pagpasok ko palang sa school namin non ay sari-saring usapan na ang naririnig ko tungkol sakin, kung ano-ano na lang ang sasabihin nila tungkol sakin.

Sinasabihan akong malandi, haliparot, mang-aagaw o di kaya hampas lupa. Inaamin ko, galing ako sa mahirap na pamilya... Totoo yon kaya hindi ako magagalit o mahihiya pero ang sabihan akong malandi? Magagalit talaga ako kase hindi naman totoo.

Nagsimula silang pag usap-usapan at pagkatuwaan ako nong nagiging malapit ako kay Elthon noon, mas lalo pa silang nainis nong naging kami na talaga ni Elthon.

Tsk! Malandi daw eh, si Elthon kaya unang lumandi sakin! Saka si Elthon ang unang nagka gusto sakin hindi ako at mas lalong sya ang nanligaw sakin noon hindi ako no saka di naman ako papansin kagaya nong mga nagkakagusto kay Elthon. Tama nga yong sinabi ng isa kong kaklase na naiingit lang siguro sila sakin.

Kase nga si Elthon heartthrob yan nong highschool pa kami, halos lahat ng babae sa school may gusto sakanya at pinapangarap na maging girlfriend nya.

Aakalin ba naman nila na ako pala makakatuluyan ni Elthon eh, ika nga nila mahirap lang daw ako kaya pano ako mapapansin at magugustuhan ng lalaki na kagaya ni Elthon.

Kahit parang impyerno yong buhay ko don sa skwelahan araw-araw pero nakakamis pa din naman.

Nag scroll ako don sa messenger at pansin ko na ang dami na namang tao ang nag chat sakin. Halos lahat ay kaklase ko o di kaya schoolmate, saka mga taong nakakakilala sakin nong highschool at college. Basta mga haters ko silang lahat, wala naman akong naging kaibigan nong highschool at college ako. Tanging si Elthon lang ang tanging nakakasabay kong kumain non sa cafeteria, hindi ko lang boyfriend si Elthon, sya din ang tinuturing kong tanging kaibigan noon.

Binuksan ko yong f******k ko at andaming notification, mga comment na naman to at mga react sa post, profile at cover photo ko. Pagtingin ko sa timeline ay halos lahat ng react ay angry at mga comment puro lang panlalait. Yong profile at cover photo ko kase ay magkasama kami ni Elthon, nakayakap ito sa likuran ko at nakangiti kaming dalawa.

Minsan talaga sinasadya kong mag post ng mga picture na magkasama kaming dalawa ni Elthon, yong mga moment talaga na sweet kami para mas mainis sila. Kahit wala akong gawin sakanila ay maiinis parin naman sila sakin o di kaya magagalit kaya lubos-lubosin ko na!

From Dana: Online pero di man lang marunong mag reply? Feeling famous ka Nicole?

From Ann: Sabi nila kapag malalandi matagal daw mamatay? Now I know na totoo pala yon, long live sis!

From Erika: Hoy Nicole! Paturo naman pano maging malandi!

Pinagtutulungan na nila ako, squad to sila eh. MJL squad tawag sakanila! MJL short for marites, judgemental at lalaitira.

Pinindot ko yong message ni Dana para reply-an ko sya.

To Dana: Na notice na kita kaya wag ka na po magalit :)

Agad naman itong nag angry react sa message ko kaya tumawa nalang ako.

To Anna: Sabi nila kapag daw mga pakialamera madaling mamatay? Don't worry, bibisitahin kita sa libingan mo!

May isip ulit ako na sasabihin kaya nag message ulit ako sakanya.

To Anna: Btw, papunta na daw si kamayatan! Kakatawag nya lang sakin kanina, congrats!

To Erika: Wag kang pa feeling inosente, alam kong mas magaling ka pa sakin...yon ang sabi ng mga ex mo. Ingat ka dyan sainyo, wag kang lalabas ng bahay kase may mga higanteng t*t* ang nag aantay sayo :)

Bumuntong hininga ako at nilagay itong cellphone sa upuan. Nakakapagod makipag usap sa taong walang kwentang kausap, hayst! Kelan ba sila titigil sa kakaaway sakin? Eh, ang tatanda na namin para sa mga ganitong usapan o away, super childish kase binabalik pa nila yong noon grabe, di talaga nila ako makalimutan.

Biglang tumunog itong cellphone ko, kinakapa ko yon at tinignan. Nagulat ako ng makita si Dana...my god! Ano to? Na pindot ko ba?

"Oh, gulat na gulat ka yata?" Natatawang tanong nito sakin.

'At least maganda parin kahit gulat.'

Yon sana ang gusto kong sabihin kaso ang hangin ko na masyado kaya wag nalang.

"Nicole, Nicole, Nicole," paulit-ulit nitong banggit sa pangalan ko.

"Kamusta naman ang buhay ng mang-aagaw na kagaya mo?" Tanong nito habang ang isang kamay ay nilalaro-laro ang buhok nya.

Hinawi ko ang buhok ko at magsasalita na sana. "Feeling maganda yan?" Inis itong ngumisi sakin.

Hinawi ko lang ang buhok ko feeling maganda na agad? Diba ba pwedeng maganda lang wala na yong salitang feeling!

"Ayy nako pasensya naman, pag pasensyahan mo nalang muna itong kagandahan ko. Ang ganda ko kase kaya mas lalong minahal ako ng asawa ko."

Bakas sa mukha nito ang pagka-inis.

"Maganda? Saang banda?!"

"Tumalikod man ako, mag side view, humarap o di kaya tumuwad pa, maganda parin ako. Kung pwede lang ipamigay itong kagandahan ko asahin mong di kita bibigyan kase kahit bigyan man kita pangit ka pa din..."

"...kagaya nyang ugali mo." Dagdag ko pa.

Halata sa mukha nitong mas lalo pa syang nainis sa sinabi ko. Kasalanan ko bang nakipag video call sya sakin? Kasalanan ko bang sasama yong araw nya dahil sakin? Anyway, masama naman ugali nya pati pagmumukha nya kaya siguro okay lang na pati rin araw nya masama!

"Iba na talaga ang mga mang-aagaw ngayon, ang kakapal na nang mga mukha!" Natawa ako ng pagak sa sinabi nya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status